Showing posts with label The Facebook Ref. Show all posts
Showing posts with label The Facebook Ref. Show all posts

Wednesday, October 10, 2012

The Face Book Ref #1: Ang Halu-Halo

Ang halu-halong nagsilbing mitsa para sa isang sagutang umaatikabo sa Facebook. Natanggap ko ang photo na ito sa aking wall dahil tagged ako. Nakita ni Mija Mac Hine at nag-comment sya ng 'mga hipokrito!' na sya namang ikinagalit ni Ianne Ladera Honrada at tinambakan ng sagot. Ang isyu e: May karapatan bang mag-comment ang friends of friend (na hindi mo friend) mo sa isang tagged photo? 

Ayon ke Ianne, walang karapatan si Mija dahil hindi sya friend. 

At ayon naman ke Mija e hindi dapat magreact si Ianne kung hindi sya apektado s comment. At isa pa raw e 'yung halu-halo ang tinutukoy nya. 

Ito ang mga pahayag ng judges: 

Judge #1: Pagkaiinit ng mga ulo nila. Panget ang binitiwang salita ni Mija Mac Hine at talagang nakakapikon ‘yun. Bagama’t, malupet magsalita ‘yung babae, sa kanya ako kampi. 

Judge #2: Parehong kabulastugan ang ginawa nila, pero pagdating sa isyu ng kung me karapatan bang mag-comment si Mija Mac Hine sa isang tagged photo ng kaibigan nya, masasabi kong pwede niya ‘yung gawin na walang nilalabag na batas (na sa tingin ko e sosyal). Ang lagay e ‘pag maganda ang comment o kaya ni-like e pwede, pero ‘pag pintas e hinde? Kung nag-like e 'di ba welcome laang ang comment ng friends of friend?

Judge #3: Nakakaaliw ang gaguhan nilang dalawa. Magmula nung ako e umedad (sabi ng Ref e naging pamilyado) ako e nawalan na ko ng opinyon o pakelam. Pero, nakakaaliw kaya’t wala akong boto.
Wala na kong mahatak pang judge who would give a toss sa isyung ‘to. Masama man sa kalooban kong ang unang isyu ng The Facebook Ref e tabla, ‘yun ang hatol. Tabla. Walang napatunayan kung sino ang mas tama at mas mali.

At dahil tabla ang boto 1-1-0, nakaka-disappoint man e wala akong maihahatol na panalo. Disappointing kasi 'yun na nga ang layunin nito, ang i-settle ang isang diskusyon at merong hiranginng panalo. Kaso, wala akong mahatak na judges sa unang episode. 

Ito ang aking opinyon: Pag pinuntahan ka mismo sa wall mo at dun ka pinepeste, talagang foul ‘yun, kahit sino e sasang-ayon dito. Ibang usapan naman ‘pag lumabas ka na ng pader mo. Sa oras na ang isang tao e lumabas ng wall nila at nagbigay sila ng comment o nag-tag ng photo sa kanilang mga friends, dapat e alam nilang lumalabas na sila sa kanilang privacy at safety at bago na rin ang rules.

Ang isa sa mga risks na dapat na tinatandaan ng lahat sa tuwing magtatag o magko-comment ay hindi mo kilala ang friends of friends mo (pwera na laang ‘yung mutual friends). Hindi mo alam kung anong klaseng tao ang nakalista sa friends of friends mo. Kung ako e magpapahayag ng opinyon sa isang post ng kaibigan ko, hindi ko mapipigil silang kumontra sa ‘kin kung iba ang opinyon nila. Kung nataong meron akong comment tungkol sa kung gaanong kabullshit ng pananawa nila sa isang isyu gaya ng RH Bill at nataong santambak pala ang mga kaibigang madre ng kaibigan ko at merong mag-comment kontra sa ‘kin e wala akong magagawa.

Gayun din sa isang photo. Pag nag-tag ka, at me nagtanong ng, “Sino ‘yung mukang longganisa ang ilong sa picture?” at nataong ikaw ‘yun, e wala kang magagawa. Bagama’t iyo ang larawan, ikaw ang kumuha ng litrato, iyo ang kamerang ginamit, iyo ang file, binubuksan mo na ang pinto sa mga friends of friends mo at sa publiko (kung hindi mo babaguhin ang default setting) sa oras na i-upload mo ‘yun at ilabas sa wall mo. Sa ganitong larangan e parang hindi na rin ‘to sa ‘yo at pag-aari na rin ng mga taong ti-nag mo. Bukas na ngayon ‘to sa papuri o kritisismo ng iba. Maaring magustuhan mo, maaaring hindi.  

