Showing posts with label pulitika. Show all posts
Showing posts with label pulitika. Show all posts

Friday, June 26, 2020

Bakit Daming Basura sa YouTube Ngayon


Nagkalat ang mga basura sa YouTube ngayon. Paano mo malalamang basura? Kapag gawang Pinoy. Siyempre, hindi lahat, pero 90% at mabait na ako sa pag-estima niyan. 

Hindi ko naman inaasahang ang bawat mapapanood nating video e mala-Fellini, pero kapag mga pilit na pranks, staged na pranks, korni na pranks, basta pranks, unboxing videos, reaction videos, reaction videos sa unboxing videos,  reaction videos sa pilit na pranks, reaction videos sa staged na pranks, reaction videos sa korni na pranks, reaction videos sa basta pranks at kung anu-ano pa pang walang kawawaan, wala ka talagang magiging konklusyon kundi punung-puno na ng basura talaga ng channels na Pinoy ang YouTube. 

Hindi ko pa isinasama ang mga propagandista at fake news ng mga trolls. Ibang antas ng pagkabasura naman iyon. Ang sinasabi ko ay gaya nitong mga karani-Juang tao na merong smart phone at Google account na sinapian ng demonyo para isiping meron silang maiaambag sa mundo sa paggawa ng kanilang channel. Hindi man ako sang-ayon sa mga trolls ng pulitiko, naiintindihan kong meron silang misyon - ang magpalaganap ng lagim at lason. Ang mga karani-Juang taong sinasabi ko ay hindi ko alam ang dahilan. (Noong una at aking ilalahad ito.) 
Natuklasan ko kelan lang na meron akong katrabahong gumawa ng sarili niyang cooking channel. Ang katarbaho kong ito e merong personalidad ng isang papel ng lumpia at hindi ko alam kung bakit ito haharap sa camera para gumawa ng video. Nagkamali pala ako. Ni isang segundo ay hindi siya sumulpot sa channel niya o nagsalita man lang. Puro written instructions lang yung video ng paggigisa niya ng gulay. Nung sumunod na video naman ay sopas na manok. Ganun din. Hindi siya nagpakita sa video at hindi rin nagsalita. Written instructions lang na may generic music. Kung gusto kong magbasa, dadampot ako ng cook book at hindi magbubukas ng YouTube channel! 

Parang nirerekord niya lang sa video niya ang iuulam niya sa araw na iyon at ia-upload sa di ko malamang dahilan. Basura. Walang production o entertainment value. Gusto ko sanang ilagay ang link dito para damay-damay tayo sa pagkasusot, kaso baka mapasikat ko pa at madagdagan ko pa siya ng apat na views mula sa pipitong mambabasa ko nitong Jerboy Must Die.

At paano ko naman iyon napanood? Mahusay, Pilosopo Tasyo. Dahil pinepeste ako sa pagla-like, share and subscribe. Kung gusto kong manood ng naggagayat ng sayote, panonoorin ko na lang ang misis ko sa kusina. 

Ako ay napaisip. Ano ba ang punto ng paggawa ng ganoong channel? Bakit ako pinepeste ako sa FB sa pagla-like, share and subscribe? 

Dahil merong perasa basura. Maari palang pagkakitaan itong YouTube kapag naabot mo ang 1000 subscribers at 4000 oras ng panonood. Iyon ang dahilan. Dahil pwede pala itong pagkaperahan, nagsulputang parang kabote ang mga Pinoy na walang magawa sa buhay at umaasang makakalikom sila ng 1000 subscribers at 4000 oras ng watch time, me talento man o wala, Kalimitan e wala.

Akala nila ay makakamit nila ang 1000 subscribers sa panghihikayat nilang mag-subscribe. Okay, madali iyon. Kung meron kang 1000 na kunsintidor o maawaing kaibigan at kamag-anak, magagawa mo iyon. Pero ang magkamal ng 4000 hours na watch time sa basurang laman? Mas masarap pang magkamot ng itlog kesa manood nun.

Kung sabagay,ako rin naman


Ang pinagkaiba ko e wala akong ilusyong aabot ako sa 100 subscribers o isang oras ng watch time. Ginagawa ko lang ito dahil gusto ko at gusto ng pipitong nagbabasa ng JMD.

Mas gugusthin ko na ngayong maalok na magkape at mamodus ng multi-level marketing kesa mapesteng mag-like, share at subscribe. Oo, pati sa akin, huwag nyo nang i-sub dahil sa susulpot din naman ito sa FB ko.  


Sunday, May 8, 2016

For Sale: Boto Ko

Gaya noong 2013, ibinebenta ko ulit ang aking boto ngayong taong ito. Pero, sa pagkakataong ito, ayoko na ng 10 GB na porn. Kakasawa rin kasi. Dahil nasira't nawala lahat ng files ng mga movies at music ko, kahit papiliin nyo na laang ako ng 10 GB worth ng kahit anong movie o music files nyo. 

At bakit ko ibinebenta ang sagrado kong boto, tanong nyo? 

1. Dahil bobotante ako.

Inalipusta ko ang sambalana noong 2013. Sinabi kong ang bilang ng boto ko e iisa, kapantay ng boto ng mga naglipanang bopols. Sa pagboto ko ke Kandidato X, merong 1000 bobotanteng katumbas na boboto sa bigotilyong bigot na boksingerong laging absent sa konggreso. Sino ang gaganahang bumoto pa kapag ganun? Ika nga ni George Carlin...

Mr Carlin, ni minsan hindi ko inunderestimate ito.

Medyo nabago ang aking pananaw sa bagay na ito. Dahil sa kabagutan ako e nag-online quiz sa CNN Philippines. Isa itong multiple choice na quiz kung saan makikita mo raw kung kaninong stand ng kandidato ka sumasang-ayon. Alam kong bullshit ito at parang mga "Which Avenger Are You?", pero ika ko nga, nababagot ako't walang magawa. 

Heto ang unang tanong:

Nasan ang "Bakit walang bantaang pasabugin ang mga cell site, gaya ng sinabi ni Duterte dati?"
Unang tanong, nakikita kong bokya na agad ako. Hindi ko maisip ang pinakamainam na sagot. At sa loob ng dalawang segundo e naisip kong baka mas tama ang mag-invest sa teknolohiya para sa mahabaan e mapakinabangan ang pag-unlad na ito. Ika nga e long term solution. At naks feeling ko e ke galing ko dahil sa tuwing me nakikita akong nagdedebate e long-term solutions lagi ang nagmumukang matalinong sagot kumpara sa short, band-aid solution. Isa pa, anong paki ko sa internet connection sa Pinas e nasa Indonesia naman ako?   

