Showing posts with label pelikula. Show all posts
Showing posts with label pelikula. Show all posts

Tuesday, September 9, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang pagtatanggal ng 'Kanor' sa listahan ng mga bagyo

Noong ako e bata pa ang mga pangalan ng bagyo e mga pambubae. Magkakakilanlan tayo ng edad kapag naaalala nyo ang Unsang. Sa tradisyon yata kasi e talgang pangalang bubae ang ginagamit at kung hindi ako nagkakamali ito e kalimitang ipinapangalan noon sa mga biyenan, kung hindi man mismong misis nila. Ito e bilang pangungutya o malambing na biro sa mga tigre sa buhay ng mga lalaking nagpapangalan nito. 

Nakaka-miss tuloy si Pepe Pimentel at ang kanyang biyenan jokes.
Hindi ko alam kung kelan nauso sa Pinas 'yung lalaking pangalan ang ginagamit sa mga bagyo. Ewan ko kung merong kinalaman ang mga feminista sa bagay na ito, pero hindi ko na ikagugulat kung sila nga ang me pakana nito. 

Ngayon e tinanggal sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa PAGASA ang pangalang Kanor dahil 'yung matandang lalaking iyon agad ang pumasok sa isipan nyo - aminin. Sumagi ba sa isip nyo si Nicanor Abelardo? Nakow, iki-click pa ang link para malaan kung sino siya?

Pupusta akong walang problema ang PAGASA
sa bagyong Lito ang pangalan.

Mang Kanor. Yan, sa ganyan kayo magaling. At dahil sa dito kaya't binura ang pangalang ito. Ang 'di ko malaan e kung bakit tinanggal. 

Dahil ba kinukondena nila ang kanyang sex scandal? Kapag pelikula ni Eddie Garcia, hindi kadiri, pero kapag si Mang Kanor e oo. Hindi sa idinidepensa ko ang kalibu... este kaigtingan ng pagnanasa ni Mang Kanor, pero hindi ba't karapatan ng bawat tao ang maipangalan sa kanya ang isang bagyo? 


Aba'y gusto kong merong bagyong maipangalan sa akin. Pero dahil sa pangyayaring ito, naiba na ang misyon ko sa buhay. Gusto kong makapag-iwan ng marka kapag nilisan ang mundong ito at iyon e ang ipagbawal ang pangalan ko sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa Pilipinas, parang si Mang Kanor.

Hindi kaya iba ang dahilan? Walang kinalaman sa kanilang moralidad ito malamang. Hindi kaya iyon e dahil hindi magagawang magbalita ng mga weathermen at news crew nang hindi napapabungisngis sa tuwing babanggitin ang pangalang... Bagyong Kanor! 

Narito na po sa Bicol ang bagyong... Mang Ka... este, Kanohohor!
Sa mga ganitong pagkakataong nakakamiss ang isa pang namaalam na alamat na si Ernie Baron na kilala rin bilang Walking Encyclopedia (dahil hindi pa uso ang Google at Wikipedia noong kasikatan nya). Siguradong kayang-kaya niyang dalhin iyon sa kanyang sense of humor. Naiimadyin nyo ba si Mang Ernie na binabanggit ang pangalang Kanor? 

Imadyinin nyo ito sa boses ni Ka Ernie: "Pinag-iingat po ang Bicol dahil parating na si Kanor. Siguruhin po ninyong ligtas ang inyong mga anak. Ilikas po sila kung saan hindi sila mahahagip ni Kanor."

Ewan ko kung kaya iyon ng lalaking gumigimik pag-we-weatherman sa pamamagitan ng pagsusuot ng sombrero na kung tawagin ng nakararami e bilang Kuya Kim. Hindi makabenta sa akin ito. Aba teka, ito pala e muntik nang mamatay ng dalwang beses? Tingnan mo nga naman, dalwang muntik na balita iyon. Aabangan ko na laang bago ko ibalita.

Hindi naman sa gusto ko na syang mamatay. Kilala natin ang mga Pinoy kapag meron namamaalam, lalo na't bata pa. Ang malimit nating nasasambit e, "Sa dinami-dami ng kukunin na ni Lord, bakit si __________ pa?" Bakit nga ba si Mark Gil pa? 

