Showing posts with label Jerboy's Weekly Roiund Up. Show all posts
Showing posts with label Jerboy's Weekly Roiund Up. Show all posts

Monday, August 25, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Hipon, isa pang Guinness record holder, mga aksidente sa selfie, atbp.

Ang Guinness Record holder sa pinakamaraming piercing na si Rolf Buchholz e hindi pinapasok sa Dubai kelan laang. Akala ko e dahil nasira ang metal detector sa airport sa dami ng hikaw nito. Yun pala e dahil lumalabas na pinagbibintangan itong gumagamit ng karunungang itim. Ewan ko kung saan nila nakuha ang ideyang iyon. Dahil sa dalawang nakausbong na bukol sa noo nya?

Bago kayo manghusga, tanungin nyo ang sarili nyo: 
Meron ba kayong Guinness record?
"Don't judge a book by its cover," 'ika nga nila. Hindi lahat ng lalaki e gustong magmukang Piolo Pascual, merong ibang ang istilo e ang maggayak ng hikaw. Samantalang ang ibang lalaki e nagkakasya na sa pagsusuot ng isang hikaw sa kaliwang tenga para ipakita ang kanilang istilo, pagrerebelde o pagkawalang pakialam sa sabihin ng iba, merong mga taong masyadong nana-90s-an dito kaya't kung saan-saan nagpapalagay sa muka't katawan. 

Itong ating Guinness Record holder e merong 453 na piercings sa kabuuan, 158 noon e sa labi laang nya. Kung nakokontian kayo at iniisip nyong malabong 453 lahat iyang piercings na nakikita nyo sa muka nya, iniimbitahan nya kayong buksan ang zipper ng pantalon nya't bilangin ang 278 na matatagpuan sa bandang kaselanan niya.

Kung ang Alemang ito e hindi makapasok sa Dubai, meron namang komedyanteng hindi na makakatuntong sa Davao. Pinapersona-non-grata ng Davao si Ramon Bautista sa pagtawag niya ng hipon sa mga bubae sa isang show niya sa Davao.

Ito na ngayon ang senyas sa hipon. 
Dahil Buwan ng Wika, nais ko munang dakilain ang nagawang ito ni Ramon Bautista bilang isang malaking ambag sa pagsusulong ng wikang Filipino. Tumanim sa kamalayan ng ngayon ng maraming mapag-Taglish na Pinoy na hindi dati alam ang ibig sabihin ng salitang kantong iyon ang ibig sabihin ng hipon: isang bubaeng merong magandang katawan, pero ibang usapan na ang muka. 

Kung meron mang isang katangian ang mga Pinoy na dapat baguhin ito e ang ating pagkapikon. Noong nagbiro is Justin Beiber sa pagkatalo ni Pacman, gusto itong ipa-persona non grata ni Cong. Carol Jayne Lopez. At ngayon ngang tinawag ni Ramon Bautista na hipon ang mga taga-Davao, ito rin ang hakbang na gusto nilang gawin. 

Ang pinagkaiba laang nito sa persona non grata ni Carol Jayne e galing ito sa isang Duterte. At ang ibig sabihin ng persona non grata sa mga Duterte e kapareho ng 'swimming with the fishes' sa mga Mafia. Para sa hindi mahilig sa The Godfather o mga gangster movies, heto ang isang pagsasalin sa wikang Kabitenyo. 


At para malamang seryoso ka, dapat labas ang dibdib mo.

Siguro e merong dapat ikatampo ang mga nagtampo sa birong iyon, tunay na hipon man sila o hinde. Pero, gusto kong pag-isipan nila ito sa pananaw na ito.


Kalahating puno o kalahating kulang?

Sabihin na nating sinabihan silang hindi nagmamay-ari ng kaaya-ayang pagmumuka, pero hindi ba't papuri ang masabing maganda ang katawan mo? Hindi ba't dapat magpasalamat ang mga swanget na bubaeng naroon dahil sinabihan silang seksi? 

Sa mga hipong ito, walang pumapansin sa kanilang muka. Walang nakakapansin kapag nagbabago sila ng hairstyle at hindi rin umaani ng likes kapag nagpapalit sila ng profile pic sa Facebook. Hindi ba't dapat e matuwa sila't sinabihan silang nagtataglay ng magandang katawan? 