Sa kabilang banda naman, kahit na merong lisensya ang isang taong magpahayag ng opinyon sa mga tagged photos (at by extension e comments), kailangan e iparating natin ang ating mensahe sa isang paraang mas maiiintidihan tayo at hanggang maari e hindi nakakapikon. Hindi tayo maaaring magbitaw ng mga katagang ‘mga hipokrito!’ at hindi umasa ng reaksyon. At gaya ng pinosteng pahayag, aasahan nating magiging kasing-igting nito kung hindi man mas maanghang ang katapat nito. At isang cop out para sa akin rin ang sabihing ang mga halu-halo ang tinutukoy na hipokrito, bagama't nakakatawang 'pag inisip mo e wala namang tao sa picture nga. 

Pareho kayong me katwiran at pareho ninyong pinaniniwalaang tama kayo. Malungkot man e sasabihin kong walang matinong husga ang tatlong hurado na magsasabi ng kung sino ang tumpak. Ang sa akin laang e palampasin na natin ito at sana e meron tayong sapat na nakalagak sa banko ng pagkakaibigan para malimutan ‘to. Nawa’y isang sinok laang ito sa isang mahabang pagkakaibigang hitik sa pinagsamahan.
Shit, give me The Nobel Peace Prize! 





Facebook Ref #2: Status Updates Winner


Marami-rami ring nagpahayag ng opinyon nila sa isyu nina Denver at Nelson. Ang pinakanamamayaning ay ang ideya ng walang pakialaman sa gusto o trip ng isang tao. Kung gusto nilang magpost ng mga maliliit na bagay na ganun e walang pakialam ang magbabasa nito. 

Sa isyung ito, itinatanghal na panalo si Denver ng tatlong hurado sa skor na 3-0. 

Ipinaliwanag ni Fredda (hindi judge) sa comment nya na lumabas talaga ang nahihimlay nating narcissism dahil sa Facebook. Maraming tao ang nag-iisip na mahalaga sa iba ang bawat bagay na nangyayari sa kanila o kaya ginagawa nila 'to para ireassure ang kanilang mga sariling hindi ganung kaboring ang buhay nila.

Nirepresenta naman ni A Les (hindi judge) na meron talaga't maraming nakakabuset na comments na ganito. Ika nga nya, "Who the hell cares kung san ka kumain, anong kinain mo, nasan ka ngayon?" At gaya ng karamihan ng nagbigay ng opinyon, sinabi nyang meron namang hide button. At dagdag pa ng iba, pwede ring mag-unsubscribe at mag-unfriend. Pwede rin namang hindi hwag na lang pansinin. 

Sinabi rin Htenaj na para sa kanya ang pagpopost ng maliliit na bagay na gaya nito e paraan para malaman asawa niyang nasa malayong lugar kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pag inisip mo, yun naman talaga rin ang silbi ng Facebook, para kumunekta sa mga kaibigan mong nasa malayo. 

Nung ang feature na ito e ginawa, isinaalang-alang nila ang ideyang gusto ng mga taong malaman ang status ng isang Facebook user. Mula sa wikipedia:

Originally, the purpose of the (status update) feature was to allow users to inform their friends of their current "status", including feelings, whereabouts, or actions, where Facebook prompted the status update with "Username is"... and users filled in the rest. 

Na eventually e mababago sa 'What are you doing right now?' at sa 'What's on your mind?' sa kasalukuyan. 
  
Sa bagay na 'to, ating pakaisipin ang ilang bagay na 'to: 
  • Maari kang magpost ng kahit napaka-trivial ng mga bagay. Kahit nga yung uminom ka laang ng tubig, pwede. At ito talaga ang intensyon nung ginawa ang feature na ito. 
  • Sa kabilang banda naman e pag-isipan mo ring me mga taong naiinis sa mga ganyang klase ng posts. Ika nga, "Who the hell cares?" Gaanong kaimportante ba sa 'yo ng pag-inom mo ng tubig para ipangalandakan mo sa lahat ito?
  • At kung ikaw naman e punum-puno na sa ganito meron ka namang pwedeng gawin: hide, unsubscribe, unfriend o hwag mo na lang pansinin. 
  • Maganda ring gamitin ang Fredda Rule bago ka magclick ng share sa post mo: If it's not something I would relate to a real-life (not FB) friend if we talk on the phone, then no I will not post about it.
Hanggang sa muling kaso. Sinumang merong isyu na gustong iresolba, dalhin laang ninyo sa The Facebook Ref. 
  

Monday, October 8, 2012

The Facebook Ref #2: Status Updates

Para saan nga ba ang mga posts sa Facebook? Sa tanong na "What's on your mind?" segundo iisa laang ang sagot ng mga lalake riyan tuwing tatanungin nyo sila nito sa bawat minuto -sex

Nung una ako nagkaaccount sa Facebook, e ganito ang intindi ko sa status posts. "Really, you're asking me this? Aba'y anupi? Sex!" yan ang sabi ko sa sarili ko.