Sa araw na namaalam si Mark Gil, e noon rin sumambulat ang mga hubad na litrato sa internet nina Jennifer Lawrence ng Hunger Games (para sa mga Kanong hindi nakapanood ng Battle Royale) at ng isang Elizabeth Winstead na ginoogle ko pa para malaang 'yung cheerleader na maganda sa Death Proof

Hindi man ako nakapagpost ng tribute post sa Facebook para ke Mark Gil e gusto kong malaan ng mga kamag-anak nyang sa imbes na magdownload ako ng mga litrato ni Death Proof e mas inatupag kong manood ng Batch '81 bilang pagpupugay. 

Aba'y dapat pala e binabalikan ko ang Soldatenkaffee.
Alam kong cirrhosis of the liver ang ikinamatay ni Mark Gil at sana e hindi insensitibo para sa kanya ang ginawa kong pagpupugay, pero gusto kong ihandog sa kanya ang isang baso ng beer na paulit-ulit kong ipinasok sa bibig at iniluwa hanggang matapos ang pelikula. 

Sa mga nakakaalam, si Mark Gil ang tunay na Sid Lucero
at ang binanggit kong baso ng beer.


Friday, August 15, 2014

5 Pelikulang magtataboy ng mga amiga ng misis mo

Akala mo e perpekto na ang susunod na dalwang oras ng panonood mo ng DVD. Napatulog mo na ang anak mo at nanonood ng Koreanovela ang misis mo sa laptop niya. Nakalatag na sa mesa mo ang lahat ng kailangan mo para makanood ka nang hindi na kinakailangang tumayo: tubig, sitsirya at arinola. At nakaka-dalawampung minuto ka sa pelikula e susulpot nang walang pasabi ang mga amiga ng misis mo. Maaantala ang panonood dahil kelangan mong tumayo at batiin sila. 


At magbihis ng t-shirt.

Ganito ang senaryong ilang beses kong inabutan

"Sige, nood ka lang uli," sasabihin nila sa akin, pero alam kong sira na ang panonood ko sa sandaling ako e nag-pause ng pelikula. At mawawasak nang todo ito sa sandaling sila  e makisakay sa pinapanood kong pelikula sa mga paraang ito:
  • Magsasabi silang napanood na nila ang pelikula at iispoil sa akin ang mga twist o ending. 
  • Makikinood sila at magtatanong dahil semi-interesado sila sa pelikulang kilala nila ang mga bida.
Hindi ka naman makapagpaalam at magkulong sa kwarto dahil ayaw mong magmukang anti-social, wala ka rin namang ibang magawa kundi ang manood ng pelikula, pero merong balakid dahil nakatuon ang mata nila ke Brad Pitt. Pag-iisipan mo kung bakit sya pa kasi ang napili sa Fight Club. Bukod roon, sa sala naka-set up ang mga speakers nyong magaganda dahil mahilig magpavideoke ang misis mo sa mga bisita. 

Hwag mawalan ng pag-asa dahil nakabuo ako ng isang listahan ng mga katangian ng pelikulang tuluyang papawi at papatay sa maliit na alipato ng interes na nasa puso ng mga amigas. Kung isa akong mathematician, iginawa ko na kayo ng equation para rito na merong mga times at divided by, pero dahil hindi, magkasya na laang kayo sa listahang ito:
  1. Hindi dapat kilala ang mga bida. 
  2. Hindi Tagalog/ Inggles ang lenggwahe.
  3. Black & white.
  4. Walang CGI.
  5. Inilabas ang pelikula sa taong nagsisimula sa MCM___. 
Isa laang sa lima ang kailangan nyo para maipagtabuyan ang mga amigang ito, pero mapapansin nyo ring nag-ooverlap ang ilan sa mga ito, kagaya ng kung sobrang luma ng pelikula, wala pa talagang CGI. Pero, pwedeng ang isang foreign movie e isang big budget wu xia movie na si Jet Li ang bida kaya't hindi rin garantisado ito.

Hetong ang ilang rekomendasyon kung bakit kaiinisan ito ng mga amiga ng misis nyo, pero katutuwaan nyo naman. Hanapin nyo ang mga ito sa torrent at i-save sa isang folder na merong pangalang 'Use in Case of Emergency'.

