Showing posts with label jesus. Show all posts
Showing posts with label jesus. Show all posts

Friday, February 19, 2016

Dalawang bagay na dapat maintindihan ng bawat kokontra sa sinabi ni Pacquiao

Napahilamos nang walang tubig ang muka mo noong napanood mo ang video kung saan sinabi ni Manny Pacquiao na mas masahol pa sa hayop ang mga taong pumapatol sa kapwa nilang kasarian. Ito ang reaksyon mo dahil para sa isang laging absent na congressman at papalaos nang boksingerong nangangailangan ng boto ng madla, hindi mo inaasahang masasabi nya ito dahil mahirap bumangga sa isang grupong me kakayahang makapagbigay ng boto. Lalo na kung ito e LGBT dahil nagkalat ang galamay nito sa media, mula balita, showbiz at mga nagpipilit na magpaganda ng kanyang inang merong shotang bata.  


Bagama’t hindi ka naman lalakwe, garutay, badaf o tibo, meron ka namang kakayahang umintindi at makisimpatya sa mga kapwa mo taong ang pinagkaiba laang naman sa iyo e mahilig silang magpompyang o makipag-espadahan. Isa rin sa ikinakagulo ng iyong bulbol e ang ideyang ang isang tumatakbo sa senado e hindi man laang nakakaalam na meron ring homosexual activities pati sa mga hayop dahil akala mo e alam iyon ng bawat karaniwang Jhon Jhon at Jhenz dela Cruz na nakatungtong ng haiskul.  

At nagpahayag ka ng iyong saloobin sa comments section kung saan mo napanood itong video. Ibinahagi mo rin ang video sa iyong FB o Twitter at ibinahagi ang butil ng itinuturing mong karunungan para ipagtanggol ang itinuturing mong naagrabyadong LGBT. Nabaitan ka sa sarili mo dahil nagpakita ka ng malasakit sa isang grupong sarili laang naman nila ang iniisip at nagsasalita laang kapag merong naagrabyadong kauri nila, tungkol man sa diskriminasyon ang isyu o hinde. 

Pero, nahulog ka sa kinauupuan mo at nabura sa muka mo ang iyong ngiti dahil lumalabas na maraming Jhon Jhon at Jhenz dela Cruz pala ang sumusuporta sa mga sinabi ni Pacquiao. 

Para sa kanila e walang masama sa sinabi ni Pacquiao dahil nakasaad ito sa bibiliya at oo nga, walang bading sa mga hayop. Kontrolin mo ang sarili mo, hwag mong sagutin pa ang kanilang mga pahayag, tiisin mo ang nangangating pangangailangan mong magwasto ng pananaw o maling pagkakaintidi ng iba. Bagkus, ikaw dapat ang umintindi dahil…  

1. Kahit anong paliwanag ang gawin mo sa pagkontra sa nakasulat sa Bibliya e hindi tatalab.

Parang balang tatalbog sa dibdib ni Superman ang kahit anong lohikal mong paliwanag sa mga taong itinuturing na ang Bibliya ang walang-dudang Salita ng Dios. Para sa mga ito, noong unang panahon e minabuti ng Maylalang na tumayo sa kanyang kinauupun, sumulyap mula sa mga ulap ng kalangitan para magdikta ng kanyang pahayag, utos, opinyon at nakakaaliw na mga kwelang kwento. Ang iba’t ibang ghost writers na taong pinili mismo ng Maykapal, mula sa kanyang pagdidikta, e isinulat ang lahat ng ito nang walang dagdag, walang bawas. Para sa mga fans ng book club na ito e literal na salita iyon ng Panginoon at hindi ito akda ng mga sinaunang taong naghahanap laang ng paliwanag kung bakit merong mga taong nangingisay na laang basta nang walang dahilan. Para sa mga manunulat na ito e ang mga taong ito e sinasaniban ng demonyo. Iyon e dahil ang 'sanib ng demonyo' ang pinakamalapit na translation na naisip nila para sa epilepsy.

Pinagpala ang mga bahay-bata na hindi nagbunga at mga uso na hindi nasusuhan. - Luke 23:29
Pag sinabi nating literal, ang ibig sabihin noon e naniniwala sila sa mga kwentong nakasulat sa Bibliya, gaya ng bangkay na bumubuhay ng bangkay, panot na propetang nagpatawag ng oso para rumesbak sa mga batang nang-asar sa kanyang pagkapanot, ang lipon ng mga nagsibangunang bangkay noong si Hesus e bumangon raw sa kamatayan at iba pang kababalaghang karaniwan mong mababasa ating panahon, gaya ng Harry Potter at mga Marvel at DC comic books e literal na nangyari. Literal o tunay, gaya ng mga natutunan mo sa aklat ng kasaysayan.

Kaya’t inyong intindihing kinasusuklaman nila ang mga lalaking nagpapaoros dahil nakasaad ito sa Leviticus 18:22 at 20:13, ang siya rin mismong libro sa Bibliya kung saan nakasaad na bawal rin ang magpatato (19:28), mangalunya (20:19), magsuot ng polyester (19:19), kumain ng hipon, pusit at alimasag (11:12). Dahil nakasulat rin ito sa mismong libro kung nakasaad ang batas sa bakla, iniisip mong dapat e parusahan rin ang mga lalabag sa mga pinagbabawal sa mga nakasaaad na bersikulo sa itaas. Huwag ka nang magpumilit dahil mali ka ng intindi sa mga bersikulong ito. Mali ka dahil:
  • hindi ka kaanib ng book club nila kaya't hindi mo naiiintindihan ang konteksto ng panahon noong ito e isinulat dahil hindi mo napapakinggan ang mga aral ng pastor nila. 
  • kulang ka sa pananampalataya.
  • metaphorical laang ang lahat ng ito.

Ito ang dapat mong tandaan at intindihin: Ang Bibliya e literal na salita ng Dios. Na minsan e metaphorical, depende kung umaayon sa norm ng panahon kung kelan ito binabasa ng mga fans ng book club na ito. Kung nakakahiya, gaya ng pagpayag sa pang-aalipin (Exodus 21:1), metaphorical. Kapag hindi nakakahiya at magandang pakinggan, literal.

