Showing posts with label basag-trip. Show all posts
Showing posts with label basag-trip. Show all posts

Sunday, May 8, 2016

For Sale: Boto Ko

Gaya noong 2013, ibinebenta ko ulit ang aking boto ngayong taong ito. Pero, sa pagkakataong ito, ayoko na ng 10 GB na porn. Kakasawa rin kasi. Dahil nasira't nawala lahat ng files ng mga movies at music ko, kahit papiliin nyo na laang ako ng 10 GB worth ng kahit anong movie o music files nyo. 

At bakit ko ibinebenta ang sagrado kong boto, tanong nyo? 

1. Dahil bobotante ako.

Inalipusta ko ang sambalana noong 2013. Sinabi kong ang bilang ng boto ko e iisa, kapantay ng boto ng mga naglipanang bopols. Sa pagboto ko ke Kandidato X, merong 1000 bobotanteng katumbas na boboto sa bigotilyong bigot na boksingerong laging absent sa konggreso. Sino ang gaganahang bumoto pa kapag ganun? Ika nga ni George Carlin...

Mr Carlin, ni minsan hindi ko inunderestimate ito.

Medyo nabago ang aking pananaw sa bagay na ito. Dahil sa kabagutan ako e nag-online quiz sa CNN Philippines. Isa itong multiple choice na quiz kung saan makikita mo raw kung kaninong stand ng kandidato ka sumasang-ayon. Alam kong bullshit ito at parang mga "Which Avenger Are You?", pero ika ko nga, nababagot ako't walang magawa. 

Heto ang unang tanong:

Nasan ang "Bakit walang bantaang pasabugin ang mga cell site, gaya ng sinabi ni Duterte dati?"
Unang tanong, nakikita kong bokya na agad ako. Hindi ko maisip ang pinakamainam na sagot. At sa loob ng dalawang segundo e naisip kong baka mas tama ang mag-invest sa teknolohiya para sa mahabaan e mapakinabangan ang pag-unlad na ito. Ika nga e long term solution. At naks feeling ko e ke galing ko dahil sa tuwing me nakikita akong nagdedebate e long-term solutions lagi ang nagmumukang matalinong sagot kumpara sa short, band-aid solution. Isa pa, anong paki ko sa internet connection sa Pinas e nasa Indonesia naman ako?   

At sunud-sunod na mga tanong na hindi ko maisip kung ano ang sagot: 
  • Airport Facilities Problem? - Clark? Gugustuhin ko bang dumaan pa ng Pampanga o Angeles ba iyon bago umuwi ng Tanza? Pero teka, hindi para sa akin iyon, kundi sa mga mag-i-Ilocos. Mababawasan ng tao sa NAIA kapag nagkataon. Hmm... tama! Clark nga ang solusyon. 
  • BBL? - Shariah Law, Aceh ng Indonesia, camel, putol kamao. Fuck BBL. Sa isang banda? Anong paki ko? Wala naman akong balak na pumunta run. 
  • Economic Charter Change - Ano ba ang babaguhin rito? Hmm... Pagandahin ang ekonomiya, pero isang economic charter change ba ang kelangan run? Ano ba itong ECC? Fuck it, neutral!
  • Reforming the tax system - Hmm... gumaya sa ibang bansa sa Asya? Gaya ba ng Singapore? Be ewan. Hindi ako ekonomista. 
  • PDAF - Pork barrel? Di ba me scam dun? Be, tanggali! Teka, 'di ba't dapat e ginagamit iyon para sa kung saan? Gaya ng pagbibigay ng pera sa mga botanteng college students na nagbubuo ng banda at nangongolekta ng perang pambili ng drums gaya ng ginawa namin noon? Paano na ang mga nangangarap na magbandang kabataan? Teka, panget naman music scene ngayon at kahit si Daniel Padilla e nagkakaalbum, hwag na laang! Paano pala, kapag tinanggal ito? Ano ang ipapa... 
  • Bottom Budgeting to replace PDAF - Teka, anong pinagkaiba nito? Hindi ba't parehong ibubulsa laang ng pulitiko iyan at ibabalik laang ang 0.05% niyan sa mga kabataang nagsosolicit ng pambili ng bola ng basketball kapag eleksyon na? Binago laang ang pangalan, pero pondo pa ring mananakaw iyan?
  • Fighting corruption - Death? Malagim. Pwedeng gamitin laang ng presidente iyan para ipa-Game of Thrones ang mga karibal. Regular balance checking ng lifestyle. Hm... Parang ISO, pero mas matindi. 
  • SSS Pension hike - Malulugi ba ang gobyerno kapag itinaas nila ito? Fuck it, kelangan ko ito 20 years from no. Hike it up to notch 11, bitches. 
  • Solving crime  - Pataasin ang sahod ng mga pulis? Ano sila, sinuswerte? Mga guro ng public schools muna para hindi na sila magbenta ng tusino para makapagpaaral ng mga anak nila sa private schools. Modernization ng PNP ang sagot! 
At lumalabas na isa akong bobotante. Wala akong alam sa mga isyung ito. Una, dahil walong taon na akong wala sa Pinas at parang bakasyunan ko na laang ito. Wala na ako sa sirkulasyon at hindi ko na alam ang nangyayari. Pangalawa, wala akong ganang pagtuunan ito ng pansin. At sa paanong paraan? Magsaliksik base sa ibibenebenta ng media? Mediang hawak rin naman ng kung sinu-sinong pamilya ng mga pulitiko? Social media? Ang media kung saan ang daming engot na nagshe-share ng ganito?


Hindi pwedeng sa ibang bansa ka ipinanganak kung saan ang sinasamba e pardible?

Kung ako e bobo, mas marami pang mas bobo sa aken. 

Hindi ako naniniwalang ang mga napili kong sagot sa sampung tanong e isang tiyak na representasyon ng tunay kong napupusuang presidente, lalo na't sampu laang ito sa santambak na isyu sa Pinas. Wala pa sa kalingkingan ng lahat ng mahahalagang usapin ito sa Pinas, gaya ng mga tsekeng ipinangangalandakan ni Cesar Montano at kung tunay na ngang magreretiro si Pacquiao. 


SWA. Open-minded ba kayo sa business?

O nga pala, kung interesado kayo kung sino ang lumabas na kandidato sa quiz na ito:

Sa tindi ng suporta ng mga tagasuporta nito sa social media, sigurado akong dito ako makakabenta. 
2. Isang malaking komedya laang naman ang eleksyong ito. 