Alam nyo ba kung gaanong kahirap para magpaseksi? Disiplina sa pagkain, sakripisyo sa ehersisyo at sa oras. Ang mga magaganda e sinuwerte laang sa roleta ng kapalaran at nagmula sila sa mga magagandang mga magulang. Meron rin namang nakakadaya sa pamamagitan ng make up, pero ibang paksa na ito at saka ko na laang tatalakayin kapag gusto kong pag-usapan ang mga sinungaling. 

Sa madaling salita, hindi pinaghirapan ng magaganda ang kanilang kagandahan, samantalang ginugulan ng mga hipon ng dedikasyon at paghihirap ang kanilang kaseksihan. Kung meron mang bayani sa larangan ng itsura, iyon e ang mga hipon. 

Naalala ko tuloy noong fiesta sa amin noong ako nag-aaral pa sa kolehiyo. Tanong ng isa sa mga bisitang kong kaklaseng taga-Maynila, "Wala bang maganda rito sa Tanza?" Hindi ko sya pinapersona-non-grata sa literal o Kabitenyo mang kahulugan nito. Yun nga laang, hindi ko laang inilabas ang leche flan at ube matapos ng tanghalian. 

Sa totoo laang naman e hindi importante ang itsura ng tao. Ika nga ng aking ama: 

Honore de Balzac - ang pinakamalapit na makukuha kong maglalarawan 
sa aking amang walang Facebook.

Hindi talaga ito importante. Tanungin nyo ang mga mahilig magselfie. Hindi ba't kabilib-bilib ang mga taong malimit iumang ang muka sa balana at isugal ito sa lihim na pang-aalipusta? Lakasan laang ng loob iyan. 

Gayunpaman, hindi ko naman kinamumuhian ang mga nagseselfie, lalo na't magaganda. Aba'y sino bang ayaw tumingin sa larawan ng isang maganda? 

Ang hindi ko maintindihan e kung bakit ganoon ang pagkakagawa sa mga camera phones. Malamang narinig nyo na ang santambak na aksidente na naganap dahil sa selfie. Merong sinapian raw ng demonyo (walang kinalaman si Rolf Buchholz), merong nahulog sa hagdan ng eskwelahan, merong nahulog sa tuktok ng bundok. 

Nito laang e isang teenager sa Pinas ang nag-ambsiyong maging ambidextrous noong sinubukang mag-selfie habang merong nakatutok na baril sa kanyang baba kanyang sarili. Gusto nyang magselfie, kaso sa imbes na camera phone ang nakalabit nya e, gatilyo ng baril. Buhay pa naman sya, kaya't pwede pa syang mag-take two kung gusto nya. Lagyan nya laang ng wristban ang isang braso niya para maalala niya knug alin ang kanan at kaliwa, parang Erap laang noon.  


Note: Hindi ito selfie. 
Alam nyo bang merong produktong kung tawagin e selfie stick? Ito e isang aparatong ikinakabit sa camera phone para mailayo ito habang nagseselfie. Ang hindi ko maintindihan e kung bakit hindi imbentuhin na laang ng mga camera phone makers ang timer. Pipindutin ang buton, tatakbo sa piling ng mga kaibigan o sa lugar kung saan gustong magselfie at maghintay ng ilang segundo. Ulitin hanggang makuha ang gustong larawan.

Timer at tripod laang ng katapat ng mga walang makuhang waiter na magkukuha ng larawan nila habang kumakain sa restoran o kaibigang kukuha ng litrato ng bagong-work-out-sa-gym nilang katawan.
  
Hindi mo na kelangang iunat ang braso mo.
Isa pang hindi ko maintindihan e ang lalaking itong nagpabunot ng ngipin sa isang albularyo. Ano 'yun, nabalitaan nyang merong nakakanser na kemikal sa ginagamit nyang toothpaste at naisip nyang wala nang mawawala sa kanya kung magtipid sya sa dentista? Nagpabunot itong isang lalaking ito sa isang faith healer at naimpeksyon at naging sanhi ng kanyang pagkamatay. 


