Showing posts with label pacquiao. Show all posts
Showing posts with label pacquiao. Show all posts

Friday, February 19, 2016

Dalawang bagay na dapat maintindihan ng bawat kokontra sa sinabi ni Pacquiao

Napahilamos nang walang tubig ang muka mo noong napanood mo ang video kung saan sinabi ni Manny Pacquiao na mas masahol pa sa hayop ang mga taong pumapatol sa kapwa nilang kasarian. Ito ang reaksyon mo dahil para sa isang laging absent na congressman at papalaos nang boksingerong nangangailangan ng boto ng madla, hindi mo inaasahang masasabi nya ito dahil mahirap bumangga sa isang grupong me kakayahang makapagbigay ng boto. Lalo na kung ito e LGBT dahil nagkalat ang galamay nito sa media, mula balita, showbiz at mga nagpipilit na magpaganda ng kanyang inang merong shotang bata.  


Bagama’t hindi ka naman lalakwe, garutay, badaf o tibo, meron ka namang kakayahang umintindi at makisimpatya sa mga kapwa mo taong ang pinagkaiba laang naman sa iyo e mahilig silang magpompyang o makipag-espadahan. Isa rin sa ikinakagulo ng iyong bulbol e ang ideyang ang isang tumatakbo sa senado e hindi man laang nakakaalam na meron ring homosexual activities pati sa mga hayop dahil akala mo e alam iyon ng bawat karaniwang Jhon Jhon at Jhenz dela Cruz na nakatungtong ng haiskul.  

At nagpahayag ka ng iyong saloobin sa comments section kung saan mo napanood itong video. Ibinahagi mo rin ang video sa iyong FB o Twitter at ibinahagi ang butil ng itinuturing mong karunungan para ipagtanggol ang itinuturing mong naagrabyadong LGBT. Nabaitan ka sa sarili mo dahil nagpakita ka ng malasakit sa isang grupong sarili laang naman nila ang iniisip at nagsasalita laang kapag merong naagrabyadong kauri nila, tungkol man sa diskriminasyon ang isyu o hinde. 

Pero, nahulog ka sa kinauupuan mo at nabura sa muka mo ang iyong ngiti dahil lumalabas na maraming Jhon Jhon at Jhenz dela Cruz pala ang sumusuporta sa mga sinabi ni Pacquiao. 

Para sa kanila e walang masama sa sinabi ni Pacquiao dahil nakasaad ito sa bibiliya at oo nga, walang bading sa mga hayop. Kontrolin mo ang sarili mo, hwag mong sagutin pa ang kanilang mga pahayag, tiisin mo ang nangangating pangangailangan mong magwasto ng pananaw o maling pagkakaintidi ng iba. Bagkus, ikaw dapat ang umintindi dahil…  

1. Kahit anong paliwanag ang gawin mo sa pagkontra sa nakasulat sa Bibliya e hindi tatalab.

Parang balang tatalbog sa dibdib ni Superman ang kahit anong lohikal mong paliwanag sa mga taong itinuturing na ang Bibliya ang walang-dudang Salita ng Dios. Para sa mga ito, noong unang panahon e minabuti ng Maylalang na tumayo sa kanyang kinauupun, sumulyap mula sa mga ulap ng kalangitan para magdikta ng kanyang pahayag, utos, opinyon at nakakaaliw na mga kwelang kwento. Ang iba’t ibang ghost writers na taong pinili mismo ng Maykapal, mula sa kanyang pagdidikta, e isinulat ang lahat ng ito nang walang dagdag, walang bawas. Para sa mga fans ng book club na ito e literal na salita iyon ng Panginoon at hindi ito akda ng mga sinaunang taong naghahanap laang ng paliwanag kung bakit merong mga taong nangingisay na laang basta nang walang dahilan. Para sa mga manunulat na ito e ang mga taong ito e sinasaniban ng demonyo. Iyon e dahil ang 'sanib ng demonyo' ang pinakamalapit na translation na naisip nila para sa epilepsy.

Pinagpala ang mga bahay-bata na hindi nagbunga at mga uso na hindi nasusuhan. - Luke 23:29
Pag sinabi nating literal, ang ibig sabihin noon e naniniwala sila sa mga kwentong nakasulat sa Bibliya, gaya ng bangkay na bumubuhay ng bangkay, panot na propetang nagpatawag ng oso para rumesbak sa mga batang nang-asar sa kanyang pagkapanot, ang lipon ng mga nagsibangunang bangkay noong si Hesus e bumangon raw sa kamatayan at iba pang kababalaghang karaniwan mong mababasa ating panahon, gaya ng Harry Potter at mga Marvel at DC comic books e literal na nangyari. Literal o tunay, gaya ng mga natutunan mo sa aklat ng kasaysayan.