Subukan mong tanungin ang katoto mo nito. Dapat ba nating isabatas ang parusang kamatayan para sa mga batang minumura ang kanilang mga magulang dahil nakasaad ito sa Leviticus 20:9?
For every one that curseth his father or his mother shall be surely put to death: he hath cursed his father or his mother; his blood shall be upon him. - Leviticus 20:9
Kapag ang sagot nila e OO, isa syang mabuting Kristyanong sinusunod laang ang nakasaad sa Bibliya. Kapag ang sagot nila e HINDI, ito e dahil metaphorical laang ang lahat. Kaya't walang maling sagot kundi ikaw ang mali dahil hindi ka naniniwala sa Bibliya.

At dahil naniniwala nga silang ang Bibliya ang literal na salita ng Dios, hindi gagana sa ang ideya ng merong same sex marriage sa kanila dahil ang kanilang kinatatakutan nang todo e ang mapagaya ang Pinas sa Sodom at Gomorrah. Para sa kanila, kapag idinutdot mo ang uten mo sa wetpaks ng bakla, mapopoot ang Dios at manggugunaw sya ng bayan o bansa. Oo, dahil laang isinusuksok sa maling butas ang mga ari.

Bukod sa hindi mo naiiintindihan ang dalawang antas ng pang-unawa sa Bibliya (literal at metaphorical), hindi mo rin nauunawaan na kapag sinabi nilang hayop, ibang uri ng hayop ang pinag-uusapan mo at nila dahil...

2. Kakaiba ang pagkakaintindi nila sa hayop.

Ito e dahil iba ang konsepto ng hayop sa Bibliya. Walang pinagkaiba sa kung Bikulano ka at ang ibig mong sabihin ng salitang 'ayam' e aso at meron kang kausap na Indonesian na ang 'ayam' e manok. Kaya't kapag sinasabi mong takot ka sa 'ayam', ang iniisip ng kausap mng Indonesian e ikaw ang chicken dahil takot ka sa manok.

Kung ano man ang intindi mo sa hayop, e iba ang sa kanila. Ang paniki para sa iyo na isang mammal, e ibon sa Bibliya.

Ibon man iyan o mammal e hindi ko kelangan ng bible verse para hwag itong kainin.
Pag binalikan mo pa sa Genesis e makikita mong sa simula pa laang e nalilito na sila kung ano nga ba ang hayop. Ni hindi nga malinaw kung kelan sila nilalang. Bago ang tanong sa manok at itlog, mas nauna nang tanong kung alin ang naunang nilalang, ang manok ba o ang betlog ni Adan?

Parang lasing lang kasi ang sumulat ng Genesis. Nung idinidikta ng Dios sa kanyang ghost writer ang kwento ng paglalang, sinabi nya sa unang kabanatang hayop raw ang una nyang nilalang, pero sa susunod na kabanata naman e si Adan. Para kang merong kinakausap na batang nakabasag ng vase at nagbabalu-baluktot ang istorya. Sa tuwing tatanungin mo e merong bagong version kung paano ito nabasag. 

Faith ang sagot.
Sa Genesis pa rin, sa kwento ng The Fall of Man, e merong nagsasalitang ahas na tumukso ke Ebang kainin ang ipinagbabawal na prutas. Sa Bible Universe, kakayanin ng ahas na lumikha ng boses na gaya ng sa tao kahit magkaiba ang anatomy ng vocal cord ahas at tao. Bukod run, pati ang isang asno e nakapagsalita rin para manakot ng isang tao sa isang kwento.

Sa mga susunod na kabanata  matapos ng kwento ni Adan at Eba e mababasa nating napagkasya ang lahat ng mga hayop sa mundo, dalawa ng bawat uri nito sa isang barkong nilikha ng isang 600 anyos na lalaki at ng mga kamag-anak nito. Kanilang pinaniniwalaang ang mga herbivore, carnivore, omnivore, at iba pa e nagawa nilang pagtabi-tabihin nang hindi naglalamunan, nagkakapisatan at nagkakamatayan. 

Maning-mani ang Math puzzle na ito ke Noah na nagawang pagsama-samahin ang lahat ng hayop sa mundo sa iisang Arko.
Sa Bible Universe, pipwedeng magkasundu-sundo muna ang lahat ng hayop, maging ito man e aso, pusa, leon, tigre, polar bear, alakdan at matsing. At handa silang maglakbay mula Middle East papuntang Australia at North Pole at doon manahan matapos ng Baha. 

Sa Bible Universe rin e nagawang magparaming muli ng mga ito na ang gamit laang e tigagalawang hayop (na ni isa e walang bakla, take note) sa bawat uri. At dahil dito ang mga giant panda e hindi itinuturing na endangered species dahil hindi mas mababa sa isa (1) ang bilang nito. 

Teka, pati nga pala ang mga dinosaurs e umabot sa panahong ito ni Noah. Pinaniniwalaan ng mga itong ang dinosaurs e nabuhay nang kasabay ni Eba at Adan at umabot pa ke Noah. Sumakay rin sila sa Ark. O baka naman hindi sila nakasakay kaya sila na-extinct? Tanungin mo ang pastor ng kaibigan mo dahil hindi ko rin kayang unawain ito.

Mapapansing ang pang-unawa nila sa nature ng hayop e iba sa natutunang nature ng hayop sa mga aralin natin sa Science noong elementarya. Kaya’t inyong intindihing hindi nila alam na ang mga hayop e meron ring mga homosexual. 

Hwag nyo na silang bigyan ng links ng scholarly articles na nagsasaad nito dahil wala itong binatbat sa nag-iisang librong pinakamahusay sa lahat at hindi nila babasahin iyan. Nakakatukso mang padalhan mo sila ng links ng mga lalaking kabayong kumakasta ng lalaking asno e huwag nyo nang gawin dahil ito rin ang sasabihin nila:
  • E ano ngayon kung me mga baklang hayop? Dahil ginagawa ito ng mga hayop, gagayahin na natin?
  • Baket, nagpapakasal ba ang mga hayop?
  • Ikaw pala ang eksperto ng mga sex ng hayop, mukang marami kang karanasan a.
  • E di ikaw, kumasta ka ng hayop.
At kung anu-ano pang malayo sa putukang hirit, samantalang ang sinasabi mo laang naman e mali ang pinagbasehan ng punto ni Manny Pacquiao na hindi marunong makipagtalik sa kapareho nilang kasarian ang mga hayop dahil kahit sa simpleng galugod sa Youtube laang e meron nang magsisilabasang gay dogs, gay horses, horse mating with donkey, atbp.