1. The Beastmaster (1982)


Salungat sa unang impresyon ng nakararami, hindi ito screen cap ng Tarzan X.


Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Marc Singer, Tanya Roberts at 'yung kalbong negrong nagsabi ng linyang "You're the wrong man at the wrong place at the wrong time!" ke John McLane sa Die Hard 2 at mga artistang hayop.

Nag-aral umarte ang mga hayop sa eksenang ito kaya't walang pangangailangan sa CGI. 

Bakit nyo magugustuhan ito 

Conan the Barbarian + Tarzan = The Beastmaster. Bukod sa pagnininja, ang isa sa mga nangungunang pangarap ng mga bata noong 80s e ang maging mala-Heman. Sa kwento nito e pinagsama ang dalawang ultimate fantasy ng mga bata: ang maging mandirigma sa mga drowing ni Boris Vallejo at ang mapaligiran ng mga mababangis na hayop at makontrol ang mga ito.

Bakit nag-uubos ng oras ang mga lalaki sa gym kahit hindi naman mga professional athlete, karatista o sundalo? Hindi naman nila gagamitin sa tarbaho ang ganung kalalaking muscles at ang lakas na makakamit nila sa mga workouts na ito, pero sige pa rin sila sa pagbuhat ng mabibigat sa gym na akala mong mangangaso sila't ng makakaing baboy ramo. 

Isa laang ang sagot: Gusto nilang matupad ang pangarap nilang magmukang mandirigmang hinugot sa mga pahina ng Heavy Metal Magazine kahit wala namang tunay silbi ang laki ng katawan ng mga ito't mas nauubos ang oras nila harapan ng computer sa kani-kanilang cubicle. 

Merong nakatanim na ideya sa kukote ng mga batang lalaki na dapat e mapamunuan niya ang mga hayop. Kahit mismong Biblliya e naiintindiha't sinusuportahan ito noong pinagkaloob ng Dios ke Adan ang pangangalaga sa hayop, mula sa pagbibigay ng pangalan sa mga ito hanggang sa kung alin sa mga ito ang pwedeng kainin at hindi.  

Ikalawang dahilan: Tanya Fucking Roberts. Kung tumulo ang laway nyo sa maiikling eksena niya sa seryeng That's 70's Show, hindi laang ang  bibig nyo ang maglalaway sa ilang taong mas batang version ni Tanya Roberts sa pelikulang ito. 

Gaya ng inaasahan sa mga pelikula ng ganitong genre, tanging utong laang at ang mismong labasan ng anak ang natatakpan ng kanyang damit. Ang galing ng pagkakaganap niya sa kanyang role. At ang role na ito e ang magsilbing taga-paala-ala sa mga lalaking humahanga nang husto sa katawan ni Marc Singer kung sino ang kanilang dapat na iniisip kapag nagpupuslit sila ng lotion sa banyo.  

Bonus: Kita ang boobs ni Tanya Roberts sa eksena niyang naliligo sa ilog! Sa katunayan nga, kapag nag-google ka ng images ng The Beastmaster, ang ilan sa mga unang susulpot e ang nakalawit na hinaharap ni Tanya Roberts. Lahat ng sampung taong gulang na nakapanood nito e humiling sa kanilang mga magulang na magpatule at huwag nang maghintay sa bakasyon ng Grade 6.


Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo 

Baka mapapagkamalan nilang isang Hercules na movie ito, pero sa oras na makita nilang tunay na hayop 'yung mga nasa screen at hindi CGI-rendered na mga animation, baka mawalan na sila ng gana.

2. Jesus Christ Superstar (1973)





Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Ted Neeley, Carl Anderson, Barry Dennen, Yvonne Elliman at sangkaterbang artistang pagkapapayat, merong mahahabang buhok at nakabell bottom na hippies.

Walang CGI. Kahit prosthetics man laang para magpakita ng pagpapako ng mga kamay ni Hesus gaya ng sa The Passion of the Christ ni Mel Gibson e wala.   