At sunud-sunod na mga tanong na hindi ko maisip kung ano ang sagot: 
  • Airport Facilities Problem? - Clark? Gugustuhin ko bang dumaan pa ng Pampanga o Angeles ba iyon bago umuwi ng Tanza? Pero teka, hindi para sa akin iyon, kundi sa mga mag-i-Ilocos. Mababawasan ng tao sa NAIA kapag nagkataon. Hmm... tama! Clark nga ang solusyon. 
  • BBL? - Shariah Law, Aceh ng Indonesia, camel, putol kamao. Fuck BBL. Sa isang banda? Anong paki ko? Wala naman akong balak na pumunta run. 
  • Economic Charter Change - Ano ba ang babaguhin rito? Hmm... Pagandahin ang ekonomiya, pero isang economic charter change ba ang kelangan run? Ano ba itong ECC? Fuck it, neutral!
  • Reforming the tax system - Hmm... gumaya sa ibang bansa sa Asya? Gaya ba ng Singapore? Be ewan. Hindi ako ekonomista. 
  • PDAF - Pork barrel? Di ba me scam dun? Be, tanggali! Teka, 'di ba't dapat e ginagamit iyon para sa kung saan? Gaya ng pagbibigay ng pera sa mga botanteng college students na nagbubuo ng banda at nangongolekta ng perang pambili ng drums gaya ng ginawa namin noon? Paano na ang mga nangangarap na magbandang kabataan? Teka, panget naman music scene ngayon at kahit si Daniel Padilla e nagkakaalbum, hwag na laang! Paano pala, kapag tinanggal ito? Ano ang ipapa... 
  • Bottom Budgeting to replace PDAF - Teka, anong pinagkaiba nito? Hindi ba't parehong ibubulsa laang ng pulitiko iyan at ibabalik laang ang 0.05% niyan sa mga kabataang nagsosolicit ng pambili ng bola ng basketball kapag eleksyon na? Binago laang ang pangalan, pero pondo pa ring mananakaw iyan?
  • Fighting corruption - Death? Malagim. Pwedeng gamitin laang ng presidente iyan para ipa-Game of Thrones ang mga karibal. Regular balance checking ng lifestyle. Hm... Parang ISO, pero mas matindi. 
  • SSS Pension hike - Malulugi ba ang gobyerno kapag itinaas nila ito? Fuck it, kelangan ko ito 20 years from no. Hike it up to notch 11, bitches. 
  • Solving crime  - Pataasin ang sahod ng mga pulis? Ano sila, sinuswerte? Mga guro ng public schools muna para hindi na sila magbenta ng tusino para makapagpaaral ng mga anak nila sa private schools. Modernization ng PNP ang sagot! 
At lumalabas na isa akong bobotante. Wala akong alam sa mga isyung ito. Una, dahil walong taon na akong wala sa Pinas at parang bakasyunan ko na laang ito. Wala na ako sa sirkulasyon at hindi ko na alam ang nangyayari. Pangalawa, wala akong ganang pagtuunan ito ng pansin. At sa paanong paraan? Magsaliksik base sa ibibenebenta ng media? Mediang hawak rin naman ng kung sinu-sinong pamilya ng mga pulitiko? Social media? Ang media kung saan ang daming engot na nagshe-share ng ganito?


Hindi pwedeng sa ibang bansa ka ipinanganak kung saan ang sinasamba e pardible?

Kung ako e bobo, mas marami pang mas bobo sa aken. 

Hindi ako naniniwalang ang mga napili kong sagot sa sampung tanong e isang tiyak na representasyon ng tunay kong napupusuang presidente, lalo na't sampu laang ito sa santambak na isyu sa Pinas. Wala pa sa kalingkingan ng lahat ng mahahalagang usapin ito sa Pinas, gaya ng mga tsekeng ipinangangalandakan ni Cesar Montano at kung tunay na ngang magreretiro si Pacquiao. 


SWA. Open-minded ba kayo sa business?

O nga pala, kung interesado kayo kung sino ang lumabas na kandidato sa quiz na ito:

Sa tindi ng suporta ng mga tagasuporta nito sa social media, sigurado akong dito ako makakabenta. 
2. Isang malaking komedya laang naman ang eleksyong ito. 

Tara't mangarap nang konte. Sa tingin nyo ba e merong (malaking) pagbabagong magaganap matapos ang eleksyong ito? Kung ano ang buhay nyo ngayon, ganun pa rin iyon pagkatapos nito. Ilang presidente na ang pinagdaanan nyo? Sa akin e ang mga ito:

  • Marcos - martial law, pagpapauso ng refrigerator bilang huling hantungan, pinagbawal ang Voltes V. PINAGBAWAL ANG VOLTES V!
  • Cory - kudeta, brown out, pero wala nang martial law, pero merong pinakakarumal-dumal na bahay-bata sa kasaysayan ng mundo at responsable sa pinakamalaking krimen sa Pinas - ang showbiz career ni Kris Aquino
  • Ramos- tunay na astig at machong presidente dahil dating heneral at hindi na kelangang magkomedya't magpamacho sa pamamagitan ng rape jokes, astig na kwelyo sa ibabaw ng jacket/ suit/ blazer at tabako, mataas na vertical jump para sa isang senior citizen
  • Erap - naipalabas ang ending ng Voltes V sa pinilakang tabing, mostly lame sometimes funny Erap jokes at Velarde bank account
  • GMA - pinatunayang hindi totoo ang kulam at mangkukulam dahil sa dami ng mga gustong magpapatay sa sobrang ngitngit sa kanya e hindi sya tumimbuwang at Mikee Cojuangco movies
  • P-Noy - mukang Minion, tampulan ng memes sa Facebook  
Mas mataas pa ito sa mismong vertical jump ko sa ngayon.

So, anong aasahan ko sa eleksyong ito?
  • Roxas - third generation superstar na naglaro ng "Who are the People in Your Neghborhood" 
  • Binay - pag-uusapan pa ba natin ang mga bintang ng korupsyon, tampulan ng mga nognog jokes ng isang lahing akala mong pagkapupute ngayong taong 2016 
  • Poe - na nakilala ko laang dahil anak ni Panday, tisay, Fil-Am raw
  • Santiago - matalino at feeling mo matalino ka rin kapag ito ang pinili mo, hinangaan ko noong ako e nasa high school dahil sa mga nababasa ko sa school-issued Students Digest, nag-aalmusal noong ng death threats, muka ng minsan nakakatawa, pero kalimitan e malalamyang jokes sa Miriam Santiago Lines sa FB at may akda ng Stupid is Forever, pero kumampi ke Erap noong impeachment at hindi tumalon sa helicopter (o eroplano?) dahil She lied (Akala mo malilimutan ko ha!). Plus, Bong Bong "Half Rice" Marcos, anak ng nagpabawal ng Voltes V.
  • Duterte - pilit na nagpapakamacho (si Fidel Fucking Ramos laang ang tunay na macho!), Erap + Alfredo Lim gimmick, pala-murang parang taga-Tanza na minura si Pope (plus points!), namolestya ng Heswita, nangmoleestya ng katulong, rape joke, sabi nila e magandang Davao kahit hindi ko pa napupuntahan, nakakataas ng kilay na napagbibintangan ngayon ng milyones/ bilyones sa bank account ng kung-hindi-pa-nag-expose-e-hindi-ko-malalaang-tumatakbong 3llanes.
At Manny Fucking Pacquiao. End of story.