Ang natipid sa dentista, nagasta sa kabaong. 
Dami ngayong nagpupuyos sa galit ang mga dibdib dahil sa panggagahasa't pagpaslang sa isang magandang bubae. Lilinawin ko: magandang bubae, hindi hipon. Tingnan mo nga naman, kung maganda ka, kahit hanggang kamatayan meron kang fans. Marami rin namang nareyp at napatay, pero hindi ikinasumpa nang ganito - dahil hindi maganda. 

Hindi ko sinasabing wala silang pakelam sa mga namatay na hindi maganda o hindi rin dapat tayong masuklam sa pagpatay nitong isang bubaeng maganda. Dapat ikagalit natin ito talaga. Ang sinasabi ko laang e hindi ganoon ang antas ng interes kapag hindi maganda ang biktima, 'no?  

Sa tuwing merooong lumalabas na karumal-dumal na krimen, ang bukambibig lagi ng mga tao sa FaceBook e ibalik ang parusang kamatayan, o 'ika nga ng isang nakita kong nabahaging larawan sa FB e 'little injection'. Ilan sa mga pambatong makikita nyong hirit:

  • Bitayin na iyan!
  • Dapat riyan pinuputulan ng ari!
  • ___________ (insert form of torture na akala nila e nakakatawa, gaya ng hiwain ng blade nang isang libong beses at patakan ng kalamansi) 

Ayos rin iyan. Pwera na laang na mataong ikaw ang mapagbintangan at ikaw ang maakusahan, gaya ni Hubert Webb. Hindi ba't napawalang-sala 'yun, matapos ang ilang taon nya sa piitan. At matapos ring magkaroon ng career ng isang look-alike niyang si Hubes sa Channel 5. 

Maibabalik pa ba ng 'Wow, mali. Sori po, tao laang.' ang buhay ng taong nailibing na kung mapapatunayang mali pala ang husga ng hukuman? Si Hubert Webb ngang anak ng sendor at alamat sa PBA, e nagkaganun tayo pa kayang mga karani-Juang tao laang? 

Para sa akin, kung meron mang dapat ibalik, ito e hindi little lethal injection, kundi massacre/ rape movies (!). 



Panahon na para lumabas ng lungga ng mag-asawang Caparas at gumawa ng pelikula sa kanilang Golden Lion Films. Bukod run, kelangan natin ng bagong dahilan para kamuhian si Kris Aquino. 

Gusto ko sanang tapusin ang round up sa isang magandang balita, kaso walang taxi driver na nagsauli ng naiwang pera o alahas nitong linggong ito. 


Sunday, August 17, 2014

Jerboy's Weekly Round Up #1: Ang Guinness Record ni Napoles, love life ng celebs, atbp.

Meron ba sa inyong Colgate Total ang ginagamit na pangsipilyo? Napabalita kelan laang na meron raw itong kemikal na maaring makapagdulot ng kanser. Ano kaya pakiramdam ng mga hindi nagyoyosi, pero nagko-Colgate Total? Ilan kaya sa kanila ang nagsabing, "Fuck it, makapagyosi na nga lang rin, tutal nadali na rin naman ako ng Total." Huli na kayang lumipat sa Maxam kung ilang dekada nyo na itong ginagamit? Yun e kung hindi nagbibigay ng ibang klase ng kanser ang produktong itong galing China.

Colgate Total pa!


Magkakanser man kayo, mabango naman ang hininga nyo at walang butas ang mga ipin nyo kahit papano. Buti na laang at nagagamot ang kanser sa mga likes sa Jesus Daily.

Pwede rin namang magparosaryo kayo ke Napoles. Baka pwede makibakas na laang kayo sa 2000 na rosaryong dinarasal nito araw-araw, ayon sa kanyang abugado. 2000 rosaryo? Hindi ko sinasabing sinungaling ang abugado, baka mahina laang sa Math. Sa loob ng 24 oras, ilan ang pwedeng dasalin ng isang tao? Aba'y dapat e ipasa sa Guinness Book of Records ito para Pinoy Pride.

Baka naman kasi mga FB likes laang 'yung ibig nyang sabihin. 1 like = 1 rosary. Yun e kung meron syang 2000 na taong nasa Napolist nya para ipagdasal syang huwag mandawit. 