Bakit nyo magugustuhan ito 

Bagama't malamang e ikangingilo nyo ang makita ang mga katagang 'opera' o 'musical' sa panonoorin nyong pelikula, sigurado akong mahahatak kayo nito sa isang salitang idinagdag sa harapan ng 'opera': ROCK. Isa itong rock opera. Sinong lalaki ang tatanggi sa rakenrol? 




Naiimadyin nyo ba si Hesus na bumibirit ng matataas na nota sa saliw ng musika ng demonyo? Isa sa mga pambatong kanta rito e ang sagutan nila ni Hudas sa Last Supper. Ano ang panama ng mga slow rock at power ballads ng mga hair metal bands sa 'Gethsemane'? Panoorin rito ang clip na ito para malaan nyo ang katunayan ng aking sinasabi. 

At bakit naman panonoorin nyo ito ng kahit hindi Semana Santa? Dahil nga rakenfakenrol. 

Iyun pa nga ang isang maganda rito. Ang mga Kristyano e nanonood laang ng mga ganyang pelikula kapag Mahal na Araw kaya't mas matataboy ang mga amiga ng misis mo kapag pinanood mo ito sa buwan ng Agosto. O kaya sa mismong Pasko gaya ng nakagawian ko nang tradisyon.  
  
Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo ito

Kung mga fans ng Jesus Daily ang mga amiga ng misis nyo, malilintikan kayo't baka hindi na umalis sa harap ng screen. Ang sama pa nito e siguradong ipapamuka nila sa iyo kung paanong hindi ito tumutugma sa mga berso sa Bibliya na akala mong ang mismong apat na ebanghelyo e hindi magkakaiba ang paglalahad ng kwentong ito at karakterisasyon ni Hesus. 

3. Death Rides a Horse (1967)


Kung meron mang dapat naging Chuck Norris, iyon e si Lee Van Cleef. Yun e kung wala ring Sonny Parsons.
Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Lee Van Cleef, John Philip Law at sangkabalbal na mga lalaking merong bigote't balbas at mga bubaeng lawit ang kalahati ng boobs. 

Kaiimbento laang ng calculator nung 1967 kaya't wala pa itong CGI. 

Bakit nyo magugustuhan ito 

Kung hindi pa kayo nasolb sa ideya ng mismong pamagat pa laang ng pelikula, iyun e dahil malamang ang paborito mong pelikula e Forrest Gump. Alam nyong tama ang napili nyong pelikula kapag nakita nyong lampas sa kalahati ng cast e merong buhok sa muka't dibdib. 

Sinong lalaki ba ang hindi nanood o nanonood ng mga pelikulang koboy nina Lito Lapid, Jess Lapid, Paquito at Romy Diaz at Max Alvarado? Malamang e nagtataka kayo kung bakit nagkaroon ng mga koboy sa Pilipinas, iyon e dahil sa impluwensya ng spaghetti western sa atin at isa sa mga tampok sa pelikulang ito e Death Rides Horse. Kumbaga e kung nahilig kayo sa Eraserheads, ayos ring mapakiggan ang The Beatles. 

Gaya ng rakenrol, self explanatory na ang koboy. Kung kailangan ko pang ipaliwanag sa inyo ang husay ng koboy, malamang e hindi mas sanay kayong magreverse cowgirl. 

Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo 

Kung nagustuhan nila ang Django Unchained at naisip nilang barilan rin itong palabas na ito e baka manood rin sila. Dito ang hindi kilalang mga artista bilang salik na magtataboy sa amiga ng mga misis nyo.    

4. Faster, Pussycat! Kill! Kill! (1965)


Oscar winners para sa kategoryang inimbento para laang sa kanila.


Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Tura Satana, Haji, Lori Williams at kung sinu-sinong mga kaeksenang hindi mo na matatandaan dahil nasasapawa ng mga boobs ng mga pinakabida.  

Black and white. 

Sinong mangangailangan pa ng CGI kung ang pinakatampok na artista e ang tatlong ito? 

Bakit nyo magugustuhan ito 

Boobs! Boobs! Boobs!  

Ito laang ang pelikulang alam kong merong tatlong tandang padamdam (!) at gumagamit ng salitang 'Kill' nang dalawang beses sa pamagat nito.  