Kaya’t inyong intindihing kinasusuklaman nila ang mga lalaking nagpapaoros dahil nakasaad ito sa Leviticus 18:22 at 20:13, ang siya rin mismong libro sa Bibliya kung saan nakasaad na bawal rin ang magpatato (19:28), mangalunya (20:19), magsuot ng polyester (19:19), kumain ng hipon, pusit at alimasag (11:12). Dahil nakasulat rin ito sa mismong libro kung nakasaad ang batas sa bakla, iniisip mong dapat e parusahan rin ang mga lalabag sa mga pinagbabawal sa mga nakasaaad na bersikulo sa itaas. Huwag ka nang magpumilit dahil mali ka ng intindi sa mga bersikulong ito. Mali ka dahil:
  • hindi ka kaanib ng book club nila kaya't hindi mo naiiintindihan ang konteksto ng panahon noong ito e isinulat dahil hindi mo napapakinggan ang mga aral ng pastor nila. 
  • kulang ka sa pananampalataya.
  • metaphorical laang ang lahat ng ito.

Ito ang dapat mong tandaan at intindihin: Ang Bibliya e literal na salita ng Dios. Na minsan e metaphorical, depende kung umaayon sa norm ng panahon kung kelan ito binabasa ng mga fans ng book club na ito. Kung nakakahiya, gaya ng pagpayag sa pang-aalipin (Exodus 21:1), metaphorical. Kapag hindi nakakahiya at magandang pakinggan, literal.

Subukan mong tanungin ang katoto mo nito. Dapat ba nating isabatas ang parusang kamatayan para sa mga batang minumura ang kanilang mga magulang dahil nakasaad ito sa Leviticus 20:9?
For every one that curseth his father or his mother shall be surely put to death: he hath cursed his father or his mother; his blood shall be upon him. - Leviticus 20:9
Kapag ang sagot nila e OO, isa syang mabuting Kristyanong sinusunod laang ang nakasaad sa Bibliya. Kapag ang sagot nila e HINDI, ito e dahil metaphorical laang ang lahat. Kaya't walang maling sagot kundi ikaw ang mali dahil hindi ka naniniwala sa Bibliya.

At dahil naniniwala nga silang ang Bibliya ang literal na salita ng Dios, hindi gagana sa ang ideya ng merong same sex marriage sa kanila dahil ang kanilang kinatatakutan nang todo e ang mapagaya ang Pinas sa Sodom at Gomorrah. Para sa kanila, kapag idinutdot mo ang uten mo sa wetpaks ng bakla, mapopoot ang Dios at manggugunaw sya ng bayan o bansa. Oo, dahil laang isinusuksok sa maling butas ang mga ari.

Bukod sa hindi mo naiiintindihan ang dalawang antas ng pang-unawa sa Bibliya (literal at metaphorical), hindi mo rin nauunawaan na kapag sinabi nilang hayop, ibang uri ng hayop ang pinag-uusapan mo at nila dahil...

2. Kakaiba ang pagkakaintindi nila sa hayop.

Ito e dahil iba ang konsepto ng hayop sa Bibliya. Walang pinagkaiba sa kung Bikulano ka at ang ibig mong sabihin ng salitang 'ayam' e aso at meron kang kausap na Indonesian na ang 'ayam' e manok. Kaya't kapag sinasabi mong takot ka sa 'ayam', ang iniisip ng kausap mng Indonesian e ikaw ang chicken dahil takot ka sa manok.

Kung ano man ang intindi mo sa hayop, e iba ang sa kanila. Ang paniki para sa iyo na isang mammal, e ibon sa Bibliya.

Ibon man iyan o mammal e hindi ko kelangan ng bible verse para hwag itong kainin.
Pag binalikan mo pa sa Genesis e makikita mong sa simula pa laang e nalilito na sila kung ano nga ba ang hayop. Ni hindi nga malinaw kung kelan sila nilalang. Bago ang tanong sa manok at itlog, mas nauna nang tanong kung alin ang naunang nilalang, ang manok ba o ang betlog ni Adan?