Sa huli kapag nilimi-limi mo, isang pag-aaksaya laang ng panahon ang makipag-argumento sa mga taong ito dahil hindi mo sila matitinag sa kanilang posisyon. Inaasahan mo bang ang mga taong naniniwala sa Bibliya bilang literal na salita ng Dios e mapapahinuhod sa salita ng isang tao sa FB? Dios! Sino ka kumpara sa kanilang Dios? Neknek mo. 



Sunday, February 7, 2016

3 Mungkahi Para Hindi Gaanong Boring ang Misa

Sa Pilipinas ang problemang kinakaharap ngayon ng Simbahang Katoliko e hindi ang mga paring nangmomolestya ng mga sakristan, kundi ang mga nakababagot, nakakapurga at nakakaantok na misa. Nababawasan ng mga nagsisimba dahil kung ang gusto laang naman nila e tamarin at mabagot, meron namang boksing sa tv. Itong pagkaurat na ito ang isa sa mga tinalakay ng mga pari sa International Eucharistic Congress (IEC) nong nakaraang buwan.

Dahil mas mahalaga ke Tagle ang hwag mainitan kesa sundin ang God' Will na sya e maarawan.

Ang isa sa nasilip nilang solusyon e ang gumawa ng mga pagbabagong aangkop sa kulturang Pinoy. At ang mungkahi ng ilan sa kanila e baguhin raw nila ang pagkakasunud-sunod sa kung sino ang unang susubo ng ostya sa komunyon. Unahin raw ang mga bata sa halip na ang mga matatanda at pari dahil ganito raw ang kultura nating mga Pinoy. Huli raw kumuha ng pagkain ang padre de pamilya. Wow! Tanggal na tanggal ang pagkabagot ko, sabi ng wala. Ho-hum!

Nahahalata mong ang kamay nila e wala sa pulso ng karaniwang Jhenz dela Cruz, kundi nasa kanilang pitaka kaya't wala silang ideya kung ano ang mga nakakanakaw ng atensyon at nakakanaw ng donasyon. Sa totoo laang, hindi ko alam kung ideya ito ng mga matatandang pari. Pero ikamamatay kong malaang mula sa henerasyon ng mga paring nakinig dati ng Guns N' Roses nanggaling ang mungkahing ito.

Mga mungkahi ko para sa pagbabago

1. Komunyon

Hindi ko naman pinapangarap na palitan ang manipis na papel na kilala bilang ostya ng hamburger. Kahit na Angel's burger laang iyon e masasaid ang budget ng Simbahan run. Manipis na ginupit-gupit na papel pa rin ang ostya, pero tatanggalin natin ang pagpila.

Alam nyo kung anong bahagi ng misa ang biglaang nakakabuhay muli ng dugo ng mga nagsisimba? Yung kung saan nagbibigayan ng "Peace be with you" ang mga tao. Matapos makinig nang walang humpay sa pari at makatulog sa sermon, ito ang pagkakataong makakapagsalita ang lahat nang hindi pagtataasan ng kilay ng mga katabing manang. Para lang itong sa eskwelahan. Kapag puro dakdak ang guro nyo, tatamarin rin kayo kapag naglaon. Kelangan nating gumalaw rin at magsalita. Ito ang dahilan kung bakit minsan e nagpapasagot sa pisara ang mga guro ng Math. Nakakabagot talaga kapag passive ka laang at walang ginagawa. 

Sa pagbabagong naisip ko para sa komunyon e magiging bahagi ng aksyon ang lahat. Sa halip na pipila ang mga tao para sumubo, ipapasa ng mga lame minister, este, lay minister ang mga ostya by rows. Get one and pass ang sistema. Wala namang masama sa sistemang ito. 

Noong araw nga e hindi ba't ang paniniwala e hindi tayo karapat-dapat na humipo ng katawan ni Hesus? Kaya't mga pari at ministro laang ang humahawak nito dati at nganganga ka kapag tatanggap nito. Binago nila ito. Ngayon e pwede na nating tanggapin ito sa ating mga palad na sya rin nating ginagamit sa pagmamariang-palad. Sa sistemang naisip ko e ipapasa natin sa katabi natin itong ostya, parang test paper. 


Kung bukod sa ostya ang maipasa ng katabi mo, God's will iyon kung pati TB e maipasa sa iyo.

2. Musika

Anong instrumento ang gamit sa misang Pinoy? Organ at acoustic guitar. Mga instrumentong perpekto sa paghehele ng sanggol sa alas dos ng hapon. 

Aba'y panahon nang nakawin ke Satanas ang rock n' roll at dalhin ito sa pamamahay ng Panginoon. Tingnan nyo ang ginagawa ng mga Burn Again at mga charismatic movements. Andaming nahahatak na kabataan ng mga 'yun kahit wala namang nagpapamigay ng condom. Iyon e dahil alam nilang ma-appeal sa kanila ang musika ng demoonyo. Wala namang masama sa paggamit ng musika ni Satanas kung ang dinadakila mo naman e si Hesus.

Si Hesukristo nga mismo e kumakanta ng rock sa Jesus Christ Superstar. 

"Gawin nyo ito sa pag-alaala sa akin!"

3. Q&A portion

Kung tayo e manghihiram ng istratehiya sa mga Burn Again, manghiram na rin tayo sa gimik ng isa sa pinakamabilis na lumalaking kulto sa Pinas - ang grupo ng Ang Dating Daan. Sa totoo laang, hindi ito ang pangalan ng pangkat nila: MCGI o ewan. Wala namang nakakaalam nun kundi mga myembro mismo nila. 