Sa totoo laang e hindi ko na matandaan kung ano ang kwento nito. Nalimutan ko ngang black and white ito at ang tanging naalala ko laang e ang tatlong pares ng naglalakihang hinaharap ng mga bida. Hindi ko alam kung tamang tawagin silang bida dahil sila ang mga masasama sa palabas na ito. Isa silang gang na nanggugulpi sa hindi ko na maalalang dahilan. Sa aking diksyunaryo, sinumang nagpapakita ng katawan e hindi ko matatawag na kontrabida, kahit na kumakain sila ng mg sanggol.  

Isa sa mga pagkabigo ko sa buhay e ang magkaanak ng bubae. Pinangalanan ko ang anak kong lalaki sa wrestler na si Kane at meron na akong nakalaang pangalan sana kung sakaling nagkaanak ako ng bubae. Dahil hindi ako nakabubae, hindi ko na malalaan kung papayagan ng Simbahang Katolika na pangalanan ko ang anak ko ng Tura Satana, ang pangalan ng bubaeng gumanap na pinakapinuno ng grupo.   

Hindi laang si Tura Satana ang dapat nyong tutukan ng pansin rito dahil meron ring sariling alindog ang dalawa pang myembro ng gang. Parang Spice Girls, merong kanya-kanyang karakter ang mga ito. Inosente ang blonde at rebelde naman sa pinuno 'yung Chola. Ano ang panama ng cookie-cutter, generic na K-Pop group na Girls' Generation rito?

Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo

Baka mapapagkamalang sequel/ prequel ng Too Fast, Too Furious ang pelikulang ito. O kaya lesbians/ bi ang mga amiga ng misis nyo. At kung gayon, depende sa kanilang itsura, e pwede na silang makinood.  


5. Even Dwarves Started Small (1970)




Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Santambak na unanong Germans na walang nakakakilala. Kahit 'yung direktor ang tawag niya sa mga artista niya sa kanilang shooting e Midget #1, Midget #2, etc.

Wikang Aleman. 

Black and white. 

Walang CGI.  

Bakit nyo magugustuhan ito 

Hindi ko makita kung ano ang ikasisiya nyo sa pelikulang ito kung saan unano lahat ng tauhan. Uulitin ko: Mga unano lahat ang mapapanood nyo. Unano! Kung bakit unano e ewan ko. 

Baka merong appeal sa inyo 'yung tag team match dati ng mga unano ni Max Buwaya laban sa mga unano ni Turko Turero. Kung gayon, hindi ko kayo huhusgahan. 

Kung kayo e mahilig mag-Youtube ng mga tinotoryur na hayop, baka makatuwaan nyo ito dahil meron ritong ipinakong unggoy sa krus at mga kanibal na manok na kumakain ng kapwa manok na patay. 

Ilan sa mga pambatong eksena rito e 'yung merong dalwang unanong gustong magsex, pero dahil sa sobrang liit nung isang unano e hindi nya magawang umakyat ng kama kung saan naghihintay 'yung bubaeng unano. Dapat nyong mapanood ito.
    
Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo

Baka mga fans sila nina Mahal at Mura at gusto nila 'yung My Little Bosings. At kung ganito ang mga uri ng amiga meron ang mga kaibigan nyo, hwag na kayong umasang aalis sila sa piling mo dahil kahit blankong screen e manonood ang mga iyan. 


Friday, July 11, 2014

The Raid 1 at The Raid 2: Ang ipapangalan ko 'pag nagkaanak ako ng kambal

Kung hindi nyo pa napapanood ang alinman sa dalawang pelikulang The Raid: Redemption o The Raid 2: Berandal, iyon malamang e dahil isa kang nagmomotorsiklong vigilanteng namamaril ng mga snatcher sa jeep at wala kang oras manood ng pelikulang aksyon. 

Ang The Raid 1 ate Indonesian action movies na merong international releases. Kung pwede mong ipalusot ang pagkapanganak mo sa maling bansa para hindi matikman ang martabak manis, hindi mo pwedeng gamitin itong palusot para sa sarili mo dahil meron namang internet, torrent at pirated DVDs para mabalitaan at mapasakamay mo ang kopya ng dalawa sa pinakamatitinding pelikulang aksyon sa kasaysayan ng cinema. Utang mo sa nakalaylay sa pagitan ng hita mo ang manood nito nang lingguhan para maalala mong nakakabit pa ito.  