Tara't mangarap nang konte. Sa tingin nyo ba e merong (malaking) pagbabagong magaganap matapos ang eleksyong ito? Kung ano ang buhay nyo ngayon, ganun pa rin iyon pagkatapos nito. Ilang presidente na ang pinagdaanan nyo? Sa akin e ang mga ito:

  • Marcos - martial law, pagpapauso ng refrigerator bilang huling hantungan, pinagbawal ang Voltes V. PINAGBAWAL ANG VOLTES V!
  • Cory - kudeta, brown out, pero wala nang martial law, pero merong pinakakarumal-dumal na bahay-bata sa kasaysayan ng mundo at responsable sa pinakamalaking krimen sa Pinas - ang showbiz career ni Kris Aquino
  • Ramos- tunay na astig at machong presidente dahil dating heneral at hindi na kelangang magkomedya't magpamacho sa pamamagitan ng rape jokes, astig na kwelyo sa ibabaw ng jacket/ suit/ blazer at tabako, mataas na vertical jump para sa isang senior citizen
  • Erap - naipalabas ang ending ng Voltes V sa pinilakang tabing, mostly lame sometimes funny Erap jokes at Velarde bank account
  • GMA - pinatunayang hindi totoo ang kulam at mangkukulam dahil sa dami ng mga gustong magpapatay sa sobrang ngitngit sa kanya e hindi sya tumimbuwang at Mikee Cojuangco movies
  • P-Noy - mukang Minion, tampulan ng memes sa Facebook  
Mas mataas pa ito sa mismong vertical jump ko sa ngayon.

So, anong aasahan ko sa eleksyong ito?
  • Roxas - third generation superstar na naglaro ng "Who are the People in Your Neghborhood" 
  • Binay - pag-uusapan pa ba natin ang mga bintang ng korupsyon, tampulan ng mga nognog jokes ng isang lahing akala mong pagkapupute ngayong taong 2016 
  • Poe - na nakilala ko laang dahil anak ni Panday, tisay, Fil-Am raw
  • Santiago - matalino at feeling mo matalino ka rin kapag ito ang pinili mo, hinangaan ko noong ako e nasa high school dahil sa mga nababasa ko sa school-issued Students Digest, nag-aalmusal noong ng death threats, muka ng minsan nakakatawa, pero kalimitan e malalamyang jokes sa Miriam Santiago Lines sa FB at may akda ng Stupid is Forever, pero kumampi ke Erap noong impeachment at hindi tumalon sa helicopter (o eroplano?) dahil She lied (Akala mo malilimutan ko ha!). Plus, Bong Bong "Half Rice" Marcos, anak ng nagpabawal ng Voltes V.
  • Duterte - pilit na nagpapakamacho (si Fidel Fucking Ramos laang ang tunay na macho!), Erap + Alfredo Lim gimmick, pala-murang parang taga-Tanza na minura si Pope (plus points!), namolestya ng Heswita, nangmoleestya ng katulong, rape joke, sabi nila e magandang Davao kahit hindi ko pa napupuntahan, nakakataas ng kilay na napagbibintangan ngayon ng milyones/ bilyones sa bank account ng kung-hindi-pa-nag-expose-e-hindi-ko-malalaang-tumatakbong 3llanes.
At Manny Fucking Pacquiao. End of story.

Tapos, meron pang mga party lists na ginagamit laang bilang backdoor ng mga sinumang Herodes na gustong tumakbo, pero nag-aalinlangan kung mananalo sila base laang sa apelyidong kanilang namana sa kanilang mga magulang. 

3.  Ang iuupo ng eleksyong ito e part-timer laang kung tutuusin. 

Isang term na magtatagal ng anim na taon. Ano sa tingin nyo ang magagawa ng isang presidente sa ganitong klase ng term? Anim na taon para ayusin ang fuck up ng susundang rehimen. Anim na taon para mapagbago ang sistema. Ang huling taon o dalawa (kung hindi man lahat) e nakakatuksong gamitin na laang sa pangungulimbat ng pera ng bayan. Tutal, mawawala na rin laang ako sa pwesto, nakaw na muna! Ano ba ang iluluklok natin - isang temp?

So, gaya ng sinasabi ko, ibinebenta ko na laang ang boto ko sa kung sinuman man ang iinteresado.


News flash: Kapalit ng akin nang babansaga kong Duterte Rule, kung saan pwede na akong mambubae basta't uuwi ako nang walang dalang STD, ang misis ko ang nanalo sa aking boto. Ke Duterte ko na laang ibibigay ang boto ko kapalit ng pribileiyong ipagkakaloob sa akin ng misis ko. 

Isa pa, hindi naman ako sa Pinas magtitigil. Malay mo sa tuwing magbabakasyon ako, wala na akong katatakutang laglag-bala, baka mas tumino na ang mga pesteng drivers at umalwan nang bahagya ang traffic at baka mas disiplinado na ang mga Pinoy at wala nang magkakalat o dudura sa kalsada at magmistulang Singapore kuno ang Pinas. Isa pa, tapos ko na ang Voltes V at napanood ko na ang ending. Kung magdidiktador man si Duterte, wala na akong ipapangamba. 


Friday, February 19, 2016

Dalawang bagay na dapat maintindihan ng bawat kokontra sa sinabi ni Pacquiao

Napahilamos nang walang tubig ang muka mo noong napanood mo ang video kung saan sinabi ni Manny Pacquiao na mas masahol pa sa hayop ang mga taong pumapatol sa kapwa nilang kasarian. Ito ang reaksyon mo dahil para sa isang laging absent na congressman at papalaos nang boksingerong nangangailangan ng boto ng madla, hindi mo inaasahang masasabi nya ito dahil mahirap bumangga sa isang grupong me kakayahang makapagbigay ng boto. Lalo na kung ito e LGBT dahil nagkalat ang galamay nito sa media, mula balita, showbiz at mga nagpipilit na magpaganda ng kanyang inang merong shotang bata.  


Bagama’t hindi ka naman lalakwe, garutay, badaf o tibo, meron ka namang kakayahang umintindi at makisimpatya sa mga kapwa mo taong ang pinagkaiba laang naman sa iyo e mahilig silang magpompyang o makipag-espadahan. Isa rin sa ikinakagulo ng iyong bulbol e ang ideyang ang isang tumatakbo sa senado e hindi man laang nakakaalam na meron ring homosexual activities pati sa mga hayop dahil akala mo e alam iyon ng bawat karaniwang Jhon Jhon at Jhenz dela Cruz na nakatungtong ng haiskul.  

