Friday, April 25, 2014

Obscure Bible Verses #16. To be or not to be... circumcised? Tanungin ang Bibliya!

Bakasyon na sa Pinas at alam ng lahat na panahon ito ng pagsuswimming, pagbabakasyon sa mga probinsya at pagpapatule o pagsuswimming sa dagat matapos magpatule sa probinsyang pinagbabakasyunan. Ito kasi ang pinakamagandang panahon para magpagaling ng sugat kesa umabsent ka sa mga buwang merong klase o kaya kung kelan Xmas break. Teka, uso pa ba ang maglanggas gamit e e pinakuluang tubig na merong dahon ng bayabas at asin?    

Sa Kristyanismo (oo, Kristyano rin ang mga Katoliko), hindi naman inoobligang magpatuleng gaya ng mga Hudyo. Pero, kung tumubo na ang damo sa paligid bago lumabas ang ulo ng ahas mo, at nahihiya ka kaya ka naghahanap ng kakamping berso sa bibliya para malaan kung dapat ka ngang magpatule, ating alamin ang mga verses tungkol rito. 

Dapat ba tayong magpatule? 

Sabi sa Genesis 7:11 e kailangang gawin itong pagpapatule bilang tandang tayo e anak ng Dios at hindi  nabibilang ke Taning. Isa itong covenant sa pagitan ng Dios at tao. Bukod sa binyag, kumpil at iba pa, dapat ring ginagawa ito ng isang Kristyano ayon sa Genesis.

Kung bakit e ewan ko. Bakit gusto ng Dios na ipatanggal ang 'sobrang' balat na ito sa ari ng mga lalake? Bakit hindi na laang niya nilikha ang mga tayong wala nun? Matapos niyang likhain mula sa lupa si Adan, bigla na laang niyang naisip na, "Teka, mukang mas maganda kung kita ang ulo ng uten." Ganun ba 'yun o gusto nya talagang magpakita tayo ng commitment sa pagpapakita ng ating pagmamahal at pananampalatay sa kanya sa pamamgitang ng mutilation? Parang shotang gusto e patunayan mo ang pagmamahal mo sa kanya at me ipapagawa sa iyong kung anu-ano. Palaisipan rin sa akin.
"11 And ye shall circumcise the flesh of your foreskin; and it shall be a token of the covenant betwixt me and you. -Genesis 7:11"
Nung panahong ito e sa Lumang Tipan e talagang tanda ito ng pagiging anak ng Dios. Sa kwento ng Dinah at ng mga Shechemites, hiniling ng naagrabyadong partido ni Dinah na magpatule ang mga Shechemites kung gusto nilang magkaroon ng kasal sa magkabilang panig. Ayaw tanggapin ng mga kapatid ni Dinah ang kabilang tribu kung mananatili silang mga supot. Mababasa ang malupet at madugong labanan at katapusan niyon dito

Kelan ba dapat magpatule?

Dapat ay walong araw pagkapanganak sa bata e pinapatasahan na. Kung saan hinugot ang walo, hindi ko rin alam. Bakit hindi ika-pito dahil magandang numero iyon at ibig sabihin e isang linggo? At paboritong numero pa ng Dios iyun. Dun sa ika-pitong araw rin sya nagpahinga, 'di ba?


Please DON'T try this at home.
Paano ang mangyayari sa mga hindi matutule?

Itatakwil sila ng konggregasyon dahil sa katigasan ng ulo (sa itaas, hindi ibaba) dahil ayaw nilang sundin ang kalooban ng Dios na makita ang bawat ari ng mga lalaki sa sanlibutan na walang talop.   
"14 And the uncircumcised man child whose flesh of his foreskin is not circumcised, that soul shall be cut off from his people; he hath broken my covenant. -Genesis 4:14"
Hindi laang mga bullies sa high school ang magiging problema ng mga supot kung gayon,  kundi pati ang pag-aaral na lumangoy sa dagat-dagatang apoy o DDA. 


Dahil laang ayaw mong patuleng duwag ka.
Teka, paano kung nalampasan na iyung walong araw, pwede pa bang i-extend ang deadline? Kunwari e nagkasakit ang manunule, hindi na pwede?


At kapag tatakpan mo ang mg mata mo, kelangang merong lalaking pipigil sa mga kamay mo.
Ang mga taga-Ehipto noon e nagpapatule kapag sila e nasa hustong edad na. Pero, hwag nating gawing huwaran ang isang liping nilunod ng Dios sa Red Sea dahil ayaw nilang palayain ang mga Hudyo, kahit pa sabihin nating kilala sila sa pagmamay-ari ng mga uteng kasing-laki ng ke Totoy Mola.

Pero, meron kayong magagamit na precedent, si Abraham. Si Abraham na tinuturing na Ama ng mga Hudyo, e tinagpasan ng 'sobrang' balat nung sya e 99 years old na. Sumabay laang sya sa anak nya noong ito e trese anyos. 



Hwag ka nang papaabot ng 99 years old at base sa updated kong statistics na nakuha ko 10 years ago e 67.5 years old ang life expectancy ng mga Pinoy na lalake. Kundi e matuto ka nang magtiis sa init ng kumukulong asupre sa DDA. At sa tingin ko e wala ka nang nakikitang mga kagaya ni Matusalem na inabot ng halos 1000 years old.

Pwede bang hindi na? 