Kapag nagkaanak ako ng kambal, pwede ring Redemption at Berandal ang ipapangalan ko.
Nung una kong napanood sa DVD ang The Raid: Redemption, nagpunta ako sa dentista kinabukasan para ipaghiwalay ang nakandado kong panga dahil sa makatigas-pangang aksyon nito. 

Buod ng The Raid 1: Redemption

Hindi mo na kelangang bisitahin ang IMDB page ng The Raid: Redemption para malaan ang buod dahil sa isang minutong pagsiyasat sa poster e alam mo na ang buong istorya. Umiinog ang kwentong ito sa bidang nagngangalang Rama, isang rookie police officer (na SWAT yata) na kelangang - spoiler alert - mang-RAID ng building para hulihin ang isang crime lord.  


Ang pinakamalaking problema ni Rama e ang maglakad nang hindi natitisod
sa mga bangkay at imbalido.
Sa tuktok ng building na ito nagtatago ang nasabing crime lord at sa bawat palapag e merong mga hukbo ng mga kawatan, adik, kawatang adik at kung anu-anong klase ng halang ang kaluluwang handang pumatay para makalibre laang ng renta sa building. At lahat sila e marunong mag-Indo-fu at me kakayahang makasakit at makapatay sa bida. Kapareho ng AI ng mga zombies sa Resident Evil video game franchise, sunud-sunod ang alon ng mga kawatang handang mang-ubos ng bala ng pulis gamit ang kanilang mga bungo. Ito e para ang mga mas mahusay sa Indo-fu e magkaroon ng tsansang mapatay ang mga parak kapag nagkaubusan na ng bala. 

Buod ng The Raid 2: Berandal

Dahil meron nang mas malaking budget matapos tumabo sa takilya ang unang The Raid: Redemption, nakayanan na ng filmmaker ang gumawa ng isang pelikulang merong kwentong mas kumplikado sa main objective ng video game na Elevator Action sa Raid 2: Berandal. 

Bago ang Nakatomi Plaza sa Die Hard, meron na nito.

Kung hindi nyo napanood ang The Raid: Redemption, hindi kayo dapat mag-alala sa pagkunekta ng kwento ng part 1 sa 2 dahil ang namiss nyo sa una e isang oras at kalahating training montage kung saan nagpapakita ng kahusayan sa pagbali ng buto at pagpatay ang bidang si Rama at kahit hindi nyo napanood ito e maiintindihan nyo pa rin ang The Raid 2: Berandal. Ang dapat ninyong ipag-alala e hindi ang namiss ninyong kwento, kungdi ang isang oras at kalahating training montage kung saan nagpapakita ng kahusayan sa pagbali ng buto at pagpatay ang bidang si Rama.

Madali para sa Pinoy na magkamali't isiping magkapareho ng ibig sabihin ang 'berandal' sa pamagat nito at ang Tagalog na 'barandal' sa dami ng mga pulis at kawatang bumabarandal sa bawat kanto't sulok ng mesa, dingding, pinto, kotse, hagdan, bakod, bintana, istante at kung anu-ano pang bagay na matigas. Ang totoo, ang ibig sabihin ng 'berandal', ayon sa IMDB, e 'thug'.



Ito e dahil kinailangang pumasok ni Rama sa oblo para makuha ang tiwala ni Uco, ang anak ng mob boss na si Bangung para makapasok sya sa sindikato nito at maimbestigahan kung sinu-sinong pulis ang nasa payola nila. Kung akong tatanungin mo, e para laang itong pizza delivery guy sa isang porn - isinasaksak para magkaroon ng dahilan para makapagsex ang mga tauhan. 

Sa kaso ng The Raid 2: Berandal, ito e para makapanggulpi ng 50 katao ang bidang si Rama sa parehong panig ng mga preso at gwardya. Dahil dito e binyayaan tayo ng dalawang malulupet na gulpihan: una, sa isang cubicle ng banyo kung saan sinagupa si Rama ng 15 pusakal at paisa-isa nyang pinapasok sa pinto ang mga tarantado at inala-Hot Gates sa pelikulang 300 at pangalawa, sa riot sa putikan laban sa mga karibal na gang at mga nang-aawat  na gwardya.


