Showing posts with label trip. Show all posts
Showing posts with label trip. Show all posts

Friday, June 26, 2020

Bakit Daming Basura sa YouTube Ngayon


Nagkalat ang mga basura sa YouTube ngayon. Paano mo malalamang basura? Kapag gawang Pinoy. Siyempre, hindi lahat, pero 90% at mabait na ako sa pag-estima niyan. 

Hindi ko naman inaasahang ang bawat mapapanood nating video e mala-Fellini, pero kapag mga pilit na pranks, staged na pranks, korni na pranks, basta pranks, unboxing videos, reaction videos, reaction videos sa unboxing videos,  reaction videos sa pilit na pranks, reaction videos sa staged na pranks, reaction videos sa korni na pranks, reaction videos sa basta pranks at kung anu-ano pa pang walang kawawaan, wala ka talagang magiging konklusyon kundi punung-puno na ng basura talaga ng channels na Pinoy ang YouTube. 

Hindi ko pa isinasama ang mga propagandista at fake news ng mga trolls. Ibang antas ng pagkabasura naman iyon. Ang sinasabi ko ay gaya nitong mga karani-Juang tao na merong smart phone at Google account na sinapian ng demonyo para isiping meron silang maiaambag sa mundo sa paggawa ng kanilang channel. Hindi man ako sang-ayon sa mga trolls ng pulitiko, naiintindihan kong meron silang misyon - ang magpalaganap ng lagim at lason. Ang mga karani-Juang taong sinasabi ko ay hindi ko alam ang dahilan. (Noong una at aking ilalahad ito.) 
Natuklasan ko kelan lang na meron akong katrabahong gumawa ng sarili niyang cooking channel. Ang katarbaho kong ito e merong personalidad ng isang papel ng lumpia at hindi ko alam kung bakit ito haharap sa camera para gumawa ng video. Nagkamali pala ako. Ni isang segundo ay hindi siya sumulpot sa channel niya o nagsalita man lang. Puro written instructions lang yung video ng paggigisa niya ng gulay. Nung sumunod na video naman ay sopas na manok. Ganun din. Hindi siya nagpakita sa video at hindi rin nagsalita. Written instructions lang na may generic music. Kung gusto kong magbasa, dadampot ako ng cook book at hindi magbubukas ng YouTube channel! 

Parang nirerekord niya lang sa video niya ang iuulam niya sa araw na iyon at ia-upload sa di ko malamang dahilan. Basura. Walang production o entertainment value. Gusto ko sanang ilagay ang link dito para damay-damay tayo sa pagkasusot, kaso baka mapasikat ko pa at madagdagan ko pa siya ng apat na views mula sa pipitong mambabasa ko nitong Jerboy Must Die.

At paano ko naman iyon napanood? Mahusay, Pilosopo Tasyo. Dahil pinepeste ako sa pagla-like, share and subscribe. Kung gusto kong manood ng naggagayat ng sayote, panonoorin ko na lang ang misis ko sa kusina. 

Ako ay napaisip. Ano ba ang punto ng paggawa ng ganoong channel? Bakit ako pinepeste ako sa FB sa pagla-like, share and subscribe? 

Dahil merong perasa basura. Maari palang pagkakitaan itong YouTube kapag naabot mo ang 1000 subscribers at 4000 oras ng panonood. Iyon ang dahilan. Dahil pwede pala itong pagkaperahan, nagsulputang parang kabote ang mga Pinoy na walang magawa sa buhay at umaasang makakalikom sila ng 1000 subscribers at 4000 oras ng watch time, me talento man o wala, Kalimitan e wala.

Akala nila ay makakamit nila ang 1000 subscribers sa panghihikayat nilang mag-subscribe. Okay, madali iyon. Kung meron kang 1000 na kunsintidor o maawaing kaibigan at kamag-anak, magagawa mo iyon. Pero ang magkamal ng 4000 hours na watch time sa basurang laman? Mas masarap pang magkamot ng itlog kesa manood nun.

Kung sabagay,ako rin naman


Ang pinagkaiba ko e wala akong ilusyong aabot ako sa 100 subscribers o isang oras ng watch time. Ginagawa ko lang ito dahil gusto ko at gusto ng pipitong nagbabasa ng JMD.

Mas gugusthin ko na ngayong maalok na magkape at mamodus ng multi-level marketing kesa mapesteng mag-like, share at subscribe. Oo, pati sa akin, huwag nyo nang i-sub dahil sa susulpot din naman ito sa FB ko.  