"Magkaiba ang tumbong at puwet." - Eli Soriano

Nakakahatak ng myembro ang mga ito dahil meron silang Itanong Mo ke Soriano portion. Sino ba naman kasing tao ang walang tanong na gustong masagot? Gaya nito:

  • Sino kinana nina Cain at Abel? Si Eba rin ba? At bakit nung pinalayas si Cain e meron na syang natagpuang bayan? Saan nanggaling ang mga iyon?
  • Paano nagkasya ang mga hayop sa Arko ni Noah? Pinaglakbay ba ng Dios ang mga kangaroo at polar bear sa disyerto ng Middle East para maligtas sa baha ng mundo?
  • Kung hindi ba naghudas si Hudas e matutuloy ang pagpapako sa krus ke Kristo?
  • Baket parang tatanga-tanga lagi ang mga disipulo ni Hesus?
  • Bakit na sa halip na lipulin ni Hesus ang sakit na polio sa balat ng lupa e nagpagaling laang sya ng mga mangilan-ngilang pilay sa kanyang Jesus Healing Crusade Tour?
  • Nagsariling-sikap rin ba si Hesus? 
  • Bakit nagpalipas pa ng tatlong araw si Hesus bago mabuhay muli? Bakit hindi doon mismo sa krus para nakita ng lahat ang kanyang pagkabuhay-muli? O kaya e bakit hindi nya binisita si Pilaato noong nabuhay sya para sabihing, "Kitam? Ipapapako mo pa ba ako uli?"
  • At heto ang isang aktwal na tanong sa programa ni Soriano, "Kung tayo e nilikha sa imahe ng Dios, masasabi ba nating merong pwet ang Dios? At knug gayon, ano ang maaamoy natin kapag sya e umutot?"  

Hwag nyong sabihing hindi kaya ng mga pari ang magpaliwanag ng nilalaman ng fiction ng Bibliya. Napansin nyo bang walang paring nakikipagdebate ke Soriano o kung anu-anong religious debates? Ito e hindi dahil wala silang alam. Ito e dahil kumbaga sa suntukan e mga boxers sila at makakasuhan sila ng murder kapag sila e nanapok ng ordinaryong tao. Mga bihasa sa Bibliya ang mga ito dahil mga sampung taon o higit ang pinag-aralan ng mga ito sa Bibliya, philosophy, atbp. Kaya't kung gugustuhin nila, kaya nilang magpaikut-ikot ng mga tao sa pamamagitan ng Bibliya. 

Marami pang pwedeng gawin para makauto, este makahimok, ng Simbahang Katolika kaso sa tatlnog ito muna tayo magfokus. Saka na iyong mga mas mahahalaga, gaya ng pagpayag na magkaroon ng paring bubae. Pero, mukang malabong mangyari ito dahil minsang merong gustong maging kakaiba e natuligsa naman. Hindi kasi sila open-minded, at ayaw nila gaya ng naghoverboard na pari
  


Tuesday, February 10, 2015

7 Pang Kapatul-patol na FB Posts

Aba't nakalampas na rin pala ako ng kalahating taon mula noong pumatol ako sa 7 posts na nakita ko sa FacebookSa bagong sistema sa FB, parang kapag meron kang ni-like o nilagyan ng comment, sumusulpot ito sa newsfeed. Hindi mo na kelangang i-share ito at lalabas na laang. Dahil dito, kung anu-anong posts ang nagiging bida sa aking newsfeed. 

Gaya ng naunang 7 kapatul-patol na posts, gusto ko ring pumatol, pero hindi ko... Teka, pinatulan ko pala ang iba. Yung iba kasi sa mga ito e 'yung mga tanong na gaya ng choose 1, 2, 3 o 4, gaya nito.



At dahil nasusulat ito sa pangungusap na patanong, e 'di sumasagot ako. Bagama't gusto ko rin ang anti-semite na soap operang Passion of the Christ, hindi ko makita kung paano kong ituturing na pinakaimportante sa akin ito, samantalang 'di ko maisip ang isang buhay na walang 1, 2 o 3.

Dahil segu-segundo e merong mga nagta-type ng 'Yes', 'Amen' at nagla-like, natatabunan ang aking mga comments sa loob ng sampung segundo. Kaya't minabuti kong ipunin rito sa Jerboy Must Die! ang mga pinagpapatulan kong gaya nito. 

1.  Like = Resect


Resek na resek!
Alam na natin ang kwento ng pagkamatay di umano ni Hesus para sa ating mga kasalanan. I-type raw natin ang 'amen' para sa 'di ko malamang dahilan. Para ba itong si Austin na nagtatanong ng, "If you want Stone Cold Steve Austin to raise hell, give me a hell yeah!" Sa imbes na mag-high dive ang mga Kristyano, nag-e-amen sila. Ewan.

At mas hindi ko maintindihan e kung ano ang dahilan para i-like natin ang post na ito para i-resect si Hesus. Kung hindi bahagi ng talasalitaan nyo ang 'resect', heto ang ibig sabihin nito: to do a resection on

Hindi pa ba sapat na ipinapako sya ng mga Hudyo at gusto pa nating i-resect ang kanyang bangkay? Hindi pa ba kayo solb sa pagpapakahirap na tinanggap ni Hesus sa mga eksena sa Passion of the Christ at gusto nyo pang iparesect sya sa mga doktor? Ulitin ko laang: ang gusto nyong mangyari, matapos di umano e tinubos kayo ni Hesus mula sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagkakapako't bayubay sa krus sa Golgota e gusto nyo pang ipabulatlat ang kanyang laman sa pamamagitan ng pagla-like? 

Uulitin ko: Ito ang gusto nyong gawin sa bangkay ni Hesus.


2. Psalm 126:6

Psalm 126:7 God says Jerboy is not lying.

Malamang habang nagla-like at nagshe-share ang mga Kristyano (oo, mga Kristyano rin kayong mga Katoliko), e merong troll na naghuhumalakhak sa likod ng kanyang computer dahil sa bersong ito. Hayaan nyong ipunto ko ang buong irony ng post na ito. Heto ang isang post tungkol sa pagtitiwala at pangangailangan ng ebidenysa, tapos e kasinungalingan laang pala ang laman ng aktwal na berso. 

Kaya't heto ako, isang tao, at ipapakita ko sa inyo ang isang ebidensya rito sa JMD! na ang nilalaman ng Psalm 126:6 e hindi ang nakasulat sa quote post. Hwag nyong basta tanggapin laang ang salita ko nang buong puso, na parang pinamimigay na magasin ng mga Saksi ni Jehovah. 

Buti na laang at hindi ko kelangan ng blood transfusion. Dahil kung hindi,
baka tinanggihan ako ng PGH dahil sa aking Jehovang magasin.
Damputin nyo ang bibliya nyo at hanapin sa mga pahina nito ang bersong Psalm 126:6. Bumalik kayo kapag nakita nyo na ang katunayan ng aking sinasabi. 

Solb?

3. Proud to be a child of a mass murderer

Sinong god? Odin? Zeus? Poseidon?