Nung ganap nang nakuha ni Rama ang tiwala ni Uco, nakapasok sya sa sindikato nito. Habang nasa sindikato sya e napagitna sya sa napipintong management coup sa pagitan ng mag-amang namumuno nito. Pinakumplika pa ito ng gerang napipinto kontra sa dalawa pang karibal na sindikato - ang lahat ng ito para magkaroon ng pagkakataong makalikom ng bundok ng imbalido't bangkay ang bida. Hindi ko na ikukwento dahil hindi gaya ng unang pelikula, meron itong istoryang ala-Infernal Affairs - yun e kung ang ginamit ni Tony Leung sa imbes na Morse code e kamao.

Nagkamal ng santambak ng sugat at nagpatak ng sandamakmak na dugo si Rama sa raid na ito. Ang huli kong napanood na tauhan sa isang pelikulang dinugo nang ganito e 'yung main character sa bayolenteng soap opera ni Mel Gibson at kahit ito e umasa pa sa resurrection sa ikatlong araw, hindi gaya ni Ramang naglakad sa sarili nyang mga paa hanggang sa magtaasan na ang mga pangalan ng nagsiganap sa pelikula. Ang hindi ko laang maintindihan e kung bakit wala pang nagsusulputang kultong sumasamba ke Iko uwais sa puntong ito. 

Para magkaideya kayo sa sinasabi ko, panoorin nyo itong video clip na ito mula sa The Raid 2: Berandal. Bibigyan ko kayo ng limang minuto. Kung hindi na kayo nagpatuloy sa pagbabasa nitong blog na ito, alam kong nagtagumpay na ako sa pagkumbinsi sa kahusayan nito. 

Mapapanood ito rito sa youtube clip na ito: Gang War.

Ang eksenang iyan e deleted scene laang! Iyang napakalupet na eksenang iyan na pipwede nang stand-alone short film e napagtanto ni Gareth Evans, direktor, na hindi karapat-dapat sa kabuuan ng kwento ng The Raid 2: Berandal. Isipin nyo ang lineup ng Miami Heat noong taong nagkampeon sila sa unang pagkakataon at imadyinin nyong dapat sana e starting point guard nila si Rajon Rondo, pero pinakawalan nila dahil hindi na nila kailangan. Parang ganun ang eksenang ito. 

Tinanggal nila ito dahil sa kabuuan ng pelikula, kokonting beses laang ginamit ang baril - at iyon e ginamit laang ng mga nag-aabalang mag-aksaya ng oras na mag-apply ng lisensya sa paghawak ng baril o pagbili ng paltik sa halip na ituon ang oras sa pag-aaral ng Indo-fu. Ang mga sandata ng magkapatid hitman na sina Hammer Girl at Baseball Bat Man e sa Ace Hardware at Toby's laang nila binibili dahil maigsi ang pila at hindi makakasagabal sa oras ng kanilang ensayo.  


Ang armas nila at ang kanilang kasarian ang pangalan ng dalawang kontrabidang ito sa credits.

Kapag nangangalay na sa kakagamit ng kanyang katawan bilang sandata ang mismong pinakamalupet na hitman ng sindikato, na tinagurian kong Indonesian Manny Pacquiao, gumagamit sya ng armas na maikukumpara sa mga taring ginagamit ng mga manok sa sabungan. 


Pwedeng gamitin ng mga Pro Gun movements ang pelikulang itong pampropaganda pangontra sa mga anti-gun movement. Sinumang makapanood nito e mapapagtanto at mapapasang-ayong mas makatao pang mamatay sa punglo kesa maibarandal nang walang humpay sa bawat kanto ng konkreto. 