Thursday, June 25, 2020

Kaistupiduhan ang mga Unboxing Videos




Sumabog ang utak ng mga Pnoy nerds sa paraan ng pag-a-unbox ng isang minor celebrity na ang pangalan ay Mateo. Sabi nila e mahahalata mong pekeng gamer ito. Akala mo kasing isang reypist na nagtatanggal ng damit ng kanyang biktima itong si Mateo sa kanyang pag-a-unbox. Sa hate na natanggap nito sa mga netizens (isang salitang pambano) ay iisipin mong ang The Last Supper ni Da Vinci ang kanyang pinunit at hindi ang kahon ng Play Station. Ang isa pang kanilang sinasabi ay isang 'shared experience' ang pagbubukas ng kahon. Ang masasabi ko naman ay isa kang bano para manood ng mga unboxing videos t ituring itong isang shaed experience.



Bumili ako ng isang kahon ng Olivenza Bueno kanina at samahan nyo akong magbukas nito.  Ay oo nga pala, welcome sa aking unboxing video. Ayon sa kahon ay may average itong 48 sticks ng posporo. Atin na itong buksan. Aba’t meron ngang mga posporo. Akala ko baka gagamba ang laman. Binilang ko at 50 lahat. Hindi eksaktong 48. So, minsan 50, minsan 46. So, paano ito, Olivenza Bueno? Bibili ako ng sampung kahon, ia-add ko lahat at ididivide ko sa samu para malaman kung talagang 48 sticks nga ang average?

Ganyang ka-istupido ang unboxing videos. Ano iyon, bibili ka ng isang produkto at wala kang ideya kung ano ang nasa loob nito? Bibili ka ng basketball shoes at kukuhanan mo ng video ang moment ng pagbubukas mo ng kahon at pagtatanggal ng laman nito? Hindi mo pa ba inaasahang ganun ang itsura ng binii mo? Ano ito, monito-monita?

Mabalik tayo kay Mateo. Alam nyo ayoko nang balikan at wala namang kwenta. Huwag magpakabano. Huwag manood ng unboxing videos. At huwag nyo ring panoorin ang video ko sa YouTube na Unboxing Videos are Stupid dahil dadalawa lang ang drowing nito at ito ay nakakabano.



Sunday, May 8, 2016

For Sale: Boto Ko

Gaya noong 2013, ibinebenta ko ulit ang aking boto ngayong taong ito. Pero, sa pagkakataong ito, ayoko na ng 10 GB na porn. Kakasawa rin kasi. Dahil nasira't nawala lahat ng files ng mga movies at music ko, kahit papiliin nyo na laang ako ng 10 GB worth ng kahit anong movie o music files nyo. 

At bakit ko ibinebenta ang sagrado kong boto, tanong nyo? 

1. Dahil bobotante ako.

Inalipusta ko ang sambalana noong 2013. Sinabi kong ang bilang ng boto ko e iisa, kapantay ng boto ng mga naglipanang bopols. Sa pagboto ko ke Kandidato X, merong 1000 bobotanteng katumbas na boboto sa bigotilyong bigot na boksingerong laging absent sa konggreso. Sino ang gaganahang bumoto pa kapag ganun? Ika nga ni George Carlin...

Mr Carlin, ni minsan hindi ko inunderestimate ito.

Medyo nabago ang aking pananaw sa bagay na ito. Dahil sa kabagutan ako e nag-online quiz sa CNN Philippines. Isa itong multiple choice na quiz kung saan makikita mo raw kung kaninong stand ng kandidato ka sumasang-ayon. Alam kong bullshit ito at parang mga "Which Avenger Are You?", pero ika ko nga, nababagot ako't walang magawa. 

Heto ang unang tanong:

Nasan ang "Bakit walang bantaang pasabugin ang mga cell site, gaya ng sinabi ni Duterte dati?"
Unang tanong, nakikita kong bokya na agad ako. Hindi ko maisip ang pinakamainam na sagot. At sa loob ng dalawang segundo e naisip kong baka mas tama ang mag-invest sa teknolohiya para sa mahabaan e mapakinabangan ang pag-unlad na ito. Ika nga e long term solution. At naks feeling ko e ke galing ko dahil sa tuwing me nakikita akong nagdedebate e long-term solutions lagi ang nagmumukang matalinong sagot kumpara sa short, band-aid solution. Isa pa, anong paki ko sa internet connection sa Pinas e nasa Indonesia naman ako?   