At nagpahayag ka ng iyong saloobin sa comments section kung saan mo napanood itong video. Ibinahagi mo rin ang video sa iyong FB o Twitter at ibinahagi ang butil ng itinuturing mong karunungan para ipagtanggol ang itinuturing mong naagrabyadong LGBT. Nabaitan ka sa sarili mo dahil nagpakita ka ng malasakit sa isang grupong sarili laang naman nila ang iniisip at nagsasalita laang kapag merong naagrabyadong kauri nila, tungkol man sa diskriminasyon ang isyu o hinde. 

Pero, nahulog ka sa kinauupuan mo at nabura sa muka mo ang iyong ngiti dahil lumalabas na maraming Jhon Jhon at Jhenz dela Cruz pala ang sumusuporta sa mga sinabi ni Pacquiao. 

Para sa kanila e walang masama sa sinabi ni Pacquiao dahil nakasaad ito sa bibiliya at oo nga, walang bading sa mga hayop. Kontrolin mo ang sarili mo, hwag mong sagutin pa ang kanilang mga pahayag, tiisin mo ang nangangating pangangailangan mong magwasto ng pananaw o maling pagkakaintidi ng iba. Bagkus, ikaw dapat ang umintindi dahil…  

1. Kahit anong paliwanag ang gawin mo sa pagkontra sa nakasulat sa Bibliya e hindi tatalab.

Parang balang tatalbog sa dibdib ni Superman ang kahit anong lohikal mong paliwanag sa mga taong itinuturing na ang Bibliya ang walang-dudang Salita ng Dios. Para sa mga ito, noong unang panahon e minabuti ng Maylalang na tumayo sa kanyang kinauupun, sumulyap mula sa mga ulap ng kalangitan para magdikta ng kanyang pahayag, utos, opinyon at nakakaaliw na mga kwelang kwento. Ang iba’t ibang ghost writers na taong pinili mismo ng Maykapal, mula sa kanyang pagdidikta, e isinulat ang lahat ng ito nang walang dagdag, walang bawas. Para sa mga fans ng book club na ito e literal na salita iyon ng Panginoon at hindi ito akda ng mga sinaunang taong naghahanap laang ng paliwanag kung bakit merong mga taong nangingisay na laang basta nang walang dahilan. Para sa mga manunulat na ito e ang mga taong ito e sinasaniban ng demonyo. Iyon e dahil ang 'sanib ng demonyo' ang pinakamalapit na translation na naisip nila para sa epilepsy.

Pinagpala ang mga bahay-bata na hindi nagbunga at mga uso na hindi nasusuhan. - Luke 23:29
Pag sinabi nating literal, ang ibig sabihin noon e naniniwala sila sa mga kwentong nakasulat sa Bibliya, gaya ng bangkay na bumubuhay ng bangkay, panot na propetang nagpatawag ng oso para rumesbak sa mga batang nang-asar sa kanyang pagkapanot, ang lipon ng mga nagsibangunang bangkay noong si Hesus e bumangon raw sa kamatayan at iba pang kababalaghang karaniwan mong mababasa ating panahon, gaya ng Harry Potter at mga Marvel at DC comic books e literal na nangyari. Literal o tunay, gaya ng mga natutunan mo sa aklat ng kasaysayan.

Kaya’t inyong intindihing kinasusuklaman nila ang mga lalaking nagpapaoros dahil nakasaad ito sa Leviticus 18:22 at 20:13, ang siya rin mismong libro sa Bibliya kung saan nakasaad na bawal rin ang magpatato (19:28), mangalunya (20:19), magsuot ng polyester (19:19), kumain ng hipon, pusit at alimasag (11:12). Dahil nakasulat rin ito sa mismong libro kung nakasaad ang batas sa bakla, iniisip mong dapat e parusahan rin ang mga lalabag sa mga pinagbabawal sa mga nakasaaad na bersikulo sa itaas. Huwag ka nang magpumilit dahil mali ka ng intindi sa mga bersikulong ito. Mali ka dahil:
  • hindi ka kaanib ng book club nila kaya't hindi mo naiiintindihan ang konteksto ng panahon noong ito e isinulat dahil hindi mo napapakinggan ang mga aral ng pastor nila. 
  • kulang ka sa pananampalataya.
  • metaphorical laang ang lahat ng ito.

Ito ang dapat mong tandaan at intindihin: Ang Bibliya e literal na salita ng Dios. Na minsan e metaphorical, depende kung umaayon sa norm ng panahon kung kelan ito binabasa ng mga fans ng book club na ito. Kung nakakahiya, gaya ng pagpayag sa pang-aalipin (Exodus 21:1), metaphorical. Kapag hindi nakakahiya at magandang pakinggan, literal.

Subukan mong tanungin ang katoto mo nito. Dapat ba nating isabatas ang parusang kamatayan para sa mga batang minumura ang kanilang mga magulang dahil nakasaad ito sa Leviticus 20:9?
For every one that curseth his father or his mother shall be surely put to death: he hath cursed his father or his mother; his blood shall be upon him. - Leviticus 20:9
Kapag ang sagot nila e OO, isa syang mabuting Kristyanong sinusunod laang ang nakasaad sa Bibliya. Kapag ang sagot nila e HINDI, ito e dahil metaphorical laang ang lahat. Kaya't walang maling sagot kundi ikaw ang mali dahil hindi ka naniniwala sa Bibliya.

At dahil naniniwala nga silang ang Bibliya ang literal na salita ng Dios, hindi gagana sa ang ideya ng merong same sex marriage sa kanila dahil ang kanilang kinatatakutan nang todo e ang mapagaya ang Pinas sa Sodom at Gomorrah. Para sa kanila, kapag idinutdot mo ang uten mo sa wetpaks ng bakla, mapopoot ang Dios at manggugunaw sya ng bayan o bansa. Oo, dahil laang isinusuksok sa maling butas ang mga ari.

Bukod sa hindi mo naiiintindihan ang dalawang antas ng pang-unawa sa Bibliya (literal at metaphorical), hindi mo rin nauunawaan na kapag sinabi nilang hayop, ibang uri ng hayop ang pinag-uusapan mo at nila dahil...

2. Kakaiba ang pagkakaintindi nila sa hayop.

Ito e dahil iba ang konsepto ng hayop sa Bibliya. Walang pinagkaiba sa kung Bikulano ka at ang ibig mong sabihin ng salitang 'ayam' e aso at meron kang kausap na Indonesian na ang 'ayam' e manok. Kaya't kapag sinasabi mong takot ka sa 'ayam', ang iniisip ng kausap mng Indonesian e ikaw ang chicken dahil takot ka sa manok.