Ikaw naman... ang mga karakter sa Bibliya nga e nagpatule gaya ng mga propeta. Pati nga itong pinakaimportanteng karakter na ang buhay e ginawang basehan ng santambak na pelikula at musical - si Hesus - e dumanas rin nito. Kung si Hesus nga nagpatule, ikaw pa? E anak na ng Dios 'yun, pero hindi pa rin exempted. 
"21 And when eight days were accomplished for the circumcising of the child, his name was called JESUS, which was so named of the angel before he was conceived in the womb. -Luke 2:21"
Sa katunayan nga e isa sa mga sagradong relic ng mga Katoliko ang balat na pinagtulian ni Hesus o kilala bilang Holy Prepuce. Ninakaw iyon sa panahon natin at kasalukuyan pa ring pinaghahanap. 

Hindi ba grabe naman ang parusa dahil lamang hindi nakapagpatapyas ng kaunting balat? DDA agad, ganun?

Sa katotohanan laang e binuwag itong lahat sa Bagong Tipan. Hindi na ito itinuring na mahalaga ng mga disipulong taga-sunod ni Hesus. Ipinangaral nilang mas importante kesa sa pagtatapyas ng balat ang ating kabutihan. Sinasabi sa Romans 2:25-26 na kung ikaw e umaaktong masama, para mo na ring kinubong ang pagkatule mo. At ang supot, bagama't supot kung gumagawa ng kabutihan e nagiging para na ring tule.
"25 For circumcision verily profiteth, if thou keep the law: but if thou be a breaker of the law, thy circumcision is made uncircumcision. Therefore if the uncircumcision keep the righteousness of the law, shall not his uncircumcision be counted for circumcision? -Romans 2:26"
Nasa iyo na iyun kung gusto mong patule o hinde. Sa totoo laang, sa panahon ngayon, maraming Kristyano, lalo na sa ibang bansa, ang mga supot dahil ang mas mahalagang tuliin e ang ating mga puso kesa ang ating mga ari.   


At dahil sa binagong batas na ito sa tule, naengganyo nila ang mga hindi Hudyo para makianib sa bagong relihiyong ito, gaya ng mga Romano. 
Yun nga laang, sigurado akong turn off sa mga Pinay iyon.


23 comments:

  1. I'm a doctor, so I'm all for circumcision for health purposes & cleanliness, it doesn't matter what your age, religion, culture you may have although this is actually a familial as much as a personal choice. But medical evidence has really show so it's hard to ignore it, better to cut it off :)

    ReplyDelete
  2. I agree with Clarissa. Regardless of age, religion and culture, circumcision is for health purposes and cleanliness. I am a Catholic but I haven't read those verses before. In either way, I still pursue circumcision even if it was not stated in the Bible.

    ReplyDelete
  3. I am surprised by the Bible verses, meron palang ganyan! I have 3 boys and I am not sure when will I have them circumcised! I think I have to talk to my husband now and schedule at least one of them for this. I just feel bad for them...

    ReplyDelete
    Replies
    1. The physical pain wasn't that much, but the dread of the days to the schedule felt like an appointment for a firing squad when I had mine before I went to high school.
      I've got more obscure bible verses in this blog and I hope you check them out. Thanks!

      Delete
  4. I've been reading your articles since I came upon your "Rambutan" post. Hehehe! Ang galing ng pagkakasulat. Nakakatawang basahin and witty.

    On this topic, I also have a medical background and I'm all for circumcision for reasons stated by Clarissa. Pero tama, OA naman ang bibliya sa mga parusa. Hehehe!

    ReplyDelete
  5. Again, if science will talk, of course they will go for circumcision. I am a Catholic and I believe that circumcision is needed for health purposes.

    ReplyDelete
  6. Ang pagpapatuli ay tinuturing na para sa kalinisan ng uten. Kaya nga gusto ng mga Pinay na tuli di ba? Ipapasok mo yan sa kanya nang hindi natutuli? Malay ba niya anong bahid, libag at amoy meron yan? (Parang si ano .... hehehe)

    ReplyDelete
  7. Thanks for the comments. I am sure the main reason Filipinos undergo circumcision is for said reasons: cleanliness and health.

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. well aside pa sa health reasons, aasarin din ng mga bata ang mga hindi pa nagpapatuli hehehe. pero seriously, akala ko sa old testament lang based ung pagtutuli, marami palang iba :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahiyaan na kapag supot na papasok sa high school. Isa sa mga pinakamalaking pang-asar e "Supot". Magkakasuntukan kapag ganun ang asaran. Hehe.

      Delete
  10. I'm all for circumcision for health purposes but not the traditional way :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang kung tawagin e di-pukpok. Talon sa ilog, pagkatapos tabasan.

      Delete
  11. For health purposes I agree with circumcision

    ReplyDelete
  12. Hahaha. I find this very entertaining. :) Very well execution of writing, medyo off beat lang yung topic pero mahusay! Kudos for this. Didn't know that it was in the bible. hahaha. Gab - www.taragumala.blogspot.com

    ReplyDelete
  13. Same with @rainbow journal, natuklasan ko ang blog mo sa iyong post about "rambutan".haha..I agree, mas ok pa rin kung magpapatuli for hygiene/health purposes..:)

    ReplyDelete
  14. Circumcision is for proper hygiene. In my opinion, every man should undergo this procedure.

    ReplyDelete
  15. what a candid way to tackle this... well sabi ng teacher kong mahilig sa green jokes pag di raw circumcised mabaho at bakit ka raw kakain ng kending me balot pa haha

    ReplyDelete
  16. Haha! Kending me balot pa - nice one.

    ReplyDelete
  17. Circumcision is important for health and sanitary purposes. Germs could find home in those folds which could cause STD's and other infections to woman during intercourse.

    ReplyDelete