Bakit ko hahadlangan ang sarili kong magmarunong sa boxing at gumawa ng aking prediksyon kahit na ang pinakahuli kong suntukan e sa isang ex-con na pinakyuhan ko sa liga? Kalimutan na laang nating nung sumuntok ang kaaway ko sa basketbol e nasalag ko iyon at nasipa ko sya papalayo at naawat kami ng referee at mga kakampi namin. Basta, naging eksperto na ako sa suntukan magmula ng araw na iyon. Pag hindi ka napataob ng isang ex-con na merong mala-kalabaw na katawan at nakahugot ka ng draw, pandagdag na iyon sa iyong street cred.
Recap natin: Talo sa desisyon sa unang laban si Pacman. Pagkatapos nun e natalo uli siya ke Marquez, ang Mexican-Executioner Executioner. Tapos e nanalo siya sa isang jobroning hindi ko na matandaan ang pangalan at nakaligtas sa isang palaos na pagreretiro.
Nanalo naman si Bradley sa pamamagitan ng 'smart boxing' o 'yung boring na laban kung saan nagpaparamihan na laang suntok na mailalanding at walang knockout o kahit man laang knockdown. Kung sino ang kalaban, nalimutan ko na rin. Basta jobroni rin malamang iyon.
Narito ang aking limang prediksyon:
1. Babanuin na naman ng kung sinong kakanta ng Lupang Hinirang ang ating national anthem.
Sinumang Pontio Pilatong kakanta sa national anthem natin e sigurado akong bababuyin laang nila ito dahil gagawin na naman nilang ballad ang dapat e martsa: Martin Fucking Nieverra, Jessica Sanchez, yung isang bubaeng naka-Imelda gown at ang pinakabantog sa pambuburaot ng lyrics na Christian Bautisa. Lahat ng ito e daplis ang tirada sa isang astig na martsang dapat e tunog gera at hindi lab song. Nakakasiguro akong ganito uli ang kauuwian ng ating pambansang awit dahil puro balladeer ang kinukuha natin para kumanta nito.
Hindi ba pwedeng isang marching band o kaya metal band ang kumana nito? Makakaasa kang maraming magkokomento sa kakanta nito na akala mong American Idol ang pinapanood nila dahil maraming gustong magpakaeksperto sa lahat ng aspeto ng boksing. Sigurado kang...
2. Maraming Pinoy na hindi man laang nakahawak ng gloves o nakapag-igkas ng suntok sa buong buhay nila ang magmamarunong at magiging boxing expert. (O kahit nagbabasa man laang tungkol sa boksing.)
Sinumang Pontio Pilatong kakanta sa national anthem natin e sigurado akong bababuyin laang nila ito dahil gagawin na naman nilang ballad ang dapat e martsa: Martin Fucking Nieverra, Jessica Sanchez, yung isang bubaeng naka-Imelda gown at ang pinakabantog sa pambuburaot ng lyrics na Christian Bautisa. Lahat ng ito e daplis ang tirada sa isang astig na martsang dapat e tunog gera at hindi lab song. Nakakasiguro akong ganito uli ang kauuwian ng ating pambansang awit dahil puro balladeer ang kinukuha natin para kumanta nito.
Hindi ba pwedeng isang marching band o kaya metal band ang kumana nito? Makakaasa kang maraming magkokomento sa kakanta nito na akala mong American Idol ang pinapanood nila dahil maraming gustong magpakaeksperto sa lahat ng aspeto ng boksing. Sigurado kang...
2. Maraming Pinoy na hindi man laang nakahawak ng gloves o nakapag-igkas ng suntok sa buong buhay nila ang magmamarunong at magiging boxing expert. (O kahit nagbabasa man laang tungkol sa boksing.)
Sisimulan nila ito sa prediksyon ng kung anong round matatapos ang laban o kung ito e aabot sa decision. Sa gitna ng laban, siguradong kokontra sila sa mga gagawin ng referee, mula sa pagbilang nito hanggang sa pagbubulag-bulagan sa mga makakalampas ng 'pandaraya'. Mag-iiskor rin sila ng mga rounds na akala mong nakatungtong sila sa isang boxing ring. At kapag umabot sa desisyon ang laban sasabihin nila kung ilan at aling round sa tingin nila nanalo ang manok nila, lalo na kung maoolats ang manok nila. Isantabi muna natin ang ideyang sila e hindi mga eksperto. Isipin na laang nating sila e nag-iiskor, gamit ang anggulo ng mga camera sa TV. At dahil maraming magmamarunong...