Tapos, meron pang mga party lists na ginagamit laang bilang backdoor ng mga sinumang Herodes na gustong tumakbo, pero nag-aalinlangan kung mananalo sila base laang sa apelyidong kanilang namana sa kanilang mga magulang. 

3.  Ang iuupo ng eleksyong ito e part-timer laang kung tutuusin. 

Isang term na magtatagal ng anim na taon. Ano sa tingin nyo ang magagawa ng isang presidente sa ganitong klase ng term? Anim na taon para ayusin ang fuck up ng susundang rehimen. Anim na taon para mapagbago ang sistema. Ang huling taon o dalawa (kung hindi man lahat) e nakakatuksong gamitin na laang sa pangungulimbat ng pera ng bayan. Tutal, mawawala na rin laang ako sa pwesto, nakaw na muna! Ano ba ang iluluklok natin - isang temp?

So, gaya ng sinasabi ko, ibinebenta ko na laang ang boto ko sa kung sinuman man ang iinteresado.


News flash: Kapalit ng akin nang babansaga kong Duterte Rule, kung saan pwede na akong mambubae basta't uuwi ako nang walang dalang STD, ang misis ko ang nanalo sa aking boto. Ke Duterte ko na laang ibibigay ang boto ko kapalit ng pribileiyong ipagkakaloob sa akin ng misis ko. 

Isa pa, hindi naman ako sa Pinas magtitigil. Malay mo sa tuwing magbabakasyon ako, wala na akong katatakutang laglag-bala, baka mas tumino na ang mga pesteng drivers at umalwan nang bahagya ang traffic at baka mas disiplinado na ang mga Pinoy at wala nang magkakalat o dudura sa kalsada at magmistulang Singapore kuno ang Pinas. Isa pa, tapos ko na ang Voltes V at napanood ko na ang ending. Kung magdidiktador man si Duterte, wala na akong ipapangamba. 


Tuesday, September 9, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang pagtatanggal ng 'Kanor' sa listahan ng mga bagyo

Noong ako e bata pa ang mga pangalan ng bagyo e mga pambubae. Magkakakilanlan tayo ng edad kapag naaalala nyo ang Unsang. Sa tradisyon yata kasi e talgang pangalang bubae ang ginagamit at kung hindi ako nagkakamali ito e kalimitang ipinapangalan noon sa mga biyenan, kung hindi man mismong misis nila. Ito e bilang pangungutya o malambing na biro sa mga tigre sa buhay ng mga lalaking nagpapangalan nito. 

Nakaka-miss tuloy si Pepe Pimentel at ang kanyang biyenan jokes.
Hindi ko alam kung kelan nauso sa Pinas 'yung lalaking pangalan ang ginagamit sa mga bagyo. Ewan ko kung merong kinalaman ang mga feminista sa bagay na ito, pero hindi ko na ikagugulat kung sila nga ang me pakana nito. 

Ngayon e tinanggal sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa PAGASA ang pangalang Kanor dahil 'yung matandang lalaking iyon agad ang pumasok sa isipan nyo - aminin. Sumagi ba sa isip nyo si Nicanor Abelardo? Nakow, iki-click pa ang link para malaan kung sino siya?

Pupusta akong walang problema ang PAGASA
sa bagyong Lito ang pangalan.

Mang Kanor. Yan, sa ganyan kayo magaling. At dahil sa dito kaya't binura ang pangalang ito. Ang 'di ko malaan e kung bakit tinanggal. 

Dahil ba kinukondena nila ang kanyang sex scandal? Kapag pelikula ni Eddie Garcia, hindi kadiri, pero kapag si Mang Kanor e oo. Hindi sa idinidepensa ko ang kalibu... este kaigtingan ng pagnanasa ni Mang Kanor, pero hindi ba't karapatan ng bawat tao ang maipangalan sa kanya ang isang bagyo? 


Aba'y gusto kong merong bagyong maipangalan sa akin. Pero dahil sa pangyayaring ito, naiba na ang misyon ko sa buhay. Gusto kong makapag-iwan ng marka kapag nilisan ang mundong ito at iyon e ang ipagbawal ang pangalan ko sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa Pilipinas, parang si Mang Kanor.

Hindi kaya iba ang dahilan? Walang kinalaman sa kanilang moralidad ito malamang. Hindi kaya iyon e dahil hindi magagawang magbalita ng mga weathermen at news crew nang hindi napapabungisngis sa tuwing babanggitin ang pangalang... Bagyong Kanor! 

Narito na po sa Bicol ang bagyong... Mang Ka... este, Kanohohor!
Sa mga ganitong pagkakataong nakakamiss ang isa pang namaalam na alamat na si Ernie Baron na kilala rin bilang Walking Encyclopedia (dahil hindi pa uso ang Google at Wikipedia noong kasikatan nya). Siguradong kayang-kaya niyang dalhin iyon sa kanyang sense of humor. Naiimadyin nyo ba si Mang Ernie na binabanggit ang pangalang Kanor? 

Imadyinin nyo ito sa boses ni Ka Ernie: "Pinag-iingat po ang Bicol dahil parating na si Kanor. Siguruhin po ninyong ligtas ang inyong mga anak. Ilikas po sila kung saan hindi sila mahahagip ni Kanor."

Ewan ko kung kaya iyon ng lalaking gumigimik pag-we-weatherman sa pamamagitan ng pagsusuot ng sombrero na kung tawagin ng nakararami e bilang Kuya Kim. Hindi makabenta sa akin ito. Aba teka, ito pala e muntik nang mamatay ng dalwang beses? Tingnan mo nga naman, dalwang muntik na balita iyon. Aabangan ko na laang bago ko ibalita.

Hindi naman sa gusto ko na syang mamatay. Kilala natin ang mga Pinoy kapag meron namamaalam, lalo na't bata pa. Ang malimit nating nasasambit e, "Sa dinami-dami ng kukunin na ni Lord, bakit si __________ pa?" Bakit nga ba si Mark Gil pa? 