Parang lasing lang kasi ang sumulat ng Genesis. Nung idinidikta ng Dios sa kanyang ghost writer ang kwento ng paglalang, sinabi nya sa unang kabanatang hayop raw ang una nyang nilalang, pero sa susunod na kabanata naman e si Adan. Para kang merong kinakausap na batang nakabasag ng vase at nagbabalu-baluktot ang istorya. Sa tuwing tatanungin mo e merong bagong version kung paano ito nabasag. 

Faith ang sagot.
Sa Genesis pa rin, sa kwento ng The Fall of Man, e merong nagsasalitang ahas na tumukso ke Ebang kainin ang ipinagbabawal na prutas. Sa Bible Universe, kakayanin ng ahas na lumikha ng boses na gaya ng sa tao kahit magkaiba ang anatomy ng vocal cord ahas at tao. Bukod run, pati ang isang asno e nakapagsalita rin para manakot ng isang tao sa isang kwento.

Sa mga susunod na kabanata  matapos ng kwento ni Adan at Eba e mababasa nating napagkasya ang lahat ng mga hayop sa mundo, dalawa ng bawat uri nito sa isang barkong nilikha ng isang 600 anyos na lalaki at ng mga kamag-anak nito. Kanilang pinaniniwalaang ang mga herbivore, carnivore, omnivore, at iba pa e nagawa nilang pagtabi-tabihin nang hindi naglalamunan, nagkakapisatan at nagkakamatayan. 

Maning-mani ang Math puzzle na ito ke Noah na nagawang pagsama-samahin ang lahat ng hayop sa mundo sa iisang Arko.
Sa Bible Universe, pipwedeng magkasundu-sundo muna ang lahat ng hayop, maging ito man e aso, pusa, leon, tigre, polar bear, alakdan at matsing. At handa silang maglakbay mula Middle East papuntang Australia at North Pole at doon manahan matapos ng Baha. 

Sa Bible Universe rin e nagawang magparaming muli ng mga ito na ang gamit laang e tigagalawang hayop (na ni isa e walang bakla, take note) sa bawat uri. At dahil dito ang mga giant panda e hindi itinuturing na endangered species dahil hindi mas mababa sa isa (1) ang bilang nito. 

Teka, pati nga pala ang mga dinosaurs e umabot sa panahong ito ni Noah. Pinaniniwalaan ng mga itong ang dinosaurs e nabuhay nang kasabay ni Eba at Adan at umabot pa ke Noah. Sumakay rin sila sa Ark. O baka naman hindi sila nakasakay kaya sila na-extinct? Tanungin mo ang pastor ng kaibigan mo dahil hindi ko rin kayang unawain ito.

Mapapansing ang pang-unawa nila sa nature ng hayop e iba sa natutunang nature ng hayop sa mga aralin natin sa Science noong elementarya. Kaya’t inyong intindihing hindi nila alam na ang mga hayop e meron ring mga homosexual. 

Hwag nyo na silang bigyan ng links ng scholarly articles na nagsasaad nito dahil wala itong binatbat sa nag-iisang librong pinakamahusay sa lahat at hindi nila babasahin iyan. Nakakatukso mang padalhan mo sila ng links ng mga lalaking kabayong kumakasta ng lalaking asno e huwag nyo nang gawin dahil ito rin ang sasabihin nila:
  • E ano ngayon kung me mga baklang hayop? Dahil ginagawa ito ng mga hayop, gagayahin na natin?
  • Baket, nagpapakasal ba ang mga hayop?
  • Ikaw pala ang eksperto ng mga sex ng hayop, mukang marami kang karanasan a.
  • E di ikaw, kumasta ka ng hayop.
At kung anu-ano pang malayo sa putukang hirit, samantalang ang sinasabi mo laang naman e mali ang pinagbasehan ng punto ni Manny Pacquiao na hindi marunong makipagtalik sa kapareho nilang kasarian ang mga hayop dahil kahit sa simpleng galugod sa Youtube laang e meron nang magsisilabasang gay dogs, gay horses, horse mating with donkey, atbp.

Sa huli kapag nilimi-limi mo, isang pag-aaksaya laang ng panahon ang makipag-argumento sa mga taong ito dahil hindi mo sila matitinag sa kanilang posisyon. Inaasahan mo bang ang mga taong naniniwala sa Bibliya bilang literal na salita ng Dios e mapapahinuhod sa salita ng isang tao sa FB? Dios! Sino ka kumpara sa kanilang Dios? Neknek mo. 