3. Magkakaroon ng mga headline na me kinalaman sa argumento sa labang ito kinabukasan.
Note: Hindi aktwal na larawan |
Titigil man ang krimen dahil pati magnanakaw raw e manonood sa laban ni Pacquiao, kinabukasan naman e magkakaroon ng mga headline ng saksakan, urakan, barilan, pambunuang kunketado sa labang ito. Kakambal na sa karamihan ang alak sa panonood nito. At isang nakamamatay na kumbinasyon ang alak, argumento at ang hindi pagkampi ke Pacquiao kung ikaw e nasa Pinas. Pag kumampi ka ke Bradley, e para ka na ring nanggaling sa angkan ng mga Makapili noong panahon ng mga Hapon. Walang Pinoy ang tatanggap sa ideyang kakampi ka sa ibang lahi. Kung meron mang sang-ayon sa iyo e iyon mga maka-Bradley, mga troll o kaya e mahusay sa pustahang hindi ginagamit ang puso at sa halip e kukote nya sa pagpili ng magbibigay sa kanya ng pera. At ang isang sa pagmumulan ng pagtatalong ito e me kinalaman sa pamahiin/ relihiyon, kaya't...
4. Merong mga mag-aabang kung isusuot ni Manny Pacquiao ang kanyang rosaryo at titingnan kung ikakapanalo nya ito o ikatatalo.
Maaalalang nung na-knockout si Manny ke Marquez, sinabi ng kanyang inang iyon e dahil sa kanyang desisyong talikdan ang kanyang pagka-Katoliko. Sinisisi ang hindi nya pagsusuot ng rosaryo papasok ng ring. Nakalimutan na raw niya ang tunay na Dios ng mga Katoliko at inilihis sya ng mga pastor. Kumbaga e para syang kriminal sa pelikula ni Ramon Revilla Sr. na nalimutang dasalan ang kanilang anting-anting kaya't tinablan ng bala.
Kung meron mang dapat sisihin sa pastor e iyon e yung pagiging sanhi ng pagpupuyat ng boksingero sa halip na nagpapahinga dahil sa sanrekwang bible studies. Kalimutan na natin ang isyu at pinakapuno ng lahat ng bible studies na ito - pamemera - dahil wala akong pakelam sa reliyon ni Pacquiao. Kahit mismong si Papa Roach e nauurat na sa mga pastor na ito at dineklarang hindi Dios ang magbibigay ng tagumpay ke Manny.
Key to Pacquiao victory: Wearing the rosary and making the sign of the cross |
Ewan ko kung bakit hanggang ngayon e meron pa ring naniniwalang namimili ng gusto niyang manalo sa isang sport ang isang diyos.
Manalo man o matalo si Pacquiao dahil sa 'rosaryo', malalaman mo malamang kung sino ang nanalo bago pa matapos ang broadcast sa iyong local channel dahil...
5. Maraming kupal na mang-iispoil ng resulta ng laban sa kanilang Twitter o Facebook.
Noong hindi pa uso ang mga smart phones, tablets at kung anu-ano pang gadgets, e uso na ang mga taong spoilers. Nung panahon pa ng Friendster e meron na akong isinulat na ring ganito. Inispoil ng kabarkada kong nanood sa sinehan ng laban sa gaya kong nanood sa TV na merong patalastas kung sino ang nanalo sa pamamagitan ng text. Oo, text pa iyon ha. Naisipan niyang magandang ideya ang lumikha ng mensahe, isa-isahin ang mga kaibigan niya sa address ng phone nya at i-click ang send button para ipaalam na nanalo si Pacquiao, pati ang round kung saan naganap ang knock out.
Paano pa ngayong panahon ng social media? Walang hahadlang sa mga itong ipangalandakan sa mundong alam na nila kung sino ang nanalo sa isang boxing match. Ang pinagkaiba laang nito sa ikinwento kong karanasan e meron kang magagawa sa bagay na ito: I-off ang cell phone at tablet kung ayaw mong masira ang panonood mo. At sa ngayon, wala silang utang na loob sa iyo at hindi sila mangingiming isambulat kung sino ang nanalo at bilang manonood, responsibilidad mong hwag mag-online 'pag ayaw mo ng spoilers. Hindi mo na nga sila matatawag na kupal ngayon dahil hindi ka dapat nag-oonline kung ayaw mo ng spoilers. Pasensya ka na laang kung hindi ka pwedeng manood nito ng live dahil meron kang kaibigang nag-iskedyul ng kasal sa araw na ito at ikaw pa ang best man.
