Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Friday, May 23, 2014

Nung Sinubukan Kong Lumikha ng Tula


Nung Sinubukan Kong Lumikha ng Tula

Sinubukan kong lumikha ng tula,
Pinilit ko, pero naman, ay punyeta!
Hindi pala ito ganoong kadali,
Natatabingang suso ng ‘sang malandi!

Kailangan kasi e ang bawat linya,
Meroong sukat at nagpuputang ina
Anong tawag run sa pareho ng tunog?
Hindi ko maisip, oh, mabahong betlog!

Tama kaya itong aking pagbabaybay?
Hayok ako sa kawastuha't naglalaway
San ba dapat ilagay ang mga tuldok?
Utong na nakatirik, tusok na tusok.

Iisipin dapat, paksang isusulat
Walang lumalabas, kahit tite’y unat
Tungkol ba sa puso o sa ‘ting lipunan?
Kulang sa tamod yaong sinapupunan.

Saksakan raw ng ilang metapora,
Parang ‘turat sa kepyas, nag-aapura’
Dapat may talinghaga, hwag raw literal,
Hwag basta hubo’t magtanggal ng salawal.

Lagyan ng palabok upang magkalasa,
Nang ‘di nagagagahasa ang mambabasa.
Dagdagan ko pa raw hanggang ‘to’y mapuno,
Parang pwet na tinamuran ng tarugo.

‘Di pa ba sapat ito o kulang pa ba?
Dapat bang otso ang haba, tres ang taba?
Daragdagan ko pa o ‘to’y sapat na?
Ipalaglag ko bang ala disgrasyada?

Ewan ko, ewan ko, ulo ko’y masakit,
Putragis, namputsa, ‘sang shit na malagkit,
Ihihimlay ko na ang gamit kong bolpen,
At bibitawan ang malambot kong uten.

- - -

Pasasalamat sa isang Ma. Cielito Cando Seidel, may-akda ng sinusubaybayan kong mga tula rito sa Mrs Punk RockDahil dito, naengganyo akong magsingit ng isang tula rito sa Jerboy Must Die!