Sunday, April 13, 2014

6 na Prediksyon ko sa Pacquiao vs Bradley Fight


Bakit ko hahadlangan ang sarili kong magmarunong sa boxing at gumawa ng aking prediksyon kahit na ang pinakahuli kong suntukan e sa isang ex-con na pinakyuhan ko sa liga? Kalimutan na laang nating nung sumuntok ang kaaway ko sa basketbol e nasalag ko iyon at nasipa ko sya papalayo at naawat kami ng referee at mga kakampi namin. Basta, naging eksperto na ako sa suntukan magmula ng araw na iyon. Pag hindi ka napataob ng isang ex-con na merong mala-kalabaw na katawan at nakahugot ka ng draw, pandagdag na iyon sa iyong street cred.  

Recap natin: Talo sa desisyon sa unang laban si Pacman. Pagkatapos nun e natalo uli siya ke Marquez, ang Mexican-Executioner Executioner. Tapos e nanalo siya sa isang jobroning hindi ko na matandaan ang pangalan at nakaligtas sa isang palaos na pagreretiro. 

Nanalo naman si Bradley sa pamamagitan ng 'smart boxing' o 'yung boring na laban kung saan nagpaparamihan na laang suntok na mailalanding at walang knockout o kahit man laang knockdown. Kung sino ang kalaban, nalimutan ko na rin. Basta jobroni rin malamang iyon.

Narito ang aking limang prediksyon: 

1. Babanuin na naman ng kung sinong kakanta ng Lupang Hinirang ang ating national anthem. 

Sinumang Pontio Pilatong kakanta sa national anthem natin e sigurado akong bababuyin laang nila ito dahil gagawin na naman nilang ballad ang dapat e martsa: Martin Fucking Nieverra, Jessica Sanchez, yung isang bubaeng naka-Imelda gown at ang pinakabantog sa pambuburaot ng lyrics na Christian Bautisa. Lahat ng ito e daplis ang tirada sa isang astig na martsang dapat e tunog gera at hindi lab song. Nakakasiguro akong ganito uli ang kauuwian ng ating pambansang awit dahil puro balladeer ang kinukuha natin para kumanta nito. 

Hindi ba pwedeng isang marching band o kaya metal band ang kumana nito? Makakaasa kang maraming magkokomento sa kakanta nito na akala mong American Idol ang pinapanood nila dahil maraming gustong magpakaeksperto sa lahat ng aspeto ng boksing. Sigurado kang... 

2. Maraming Pinoy na hindi man laang nakahawak ng gloves o nakapag-igkas ng suntok sa buong buhay nila ang magmamarunong at magiging boxing expert. (O kahit nagbabasa man laang tungkol sa boksing.)

Sisimulan nila ito sa prediksyon ng kung anong round matatapos ang laban o kung ito e aabot sa decision. Sa gitna ng laban, siguradong kokontra sila sa mga gagawin ng referee, mula sa pagbilang nito hanggang sa pagbubulag-bulagan sa mga makakalampas ng 'pandaraya'. Mag-iiskor rin sila ng mga rounds na akala mong nakatungtong sila sa isang boxing ring. At kapag umabot sa desisyon ang laban sasabihin nila kung ilan at aling round sa tingin nila nanalo ang manok nila, lalo na kung maoolats ang manok nila. Isantabi muna natin ang ideyang sila e hindi mga eksperto. Isipin na laang nating sila e nag-iiskor, gamit ang anggulo ng mga camera sa TV. At dahil maraming magmamarunong...

3. Magkakaroon ng mga headline na me kinalaman sa argumento sa labang ito kinabukasan.     

Note: Hindi aktwal na larawan
Titigil man ang krimen dahil pati magnanakaw raw e manonood sa laban ni Pacquiao, kinabukasan naman e magkakaroon ng mga headline ng saksakan, urakan, barilan, pambunuang kunketado sa labang ito. Kakambal na sa karamihan ang alak sa panonood nito. At isang nakamamatay na kumbinasyon ang alak, argumento at ang hindi pagkampi ke Pacquiao kung ikaw e nasa Pinas. Pag kumampi ka ke Bradley, e para ka na ring nanggaling sa angkan ng mga Makapili noong panahon ng mga Hapon. Walang Pinoy ang tatanggap sa ideyang kakampi ka sa ibang lahi. Kung meron mang sang-ayon sa iyo e iyon mga maka-Bradley, mga troll o kaya e mahusay sa pustahang hindi ginagamit ang puso at sa halip e kukote nya sa pagpili ng magbibigay sa kanya ng pera. At ang isang sa pagmumulan ng pagtatalong ito e me kinalaman sa pamahiin/ relihiyon, kaya't...