Pero alam nating lahat na ang status posts e hindi ganun laang ang silbi. Kung ganito laang ang silbi nito e malamang puro mga ganito ang nasa posts ng mga lalakeng online sa loob ng isang oras:
  • Aling site kaya ang hindi blocked ng aking kompanya?
  • Ano kaya ang suot na underwear ni ________?
  • Tangna, anlaki pala ng boobs ni ________! Ngayon ko lang napansin.
  • Aba'y di ko pa nga pala napapanood 'yung dinawnlowd ko.  
At alam ninyo na ang ideya. Pero sa Facebook na ito, sari-saring bagay ang ipino-post ng mga tao, mga berso ng bibliya, ninakaw na quotes, mga tungkol sa sinusundan nilang basketball, tungkol sa mga karelasyon nila, mga nangyayari sa eskwelahan ng anak nila, at iba pang mga bagay na passionate ang mga tao. 

Pero ano naman ang pananaw ninyo sa sa isang taong nagpopost ng bawat maliliit na detalye sa buhay nila, mula sa kung ano ang kinakain nila, pinapanood nila hanggang sa estado ng pagiging busog na nila. 

Actually, mas marami pang likes 'tong post ng isang kumakain kesa sa blog entries ko.

Ayon sa isang Nelson, ang mga posts na ganito e walang saysay sa mga taong bumabasa nito. At para sa kanya e hindi na raw sya magpopost ng mga walang kabuluhang posts na gaya nito. At ang iniwan niyang post ay 'Time is gold.'

Sa post na ito e me nagreact na kaibigan nyang si Denver. Sinabi nyang ang mga posts na yun e hindi para sa kaligayahan ng ibang mga mata. Wala raw pakelam ang iba kung me nagpopost ng mga pagkain nila, bagay na binili nila, atbp. Hindi raw saklaw ng nagbabasa nito kung ano ang nasa isip ng nagpopost ng ganito. Tinanong rin ni Denver na baka yung taong pinariringgan niya ang walang kwenta o baka naman naiinggit laang. 

Pero kelangan ba nating malaman ang bawat malilit na bagay na ganito? Hindi ba nakakapeste rin bilang mambabasa na makakita ng mga ganitong detalye? Ako mismo e nagbukas ng bagong account para makaalpas sa mga basurang nakikita ko sa luma kong account. Meron ring akong nilulutong post tungkol sa isang bagay na medyo kahawig nito (Ipopost ko within the week or next). 

Sa isang banda, wala ka rin namang mahita sa isang friend na hindi nagpopost. Hindi mo alam ang nangyayari sa kanila dahil wala silang ibinabahagi sa inyo, kulungkutan, kasayahan o trivial man. 

Heto ang original post ng iringan: 


Kaya't ang tanong: Wala nga bang kwenta ang mga status updates na ganito (anong kinakain mo, anong pinapanood mo, at mga kauri nito) para ipaskel pa sa Facebook? 

Bukas ang linya para sa inyong opinyon. At gaya ng naunang episode ng Facebook Ref, ang magwawagi sa bagay na 'to e ilalagay sa The Facebook Ref billboard. 



Monday, September 24, 2012

The Facebook Ref


Dahil santambak na sa mga friends ko ang nakikipagtalo, nakikipag-away o nagpaparinig sa Facebook, inaalay ko sa inyo ang aking modified na ideya ng The Marriage Ref, The Facebook Ref. Kung tinatamad kayong magcheck ng link, e heto ang premise:

Sino mang magka-friends na nagtatalo tungkol sa isang bagay gaya ng:

  • "Tama ba ang magreply sa isang comment ng isang friend of friend mo na hindi mo naman friend?"
  • "Dapat ka bang i-tag 'pag alam nilang panget ka sa picture o lawit ang bilbil mo?"
  • away mag-asawa o magshota
  • me nang-aaswang na tropa
  • atbp bagay na kelangan nyo ng husga kung sino ang tama at mali 

Ang bawat panig e bibigyan ng pagkakataong magsabi ng kanilang pahayag o side nila. Ang silbi ko e magreferee. At ang mga judges na usually e tatlong friends ko na maiistorbo ko (to give a fuck) sa mga isyu ninyo. Usually ang pipiliin ko e 'yung mga hindi kayo friends pareho o hindi kayo gaanong kakilala para maging biased sila.

Ang magwagi ng 2 o 3 boto mula sa tatlong judges ang tatanghaling panalo at ipagagawa ko ng billboard na wall photo na nagsasabing kayo ang tama.

Kung interesado kayo, i-private message nyo ko at sabihin ang nature ng problema at knug sino ang kadebate ninyo.