At sunud-sunod na mga tanong na hindi ko maisip kung ano ang sagot: 
  • Airport Facilities Problem? - Clark? Gugustuhin ko bang dumaan pa ng Pampanga o Angeles ba iyon bago umuwi ng Tanza? Pero teka, hindi para sa akin iyon, kundi sa mga mag-i-Ilocos. Mababawasan ng tao sa NAIA kapag nagkataon. Hmm... tama! Clark nga ang solusyon. 
  • BBL? - Shariah Law, Aceh ng Indonesia, camel, putol kamao. Fuck BBL. Sa isang banda? Anong paki ko? Wala naman akong balak na pumunta run. 
  • Economic Charter Change - Ano ba ang babaguhin rito? Hmm... Pagandahin ang ekonomiya, pero isang economic charter change ba ang kelangan run? Ano ba itong ECC? Fuck it, neutral!
  • Reforming the tax system - Hmm... gumaya sa ibang bansa sa Asya? Gaya ba ng Singapore? Be ewan. Hindi ako ekonomista. 
  • PDAF - Pork barrel? Di ba me scam dun? Be, tanggali! Teka, 'di ba't dapat e ginagamit iyon para sa kung saan? Gaya ng pagbibigay ng pera sa mga botanteng college students na nagbubuo ng banda at nangongolekta ng perang pambili ng drums gaya ng ginawa namin noon? Paano na ang mga nangangarap na magbandang kabataan? Teka, panget naman music scene ngayon at kahit si Daniel Padilla e nagkakaalbum, hwag na laang! Paano pala, kapag tinanggal ito? Ano ang ipapa... 
  • Bottom Budgeting to replace PDAF - Teka, anong pinagkaiba nito? Hindi ba't parehong ibubulsa laang ng pulitiko iyan at ibabalik laang ang 0.05% niyan sa mga kabataang nagsosolicit ng pambili ng bola ng basketball kapag eleksyon na? Binago laang ang pangalan, pero pondo pa ring mananakaw iyan?
  • Fighting corruption - Death? Malagim. Pwedeng gamitin laang ng presidente iyan para ipa-Game of Thrones ang mga karibal. Regular balance checking ng lifestyle. Hm... Parang ISO, pero mas matindi. 
  • SSS Pension hike - Malulugi ba ang gobyerno kapag itinaas nila ito? Fuck it, kelangan ko ito 20 years from no. Hike it up to notch 11, bitches. 
  • Solving crime  - Pataasin ang sahod ng mga pulis? Ano sila, sinuswerte? Mga guro ng public schools muna para hindi na sila magbenta ng tusino para makapagpaaral ng mga anak nila sa private schools. Modernization ng PNP ang sagot! 
At lumalabas na isa akong bobotante. Wala akong alam sa mga isyung ito. Una, dahil walong taon na akong wala sa Pinas at parang bakasyunan ko na laang ito. Wala na ako sa sirkulasyon at hindi ko na alam ang nangyayari. Pangalawa, wala akong ganang pagtuunan ito ng pansin. At sa paanong paraan? Magsaliksik base sa ibibenebenta ng media? Mediang hawak rin naman ng kung sinu-sinong pamilya ng mga pulitiko? Social media? Ang media kung saan ang daming engot na nagshe-share ng ganito?


Hindi pwedeng sa ibang bansa ka ipinanganak kung saan ang sinasamba e pardible?

Kung ako e bobo, mas marami pang mas bobo sa aken. 

Hindi ako naniniwalang ang mga napili kong sagot sa sampung tanong e isang tiyak na representasyon ng tunay kong napupusuang presidente, lalo na't sampu laang ito sa santambak na isyu sa Pinas. Wala pa sa kalingkingan ng lahat ng mahahalagang usapin ito sa Pinas, gaya ng mga tsekeng ipinangangalandakan ni Cesar Montano at kung tunay na ngang magreretiro si Pacquiao. 


SWA. Open-minded ba kayo sa business?

O nga pala, kung interesado kayo kung sino ang lumabas na kandidato sa quiz na ito:

Sa tindi ng suporta ng mga tagasuporta nito sa social media, sigurado akong dito ako makakabenta. 
2. Isang malaking komedya laang naman ang eleksyong ito. 