Nung nakita ko ito, ako e napasagot ng "Which god, the one who sent bears to kill children who mocked a prophet for being bald?" Isa itong obscure bible verse na aking ibinahagi noon. Kung 'di kayo pamilyar sa kwentong ito, obscure nga e, malamang pamilyar kayo sa kwento ng Noah's Ark. Sa kabila ng kaaya-ayang hayop na nakikita nyo sa mga colouring book ng mga bata, puzzles at cartoon adaptations nito, hindi pupwedeng hindi sumagi sa isip nyo ang kawalanghiyaan ng isang diyos para kumitil ng buhay ng buong populasyon sa mundo. 

At ilagay si Noah at ang kanyang pamilya sa incest sex para magparaming muli.
Tutal, meron naman syang superpowers, hindi ba pupwedeng madyikin nya na laang ang mga tao para magbagumbuhay? Kelangang patayin? Lahat? Pati mga bata? Kung nahihirapan kayong intindihin ito, imadyinin nyong sa panahon natin nangyayari ito. Pati anak, pamangkin, pinsan at mga kapitbahay nyo e mababangkay sa pagkalunod sa isang baha.

Pagpasensyahan nyo ko kung isang malaking NO ang sagot ko rito dahil hindi ako anak ng isang psycho.

4. E 'di huwag.


So? Ayaw nga nilang magpagabay sa Dios, bakit sila manghihinayang na hindi sila ginagabayan ng Dios? Gusto nga nila ng sarili nilang paraan, sariling diskarte, sariling pag-iisip na hindi nakatanikala sa mga pausong dikta, este gabay, ng isang mass murderer na pabagu-bago ang isip at manlulumo sila sa ideyang ito? 

Tanong: Paano natin malalaan kung paano tayo gustong gabayan ng Dios? Libreng pogi points sa Langit para sa sipsip na sumagot ng Bibliya. Kung ito ang inyong gabay, dapat nyong sundin ang mga gabay nito sa dapat kalagyan ng mga misis sa tahanan.

"Shut up, woman," Timothy

5. Kaibigan

"Yon laang ba ang pinagmamaktol mo? Gusto mong maramdamang magkaibigan pa rin tayo? Hinahayaan mong halos mamatay ako sa gutom, manghina nang ganito't walang magawa, walang makitang hinaharap, walang makitang dahilan para mabuhay o bumangon sa umaga, dahil gusto mong malamang kaibigan kita?" sabi ng Aprikanong bata. "Okay, friends na tayo. Pwedeng penge ng tinapay?" 

"No," sabi ni God.

6. Carbs


"Magkacarbs ka na rin laang, hintayin mo ang the best mula sa The Cake Boss."

Paano gumagana ang mga dasal? Iyan o God works in mysterious ways.
Merong off night ang Dios? Merong pagkakataong sa imbes na 110% ang maibibigay ng Dios bilang sagot sa iyong kahilingan e lackluster ang kanyang performance? Iyon ba ang tawag mo sa ex mo, less than God's best? 

Alam nyo kung ano ang naaalala ko sa post na ito? Iyung kwento tungkol sa paglalalang ng Dios ng tao. Noong una raw niya itong niluto mula sa putik e natagalan at doon raw nagmula ang mga Negro. Sa ikalawang luto naman e masyado napabilis ang pagpatay sa apoy kaya't maputla. Iyon raw ang mga Kano. Sa ikatlong pagkakataon, tama raw ang timpla. Hindi gaanong maitim at hindi masyadong maputla. Iyon raw ang mga Pinoy. Yung unang dalawang luto ng Dios ang less than his best at ang Pinoy ang da best. Dito pala nagsimula ang #PinoyPride.

7. Heaven
Hayaan ko na laang si Peter North mismo ang magtanggol sa kanyang sarili.


Monday, July 28, 2014

6 na kakaibang bagay na nalaan ko tungkol sa INC mula sa ex ko

Santambak ang articles sa newsfeed nyo sa Facebook ngayon dahil sa sentenaryo ng sektang kinaiinisan ng mga Ang Dating Daan at ng mga Katolikong nasora sa post kuno ng isang troll noong Yolanda.   

At naka-isang daan na rin pala ang Iglesia ni Cristo na minsan e ginusto kong bumukod ng Pilipinas. Isipin nyo: Bawal sa kanila ang makipagrelasyon sa mga hindi kaanib ng kanilang relihiyon. Sarado ang kanilang utak sa pananw ng iba't sila laang ang raw 'maliligtas'. Kung gayun din laang ang gusto nila, inisip ko noong dapat e bumili sila ng sarili nilang isla sa Pinas at doon na laang tumira nang hiwalay sa mga hindi kaanib para walang hassle. 

At sa mga panahong ako e susot na susot sa sitwasyong kinasasadlakan ko, ipinangako ko sa sarili kong kapag yumaman ako nang todo, bibilhin ko ang lahat ng kanilang sambahan at iko-convert at gagawing Iglesia ni Cristo Motel. Bago tumaas ang INC na kilay nyo lampas ng inyong noo, hayaan nyong ilahad ko ang pinagmumulan ng pait na ito - bahagi ng bigong love story ko noon ito.

Mapapansin sa mga karatulang hindi pa rin ako yumayaman.

Lahat gagawin ko sa larangan ng puso at puson. Hindi ako kumikilala ng relihiyon, kulay, taas, estado sa buhay, pagdating sa ngalan ng pag-ibig at ito ang dahilan kung bakit ang erehe kong mga talampakan e sumayad sa sahig ng templo ng mga INC. 

Para makaiskor sa tsik na ito, ako e sumama sa kanyang sumimba, este, sumamba. Matatandaang hindi ako sumisimba, kahit na mismo sa simbahan ng relihiyong pinili ng mga magulang ko noong ako e sanggol pa. Isipin nyo kung gaanong kalaking bagay para sa aking sumama sa isang pagdakila sa Dios sa isang relihiyong iba sa aking kinamulatan. 

Bago ito, nakasama rin ako sa mga bible studies ng mga Born Again at kung ano man ang tawag nyo sa propaganda ng mga Mormon na parang Electro Lux men. Nung nangyari ang mga iyon, hindi ko kelangang magbiis nang magara, magbyahe at maabala nang husto. Sa mga tanghaling tapat naman naganap iyon noong summber break ko noong high school. Ngayong pinag-iisipan ko ito, malaki rin pala ang isinakripisyo ko. Hindi ako nakapagsariling-sikap sa pagsama sa pag-aaral ng ilang berso sa Bibliya. 