Kung ano man ang intindi mo sa hayop, e iba ang sa kanila. Ang paniki para sa iyo na isang mammal, e ibon sa Bibliya.

Ibon man iyan o mammal e hindi ko kelangan ng bible verse para hwag itong kainin.
Pag binalikan mo pa sa Genesis e makikita mong sa simula pa laang e nalilito na sila kung ano nga ba ang hayop. Ni hindi nga malinaw kung kelan sila nilalang. Bago ang tanong sa manok at itlog, mas nauna nang tanong kung alin ang naunang nilalang, ang manok ba o ang betlog ni Adan?

Parang lasing lang kasi ang sumulat ng Genesis. Nung idinidikta ng Dios sa kanyang ghost writer ang kwento ng paglalang, sinabi nya sa unang kabanatang hayop raw ang una nyang nilalang, pero sa susunod na kabanata naman e si Adan. Para kang merong kinakausap na batang nakabasag ng vase at nagbabalu-baluktot ang istorya. Sa tuwing tatanungin mo e merong bagong version kung paano ito nabasag. 

Faith ang sagot.
Sa Genesis pa rin, sa kwento ng The Fall of Man, e merong nagsasalitang ahas na tumukso ke Ebang kainin ang ipinagbabawal na prutas. Sa Bible Universe, kakayanin ng ahas na lumikha ng boses na gaya ng sa tao kahit magkaiba ang anatomy ng vocal cord ahas at tao. Bukod run, pati ang isang asno e nakapagsalita rin para manakot ng isang tao sa isang kwento.

Sa mga susunod na kabanata  matapos ng kwento ni Adan at Eba e mababasa nating napagkasya ang lahat ng mga hayop sa mundo, dalawa ng bawat uri nito sa isang barkong nilikha ng isang 600 anyos na lalaki at ng mga kamag-anak nito. Kanilang pinaniniwalaang ang mga herbivore, carnivore, omnivore, at iba pa e nagawa nilang pagtabi-tabihin nang hindi naglalamunan, nagkakapisatan at nagkakamatayan. 

Maning-mani ang Math puzzle na ito ke Noah na nagawang pagsama-samahin ang lahat ng hayop sa mundo sa iisang Arko.
Sa Bible Universe, pipwedeng magkasundu-sundo muna ang lahat ng hayop, maging ito man e aso, pusa, leon, tigre, polar bear, alakdan at matsing. At handa silang maglakbay mula Middle East papuntang Australia at North Pole at doon manahan matapos ng Baha. 

Sa Bible Universe rin e nagawang magparaming muli ng mga ito na ang gamit laang e tigagalawang hayop (na ni isa e walang bakla, take note) sa bawat uri. At dahil dito ang mga giant panda e hindi itinuturing na endangered species dahil hindi mas mababa sa isa (1) ang bilang nito. 

Teka, pati nga pala ang mga dinosaurs e umabot sa panahong ito ni Noah. Pinaniniwalaan ng mga itong ang dinosaurs e nabuhay nang kasabay ni Eba at Adan at umabot pa ke Noah. Sumakay rin sila sa Ark. O baka naman hindi sila nakasakay kaya sila na-extinct? Tanungin mo ang pastor ng kaibigan mo dahil hindi ko rin kayang unawain ito.

Mapapansing ang pang-unawa nila sa nature ng hayop e iba sa natutunang nature ng hayop sa mga aralin natin sa Science noong elementarya. Kaya’t inyong intindihing hindi nila alam na ang mga hayop e meron ring mga homosexual. 

Hwag nyo na silang bigyan ng links ng scholarly articles na nagsasaad nito dahil wala itong binatbat sa nag-iisang librong pinakamahusay sa lahat at hindi nila babasahin iyan. Nakakatukso mang padalhan mo sila ng links ng mga lalaking kabayong kumakasta ng lalaking asno e huwag nyo nang gawin dahil ito rin ang sasabihin nila:
  • E ano ngayon kung me mga baklang hayop? Dahil ginagawa ito ng mga hayop, gagayahin na natin?
  • Baket, nagpapakasal ba ang mga hayop?
  • Ikaw pala ang eksperto ng mga sex ng hayop, mukang marami kang karanasan a.
  • E di ikaw, kumasta ka ng hayop.
At kung anu-ano pang malayo sa putukang hirit, samantalang ang sinasabi mo laang naman e mali ang pinagbasehan ng punto ni Manny Pacquiao na hindi marunong makipagtalik sa kapareho nilang kasarian ang mga hayop dahil kahit sa simpleng galugod sa Youtube laang e meron nang magsisilabasang gay dogs, gay horses, horse mating with donkey, atbp.

Sa huli kapag nilimi-limi mo, isang pag-aaksaya laang ng panahon ang makipag-argumento sa mga taong ito dahil hindi mo sila matitinag sa kanilang posisyon. Inaasahan mo bang ang mga taong naniniwala sa Bibliya bilang literal na salita ng Dios e mapapahinuhod sa salita ng isang tao sa FB? Dios! Sino ka kumpara sa kanilang Dios? Neknek mo. 



Wednesday, February 25, 2015

Lamay - FB style!

Dios ko, nawa'y dinggin ng Inyong Malambot na Puso ang aking panalangin. Nawa po'y itulot ng Inyong Mahabaging Kalooban na ako'y mabiyayaan ng mahabang buhay. Nawa'y umabot ako sa edad ni Matusalem at maunang lahat ng aking mga kakilala sa pagharap sa Iyo, Panginoon. Upang sa ganoon po e walang mga putang inang pupwesto sa harap ng aking kabaong para merong maipost na picture sa Facebook! 

Ano ba ang ethical, selfie o magpalitrato sa namatayan? 
  Namatay ka na nga, gagawin pang harapan ng Starbucks ang kabaong mo't doon magkokodakan. Ang iba e seryoso ang muka, ang iba e nakalawit pa ang dila. Di na ako magtataka kung merong magagandahan sa kanilang sariling muka't ika-crop ang picture para gawing profile pic. Babale-walain na kung ang background e kabaong. Tutal 'pag nilakihan nga naman ang picture e magiging isang brown na laang ang background at hindi na halatang ito e isang furniture na galing kina Cenizal. 