4. Merong mga mag-aabang kung isusuot ni Manny Pacquiao ang kanyang rosaryo at titingnan kung ikakapanalo nya ito o ikatatalo. 

Maaalalang nung na-knockout si Manny ke Marquez, sinabi ng kanyang inang iyon e dahil sa kanyang desisyong talikdan ang kanyang pagka-Katoliko. Sinisisi ang hindi nya pagsusuot ng rosaryo papasok ng ring. Nakalimutan na raw niya ang tunay na Dios ng mga Katoliko at inilihis sya ng mga pastor. Kumbaga e para syang kriminal sa pelikula ni Ramon Revilla Sr. na nalimutang dasalan ang kanilang anting-anting kaya't tinablan ng bala. 

Kung meron mang dapat sisihin sa pastor e iyon e yung pagiging sanhi ng pagpupuyat ng boksingero sa halip na nagpapahinga dahil sa sanrekwang bible studies. Kalimutan na natin ang isyu at pinakapuno ng lahat ng bible studies na ito - pamemera - dahil wala akong pakelam sa reliyon ni Pacquiao. Kahit mismong si Papa Roach e nauurat na sa mga pastor na ito at dineklarang hindi Dios ang magbibigay ng tagumpay ke Manny

Key to Pacquiao victory: Wearing the rosary and making the sign of the cross
Ewan ko kung bakit hanggang ngayon e meron pa ring naniniwalang namimili ng gusto niyang manalo sa isang sport ang isang diyos. 

Manalo man o matalo si Pacquiao dahil sa 'rosaryo', malalaman mo malamang kung sino ang nanalo bago pa matapos ang broadcast sa iyong local channel dahil... 

5. Maraming kupal na mang-iispoil ng resulta ng laban sa kanilang Twitter o Facebook. 

Noong hindi pa uso ang mga smart phones, tablets at kung anu-ano pang gadgets, e uso na ang mga taong spoilers. Nung panahon pa ng Friendster e meron na akong isinulat na ring ganito. Inispoil ng kabarkada kong nanood sa sinehan ng laban sa gaya kong nanood sa TV na merong patalastas kung sino ang nanalo sa pamamagitan ng text. Oo, text pa iyon ha. Naisipan niyang magandang ideya ang lumikha ng mensahe, isa-isahin ang mga kaibigan niya sa address ng phone nya at i-click ang send button para ipaalam na nanalo si Pacquiao, pati ang round kung saan naganap ang knock out.

Paano pa ngayong panahon ng social media? Walang hahadlang sa mga itong ipangalandakan sa mundong alam na nila kung sino ang nanalo sa isang boxing match. Ang pinagkaiba laang nito sa ikinwento kong karanasan e meron kang magagawa sa bagay na ito: I-off ang cell phone at tablet kung ayaw mong masira ang panonood mo. At sa ngayon, wala silang utang na loob sa iyo at hindi sila mangingiming isambulat kung sino ang nanalo at bilang manonood, responsibilidad mong hwag mag-online 'pag ayaw mo ng spoilers. Hindi mo na nga sila matatawag na kupal ngayon dahil hindi ka dapat nag-oonline kung ayaw mo ng spoilers. Pasensya ka na laang kung hindi ka pwedeng manood nito ng live dahil meron kang kaibigang nag-iskedyul ng kasal sa araw na ito at ikaw pa ang best man. 

Buti na laang at libre ako dahil Linggo ang laban. Hindi naman ako ng nagsisimba kaya't...
  
6. Panonoorin ko pa rin ang labang ito sa pag-asang meron akong mahihita kahit na alam kong mababagot laang uli ako sa labang ito

Okay, parang hindi nga ito prediskyon, pero parang pansarili ko laang ang hulang ito. Hindi ko alam kung maraming kagaya ko ang nararamdaman.  


You got civilized!
Nawawalan na ako ng interes sa boksing at nanonood na laang ako dahil ke gusto kong makita kung mababawi ni Pacquiao ang kanyang Eye of the Tiger. Sa mga huli kong napanood na laban (hindi laang ang ke Pacquiao) e puro sa desisyon nauuwi ang lahat. Hindi ko alam kung ito e isang tanda ng ebolusyon ng sport mula sa all-or-nothing days patungo sa era ng smart boxing o ano. Ang napapansin ko e puro mga ingat sa pagboboksing ang mga boksingero ngayon. Hindi ko sila masisisi at hindi ko kayang uminda ng ganung karaming suntok mula sa mga taong nagtraining para magpataob ng kalabaw. 