Pero bukod sa hindi sila pwedeng kumain ng dinuguan at matinding kaaway sila ng Iglesia ni Soriano at kinaasaran nyo sila kapag nagdfudulot sila ng traffic, ano pa ba ang nalalaan nyo sa mga INC? Heto ang ilan sa mga nalaan ko:

1. Attendance

Kung sa catholic school na pinag-aralan ko noon e merong index cards para magtsek ng attendance, meron rin ang INC. Ang pinagkaiba laang nito e para sa lahat ito ng kaanib at hindi para sa mga estudyanteng pinipilit magsimba ng eskwelahang napili para sa kanila ng mga magulang nila. Meron silang tinatawag na tarheta at nakita kong ipinihit ng tsik ko ang kanya. 

Ipinaliwanag nyang kapag ilang beses kang hindi nakasamba, ituturing ka nilang iosang myembrong nanlalamig. At kapag gayon, binibisita ka ng nakatokang magtsek sa estado mo bilang myembro. Tatanungin ka kung bakit hindi ka nakakabisita't nakakalimot dumakila sa Panginoon. 

Pagpasok namin sa loob, natuklasan kong...

2. Hiwalay ang upuan ng mga lalake at bubae.

Isang katotohanang hindi pinaalam sa akin ng tsik nung niyaya nya ako, pwera na laang nung kami e papasok na sa loob. 

"Nga pala, magkahiwalay ang upuan ng mga lalaki at babae. Hwag kang mag-alala, magkatapat tayo mamaya ng upuan," sabi nya sa akin. 

At ganun nga ang nangyari. Pumili kami ng mga upuan kung saan magkatapat kami. Ang tanging naghihiwalay sa ming dalawa e limang metro ng konkretong sahig ng aisle, pero pwede kaming magpalitan ng mga erotikong tingin. How romantic. 

Meron kayang nagkakaselusang mga INC kapag merong katapat na ibang bubae sa samba ang mister/ BF nila?

"Sino 'yung katapat mo sa samba kanina? Umamin ka! Merong nakakita sa inyo."

Balita ko e sa ganito nabisto ang lalaki sa INC version. 
Ito ang lumilikot sa aknig imahinasyon, habang naghihintay ng pagsisimula ng pagsamba dahil walang makikitang pyesa ng art sa gusali ng misa dahil...

3. Sa imbes na krus, ang koro ang nasa harap ng samba.

Habang naghihintay ng pagsisimula ng samba, wala akong makausap. Pwera na laang kung trip kong makipag-usap sa mga estrangherong lalake't ianunsyo ko ang pagka-Katoliko ng relihiyon ko.

Nahiya laang akong magrequest ng 'Papuri  sa Dios' noon.
"Nasan ang krus ni Hesus? Nasaan ang mga santo? Saan ang sawsawan ng daliri para mag-antanda?" Ito ang mga tanong na ikalilikom ko ng "Lumayas ka, kampon ni Satanas" kung aking isasabunganga. 

Ilang minuto pa't nagsimula nang magsikantahan ang koro. At parang mga model platoon ng CAT, sabay-sabay sila kung maglipat ng pahina ng mga lyrics sa folder nila. Ako e napabilib. Mahusay, sabi ko sa sarili ko, habang ikinukumpara ko ang choir sa Tanza na inoorganan ni Aling Norma kapag hindi sya inaatake ng rayuma. 

Parang videoke, merong numero ang kanilang mga kanta at ito e pinapakita sa isang screen sa harap kung saan dapat naroon ang krus at altar ng mga Katoliko. Mas marami silang kinakanta nang sunud-sunod, 'di gaya ng sa Katolikong paisa-isa laang. 

Hindi ko alam kung praktis laang iyung pagkanta nila dahil maraming sunud-sunod. Anuman iyon, ang masasabi ko laang e pinupunan ng awit ang kakulangan ng mga bayolenteng imaheng nakasanayan ko sa simabahan ng mga Katoliko para malagay ang mga myembro sa mood na sumamba dahil...

4. Bumabaha ng luha sa mga samba.

At ilang minuto pa e dumating na ang ministro o kung anuman ang tawag nila sa pari nila. Nagsimula nang magsidasal ang lahat. O nagsimula nang isingit ng lahat ang kaya nilang isnigit sa pagitan ng kanilang walang humpay na paghagulgol. Sumpa man, alam kong ako e kilala sa paggamit ng exaggeration sa aking mga sinusulat, pero hindi simpleng iyak ang itatawag mo sa nagaganap na yaon. Hagulgol, palahaw, siphayo, ngawa, atungal - iyan ang mga mas bagay na katagang gamitin. Kung uso pa ang mga taga-iyak sa burol ng mga Intsik, sa INC sila dapat naghahanap ng mauupahan dahil sila ang da best sa larangang ito. Ito e kung hindi labag sa kanilang relihiyon ang umiyak sa kamatayan ng hindi kaanib. 

Sa Philippine Arena o Manalo Dome kaya ginanap ang kanilang sentenaryo? Kung gayon, malamang e pang-Guinness World of Records ito para sa pinakamaraming sabayang paghagulgol sa iisang gusali. 

Papayag kaya sila rito?: "This is WrestleMania XXXV and we are live at the Tithes Arena!"
Ang pagngawa kayang ito e nagagawa nila ng lingguhan? At kung gayon, ano ang kanilang ginagawa linggu-linggo para mabago ang sitwasyon para hindi na sila umiyak sa susunod na linggo? Nahahalata na kayang hindi ako INC dahil hindi ako umiiyak? Magpapanggap na rin ba akong umiiyak? Palalabasin ba 'pag natuklasang isa akong infidel?  

Sinubok kong tuklasin nung sumunod na linggo kung ganoon pa rin ang kanilang pag-iyak, pero hindi man laang ako nakatapak sa looban ng kanilang templo dahil...

5. Sinasarhan nila ang gate nila kapag nagsimula na ang samba. 

Kitang-kita ng mga mata kong infidel ang mismong pagsasara ng kanilang gate. Late ako ng isang minuto at wala na akong magagawa sa bagay na iyon, kundi ang mag-siomai sa Chowking.