Sa araw na namaalam si Mark Gil, e noon rin sumambulat ang mga hubad na litrato sa internet nina Jennifer Lawrence ng Hunger Games (para sa mga Kanong hindi nakapanood ng Battle Royale) at ng isang Elizabeth Winstead na ginoogle ko pa para malaang 'yung cheerleader na maganda sa Death Proof

Hindi man ako nakapagpost ng tribute post sa Facebook para ke Mark Gil e gusto kong malaan ng mga kamag-anak nyang sa imbes na magdownload ako ng mga litrato ni Death Proof e mas inatupag kong manood ng Batch '81 bilang pagpupugay. 

Aba'y dapat pala e binabalikan ko ang Soldatenkaffee.
Alam kong cirrhosis of the liver ang ikinamatay ni Mark Gil at sana e hindi insensitibo para sa kanya ang ginawa kong pagpupugay, pero gusto kong ihandog sa kanya ang isang baso ng beer na paulit-ulit kong ipinasok sa bibig at iniluwa hanggang matapos ang pelikula. 

Sa mga nakakaalam, si Mark Gil ang tunay na Sid Lucero
at ang binanggit kong baso ng beer.


Sunday, August 31, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang Superstar Defense Team ni Napoles, Hello Kitty at ang CBCP

Matapos mapabalitang nagrorosaryo ng 2000 beses araw-araw si Napoles, heto't merong bagong press release ang grupo ng mga abugado nya. Ang namumuno raw sa depensa ni Napoles e si Holy Spirit

Malamang e busy sa Quiapo si Diyos Ama kaya't ang 
Chris Bosh ng kanilang Big 3 na laang ang kanyang pinadala.

Mapapabilib ka rin sa mga uri ng pautot na maiisip ng mga ganitong tao. Pasado ng bar exam at isang abugadong ang pinakamalaking bahagi ng tarbaho e magpatunay at magpasinungaling sa mga nakahaing ebidensya't testimonya, mapapahanga ka kapag ang isang taong kagaya ni Stephen David e nakakapaglubid nang ganitong antas ng bullshit. Gusto nya tayong kumbinsihing pinamumunuan sila ng 1/3 ng Holy Trinity para ipagtanggol ang isa sa pinakamumuhiang tao sa Pilipinas ngayon - sumunod ke Kris Aquino.

"At galing ke Santa Claus ang suot kong kurbata ngayon."
Ganitong klase ng tao ang gusto mong magsinungaling para sa iyo - isang taong full of shit na handang magsabi ng mga kalokohang ito nang hindi kumukurap. Hindi ko sinasabing puro sinungaling at lahat ng abugado e mga bulaan. Ang sinasabi ko laang e hindi naman siguro lahat ng abugado e mga walang-sala't inosente laang ang tinatanggap na kaso. May dumarating na pagkakataong kelangan nilang hilutin nang konti ang katotohanan at ang mga kagaya ni Stephen David na merong yagbols na mag-imbento nang ganito ang perpektong tao para sa mga kagaya ni Napoles. 

Sa amin sa Tanza, Cavite e merong tawag sa uri ng pagtangging daig pa ang pagtanggi ni San Pedro ke Hesus noong dinakip ang Mesiyas - tangging Malabon. Iyang mukang iyan ang larawan ng tangging Malabon. Iyan ang muka ng mag-iimbento sa iyo ng alibi kung bakit ka absent sa tarbaho o eskwela. Iyan rin ang mukang hahanapin mo sa tuwing nagtatanong sa iyo ang misis mo kung saan ka galing kagabi. 

Interesanteng malaan kung paano nagpapalusot si Stephen David sa kanyang misis na si Lanee Cui-David na isa ring abugado at itinuturong utak ng Napoles Team. Sya ang nagpasimuno ng pagbabago ng imahe ni Naps. 

Ang mga bulaklak na ito? Nahulog ito galing Langit
noong nagrorosaryo si Janet bilang tanda ng kanilang paggabay.
Pakinggan nyo ang BS story nito: Nadurog raw ang kanyang puso sa pagkukwento ng anak ni Napoles, sapat para tanggapin niya ang kaso. Bukod sa mga tauhan sa Bibliya, gusto niyang umapila sa ating mga puso sa paggamit ng isang eksena sa Greek mythology na tumanim sa kaibuturan ng ating puso. Gusto nyang ating isipin ang pagmamakaawa ni Priam ke Achilles para ibalik ang bangkay ng kanyang anak na si Hector. 

Meron pa syang suot na kwintas na merong imahe ni Mama Mary na malamang e malimit nyang hinihimas-himas kapag nakatutok ang camera. Nga pala, kung hindi pa sapat na kakampi nila sa depensa ang Holy Spirit, binibigyan rin sila ng mga payo ni Mama Mary para ipagtanggol si Napoles. Hindi ko alam kung nagsasanggunian ang Holy Spirit at si Mama Mary o umaakto sila nang hiwalay. O baka naman para silang si Jong Uichico at Ron Jacobs noon sa San Miguel Beer noong araw.  

Interesanteng malaan kung paano magtiwala sa isa't isa ang dalawang ito sa tuwing sila e nag-uusap. Malamang e para silang naglalaro ng Spot the Fib.

Pero pagdating sa kalokohan, walang panama sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mag-asawang ito. Kung magsalita at magbigay sila ng opinyon e akala mong laging direktang nakausap nila ang Dios, gaya nung kasagsagan ng labanan sa RH Bill. 
“We have to continue praying. Let’s wait for divine intervention. I know God will do something before Aquino signs the RH (bill) into law.”
Asan na ang Deus Ex Machina? Baka abalang tinutulungan ang mag-asawang David sa ibang kaso noon.

Nitong huli e nakidawdaw rin ang CBCP sa ALS Ice Bucket Challenge at hinihimok ang mga Katolikong huwag makisali sa pautot na iyon. Dahilan nila e ginagamit raw ang mga pondo run para sa stem cell research na kanilang kinokontra dahil labag ito sa kalooban ng Dios. Alam nyo kung ano pa ang labag sa loob ng Dios? Ito.

Aba'y tingnan na sa tag kung ano ang komposisyon ng
telang suot mo ngayon bago ka mapunta sa DDA
.