Lahat na laang ba ng pupuntahan ng mga tao ngayon e dapat kunan ng litrato? Lahat ba dapat idokumento? Bawat aktibidades? Wala na bang ituturing na taboo (hindi 'yung classic na bold na pelikula) o untouchable? Sige, pagbigyan na ang bertdey, binyag, kumpel, kasal, pagkaen, 'unboxing' (rolls eyes, merong araw rin sa akin itong isa pang ito), atbp. Pero, pagkamatay? Hindi ba pwedeng igalang ang isang ito? Ibalato na sa mga kamag-anak man laang. 

Kaso minsan, mismong kamag-anak pa e. Nakakita na nga ako ng nagpost ng larawan ng huling sandali ng kamag-anak nila sa ospital e. Ewan ko kung curious laang sila kung lilitaw sa litrato ang kaluluwa ng tao. Baka naghahanap ng patunay na meron tayong kaluluwa? 

Dahil wala akong permisong ilagay ang mismong larawan ng nakita kong nalagutan ng hininga sa FB, magtiis kayo sa isang reenactment sa isang pelikula. 
Meron namang ibang paraan para magpost na yumao na ang kanilang kamag-anak sa paraang merong taste, 'yung hindi mahalay. Siguro, larawan ng yumao noong sila e buhay pa? Kung me kakayahang magsulat nang matino, sumulat ka ng anekdotang pupukaw sa damdamin ng mambabasa. Kahit na ang resulta nito e makalakap ng likesHeto pa pala ang isa: sinabi mo na ngang namatayan ka na, nila-like pa. Like nilang namatay ang isang mahalagang tao sa buhay mo? 

Na-riding in tandem ba ang lolo mo?
Ewan ko kung ako laang ang apektado sa pausong ito ng ibang nagfe-Facebook. Iyon bang mga ganoong uri ng tao e merong permiso sa namatay na pwede nilang gawin iyong magpo-pose sa harap ng kanilang kabaong at magpalitrato? At ii-Instagram pa o FB? Humihingi man laang ba sila ng permiso sa mga kamag-anak ng namatayan, gaya ng asawa o anak nito? Kahanga-hanga ang kapal ng apog ng makakagawa nito. 

Ang iba e mismong muka pa ng namatay ang ibino-broadcast sa FB nila.
"Ekskyus mi po, pwede po ba akong magpakodak saglit sa harapan ng inyong asawang kamamatay laang sa isang aksidente? Sori? Hindi ko po maintindihan ang sinasabi nyo sa gitna ng mga hikbi't palahaw nyo dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ng inyong asawa. Pwede hong tumahan muna kayo nang saglit nang tayo e magkaintindihan. Papalitrato po. Pwede po? Tenk yu po."

Kung kelangan nyo ang larawan ko para makadiskwento sa tiket sa eroplano, papayag ako dahil nakakaintindi ako ng kuripot.
Nililinaw ko na ngayon habang ako e buhay pa: BAWAL PO ANG MAGKODAK SA AKING LAMAY. Oobligahin ko ang sarili kong maging multo't bumalik sa lupa ng mga buhay para bweltahan ang lahat ng magpapalitrato.

Kung hindi man mapagbigyan ang dasal kong ito, gusto kong ipahayag sa lahat na makababasa nitong mas mabuti pang walang pumunta sa lamay ko, kesa magpalamay ako. Ibalot nyo ako sa banig at itapon na laang sa ilog. 


Thursday, February 19, 2015

Ang Aking Chinese New Year's Resolution

Marami ngayong makiki-kung hey fat choi dahil Chinese New Year, kahit na sa totoo laang naman e wala silang bahid ng Chinese sa kanilang dugo. Ang ibig kong sabihin ng Chinese, e 'yung meron kayo talagang kalahing sa Tsina ipinanganak o nagmula, meron kayong mga kamag-anak na matatandang marunong mag-Intsik kahit na mismong kayo e hindi marunong mag-ni hao ma man laang at hindi lalampas sa tatlo o apat na letra ang apelyido nyo.  


Ang maganda laang sa Chinese New Year e ang bakasyon
at ang seksing tradisyunal na baro ng mga Intsik.
Pero dahil Chinese New Year nga naman at naglipana ang mga tikoy, naka-log in kayo sa Facebook, parang pakiramdam nyo e dapat rin kayong makibati sa mga 'kapatid' nating Tsinoy: kung me batchoy, kunsabagaykung sa pasay, kung paano man iyon. Masarap ipost, 'di ba? Masarap bumati nang walang laman, mala-drive by na pagbating bahala na kung sino ang makikinabang sa iyong iiwanang mga salita sa wall sa Facebook nyo. Hetong mga ilang katagang inyong iiwanan sa inyong wall, cho choi, cho choi: Tsinoy ka man o hinde, matuwa ka na laang.

Hetong isang tip kung gusto nyong bumati: Pag meron kayong nakitang isang Intsik o Tsinoy, batiin nyo ng praktisado nyong Mandarin. Kung online naman kayo, i-pm nyo o sulatan sya sa wall nya. Baket, kapag ba birthday ng isang tao, babatiin nyo ba ang lahat sa wall nyo? Kung wala naman kayong kaibigang may lahing Intsik, magkasya na kayo sa pagkain ng siopao sa Chowking. 


O kaya e HBD kung gusto nyo ng uso.

Anong problema ko't pati ang simpleng pagbating ganito e pinapatulan ko? Bumati ba kayo noong Islamic New Year? Paano na ang ating mga 'kapatid' na Muslim? Racist kayo? Babati kayo ng isang grupo, pero hindi ang iba? 


Al Habal Karampal Iskramadal! 
Anong petsa na sa kalendaryo nyo? Naging 2016 na ba? Hindi pa, 'di ba? Hindi pa rin natin New Year. New Year nila. 2015 pa rin. At wala na rin naman yatang gumagamit nito sa ngayon, bukod sa mga Intsik.  


At ginagamit laang nila ito para malaan kung kelan magandang magpakasal, magpalibing o magbukas ng negosyo. Ang ibig nilang sabihin sa magagandang petsa e swerte. Sa dinami-dami ng mga buwan at numero sa kanilang kalendaryo, merong swerteng petsa depende sa kung kelan kayo ipinanganak. Walang pinagkaiba sa karaniwang horoscope. At kung sa taong ito ng 2015 (o year of the goat kung talagang iginigiit nyo ang Chinese New Year), e kelangan ko pang ipaliwanag ang kabullshitan ng zodiac, e hindi ko na alam. Saan ako magsisimula? Sa ideyang merong 12 Zodiac signs na nagsasabing meron laang tayong 12 na kapalaran? Na iniimpluwensyahan ng mga buntala sa kalangitan ang mga nangyayari sa atin? 