Naalala ko tuloy ang isang sinabi sa ko volunteer na nagbabantay at humarang sa amin noong World Youth Day sa Luneta noong '95 at nagsabing sarado na raw ang daanang aming nilabasan ng mga ilang minuto laang ang nakalilipas: "Hindi nagsasara ang pinto ng langit."   

Sa susunod, agahan nyo nang hindi napagsasarhan
ng Pinto ng Langit.

Hindi pala uubra ang gayon sa mga INC. Hindi pala pwedeng gawin ang ginawa ng kapatid ko noong na-late sya sa misa dati. Nagsimba sya sa sumunod na misa hanggang umabot sya sa hindi nya inabutang bahagi ng unang misa, parang noong panahong pwede mong gawin ang gayon sa sinehan. 

Ganun pala sa kanila, sabi ko sa sarili ko. Hindi ba't dapat nilang tanungin ang sarili nila ng What Would Jesus Do o WWJD? At natuklasan ko rin sa samba, sa pangangaral nilang...

6. Hindi nila tinuturing na Dios si Hesus! 

Sa samba ko unang narinig ang Council of Nicea kung saan, kasama ang ilan pang bagay na pinagpasyahan, pinagbotohan ang divinity o pagka-diyos ni Hesus. Naniniwala silang iisa ang dios at ito e ang Dios Amang para sa mga Katoliko e 1/3 laang ng Holy Trinity. 

Kagulat-gulat para sa akin ito dahil hindi ko akalaing ang isang sektang merong nakakabit na Cristo sa pangalan e hindi naniniwalang diyos si Hesus. 

Hindi na ako umabot sa puntong malalaan ko kung ano ang ikapu o kung nandaraya ba sila sa porsyento ng kanilang sahod kung paanong ang iba e nandaraya sa kanilang buwis dahil hindi rin naman kami nagkatuluyan. Meron kasing sumibol na ibang love story sa akin at isang Katoliko. 



Sunday, May 4, 2014

Not-So-Obscure Bible Verses #5: Ang Pagkakataong Gumamit ng Hindi Kaaya-ayang Lenggwahe si Hesus

Sinong mag-aakalang si Hesus e nagkaroon ng pagkakataong gumamit ng lenggwaheng hindi gaanong kaaya-aya. Sa kabuuan ng mga kwentong binabanggit siya sa Bibliya, mawawari mong isa syang larawan ng pagiging maginoo, pino't banayad ang pag-uugali't pananalita. 
Blessed are the meek...
Kilala sya sa pagkakaroon ng matinding pasensya, sa puntong kahit na sya e hinahamak at ginugulpi nong araw na sya e ipapako sa krus e ni isang pagmumura e walang umalpas sa kanyang bibig. Naiimagine nyo ba kung gaanong kasakit makoronahan ng tinek? Aba'y nasundot ko laang ang gilagid ko habang nagtu-toothpick e napasigaw agad ako ng 'Kamputa!' Isipin nyo pa 'yung ipinapako ang mga kamay nya sa krus. 

Kung meron ka mang pwedeng masabi sa kanyang pagtitimpi e merong pagkakataong isinumpa niyang mabaog ang isang fig tree dahil sa gutom. At narun rin pala 'yung pagkakataong nagwala siya sa templo.  

Isang bantog na motivational speaker, nagturo sya ng aral sa moralidad at tungkol sa kaharian ng Ama sa pamamagitan ng mga parables gamit ang mga piling-piling salitang makapaglalarawan ng kanyang punto sa pamamagitan ng simbolismo. 

Hindi gaya nitong tele-evangelist na itong nasa komiks, kung ito'y paniniwalaan.
Baka naman gutom laang sya uli sa pagkakataong ito dahil mababakas na ang mga ginamit nyang simbolo e tungkol sa gera, sa imbes na ang mga pambato niyang nawawalawang tupa, barya o mga bubaeng hindi naglagay ng langis sa lampara. 

Sinimulan nya itong pangangaral sa bahagi ng kabanatang ito sa ideyang kung gusto ng isang taong maging disipulo ni Hesus dapat e mas malalim ang pagmamahal niya ke Hesus kesa sa sarili o pamilya nya. Demanding!    

Inihambing rin niya ito sa isang haring makikidigma nang hindi gumagamit ng scout at hindi nagbibilang ng kalaban. Mababakas na merong kakaiba sa kanya sa araw na ito, dahil sa imbes na metaporang merong kinalaman sa pagsasaka, e gera ang kanyang ginamit. 

Winakasan niya iyon sa pagsasabi na ang asin pag wala nang alat e dapat nang itapon sa tumpok ng tae o pile of shit. Ang ginamit na kataga e manure pile o dunghill sa mga English translations, pero alam na natin kung ano iyon sa modernong lenggwahe: pile of crap o pile of shit
Modern English translation: It ain't good enough for land nor a pile of shit!
Shet na malagket! Kungsabagay, 'shit' laang naman iyon at hindi 'fuck you', pero parang out of character laang. Kung ano ang nagbunsod sa kanyang iyon ang gamitin, sa imbes na pile of rubbish, e ewan. Malamang e ganun magsalita ang karpintero niyang amang si Jose at napulot laang niya iyon sa kanya.

Apocryphal version.



Monday, April 14, 2014

Kristo Komiks #2: Ang Sentensya


Matapos ang paglilitis (Kristo Komiks #1) na isinagawa ni Pilato, ipinasa niya si Hesus ke Herodes. Doon e binuyo sya ni Herodes na magmilagro. Hindi natinag si Hesus at hindi pumayag na magmukang circus act. Sa nadaramang pagkabagot, ibinalik ni Herodes si Hesus ke Pontio Pilato. 
1

2
3
4



Not-So-Obscure Bible Verses #4. Ibinigay ni Hesus sa Isang Con Man ang Kaligtasan

Sa tingin ko e walang hindi nakakaalam ng kwento ng dalawang magnanakaw nung ipinako sa krus si Hesus. Sa tradisyong Romano Katoliko, kinikilala ang dalawang ito bilang Dismas (Dimas sa Tagalog) at Gestas (Hestas sa John En Marsya). Dito e malalaan kung alin sa dalawa ang holdaper at alin ang con man. 