Buti na laang at libre ako dahil Linggo ang laban. Hindi naman ako ng nagsisimba kaya't...
6. Panonoorin ko pa rin ang labang ito sa pag-asang meron akong mahihita kahit na alam kong mababagot laang uli ako sa labang ito.
Okay, parang hindi nga ito prediskyon, pero parang pansarili ko laang ang hulang ito. Hindi ko alam kung maraming kagaya ko ang nararamdaman.
Nawawalan na ako ng interes sa boksing at nanonood na laang ako dahil ke gusto kong makita kung mababawi ni Pacquiao ang kanyang Eye of the Tiger. Sa mga huli kong napanood na laban (hindi laang ang ke Pacquiao) e puro sa desisyon nauuwi ang lahat. Hindi ko alam kung ito e isang tanda ng ebolusyon ng sport mula sa all-or-nothing days patungo sa era ng smart boxing o ano. Ang napapansin ko e puro mga ingat sa pagboboksing ang mga boksingero ngayon. Hindi ko sila masisisi at hindi ko kayang uminda ng ganung karaming suntok mula sa mga taong nagtraining para magpataob ng kalabaw.
You got civilized! |
Pero, bilang manonood nawawala na ang igting, ang kaligayahan ko sa panonood. Puro yakapan, girian, pagtatanya. Kahit mismong si Pacquiao e hindi na gaya ng dati nya (dahil ba sa edad o para protektahan ang sarilnig kalusugang gayung meron syang hinaharap sa pulitika?). Hindi na kasing-intense. Sa ganun sya natalo ke Bradley nung una. Inakala nyang nangunguna na sya sa scoring. At ganun ang nakikita kong pamamaraan para manalo sa boksing ngayon, isang paraang mukang nakasanayan ni Bradley, base sa kanyang record.
At sa tingin ko ganito uli ang mangyayari. Iiral ang ganung klase ng boksing, matatapos nang paganun-ganun laang, at "thank you, fans, sa ibinulsa naming milyun-milyong dolyar". Sa desisyon malamang ito mauuwi. At babalik tayo sa una kong hula tungkol sa sasatsat na mga eksperto sa boksing kinabukasan.
Buti na laang at hindi pa pinagbabawal ang sabong ng mga tao. Kung gusto mong makakita ng mga nagpapanapok, mag-UFC ka na laang.
Buti na laang at hindi pa pinagbabawal ang sabong ng mga tao. Kung gusto mong makakita ng mga nagpapanapok, mag-UFC ka na laang.
Sa totoo lang, it's quite harsh para ipunato ang mga obserbasyon, but at the same time - nakakatawa siya. Same observation pagdating sa career ni Pacman. Yun nga lang, kasi tumatanda na rin siya and definitely, everything is not the same. He's not the best knock-out artist we have ever seen lately.
ReplyDeleteAnd, oh please, fuck those who said na may kinalaman pa ang so-called religion or divine intervention sa mga resulta ng laban. I don;t even think God wanted any piece of harm on them? Masyado lang mapaghinala o marumi ang utak ang ilang relihisyoso.
Ngayong nanalo siya? Ano isusumbat? Dahil kay God? Siugro tolerable pa kung magsasabing "Thank You Lord,"pero para ikonekta sa kung anek-anek na may kinalaman sa aseptong yun? NAH.
Nalimutan kong icheck kung suot nya yung rosaryo. Mukang hinde. Pero, prominenteng-prominente ang rosaryo sa kamay ni Mama Dionisia at kanyang 'voodoo' sa FB at lalo na sa Twitter. Masaya akong nanalo si Pacman, na akala ko e matatalo at matutuluyan nang magretiro. Sinong susunod, si Marquez na olats ke Bradley noong huli? Long shot, pero papansinin pa rin kaya siya ni Mayweather?
DeleteWell, nagdeklara siya na may dalawang taon pa siya para makipagbuno ng kamao sa business na yun. Let's see. Thought kung maysado akong magpapakarealista - mukhang nuknukan na rin ng pagkalabo para matuloy ang blockbuster match.
DeleteDi na ipinalabas sa local tv namin rito yung post fight interview. Sana naman e meron pang sumulpot na magagandang pangalan sa dalawang taong iyon.
Delete