Bigyan ko ngayon ng kapalaran ang mga Aries: Magiging maluwag ang pinansyal na aspeto ng iyong buhay sa linggong ito. Nguni't dapat mong ingatan ang iyong paggasta. Ang pagbili nang wala sa plano ay maaring maglagay sa iyo sa isang sitwasyon na ikaw ay mapapautang. Bukod rito, ingatan ang iyong kalusugan. Maaring ireklamo ang pananakit ng ulo nang bahagya sa buwang ito.

Hayan, horoscope para sa Aries na hinugot ko laang sa aking wetpaks bago dumiresto sa kubeta. Malaki ang tsansang tatama ang sinasabi ko dahil katatapos laang sumuweldo noong 15. At dahil ang Pinoy e merong one-day millionaire syndrome, malaki ang tsansang mauubos sa walang kapararakan ang sinweldong ito. Sa loob ng isang buwan, merong tsansang sumakit ang ulo ng isang tao. At knug sumablay, sino ang makakaalala sa loob ng isang buwan kung sumakit ang ulo nila o hinde?  

Ganyan rin ang Chinese zodiac. Sa halip na mga halimaw, e mga hayop laang ang gmit.

Year of the goat? Malas sa negosyo iyan dahil mabaho't me sungay.
Sa isang banda, hahanga rin kayo sa lakas ng loob ng mga nagpauso nito. Noong unang panahong hindi pa naiiisip ng mga tao ang agham at kinailangan nilang ipaliwanag sa kanilang emperador kung bakit walang tumutubong ani sa kanilang mga pananim, merong ilang grupo ng matatandang sumulpot. Sinabi nila sa emperador, "Nakupow, hindi po talaga tutubo ang ating ani ngayon dahil ngayon e taon ng ahas!" At dito nauso ang kanilang kalendaryo, feng shui, pagsusuot ng pula at kung anu-anong pauso sa mundo.


Kung paano nauso ang Chinese calendar, feng shui at relihiyon.
At ito ang isa sa pinanggagalaiti ko: ang media coverage sa pekeng bagong taong ito. Nakikita ko na ang muka ni Punto Por Puntong nagbubunganga tungkol sa Chinese New Year na ito. 


1 like = 1 sapok sa muka
Merong mga eksperto sa feng shui na magiging mga panauhin sa mga palatuntunan sa TV at sasaksakan nila tayo ng mga kung anu-anong kabalbalang mga hula sa taon. Huhulaan nila ang magiging kapalaran ng mga tao, base sa lalabindalawang uri. Gugugulin ang oras sa TV sa pagsasabi ng mga kung anu-anong bagay ang swerte at malas: kulay, damit, prutas, pagkain, bulaklak, atbp, na parang merong matinong basehan ang mga putangnangto. 

At ang aking Chinese New Year Resolution: Hwag mambati ng Happy Chinese New Year magmula ngayong taong ito. 


Saturday, February 14, 2015

Obscure Bible Verses #18: Ang halaga ng bubae, ayon sa Deuteronomy 22:28-29 atbp berso

Ang isa sa 7 kapatul-patol na posts e tungkol pagdadala ng mga bubae ke Kristo, sa halip na sa kanilang mga kwarto. Siguro kung ako e binata pa e hindi ko rin dadalhin ang isang bubae sa aking kwarto't napakagulo nun. Sa Sogo, maari pa. Ke Kristo? Be hinde. Ano ako, hibang, walanghiya o mysognist?   

Ang paboritong yakap ng mga Kristyano: modified side head lock.
Akala siguro ng me pakulo nitong pautot na ito e kahanga-hanga ang kanyang pinagsasabi. Alam nyo ba kung ano ang ibig sabihin ng pagdadala ng isang bubae ke Kristo o ang gawin syang Kristyano? Ang ibig sabihin nito e maging tagasunod sya ng salita ng Dios. Ano pa't tatawagin mo ang sarili mong Kristyano kung hindi mo naman susundin ang salita ng Dios, ang Bibliya? Para saan pa ang pagpopost nyo ng mga quotes tungkol sa Bibliya kung ito e nanggagaling laang sa mga FB page nang walang pag-uusisa man laang sa mga nakasulat mismo sa balon ng mga bersong ito - ang Bibliya? Meron ring FB page ang JMD!, pero hindi iyon ang punto.

Tuwang-tuwa naman ang maraming bubae kapag nalalaan nilang ang isang lalaki e maka-Dios o Kristyano. Akala nila e kebabait ng mga ito at ituturing silang mga santang nasa pedestal. Mas mamatamisin nyo pang mag-facial ke Peter North kesa magpatali sa isang Kristyano kapag nabasa nyo ang pinagpuputak ng Bibliya. Alam nyo ba ang tingin sa inyong mga bubae? 

Simulan natin sa mga nagagahasang birhen. Hindi sa gusto kong gawing katatawanan ang mga biktima ng ganitong klase ng karahasan, pero kelangan ko laang ihalimbawa ito. Birhen. Tinitingala ng mga Kristyano at dito hinuhulma ke Birheng Maria ang bawat Maria Clara. Bagkus, mataas ang halaga nito sa mata ng isang Kristyano, 'di ba? Sablay.

Ano ang halaga ng isang birhen?

Sabihin na nating isa kang birheng bubae. Isang gabi e natagpuan mo ang sarili mong inilulugso ng isang Pen Medina ang iyong puri. Me nakahuli sa inyo sa akto dahil sa tabi ng isang basurahan ka dinale. 

Anong kahihitnan mo? Pasensya ka't wala kang masasabi sa usaping ito. Tumabi ka muna habang nag-uusap ang dalawang lalaki: yung reypist mo at ang tatay mo. Kelan ang kasal nyo at kung magkano ang ibabayad niya sa iyo. Walang pinagkaiba sa kotse kapag nagkabanggaan. Ikaw ang kotse, wala kang sasabihin, habang nagkakasundo sila sa danyos.
Ang nakakaloko nito e ang Bibliyang susumpaan ng reypist mo sa korte
e isang librong inspirasyon para sa mga desperadong magkaasawa para mangreyp.

Alam nyo ba kung magkakano ang 50 shekels? Ayon sa Coat of Many Colors, ang isang bubaeng birhen e nagkakahalaga ng 50 shekels. Pag-aralan sa indeks sa ibaba kung magkakano ito kumpara sa ibang bagay noong panahong iyon.



Lamang nang konti sa isang alipin, kapareho ng halaga ng isang bahagi ng lupain at wala pa sa kalahati ng halaga ng isang kabayong Ehipto. At tingni itong presyo sa USD sa ibaba.