CBCP, sino ba ang nanghihingi ng opinyon nyo sa paglutas ng mga sakit at karamdaman? Kapag kelangan ko ng magkukwento sa akin tungkol sa mga nagsasalitang ahas at asno, mga higanteng isdang lumulunok ng propeta at bangkay na bumubuhay ng bangkay, arkong naglalalaman ng tigagalawa ng bawat uri ng hayop, kayo ang tatanungin ko. Pagdating sa usapin ng agham at medisina, tumatabi-tabi muna kayo't ipalinis nyo muna sa isang carwash ang mga SUV nyo.

Alam nyo kung saan ako muntik nang mamangha? Hindi sa kasinungalingan, kundi sa 'katotohanan', katotohanang hindi pala pusa si Hello Kitty. Bukod sa kung anong hayop si Hello Kitty, ang una kong gustong malaan e kung bahagi ng pangalan niya ang Hello. Apelyido nya ba 'yung Kitty o dalawa ang pangalan nya at wala syang apelyido parang sina Cher at Madonna? 

Alam kong kung hindi nya pangalan ang 'Hello' e dapat na "Hello, Kitty" 'yun at merong kuwit sa gitna. Pero, dahil galing Japan ito, malamang e meron laang typo. 
Gaya ng Plutong hindi pala planeta laang ang peg.
So, ang isang karakter na merong pangalang Kitty at anyong pusa e hindi pala pusa, kundi isang British schoolgirl. Hm... base sa nabasa kong ito, ang tunay nya palang pangalan e Kitty White at lumalabas na hindi nya pangalan 'yung Hello. Be ewan. I call bullshit on this. 

Mas big deal pa ito sa mga comic book characters na lumalabas sa kanilang aparador, gaya nina Rictor ng X-Factor (paborito ko pa naman).

Ang lagay e hindi rin palaka si Kermit at tinawag laang syang Kermit the Frog dahil muka syang palaka? 

Baboy talaga si Kermit. Ito ang dahilan kung 
bakit hinahabul-habol sya ni Miss Piggy.
Ang dating hinahabul-habol ng mga kalalakaihan noong panahong hindi pa uso ang internet na si Aya Medel e iba na raw ang inihahain ngayon. Hindi na ang kanyang katawan, kundi pagkain sa hapag-kainan. Matapos makapag-asawa ng isang Japanese businessman, nagpaka-chef raw ito't nagbukas ng sariling resto. 

Naaalala ko tuloy ang pambatong linya sa isang pelikula noon, "Para kang karinderya, bukas kahit kanino." Hindi man sa pelikula nya lumabas iyon, hindi na sya masasabihan ng gayun dahil restoran ang negosyo nya. Ang kinatutuwa ko sa bagay na ito e hindi sa isang pastor nauwi ang dating bomba star, hindi gaya ng iba. Ikakatulog ko nang mahimbing na hindi isang con artist ang nakabingwit sa isang dating maganda't seksing artista. 

Insert your own bitter caption.



Saturday, August 30, 2014

5 Hamong Dadaig sa Ice Bucket Challenge

Lilinawin ko muna: Ang laman nito e pawang nakabase sa mga nababasa ko laang sa Facebook posts ng mga kaibigan ko. Hindi ako nagbasa ng literatura tungkol sa ALS o mga articles tungkol sa anong pauso itong ALS Ice Bucket Challenge. 

Raising Awareness

Noong una kong nabasa ito e sa isang komento sa isang FB group. Dahil raw sa tagumpay na inaani ng ice bucket challenge, dapat raw makaisip sila ng pautot para mag-angat ng kamalayan sa kanilang grupo. 

Raising awareness - isang bagay na pwede mong gawin sa social media nang wala kang tunay na ginagawa: walang binabayaran, walang ibinibigay na donasyon, walang tunay na tulong na ibinibigay sa anyo ng tunay na pagsipot sa mga pagtitipon, tunay na aktibidades o pagkilos na gagasta ng iyong oras at lakas. Parang pagpindot laang ng like sa Jesus Daily, akala mo e nakatulong ka na kahit na hinde. Ang tanging nagagawa nito e makaramdam sa sarili mong ambait mo rin pala.

Ginagawa rin nila sa mga bar ito, iba nga laang ang tawag.

Sa pagkakaintindi ko sa mga nakikita kong ice bucket challenge na nabasa ko sa mga links na nakapost e mamimili ka sa pagitan ng pagbibigay ng donasyon sa organisasyon ng ALS o gawin ang ice bucket challenge na ibig sabihin e bubuhusan ka ng malamig na tubig sa ulo. Tapos, magnonomina ka raw ng taong gusto mong gumawa ng ice bucket challenge. Parang chain prank, ala-The Ring.

Celebs 

Heto ang ilan sa mga nakita ko. George W. Bush. Hindi ko alam kung sino pang mga high profile celeb ang sumunod. Tapos, nakita kong ang dalawa sa pinakamapapel sa Pinoy showbiz at pulitika ang sumunod: Kris 'Buhay Pa' Aquino at Mar 'Odd Jobs' Roxas. 

Merong isang party game kung saan isusubsob mo ang muka mo at sisirin mo sa isang palanggana ng gawgaw o arina ang premyong kendi at kukunin ito nang gamit ang iyong bibig at nang hindi kinakamay. Palitan nyo ng etsas ang gawgaw/ arina at ganitong klase ng dedikasyon ang handang ipakita ng dalawang ito para laang mapaekstra ang kanilang larawan at mabanggit ang kanilang pangalan sa dyaryo o social media. 

Papayag rin kayang maglinis ng kubeta ko ito para sa publicity?
Siguro dahil dito sa mga celebs na nagpapasikat nang ganito, merong mga grupong nagsasabing, pwede bang magbigay na laang ng donasyon kesa magbuhos ng ice yelo sa ulo? O kaya e bukod sa pagbubuhos sa ulo e magdonasyon rin? Tama rin. Mas kahanga-hanga ang mga taong nagdodonasyon nang hindi pinagsisigawan sa mundo. Pero, paano na ang gimik ng "rasing awareness" sa ALS kung walang pautot na ganito? Me makakaalala ba o makakapansin sa ALS kung hindi pinauso ang ice bucket challenge?


Simple laang naman ang hamong ito. Magbubuhos ka laang naman ng tubig na me yelo sa iyong ulo. Kahit sino e pwedeng gawin ito sa isang ordinaryong araw. Kahit 'yung mga batang nasa FB e ginagawa ito bilang katuwaan, parang truth or dare o trick or treat. Mga matatandang pulitiko laang naman ang tumatanggi rito dahil sa rayuma siguro, gaya ni Jejomar Binay laang naman ang tumanggi

Kung meron man tayong matututunan sa ice bucket challenge na ito, iyon e pwedeng nakawin ang kanilang ideya para sumikat rin o maging viral. Gamit ang kanilang donate-or-dare template, pwede rin tayong mag-angat ng kamalayan para sa ating mga pinaniniwalaang layunin. Heto ang ilang ideyang magagamit ng mga grupong merong ipinaglalaban at gustong maging viral rin. 