Tara't mangarap nang konte. Sa tingin nyo ba e merong (malaking) pagbabagong magaganap matapos ang eleksyong ito? Kung ano ang buhay nyo ngayon, ganun pa rin iyon pagkatapos nito. Ilang presidente na ang pinagdaanan nyo? Sa akin e ang mga ito:

  • Marcos - martial law, pagpapauso ng refrigerator bilang huling hantungan, pinagbawal ang Voltes V. PINAGBAWAL ANG VOLTES V!
  • Cory - kudeta, brown out, pero wala nang martial law, pero merong pinakakarumal-dumal na bahay-bata sa kasaysayan ng mundo at responsable sa pinakamalaking krimen sa Pinas - ang showbiz career ni Kris Aquino
  • Ramos- tunay na astig at machong presidente dahil dating heneral at hindi na kelangang magkomedya't magpamacho sa pamamagitan ng rape jokes, astig na kwelyo sa ibabaw ng jacket/ suit/ blazer at tabako, mataas na vertical jump para sa isang senior citizen
  • Erap - naipalabas ang ending ng Voltes V sa pinilakang tabing, mostly lame sometimes funny Erap jokes at Velarde bank account
  • GMA - pinatunayang hindi totoo ang kulam at mangkukulam dahil sa dami ng mga gustong magpapatay sa sobrang ngitngit sa kanya e hindi sya tumimbuwang at Mikee Cojuangco movies
  • P-Noy - mukang Minion, tampulan ng memes sa Facebook  
Mas mataas pa ito sa mismong vertical jump ko sa ngayon.

So, anong aasahan ko sa eleksyong ito?
  • Roxas - third generation superstar na naglaro ng "Who are the People in Your Neghborhood" 
  • Binay - pag-uusapan pa ba natin ang mga bintang ng korupsyon, tampulan ng mga nognog jokes ng isang lahing akala mong pagkapupute ngayong taong 2016 
  • Poe - na nakilala ko laang dahil anak ni Panday, tisay, Fil-Am raw
  • Santiago - matalino at feeling mo matalino ka rin kapag ito ang pinili mo, hinangaan ko noong ako e nasa high school dahil sa mga nababasa ko sa school-issued Students Digest, nag-aalmusal noong ng death threats, muka ng minsan nakakatawa, pero kalimitan e malalamyang jokes sa Miriam Santiago Lines sa FB at may akda ng Stupid is Forever, pero kumampi ke Erap noong impeachment at hindi tumalon sa helicopter (o eroplano?) dahil She lied (Akala mo malilimutan ko ha!). Plus, Bong Bong "Half Rice" Marcos, anak ng nagpabawal ng Voltes V.
  • Duterte - pilit na nagpapakamacho (si Fidel Fucking Ramos laang ang tunay na macho!), Erap + Alfredo Lim gimmick, pala-murang parang taga-Tanza na minura si Pope (plus points!), namolestya ng Heswita, nangmoleestya ng katulong, rape joke, sabi nila e magandang Davao kahit hindi ko pa napupuntahan, nakakataas ng kilay na napagbibintangan ngayon ng milyones/ bilyones sa bank account ng kung-hindi-pa-nag-expose-e-hindi-ko-malalaang-tumatakbong 3llanes.
At Manny Fucking Pacquiao. End of story.

Tapos, meron pang mga party lists na ginagamit laang bilang backdoor ng mga sinumang Herodes na gustong tumakbo, pero nag-aalinlangan kung mananalo sila base laang sa apelyidong kanilang namana sa kanilang mga magulang. 

3.  Ang iuupo ng eleksyong ito e part-timer laang kung tutuusin. 

Isang term na magtatagal ng anim na taon. Ano sa tingin nyo ang magagawa ng isang presidente sa ganitong klase ng term? Anim na taon para ayusin ang fuck up ng susundang rehimen. Anim na taon para mapagbago ang sistema. Ang huling taon o dalawa (kung hindi man lahat) e nakakatuksong gamitin na laang sa pangungulimbat ng pera ng bayan. Tutal, mawawala na rin laang ako sa pwesto, nakaw na muna! Ano ba ang iluluklok natin - isang temp?

So, gaya ng sinasabi ko, ibinebenta ko na laang ang boto ko sa kung sinuman man ang iinteresado.


News flash: Kapalit ng akin nang babansaga kong Duterte Rule, kung saan pwede na akong mambubae basta't uuwi ako nang walang dalang STD, ang misis ko ang nanalo sa aking boto. Ke Duterte ko na laang ibibigay ang boto ko kapalit ng pribileiyong ipagkakaloob sa akin ng misis ko. 

Isa pa, hindi naman ako sa Pinas magtitigil. Malay mo sa tuwing magbabakasyon ako, wala na akong katatakutang laglag-bala, baka mas tumino na ang mga pesteng drivers at umalwan nang bahagya ang traffic at baka mas disiplinado na ang mga Pinoy at wala nang magkakalat o dudura sa kalsada at magmistulang Singapore kuno ang Pinas. Isa pa, tapos ko na ang Voltes V at napanood ko na ang ending. Kung magdidiktador man si Duterte, wala na akong ipapangamba. 