Dahil hindi pa uso ang wheelchair noon.
Ang alam ko e kumita na ke Mayor Sanchez ng Calauan, Laguna ito noong panahon ng massacre movies noong 90s. Pero, mas mabalasik itong ke Napoles dahil galing sa kinatawan ng Dios, ang Papang si Pope John II na magiging santo na, ang kanyang rosaryo. Mantakin nyo iyon, balang araw e masasabi nating merong Pinoy na napasama sa Guinness Book of Records at minsang binigyan ng isang santo ng rosaryo. 

Ang hindi ko maintindihan e reliyohoso naman raw si Napoles. Ewan ko, pero para sa akin e kapatid noon ang isang malakas na pananampalataya, pero bakit nakabullet-proof vest sya? Hindi ba pwedeng patigilin ng Dios ang mga punglong ito, ala-Matrix?

Anong nakasulat sa vest ni Janette, PiNaPulis? 
Ang iniisip ko laang e kung ilan ang nagregalo ng Colgate Total ke Napoles ngayong mahirap yatang ipatira sya sa mga riding in tandem dahil gustong ipagbawal ito ng 1/3 ng TVJ. Layunin raw nitong mabawasan ang patayang inuugnay nila sa pag-angkas sa likod ng motor o riding in tandem. Ang tanging papayagan na laang e ang mga magkamag-anak. 


"Halata namang magkapatid kayo.
Sige lang, ingat kayo sa byahe." -SPO Cruz.

Umamin na raw sa kanilang relasyon sina Nanay Dionisiang 65 anyos at ang karelasyon nyang 38 anyos. Aba't tingnan mo nga naman. Age doesn't matter talaga. Sinong mag-aakalang sa edad nyang iyon, sa edad kong ito, e pupwede pang makabingwit pa ng ganung kayaman? Sa edad na 38 nakaratsa pa! Akala ko e mga 20 anyos ang target ng mayayaman. Nawa e magsilbing inspirasyon sa inyo itong mga lalaking hindi na kabataan. Kung hindi nyo kayang iangat ang sarili sa pamamagitan ng boksing, ang mga nanay ng boksingero ang i-KO nyo ng kakisigan nyo. 

Habang nagkakabombahan sa ibang panig ng mundo,
ito ang gustong malaan ng Channel 7.
Nagpropose raw si Dingdong Dantes sa shota nyang si Marian Dela Riva, ang artistang Hinarden ng Channel 7 noong lumpiat si Angel Locsin sa Channel 2. Base sa mga tiling narinig ko sa pinapanood na video ng misis ko, santambak na mga bubae ang nalaglag ang panty sa ginawa niyang ito. Santambak rin ang lalaking nagpapanggap na hindi pa nila ito napapanood para hindi sila masilo ng mga GF na mag-alok ng kasal. 

Ano bang meron sa proposals at sikat na sikat ito? Tang kahirap sigurong pakasal ngayon. Bukod sa gastos sa damit, handa, atbp, e kelangan mo pang magpakabida sa isang rom-com na pelikula at magpropose  sa shota mo. Fuck you kung basta ka laang nagpropose sa ilalim ng puno ng mangga habang nagpapatunaw kayo ng kinain nyong instant pancit canton na mineryenda nyo. 

Dapat tumigil sa pag-ikot ang mundo para maging sentro kayo ng atensyon sa mall habang lumuluhod ka suot ang isang magarang damit (dahil hindi pwedeng naka-t-shirt at shorts laang) habang pinapanood kayo ng mga madla. O ng mga bubae sa madla, habang nagyayayang lumayo ang mga lalaking ayaw mapilitang mapagaya. 
Tingnan mo nga nama't optional pala ang magarang damit
kung merong makapal ang balat sa hiya.
Matapos ang mga ganitong pausong proposal, meron pang bagong pauso bago ikasal. Gagasta pa ngayon sa potograpo para magmukang maghotang Koreanovela ngayon sa pre-nup shots na ipopost sa FB. 

Sino ang hindi makatulog sa tuwa ngayong lumabas na ang mga pre-nup photos nina Chitong Parokya at Neri? May kinikilig pa ba rito? Mas gusto ko pa rin ang screen cap noong O face ni Chito.  

Kilig.
Aba, balita ko meron pa raw part 2 'yung ke Paolo Bediones? Part 2 o take 2? Mas muka na bang nag-eenjoy sa hinahada, este, sinesex nya si Paolo 'Bad 'Yon' Bediones?