1. The Axl Shorts Challenge

Kung ginawa mo na ito nung 90s, para ka laang nagti-TBT nito sa hamong ito.

Isa sa mga ambag ni Axl Rose sa Pinoy pop culture e ang pagpapauso ng cycling shorts bilang damit na panlabas. Kahit na hindi magbibiskileta, maraming nagsusuot nito noon. Di gaya ng bell bottom o malalapad na kwelyo, walang gustong makaalala sa madilim na panahong ito kung saan sumikat ang ganitong pananamit. 

Nakakahiya man, pwedeng buhayin itong muli for a cause: testicular cancer awareness. Ang hamon e magsuot ka ng cycling shorts na bakat ang iyong yagbols para ipalaganap ang kamalayan tungkol sa testicular cancer. Ibuyangyang nang walang patumangga ang santol na namumukol at ipost sa FB o Twitter. Optional ang mag-ahit ng hita't binti, pero kung gusto mong mas patok ka e gawin mo.

Kung bubae naman ang gustong makibahagi sa hamong ito, pipwede namang magsaksak na laang sila ng bilog na prutas sa bahaging iyon kung san dapat naroon ang camel toe.

Papatok kaya ito?

Kung meron man tayong natutunan sa Throwback Thursday, ito e ang ideyang kaya nating pagtawanan ang ating sariling porma noon basta't gagamitan natin ng hash tag.  

Tanong: Handa na ba kayong makitang naka-Axl Rose shorts si Mar Roxas?

2. The Wrecking Ball Challenge




Madali laang gawin ito dahil noong panahong nauso ang Wrecking Ball ni Miley Cyrus e marami nang nagparody nito. Ang pinagkaiba laang nito sa mga parody e hindi ito para sa makasariling dahilan. Ito e para palaganapin ang kamalayan sa isyu ng pagtatayo ng Torre de Manila sa likod ng monumento ni Rizal sa Luneta. 

Gaya ng sa Manila Bay sa Roxas Blvd. na nanganganib na masira dahil sa planong reclamation sa tanyag na lugar kung saan mamamalas natin ang paglubog ng araw, umaani rin ngayon ito ng batikos sa mga taong kumokontra sa pagpapatayo ng gusaling tinaguriang Terror de Manila na nasa likod ng Luneta. Aba'y tingnan nyo nga naman kasi. Mula sa isang magandang tanawin ng bughaw na langit at ulap, e magiging parang setting ng Total Recall ni Colon Farrell. 




Dahil huli na ang magprotesta para hwag bigyan ng permisong magpatayo ng gusali sa likod ng Luneta, tanging pagbubuwag na laang sa gusaling ito ang makapagliligtas sa tanawing kinalulugdan ng mga nagdedeyt, nagpipiknik sa Luneta at ilang mga Pinoy na mahilig sa kasaysayan at kultura. At ano pa nga ba ang pinakalohikal na paraan para iprotesta ito, kundi ang isa-biswal ang wrecking ball na kinakailangan sa pagbubuwag nito? 


Papatok kaya ito? 

Ang kelangan laang e lakas ng loob na maghubad at umupo sa isang mala-wrecking ball na prop. Sa dinami-dami ng mga nagseselfie at nagpapakita ng cleavage sa selfie, maraming mga taong vain ang magkakaroon ng dahilan para idispley ang kanilang katawan, lalo na ang mga mahilig mag-gym na nag-aantay laang ng tamang dahilan at pagkakataon para magbilad ng wangkata. Hindi naman araw-araw nakakapagswimming kasi. Magandang palusot ito.

Kung iniisip nyong kokonti laang naman ang ganoong kaseksi para magpose nang gayun, isipin nyo knug gaanong karami sa mga kaibigan nyo ang mahilig magpost ng selfie na akala e kaaya-aya sila kahit hindi. Sa FB ng misis ko na laang e andami na e. Maning-mani laang ke Kris itong hamong ito.

3. The Poop & Mens Challenge

Pinangunahan na ng isang feministang bubaeng taga-Ehiptong nagngangalang Aliaa Magda Elmahdy ang pagpapakita sa kanyang blog ng kanyang protesta laban sa mga pinapamalas na kasamaan ng mga ISIS na ito. Dahil kapag nagkakapugutan ng ulo, ang isang pinakamainam na magagawa ng isang hindi armadong tao e ang mang-insulto sa internet. 

Hindi sya nanghihimok na gayahin sya ng balana, pero pwedeng gayahin na laang ang kanyang protesta. Umani na rin ito ng atensyon, ang kelangan na laang e merong maglakas ng loob para gumaya nito para bumulusok itong parang bola ng nyebeng gumugulong sa burol - oo, inaamin kong dahil sinusulat ko ito sa huling araw ng Buwan ng Wika, e ayaw ko pang sabihing snowball effect.  

Simple laang ang hamon: Reglahan o taihan nyo laang ang bandila ng ISIS. Ang mga hindi makakagawa ng hamong ito e mapipilitang magbigay ng donasyon para magamit sa paglaban sa mga ito.


Optional ang pagsecensor sa maselang bahagi. 

Papatok kaya ito?

Malamang e hindi, pero interesanteng malaan kung sino sa mga bubaeng celeb o mga kaibigan nyo ang mapapayag sa hamong ito. Bukod kaya ke Kris Aquino, sino kaya ang makikiuso at papatol dito? Malamang manghihingi ng gamit nang pasador si Mar Roxas sa kanyang misis na napabalita noong nanggugulpi ng katulong para laang makiepal dito. 

Ang maganda nito e mahirap gawin ang hamon kaya't malamang e umapaw ang pondo sa mga makakalap na donasyon. 

4. The Pusit Challenge 

Kelangan ng komedyanteng Tiya Pusit ng P1M para sa isang double by-pass surgery. Sa katunayan, wala akong maisip na pautot para makalikha ng ingay at makakalap ng kinakailangan niyang isang milyon piso. Hindi ko imumungkahi ang kwentong barberong inilahad sa akin ng katarbaho ko noon tungkol sa mga nangungulilang mangingisdang ang pinagtutuunan ng init ng katawan e ang mga pusit na kanilang nahuhuli sa laot. 


Sana e hindi ito ang  pangunahing sangkap ng tanghalian nyo ngayon. 
Mukang walang papatol run, kahit na ang attention whore na si Mar Roxas. Pero kahit papano, mabuti na ring nalaan nyo sa Jerboy Must Die! na nangangailangan ng tulong na pinansyal ang komedyanteng minsa'y nagpatawa sa inyo noon (o nanay nyo noon, kung bata pa kayo). 