Ito e nasa mga bandang 600 USD. At ayon sa Coat of many Colors, naka-adjust na ito sa USD sa panahong sinulat ang article na iyon. 


Kung nagbabasa laang ng Bibliya si Billy Joe, alam na niyang $600 laang ang katapat nito.

Iyan e presyo pa ng birhen, gaya ng nanay ni Hesus. Paano na 'yung hinde? Yung mga Magdalena at mga bubaeng nasa gitna ni Magdalena at Inang Maria?

Pakakasalan ka naman, okay na rin iyon, 'di ba?

Sabihin na nating ikinasal ka na sa iyong romantikong Dick Israel. Ewan ko kung bentahe ito sa iyo, pero hindi ka nya pwedeng idiborsyo. Ano na ang kahihinatnan mo bilang isang misis? Aba'y maging aliping robot.


Stoning ang katapat ng bubaeng ito.
Gusto kong lunukin nyo muna ang ibig sabihin ng 'in everything'. Isipin nyo ang mga huling pinagtalunan nyo ng mister nyo. Anuman ang pinagtalunan nyo, sya ang panalo at sya ang dapat na masunod. Uuwi sya kung anong oras nya gusto, mag-iinom sya ng ilang case na kanyang gusto, isusuot nya sa isang kasal ang kahit anong gusto nyang damit kahit na ang ibig sabihin noon e akala mong sa sabungan laang pupunta.   

Anuman ang hilingin nya e ibibigay nyo: magdala ng tsinelas na panloob at magmasahe sa ulo't batok sa tuwing uuwi sya galing tarbaho, minu-minuto siyang pupuriin, BLTB sandwich at BJ habang nanonood ng NBA (o NFL kung Kano) at konting oros tuwing weekend kung ito e isa sa mga trip nya. Dahil wives should submit to their husbands in everything.

Uulitin ko: Wives, submit yourselves to your own husbands as you do to the Lord. Aha! kaya pala pinapauso ng Kristyanong nagpost ng pic na iyun ang pakulo niyang iyon. Dahil kapag nauto ka nang sumunod ke Hesus, sunud-sunuran ka na rin sa kanya dahil ang hindi pagsunod ke mister e hindi pagsunod ke Hesus. Palakpakan. Kahusay rin e.

Pwede nyo pa naman syang pagbaguhin, 'di ba?

Teka, me reklamo kayo sa mister nyo? Gusto nyo ba syang itama't ituwid? Anong sinasabi ng Bibliya rito? Malamang sasabihin sa akin ng mga cherry pickers ng Bibliya na ang Deuteronomy at Old Testament naman ang pinagkukunan ko ng verse. Para sa mga Kristyano, kapag hindi akma sa kanila ang isang berso at galing itong Old Testament, ibabasura na nila, gaya ng mga utos nito sa hindi paghipo sa karne ng baboy at pagsusuot ng polyester. Hetong bersong galing sa New Testament o Bagong Tipan. 


Bakit nga ba meron kaming mga gurong bubae sa eskwelahan namin e
bawal palang magturo ang mga bubae?
 
   
Kitam? Hindi kayo pwedeng manguna sa mister nyo.

Kung isa kang Kristyanong bubaeng kumokontra sa sinasabi ko, mali ka pa rin dahil sabi sa bersong ito e hindi ka pinapayagang magturo o magmagaling sa aking isang lalaki. Wala kang alam kundi ang magpauto sa nagsasalitang ahas kaya't shut the fuck up. Kasalanan nyo kung bakit tayo napalayas sa Hardin ng Eden. Teka, hindi ko salita ito. Bukod sa 'fuck', lahat e galing mismo sa Bibliya. Kung naaasar ka sa 'fuck' at hindi sa mismong nilalaman nito, e me problema kang malaki.

Swerte ninyo at inimbento ng lalaki ang anesthesia. Sinagip namin kayo sa sumpa ng Dios.

Hindi ka ba naniniwala sa mga pinagsasabi ko rito? Sa tingin mo ba e iniimbento ko laang ang mga bersong ito? O kaya e binibigyan ko ng sariling kulay ang salita ng Dios? Kung gusto nyo e magtanong kayo sa inyong pastor para maliwanagan kayo. 

Ooops! Hindi rin pala pwede. Dahil dapat e parating nakatikom ang mga bunganga nyo sa loob ng simbahan. Pag-uwi ninyo, 'pag nasa bahay na kayo't walang makakarinig ng nakakahiyang pagsasaboses ng mga tanong ng inyong mga mahihinang kukote, saka kayo magtanong sa inyong matatalinong asawa dahil lalaki sila at alam nila kung paano ipapaliwanag sa kukote nyo ang mahihirap aruking nilalaman ng Bibliya. Ulit, hindi sa akin nanggaling ito, kundi sa Bibliya.


Yup, mas okay nga siguro ang ituring na aliping robot na inflatable fucking doll na mas mababa pa ang presyo kesa kabayong galing Ehipto kesa maikama nang paminsan-minsan ng isang nanonood ng porno. Ayaw nyo naman rin ng sex, 'di ba? 


Tuesday, February 10, 2015

7 Pang Kapatul-patol na FB Posts

Aba't nakalampas na rin pala ako ng kalahating taon mula noong pumatol ako sa 7 posts na nakita ko sa FacebookSa bagong sistema sa FB, parang kapag meron kang ni-like o nilagyan ng comment, sumusulpot ito sa newsfeed. Hindi mo na kelangang i-share ito at lalabas na laang. Dahil dito, kung anu-anong posts ang nagiging bida sa aking newsfeed. 

Gaya ng naunang 7 kapatul-patol na posts, gusto ko ring pumatol, pero hindi ko... Teka, pinatulan ko pala ang iba. Yung iba kasi sa mga ito e 'yung mga tanong na gaya ng choose 1, 2, 3 o 4, gaya nito.



At dahil nasusulat ito sa pangungusap na patanong, e 'di sumasagot ako. Bagama't gusto ko rin ang anti-semite na soap operang Passion of the Christ, hindi ko makita kung paano kong ituturing na pinakaimportante sa akin ito, samantalang 'di ko maisip ang isang buhay na walang 1, 2 o 3.

Dahil segu-segundo e merong mga nagta-type ng 'Yes', 'Amen' at nagla-like, natatabunan ang aking mga comments sa loob ng sampung segundo. Kaya't minabuti kong ipunin rito sa Jerboy Must Die! ang mga pinagpapatulan kong gaya nito. 