Pero, bilang manonood nawawala na ang igting, ang kaligayahan ko sa panonood. Puro yakapan, girian, pagtatanya. Kahit mismong si Pacquiao e hindi na gaya ng dati nya (dahil ba sa edad o para protektahan ang sarilnig kalusugang gayung meron syang hinaharap sa pulitika?). Hindi na kasing-intense. Sa ganun sya natalo ke Bradley nung una. Inakala nyang nangunguna na sya sa scoring. At ganun ang nakikita kong pamamaraan para manalo sa boksing ngayon, isang paraang mukang nakasanayan ni Bradley, base sa kanyang record. 

At sa tingin ko ganito uli ang mangyayari. Iiral ang ganung klase ng boksing, matatapos nang paganun-ganun laang, at "thank you, fans, sa ibinulsa naming milyun-milyong dolyar". Sa desisyon malamang ito mauuwi. At babalik tayo sa una kong hula tungkol sa sasatsat na mga eksperto sa boksing kinabukasan. 

Buti na laang at hindi pa pinagbabawal ang sabong ng mga tao. Kung gusto mong makakita ng mga nagpapanapok, mag-UFC ka na laang.      


Wednesday, December 19, 2012

Bakit kinahihiya ko ang gustong mangyari ng isang Dean's Lister na congresswoman

I heard you got yourself banned in the Philippines for mocking their national idol and god-like icon Manny Pacquiao on your tweets...
Isang malaking kahihiyan para sa akin 'pag ang ganyang senaryo e nangyari. Lilinawin kong hindi ako fan ng putangnangto, pero pagdating sa usaping ito, hindi ako makakasang-ayon sa gustong mangyari ng isang Carol Jayne Lopez, konggresista ng party list na YACAP, sa panukala niyang ideklarang persona non grata si Beebs. Kung siya ang masusunod, gusto niyang ipagbawal ang pagtuntong ng mga umiindak na paa ni Beebs sa alinman sa 7107 na isla ng Pinas. 
Sa kanan: "Honorable" Carol Jayne B. Lopez
Ano ba ang persona non grata? Ayon sa wikipedia, Persona non grata (Latin plural: personae non gratae), literally meaning "an unwelcome person", is a legal term used in diplomacy that indicates a proscription against a person entering the country. It is the most serious form of censure which one country can apply to foreign diplomats, who are otherwise protected by diplomatic immunity from arrest and other normal kinds of prosecution.

Ito ang gusto nyang mangyari. Sinu-sino ba ang napersona non grata na? Tingnan nyo sa hindi kumpletong listahang ito na kinuha ko sa wikipedia. Isama ninyo na riyan si Beeber:
  • Syrian Ambassador Lamia Shakkour was declared persona non grata the French government declared on May 29, 2012, in response to the May 25, 2012 Houla massacre in Syrria.
  • Kurt Waldheim former Secretary-General of the United Nations and President of Austria, and his wife were given persona non grata status in the U.S. and other countries when he was accused of having known about Nazi War Crimes and not having done anything about them.
  • Justin Beiber, Canadian pop tweensation, was declared persona non grata by the Philippine government for posting photographs on his twitter deemed hurtful by Filipinos. 
Yup, bagay na isama si Beebs sa mga me kinalaman sa isang massacre at Nazi war crimes ang isang taong nagtweet ng ilang 'nakakapikong' pictures at comments. 

Sinulatan ko si Carol Jayne at pinamuka ko sa kanya ang kanyang gustong mangyari. Sinabihan kong naiiintidihan ko ang pakiramdam niya bilang isang fan at ang pagkapikon nya sa pangyayari, pero para gamitin niya ang kanyang pagiging kongresista para bumawi e isang pambabraso.
Pwede namang ganito ang ganti nya ke Beebs. Itweet nya rin ito.
Excerpt mula sa aking mahaba-habang sulat:

Para magpanukala ka ng ganito, isang bagay laang ang malinaw sa isang taong nag-iisip at hindi nagpapauto: lumilikha ka laang ng ingay para mapansin ka. Hindi ko alam ang agenda mo, pero ang matutukan ng midya minsan e sapat nang agenda sa kultura natin ngayong kinikilala ka laang ng mga botante kapag nakikita ka sa telebisyon o YouTube.