5. The Leslie Nielsen Squeeze Challenge 

Ginawa na ito ng mga Hapones para sa isang Stop Aids campaign na kung tawagin e Boob Aid. Merong ilang Japanese porn stars ang nagpapisil ng kanilang dibdib sa mga nagbabayad na fans para makalikom ng pondo para sa AIDS. 

Sa kasalukuyan e pagsusuot ng pink ang nakagawiang pauso ng mga breast cancer foundations. Hindi ba't mas bagay ito sa breast awareness kesa sa AIDS na hindi naman lumalaganap sa pagdampi sa boobs? Sa hamong ito, hindi mga porn stars ang kasali, kundi mga karaniwang bubae. Magpapapisil sa mga kaibigan nilang lalaki ang mga bubae. At para hindi masagwa, gagayahin nila ang eksena sa Naked Gun.  


  
Papatok kaya ito?

Kung ibabase natin sa cleavage factor gaya ng tinalakay sa Wrecking ball Challenge, malamang e maraming mahuhumaling rito. Idagdag pa riyan ang hatak ng isang pelikulang Leslie Nielsen, sigurado akong hindi nila ikadidiri ito. 

Meron rin ba kayong hamong gustong ipauso?   


Sunday, August 17, 2014

Jerboy's Weekly Round Up #1: Ang Guinness Record ni Napoles, love life ng celebs, atbp.

Meron ba sa inyong Colgate Total ang ginagamit na pangsipilyo? Napabalita kelan laang na meron raw itong kemikal na maaring makapagdulot ng kanser. Ano kaya pakiramdam ng mga hindi nagyoyosi, pero nagko-Colgate Total? Ilan kaya sa kanila ang nagsabing, "Fuck it, makapagyosi na nga lang rin, tutal nadali na rin naman ako ng Total." Huli na kayang lumipat sa Maxam kung ilang dekada nyo na itong ginagamit? Yun e kung hindi nagbibigay ng ibang klase ng kanser ang produktong itong galing China.

Colgate Total pa!


Magkakanser man kayo, mabango naman ang hininga nyo at walang butas ang mga ipin nyo kahit papano. Buti na laang at nagagamot ang kanser sa mga likes sa Jesus Daily.

Pwede rin namang magparosaryo kayo ke Napoles. Baka pwede makibakas na laang kayo sa 2000 na rosaryong dinarasal nito araw-araw, ayon sa kanyang abugado. 2000 rosaryo? Hindi ko sinasabing sinungaling ang abugado, baka mahina laang sa Math. Sa loob ng 24 oras, ilan ang pwedeng dasalin ng isang tao? Aba'y dapat e ipasa sa Guinness Book of Records ito para Pinoy Pride.

Baka naman kasi mga FB likes laang 'yung ibig nyang sabihin. 1 like = 1 rosary. Yun e kung meron syang 2000 na taong nasa Napolist nya para ipagdasal syang huwag mandawit. 


Dahil hindi pa uso ang wheelchair noon.
Ang alam ko e kumita na ke Mayor Sanchez ng Calauan, Laguna ito noong panahon ng massacre movies noong 90s. Pero, mas mabalasik itong ke Napoles dahil galing sa kinatawan ng Dios, ang Papang si Pope John II na magiging santo na, ang kanyang rosaryo. Mantakin nyo iyon, balang araw e masasabi nating merong Pinoy na napasama sa Guinness Book of Records at minsang binigyan ng isang santo ng rosaryo. 

Ang hindi ko maintindihan e reliyohoso naman raw si Napoles. Ewan ko, pero para sa akin e kapatid noon ang isang malakas na pananampalataya, pero bakit nakabullet-proof vest sya? Hindi ba pwedeng patigilin ng Dios ang mga punglong ito, ala-Matrix?

Anong nakasulat sa vest ni Janette, PiNaPulis? 
Ang iniisip ko laang e kung ilan ang nagregalo ng Colgate Total ke Napoles ngayong mahirap yatang ipatira sya sa mga riding in tandem dahil gustong ipagbawal ito ng 1/3 ng TVJ. Layunin raw nitong mabawasan ang patayang inuugnay nila sa pag-angkas sa likod ng motor o riding in tandem. Ang tanging papayagan na laang e ang mga magkamag-anak. 


"Halata namang magkapatid kayo.
Sige lang, ingat kayo sa byahe." -SPO Cruz.

Umamin na raw sa kanilang relasyon sina Nanay Dionisiang 65 anyos at ang karelasyon nyang 38 anyos. Aba't tingnan mo nga naman. Age doesn't matter talaga. Sinong mag-aakalang sa edad nyang iyon, sa edad kong ito, e pupwede pang makabingwit pa ng ganung kayaman? Sa edad na 38 nakaratsa pa! Akala ko e mga 20 anyos ang target ng mayayaman. Nawa e magsilbing inspirasyon sa inyo itong mga lalaking hindi na kabataan. Kung hindi nyo kayang iangat ang sarili sa pamamagitan ng boksing, ang mga nanay ng boksingero ang i-KO nyo ng kakisigan nyo. 

Habang nagkakabombahan sa ibang panig ng mundo,
ito ang gustong malaan ng Channel 7.
Nagpropose raw si Dingdong Dantes sa shota nyang si Marian Dela Riva, ang artistang Hinarden ng Channel 7 noong lumpiat si Angel Locsin sa Channel 2. Base sa mga tiling narinig ko sa pinapanood na video ng misis ko, santambak na mga bubae ang nalaglag ang panty sa ginawa niyang ito. Santambak rin ang lalaking nagpapanggap na hindi pa nila ito napapanood para hindi sila masilo ng mga GF na mag-alok ng kasal. 

Ano bang meron sa proposals at sikat na sikat ito? Tang kahirap sigurong pakasal ngayon. Bukod sa gastos sa damit, handa, atbp, e kelangan mo pang magpakabida sa isang rom-com na pelikula at magpropose  sa shota mo. Fuck you kung basta ka laang nagpropose sa ilalim ng puno ng mangga habang nagpapatunaw kayo ng kinain nyong instant pancit canton na mineryenda nyo. 

Dapat tumigil sa pag-ikot ang mundo para maging sentro kayo ng atensyon sa mall habang lumuluhod ka suot ang isang magarang damit (dahil hindi pwedeng naka-t-shirt at shorts laang) habang pinapanood kayo ng mga madla. O ng mga bubae sa madla, habang nagyayayang lumayo ang mga lalaking ayaw mapilitang mapagaya. 
Tingnan mo nga nama't optional pala ang magarang damit
kung merong makapal ang balat sa hiya.
Matapos ang mga ganitong pausong proposal, meron pang bagong pauso bago ikasal. Gagasta pa ngayon sa potograpo para magmukang maghotang Koreanovela ngayon sa pre-nup shots na ipopost sa FB. 