1.  Like = Resect


Resek na resek!
Alam na natin ang kwento ng pagkamatay di umano ni Hesus para sa ating mga kasalanan. I-type raw natin ang 'amen' para sa 'di ko malamang dahilan. Para ba itong si Austin na nagtatanong ng, "If you want Stone Cold Steve Austin to raise hell, give me a hell yeah!" Sa imbes na mag-high dive ang mga Kristyano, nag-e-amen sila. Ewan.

At mas hindi ko maintindihan e kung ano ang dahilan para i-like natin ang post na ito para i-resect si Hesus. Kung hindi bahagi ng talasalitaan nyo ang 'resect', heto ang ibig sabihin nito: to do a resection on

Hindi pa ba sapat na ipinapako sya ng mga Hudyo at gusto pa nating i-resect ang kanyang bangkay? Hindi pa ba kayo solb sa pagpapakahirap na tinanggap ni Hesus sa mga eksena sa Passion of the Christ at gusto nyo pang iparesect sya sa mga doktor? Ulitin ko laang: ang gusto nyong mangyari, matapos di umano e tinubos kayo ni Hesus mula sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagkakapako't bayubay sa krus sa Golgota e gusto nyo pang ipabulatlat ang kanyang laman sa pamamagitan ng pagla-like? 

Uulitin ko: Ito ang gusto nyong gawin sa bangkay ni Hesus.


2. Psalm 126:6

Psalm 126:7 God says Jerboy is not lying.

Malamang habang nagla-like at nagshe-share ang mga Kristyano (oo, mga Kristyano rin kayong mga Katoliko), e merong troll na naghuhumalakhak sa likod ng kanyang computer dahil sa bersong ito. Hayaan nyong ipunto ko ang buong irony ng post na ito. Heto ang isang post tungkol sa pagtitiwala at pangangailangan ng ebidenysa, tapos e kasinungalingan laang pala ang laman ng aktwal na berso. 

Kaya't heto ako, isang tao, at ipapakita ko sa inyo ang isang ebidensya rito sa JMD! na ang nilalaman ng Psalm 126:6 e hindi ang nakasulat sa quote post. Hwag nyong basta tanggapin laang ang salita ko nang buong puso, na parang pinamimigay na magasin ng mga Saksi ni Jehovah. 

Buti na laang at hindi ko kelangan ng blood transfusion. Dahil kung hindi,
baka tinanggihan ako ng PGH dahil sa aking Jehovang magasin.
Damputin nyo ang bibliya nyo at hanapin sa mga pahina nito ang bersong Psalm 126:6. Bumalik kayo kapag nakita nyo na ang katunayan ng aking sinasabi. 

Solb?

3. Proud to be a child of a mass murderer

Sinong god? Odin? Zeus? Poseidon?

Nung nakita ko ito, ako e napasagot ng "Which god, the one who sent bears to kill children who mocked a prophet for being bald?" Isa itong obscure bible verse na aking ibinahagi noon. Kung 'di kayo pamilyar sa kwentong ito, obscure nga e, malamang pamilyar kayo sa kwento ng Noah's Ark. Sa kabila ng kaaya-ayang hayop na nakikita nyo sa mga colouring book ng mga bata, puzzles at cartoon adaptations nito, hindi pupwedeng hindi sumagi sa isip nyo ang kawalanghiyaan ng isang diyos para kumitil ng buhay ng buong populasyon sa mundo. 

At ilagay si Noah at ang kanyang pamilya sa incest sex para magparaming muli.
Tutal, meron naman syang superpowers, hindi ba pupwedeng madyikin nya na laang ang mga tao para magbagumbuhay? Kelangang patayin? Lahat? Pati mga bata? Kung nahihirapan kayong intindihin ito, imadyinin nyong sa panahon natin nangyayari ito. Pati anak, pamangkin, pinsan at mga kapitbahay nyo e mababangkay sa pagkalunod sa isang baha.

Pagpasensyahan nyo ko kung isang malaking NO ang sagot ko rito dahil hindi ako anak ng isang psycho.

4. E 'di huwag.


So? Ayaw nga nilang magpagabay sa Dios, bakit sila manghihinayang na hindi sila ginagabayan ng Dios? Gusto nga nila ng sarili nilang paraan, sariling diskarte, sariling pag-iisip na hindi nakatanikala sa mga pausong dikta, este gabay, ng isang mass murderer na pabagu-bago ang isip at manlulumo sila sa ideyang ito? 

Tanong: Paano natin malalaan kung paano tayo gustong gabayan ng Dios? Libreng pogi points sa Langit para sa sipsip na sumagot ng Bibliya. Kung ito ang inyong gabay, dapat nyong sundin ang mga gabay nito sa dapat kalagyan ng mga misis sa tahanan.

"Shut up, woman," Timothy

5. Kaibigan

"Yon laang ba ang pinagmamaktol mo? Gusto mong maramdamang magkaibigan pa rin tayo? Hinahayaan mong halos mamatay ako sa gutom, manghina nang ganito't walang magawa, walang makitang hinaharap, walang makitang dahilan para mabuhay o bumangon sa umaga, dahil gusto mong malamang kaibigan kita?" sabi ng Aprikanong bata. "Okay, friends na tayo. Pwedeng penge ng tinapay?" 

"No," sabi ni God.

6. Carbs


"Magkacarbs ka na rin laang, hintayin mo ang the best mula sa The Cake Boss."

Paano gumagana ang mga dasal? Iyan o God works in mysterious ways.
Merong off night ang Dios? Merong pagkakataong sa imbes na 110% ang maibibigay ng Dios bilang sagot sa iyong kahilingan e lackluster ang kanyang performance? Iyon ba ang tawag mo sa ex mo, less than God's best? 

Alam nyo kung ano ang naaalala ko sa post na ito? Iyung kwento tungkol sa paglalalang ng Dios ng tao. Noong una raw niya itong niluto mula sa putik e natagalan at doon raw nagmula ang mga Negro. Sa ikalawang luto naman e masyado napabilis ang pagpatay sa apoy kaya't maputla. Iyon raw ang mga Kano. Sa ikatlong pagkakataon, tama raw ang timpla. Hindi gaanong maitim at hindi masyadong maputla. Iyon raw ang mga Pinoy. Yung unang dalawang luto ng Dios ang less than his best at ang Pinoy ang da best. Dito pala nagsimula ang #PinoyPride.

7. Heaven
Hayaan ko na laang si Peter North mismo ang magtanggol sa kanyang sarili.