Unang reaksyon e "Putang katanga naman ng taong ito". Pero nung sinuri ko ang profile nya, nalaman kong Dean's Lister ito bilang isang Pol Sci major sa isang pamantasang hindi naman patakbuhin. Hindi tanga ang taong ito. Hindi ito naiboto dahil sya e isang artista at anak ng Senador na artista rin. Hindi mo sya mapapanood sa MMFF. Dean's Lister 'to kaya't alam niya ang ginagawa niya. Produkto ng isang magandang pamantasan. Ang kanyang thesis nyang "Sustainable Urban Development in the Popular Democracy Ideology" e hinirang na da best na thesis sa kanyang batch. Hindi ito nagpagawa laang ng thesis sa Recto. 

Iyon ang peligroso, ang isang matalinong taong magpapanggap na tanga para makauto ng mga lipon ng tanga. At ito, bukod sa kahihiyan ko para sa lahi ko, ang pinagpuputok ng butse ko.    

Winakasan ko ang sulat ko ng ganito: Maraming salamat sa iyong pakikinig. Maari mo akong sagutin at iwasto kung sa tingin mo e mali ang aking sinasabi.
Binigyan ko sya ng dalawang linggo para iwasto niya ako sa aking mga sinasabi't tanong. HIndi pa sya sumasagot hanggang ngayon, 19 December 2012. Meron pa syang hanggang 27 December 2012 pra sumagot. Pag hindi, itinuturing at idinedeklara kong tama ako sa ipiangmumutarga ko.


Note: Kababasa ko lang nito: http://www.theatlanticwire.com/entertainment/2012/12/philippines-wants-ban-justin-bieber/59948/


Tuesday, December 11, 2012

Pikon ba tayong mga Pinoy?


Aba’t totoo pala yung balitang tinitira raw ni Justine Beaver si Pacquiao sa kanyang mga tweets. Mga biro lang naman, pero maraming Pinoy ang naaasar. Bago ko sabihin ang pakiramdam ko sa bagay na ito, gusto kong malaman ninyong hindi ako fan o Beleaver o kung anuman ang tawag ninyo sa mga lupon ng 10-14 year old girls na sumasamba sa kanya.

Ito ang mga tweets nya, mga amateurish na photoshop ng pictures ni Manny, na umani ng poot ng isang bansa. Reaction ko, “Meh.” Yun lang? Nagpapakita laang ito na bukod sa nakakairita nyang mga kanta, e wala ring kwenta ang sense of humor niya. Siguro me matatawa run sa leaning na photo nya, pero sa totoo laang ‘di ko makuha yung mensahe nung leyong nanggigising sa kanya. Di na pinapatulan ‘yun. Pero, syempre ‘pag talo, mainit ang ulo mo kaya’t alam ko kung bakit ganito na laang ang pagkaasar ng maraming Pinoy.

Alam ko ring napakanotorious natin bilang isang lahi sa pagiging pikon ‘pag ginagamit tayo sa mga biruan, gaya nung pagkakataong ininsulto raw tayo nung isang Korean singer, sa comment ni Claire Danes sa karumihan sa Pilipinas noong 90s, joke ni Alec Baldwin sa Filipina bridesmaid sa Letterman, yung Filipino doctors sa Desperate Housewives, sa Lucy Liu remark na magmumuka raw syang Pinay, atbp. samantalang napakabulag natin sa sarili nating racism sa mga kung tawagin natin e Bumbay, Intsek o sa mas malala e Tsekwa at negro, egoy o egot. Pati si Buddha na sa tingin ng iba e alkansya laang e ginamit na patawa sa isang ‘sitcom’ (o sa pamantayan noon ng isang sitcom) na Aalug-alog.

Hindi ito isyu ng racism, pero ‘pag nakakakita ako ng ganitong sitwasyon e hindi mawala sa isip ko ang tanong na “Pikon ba tayong mga Pinoy?” Alam kong malakas tayong mang-asar. Pumunta kayo sa isang comedy bar na merong nagpeperform na mga bading na komedyanteng singer rin (I refuse to acknowledge it as stand up comedy) at makikita nyo ang ibig kong sabihin. Tawang-tawa ang karamihan sa mga pumupunta roon at handang-handang gumasta ng pinaghirapang sweldo para makakita ng mga kapwa kostumer na iniinsulto sa kanilang timbang, pananamit, itsura ng muka, probinsya atbp.