Sino ang hindi makatulog sa tuwa ngayong lumabas na ang mga pre-nup photos nina Chitong Parokya at Neri? May kinikilig pa ba rito? Mas gusto ko pa rin ang screen cap noong O face ni Chito.  

Kilig.
Aba, balita ko meron pa raw part 2 'yung ke Paolo Bediones? Part 2 o take 2? Mas muka na bang nag-eenjoy sa hinahada, este, sinesex nya si Paolo 'Bad 'Yon' Bediones? 


Saturday, May 17, 2014

Sa Pagpapasikip ng Pwerta ni Ai Ai

Sa bit ni Louis CK, binanggit nyang masusukat mo raw ang kabutihan ng mga Kano kung gaanong kabilis mula nung inatake sila nung 911 bago sila nag-Mariang-Palad uli. Gamit ang template na ito, para sa akin naman ang sukatan ng sa Pinoy e kung gaanong kabilis silang nagpost uli ng kanilang mga pagkain matapos ng Yolanda. 

At para sa isang blogger na naghahanap ng cheap chuckles e kung gaanong kabilis na ginamit ang Yolanda para sa isang joke. 

Siguro nga e dapat tayong makisimpatiya sa mga taong dumaranas ng pagdurusa. Naiiintindihan ko kung bakit dapat makiramay tayo at magpigil ng gigil sa pagpopost ng mga larawan ng mga burger, steak at pasta samantalang naghihikahos na maitawid ng mga biktima ng Yolanda ang kanilang gutom sa pinagsasaluhang isang pakete ng instant noodles na puro tubig. Na hindi naman makikita ng biktima ang posts natin dahil wala silang internet access nung mga panahong iyon e hindi ang punto. Konting sensitivity laang naman, 'ika nga.


Kung noong Yolanda mo ito pinost, mapapaisip ka kung ilang biktima sana napakain ng halaga ng order na ito.
Pero, pagdating sa pagpapasikip ng pwerta, kelangan pa bang maghintay ng tamang panahon sa kaparehong dahilan na nagtimpi ang mga foodographers nung kasagsagan ng Yolanda?

Heto ang tweet ni Lourd De Veyra, bokalista ng isa sa paborito kong bandang Pinoy. Sa kanya ko nabalitaan ang bagay na ito. Balita ko e TV personality na rin sya. Host yata. Hindi ko alam dahil ang huling pinanood ko sa TV e Heredera. 


Hindi ko alam kung ang kinaasar niya sa bagay na ito. Kinasosora nya ba ang timing ng pagpapasikip ng pwerta ni Ai Ai de las Alas? Aba'y kung gustong magpasikip ni Ai Ai ng kanyang pwerta, ano ang kuneksyon nun sa problema sa pulitika o kaya ng Pilipinas? Nasan ba ang gobyerno sa tuwing nakikipagdyugdyugan si Ai Ai at nakikita niya ang kawalan ng gana at atensyon ng kanyang kasiping dahil nag-ala tunnel na yata ang kanyang pwerta? Mapapasikip ba ng isang wala-nang-problemang gobyerno ang kanyang nagsisimula nang mawanggang hiyas? At ano, hihintayin nyang mapawi ang ulap ng suliranin ng pamahalaan bago tamasahin kaligayahang dulot ng pinakipot na pinto ng langit? 

Ang pinagmumutarga ba niya e iyong pagbabalita ng channel na kinabibilangan nya? Kung meron syang problema sa itinuturing niyang napaka-trivial na balitang ito, samantalang santambak ang mga mas mahahalagang pag-uusapan, nalilimutan niya at ng ibang maraming Ai Ai delas Alas fans na nakatutok sa kung ano ang diameter ng pwerta ng kanilang idolo. 

Napoles? Ekonomiya? China? Rod Strunk? Ho-hum! Nagpasikip ng keps si Ai Ai? Kunin mo ang dyaryo sa tiyo mo. 

Hindi ba't nauuso ngayon ang mga soap opera sa TV tungkol sa mga naglolokong mister? Di ba't salamin ng lipunan ang soap opera? Ibig sabihin nito e malamang talamak ang pambubuae at pagiging hindi tapat ng mga lalake para mamayagpag ang isang soap opera nang ganito't nagtetrending sa social media. Kung tinatanggap nyo ang ideyang iyan at itinuturing nyong isa itong suliranin, aba'y ituring nyong bayani si Ai Ai. Hindi si Ai Ai ang problema, sya ang solusyon! At basahi:
“Dapat i-try ang Pussykip para sa ikauunlad ng sexlife at mabawasan ang mga babaeng sawi na niloloko ng mga asawa nila. Babalik sila kay misis dahil masikip na.” -Ai Ai Delas Alas 
Pussykip pala ang naisip niyang gamiting pantawag sa operasyong iyon. Mukhang mas papatok ito kesa sa mga naisip kong Tagalog sa vaginal tightening: pasikep-yas, pasikeps o pampa-KEP-spot.


Ewan kung anong award ito - para ba sa pelikulang Enteng ng 'Tang Ina Nyo?
Isang 49 anyos na bubaeng ikinasal at nahiwalay sa isang mas batang 28 anyos na lalaki, naiintinidihan ni Ai Ai na pagdating sa pambububae, ang hinahanap ng mga mister e mga butas na masisikip. Yup, dahil hindi mahalaga sa aming mga lalaki kung ano ang itsura, ugali, kabaitan, talino at personalidad ng mga bubae. Kalimutan na ang pagpaparlor, paglalaan ng oras sa mister o shota, pagpapakadalubhasa sa pagluluto, pagpapanggap na mahilig rin sila sa video games, anime at wrestling at kung anu-ano pang sikreto sa magandang buhay mag-asawa o shota dahil ang tanging mahalaga sa aming mga lalaki e ang kasikipan ng butas na papasukan ng aming mga sandata. 

Sa maikling salita, ang gustong palabasin ni Ai Ai e karneng palipasan laang ng init ang mga bubae at kung hindi na masikip, maghahanap ng mas masikip ang mga lalaki. At iyon ang punu't dulo ng lahat - wangga na ang mga misis, lalo na iyung nanganak na, kaya't nagloloko si mister. 



At sa mga basurang lumalabas sa bungangang ito ni Ai Ai, lumilitaw na mukang maling butas ang pinasikipan niya.