Ang eksena: Nakabayubay sa krus ang tatlong naparusahan ng kamatayan. Walang nakikitang pag-asa ng pagtakas. Mamamatay silang tatlo sigurado. Sa gitna ng tatlo e si Hesus.

Ating tandaang ang nakapako sa krus at pinatutungkulan ng dalawang magnanakaw e isang taong nasentensyahan ng kamatayan at pinaniniwalaan ng ilan bilang ang Mesiyas, ang Anak ng Dios, verbong nagkatawang tao - in short, makapangyarihan at least.

Bago ako humantong ke Dimas, ating himayin kung tama ba ang ginawa ni Hestas. Ano ang nasa kukote ni Hestas nung sinabi nya iyon? Merong dalawa laang na posibilidad sa katotohanan kung si Hesus e tunay ngang ang Mesiyas. Malamang e hindi naniniwala ang magnanakaw na si Hesus ang Tagapagligtas kaya niya nilibak nang ganun. At para saan? Ano mahihita niya run? Magpaka-cool sa harap ng mga Romano? Makapagbunton ng init ng ulo? E paano kung si Hesus nga ang Mesiyas? Ganung tono ba ang dapat mong gamitin sa Anak ng Dios na merong super powers na pwedeng maglitas sa iyo o gawaran ka ng parusa, gaya ng gawin kang isang palaka? 

Sa kaparehong puntong ito ko kinukwestyon ang sinseridad ni Dismas o ang magnanakaw sa kanan ni Hesus. Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon nya. Nakapako ka sa krus at bilang na ang oras o araw mo sa mundo. Wala ka namang nakikitang paraan para makaeskapo. Sa tabi mo e isang taong sinasabing 'Anak raw ng Dios'. Ibig sabihin nito e meron syang kakayahang makapagligtas sa mga pamamaraang hindi nasasaklaw ng paliwanag ng rason. At nakita mong hindi umepek ang paghahamon ng hunghang na si Hestas. Matapos nyang sabihn iyon e hindi naman nagtawag ng hukbong reresbak at magbababa sa inyo sa krus si Hesus. Ano ang tamang gawin, libakin rin ang 'Mesiyas', gaya nung kupal na si Hestas o gamitin ang sitwasyon bilang huling galaw ng desperasyon, ala-Hail Mary 'ika nga? Ipusta na laang kaya niya ang lahat sa maliit na pagkakataong baka iyon nga ang hinulaang Tagapagligtas? 

Naniniwala kaya si Dimas na si Hesus e ang Anak ng Dios? 

Naunahan ng dalawang milenya ni Dimas si Pascal sa kanyang Pascal Wager na nagsasabing (1) kung totoong merong diyos at ikaw e naniwala, maganda ang kalalagyan mo sa Langit at (2) kung wala ngang diyos at wala ring buhay sa kabila, walang mawawala sa iyo kung naniwala ka. 

At ito ang ginawa ni Dimas. Itinaya nya ang kanyang kaluluwa sa isang ideyang baka meron ngang buhay sa kabila dahil wala na syang aasahan sa buhay na kinasasadlakan nya nung mga oras na iyon. Kilala nya ba si Hesus nang sapat para maniwalang siya nga ang Anak ng Dios? Narinig nya ba ang mga aral nito, gaya nung pambatong Sermon at the Mount? Narinig nya ba ang katanyagan nito sa pagpapagaling ng mga ketongin, pagpapalakad ng mga pilay, pagbibigay-liwanag sa mga mata ng bulag, pagpapabangon ng bangkay? Iniisip nya kayang kaya siyang buhayin muli ni Hesus, gaya ng ginawa nito ke Lazaro? O tunay na naniniwala siyang ang ito nga Mesiyas na minsan niyang narinig at nasa hula ng mga propeta sa Lumang Tipan

Ito ang pinakasentro ng aking pagdududa sa motibo ni Dimas ang Penitent Thief. Kahit sa mismong disipulo ni Hesus na kanya pang nakasama at namalas ang kanyang mala-Diyos na kakayahang lumakad sa tubig at magpakalma ng bagyo e meron pang nagdudang sya e bumalik mula kamatayan. (Yup, ikaw Doubting Thomas ang tinutukoy ko.) Ang isa pang magnanakaw na nakatsamba laang na maging crucifixion buddy ni Hesus ang maniwala agad?

Not meant to be homoerotic.
At alam nyo na ang mga sumunod na eksena. Ibinigay ni Hesus sa kanya ang Kaligtasan. Ginawa pa syang santo ng Romano Katoliko at Eastern Orthodox Church. 

Ang Iglesia ni Dimas: Ang Madaling Daan

Kung meron man ritong aral para sa mga taong matigas ang puso sa mensahe ng bibliya, iyon e ang pwede nyo pang ipagpabukas ang pagbabago. Kung hindi solb sa inyo ang ideya ng Kaligtasan base sa inyong mga pari at pastor: pag-aabala sa pagdakila sa Dios ng isang beses sa isang linggo kasama ng maraming mga ipokrito't nakakatamad na balana, pagbibigay ng ikapu o donasyong sana e pinanggagasta nyo na laang sa ibang luho, pagkanta, pagsaulo ng mga dasal at kung anu-ano pang abala, ito ang relihiyong para sa iyo.

Ipinakita na ni Dimas ang pinakamadaling daan, ang loophole at short cut sa Kaligtasan. Pwede kang mamuhay nang gaya ng ginagawa mo ngayon, paporn-porn, patorrent-torrent at kung anuman ang pinagkakaabalahan ng mga taong kagaya mong nagbabasa ng blog ko. Hindi mo kelangang manamit nang pormal, makipagsapalaran sa traffic para makarating sa simbahan nang maaga, mag-like sa Jesus Daily sa Facebook, etc. Ang tangi mong lang dapat tandaan e ang dasal ni Dimas na nakasulat sa bersong ito tinatalakay ngayon. Gagawin mo laang ito sa tuwing pakiramdam mo e ikaw e mamamatay na, gaya ng pagsikip ng dibdib mo matapos mong lumamon ng isang malaking piraso ng crispy patang pulutan mo sa iyong Ginebra. Kailangan mo laang gayahin ang paraan ng pagsambang sinasabi ni Homer sa The Simpsons Movie.
   
" Why can't I worship the Lord my own way, like praying like hell on my deathbed?"   
Pwera na laang kung nagsisinungaling at pinagtitripan laang pala ni Hesus si Dimas.