Unholy Trinity: Gareth Evans, Iko uwais at Yayan Ruhian

Iko Uwais as Rama.
Mala-The Expendables ba ang dating ng larawang ito? Iyon e hindi dahil sa gusto nilang mang-rip-off sa The Expendables, kundi para ipamuka sa kanilang sa imbes na Chuck Norris at isang parada ng lumang action stars, ang tanging kelangan ng pelikula e ang tunay na martial artist na si Iko Uwais at ang mga gumaganang bahagi ng kanyang katawan. Hindi ito isang homage, isa itong diretsahang hamon sa Hollywood at action movies nilang talamak sa CGI. 

Kung napanood nyo 'yung dalawang huling Die Hard e alam nyo na kung ano ang tinutukoy ko. Hindi naman masama ang special effects, pero para sa isang action movie ang hinahanap ko e mga tunay na artista't stuntmen na gumagawa ng mga makabali-ng-leeg na stunts, hindi cartoon sa isang computer. 

Ang malupet pa nito sa dalawang pelikulang ito e bukod sa pagiging bida, si Iko Uwais rin ang fight choreographer nito, kasama ang partner nyang si Yayan Ruhian, ang gumanap na Mad Dog sa unang The Raid at Prakoso, ang taong grasang assassin sa pangalawa. Mas umaangat ang paghanga ko sa dalawang ito dahil para silang John Lennon at Paul McCartney na lumilikha ng sarili nilang kanta sa pinilakang tabing.

Panoorin nyo ito para malaan kung bakit ngayon e
lagi kong pinapakinggan ang 'Sarabande' nio Handel.
Mahahaba ang mga shots ng action scenes kaya't kumikinang at tumataginting ang husay ng mga artistang tunay na marunong mag-Indo-fu sa kanilang mga eksena. Pinaltan ng direktor na si Gareth Evans ang ballet-like gun-fu ni John Woo noon ng ballet-like violence ng pencak silat - ang tawag sa Indo-fu martial arts na pinamalas sa pelikulang ito. 

At hindi nyo matatawag na no-brainer ang pelikula dahil sa mga poster e meron kayong makikitang mga larawan ng dahong karaniwan nyong nakikita sa ibabaw ng tenga ni Francisco Balagtas. Ibig sabihin nito e meron itong mga napanalunang award/s sa mga film festivals na malamang e sa kategorya ng "The Best Movie in the World from 1400s Onwards". 

Kung meron ka mang mairereklamo rito, ito e 'di gaya ng The Raid 1: Redemption, sumubok si Gareth Evans na lagyan ng kwento ito. At gaya ng karaniwan sa mga kwento, meron itong drama at hindi gaano sangkot si Iko Uwais sa pagganap sa mga eksenang ito. Parang ipinagpaliban sa tisoy na artistang gumanap ke Uco at 'yung mala-Pen Medinang gumanap ke Bangun ang akting sa pelikulang ito. 

Kung si Pen Medina 'yung tatay, si Paolo Conti naman 'yung anak.
Pero, para sa akin e tama ang desisyong ito. Iwan ke Tom Hanks ang pagsaulo ng script at pagkilala ng nunances ng karakter at iwan ke Iko Uwais ang pagsaulo kung saan lalapag ang mga suntok at sipa nya para hindi maubos ang budget ng pelikula sa pagpapa-orthopedic o pagpapalibing sa mga stuntmen na kaeksena niya. Naiimadyin nyo ba si Peter North na nag-aabala sa script, bukod sa kung saan tatama ang money shot?

Teka, bago kayo ma-turn off nung isiningit ko ang katagang 'drama', wala ritong love interest na gaya ni Adrian (Talia Shire) na kumokontra sa pagra-Rocky ni Rocky sa Rocky. Mga tatlong minuto laang siguro sumulpot sa pelikula ang asawa ni Rama: natutulog sa 1 at kausap saglit sa telepono sa 2. Sa sobrang igsi ng role nito, pipwedeng palitan ng isang prop na wedding ring ang kanyang asawa para ipaalam sa ating meron syang pinahahalagahang mga tao sa buhay, kundi laang ginawa na rin ito ke Prakoso at ang kanyang locket na merong larawan ng kanyang anak.

At saka nung... Inaawat ko na ang sarili ko sa pagsusulat at mag-aaral akong mabuti ng Bahasa Indonesia para sa susunod na ilabas ito sa Indonesian cinema e hindi na ako mag-aalangang manood nito nang walang English sub.