Bago ka tumalon at makisawsaw sa pagkapoot ke Beeber, tanungin mo ang sarili mo: “Hindi kaya pikon laang ako?” Ginawa rin ito ke Hatton dati ang boksingerong itinumba ni Pacquiao. Nagalit ka ba nang ganito? Hindi mo ba nakitang ibinigay rin ni Hatton ang lahat gaya ni Manny, pero kinapos at lumagapak? Asan ang respeto mo ke Hatton? Asan ang respeto mo sa isang atleta? Ang respeto mo ba sa isang manlalaro e kumikilala laang sa kalahi’t kabandila? Umalma ka rin ba? E kung gayon, hwag ka nang sumubaybay sa sports at tumayo ka na laang nang tuwid sa flag ceremony. 

Hindi ko sinasabing karma ni Pacquiao ito dahil ganun ang ginawa niya sa kalaban niya. Hindi ko rin sinasabing mali ang magalit sa pang-aasar na ito. E yun na nga ang punto ni Beeber, ang mangantyaw, papaapekto ka? E papatulan pa ba ang isang ganitong klaseng fan na walang class? Kungsabagay, ayos lang magcomment sa tweet nya bilang ganti. 

Ang sinasabi ko e dapat irespeto ang isang manlalaro o atleta, lalo na sa panahon ng pagkagapi. Sinasabi ko rin laang na merong mga plastik na sinasabing irespeto si Manny, samantalang sila mismo e nakiloko sa pagtimbuwal ni Hatton noon. 
"Sino ba yung kupal na halimaw na matabang mayabang na iyon?" tanong ni Mrs Hatton. 
E itong sinabi ni Justine tungkol sa hindi na raw deserving na labanan ni Mayweather si Pacquiao?

Ano sa tingin mo? Kung ikaw si Mayweather at ganoon ang konteksto ng dahilan ng hindi ninyo paghaharap dati, walang gustong pumayag sa termino ng isa’t isa, pagdating sa pera’t drug testing, pagbibigyan mo pa ba ang isang boksingerong dalawang beses nang natalo sa mga huling laban niya? Isa sa isang hindi gaanong kilalang Bradley at isa sa mga pinataob mo dating Marquez. Ano ang mahihita mo sa labang iyon?

Masakit lang tanggapin at lalong mas masakit tanggapin mula sa isang mukang patong teenager na kumanta ng “Beybi-beybi ow” at mukang lalamya-lamya, pero meron syang punto. Kahit anong bagay, kailangan mong timbangin ang ‘risk’ sa ‘gain’ e. Malaki ang nakataya ke Mayweather at maliit laang ang kanyang aanihin. Ano nga naman ang patutunayan nya sa pagtalo sa isang Pacquiao na naolats sa isang ‘di-kilalang Bradley at bumuwal isang 39 year-old na Mexicano? Hindi na ito ang Pacquiao na katumbas (o higit pa, kaya nga gusto nating magsagupa sila’t nang magkaalaman) ni Mayweather. Sa puntong ito ba, bukod sa mga Pinoy, meron pa bang pagdududa? 

Masakit ang katotohanan, pero ganun talaga. Hindi na mangyayari ang Pacquiao-Mayweather. Hindi na yun kakagatin ni Mayweather (na merong mga paratang na namimili ng madadaling kalaban). Mula sa isang kababayan ninyo, na isa ring fan, alam kong hindi na ‘to mangyayari. Lumagpak na sa listahan ng priorities ni Mayweather si Pacquiao at kailangan niyang akyatin iyon muli kung gusto niyang makasagupa si Mayweather, parang Punch Out lang.
At least sa isang King Hippo agad siya, hindi na sya babalik pa ke Glass Joe.
At kung seryoso syang seryosohin uli ng mundo bilang boksingero, tanggalin na nya ang kanyang paghohost at pagsulput-sulpot sa TV at shobis, pag-aaksaya ng panahon sa pag-aaral ng bibliya (na ayon ke Dionisia e pinagkakapuyatan niya), at tanggalin niya ang mga alipores nya at bawiin ang kanyang 'Eye of the Tiger'. Pwede bang me magpahiram ng Betamax ng Rocky III ke Pacquiao? Kahit hwag na ang pangongonggreso at wala namang gaanong ginagawa ang isang konggresman.     
You became civilized!
Kung maiinis ka man ke Justine Beeber, e maraming bagay na kaiinisan, mula sa buhok niya, musika niyang nakakairita at sa ideyang sumisikat ang gantong klase singers samantalang ang mga bandang gaya ng Intermidya e hindi mo man laang mahanapan ng album. Kung pwede nga laang bigyan ni Manny ng isa ang putang nang batang ‘yun e. 
Hwag nyong sabihing 'di nyo gustong sapukin ang mukang 'yan