Friday, August 15, 2014

5 Pelikulang magtataboy ng mga amiga ng misis mo

Akala mo e perpekto na ang susunod na dalwang oras ng panonood mo ng DVD. Napatulog mo na ang anak mo at nanonood ng Koreanovela ang misis mo sa laptop niya. Nakalatag na sa mesa mo ang lahat ng kailangan mo para makanood ka nang hindi na kinakailangang tumayo: tubig, sitsirya at arinola. At nakaka-dalawampung minuto ka sa pelikula e susulpot nang walang pasabi ang mga amiga ng misis mo. Maaantala ang panonood dahil kelangan mong tumayo at batiin sila. 


At magbihis ng t-shirt.

Ganito ang senaryong ilang beses kong inabutan

"Sige, nood ka lang uli," sasabihin nila sa akin, pero alam kong sira na ang panonood ko sa sandaling ako e nag-pause ng pelikula. At mawawasak nang todo ito sa sandaling sila  e makisakay sa pinapanood kong pelikula sa mga paraang ito:
  • Magsasabi silang napanood na nila ang pelikula at iispoil sa akin ang mga twist o ending. 
  • Makikinood sila at magtatanong dahil semi-interesado sila sa pelikulang kilala nila ang mga bida.
Hindi ka naman makapagpaalam at magkulong sa kwarto dahil ayaw mong magmukang anti-social, wala ka rin namang ibang magawa kundi ang manood ng pelikula, pero merong balakid dahil nakatuon ang mata nila ke Brad Pitt. Pag-iisipan mo kung bakit sya pa kasi ang napili sa Fight Club. Bukod roon, sa sala naka-set up ang mga speakers nyong magaganda dahil mahilig magpavideoke ang misis mo sa mga bisita. 

Hwag mawalan ng pag-asa dahil nakabuo ako ng isang listahan ng mga katangian ng pelikulang tuluyang papawi at papatay sa maliit na alipato ng interes na nasa puso ng mga amigas. Kung isa akong mathematician, iginawa ko na kayo ng equation para rito na merong mga times at divided by, pero dahil hindi, magkasya na laang kayo sa listahang ito:
  1. Hindi dapat kilala ang mga bida. 
  2. Hindi Tagalog/ Inggles ang lenggwahe.
  3. Black & white.
  4. Walang CGI.
  5. Inilabas ang pelikula sa taong nagsisimula sa MCM___. 
Isa laang sa lima ang kailangan nyo para maipagtabuyan ang mga amigang ito, pero mapapansin nyo ring nag-ooverlap ang ilan sa mga ito, kagaya ng kung sobrang luma ng pelikula, wala pa talagang CGI. Pero, pwedeng ang isang foreign movie e isang big budget wu xia movie na si Jet Li ang bida kaya't hindi rin garantisado ito.

Hetong ang ilang rekomendasyon kung bakit kaiinisan ito ng mga amiga ng misis nyo, pero katutuwaan nyo naman. Hanapin nyo ang mga ito sa torrent at i-save sa isang folder na merong pangalang 'Use in Case of Emergency'.

1. The Beastmaster (1982)


Salungat sa unang impresyon ng nakararami, hindi ito screen cap ng Tarzan X.


Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Marc Singer, Tanya Roberts at 'yung kalbong negrong nagsabi ng linyang "You're the wrong man at the wrong place at the wrong time!" ke John McLane sa Die Hard 2 at mga artistang hayop.

Nag-aral umarte ang mga hayop sa eksenang ito kaya't walang pangangailangan sa CGI. 

Bakit nyo magugustuhan ito 

Conan the Barbarian + Tarzan = The Beastmaster. Bukod sa pagnininja, ang isa sa mga nangungunang pangarap ng mga bata noong 80s e ang maging mala-Heman. Sa kwento nito e pinagsama ang dalawang ultimate fantasy ng mga bata: ang maging mandirigma sa mga drowing ni Boris Vallejo at ang mapaligiran ng mga mababangis na hayop at makontrol ang mga ito.

Bakit nag-uubos ng oras ang mga lalaki sa gym kahit hindi naman mga professional athlete, karatista o sundalo? Hindi naman nila gagamitin sa tarbaho ang ganung kalalaking muscles at ang lakas na makakamit nila sa mga workouts na ito, pero sige pa rin sila sa pagbuhat ng mabibigat sa gym na akala mong mangangaso sila't ng makakaing baboy ramo. 

Isa laang ang sagot: Gusto nilang matupad ang pangarap nilang magmukang mandirigmang hinugot sa mga pahina ng Heavy Metal Magazine kahit wala namang tunay silbi ang laki ng katawan ng mga ito't mas nauubos ang oras nila harapan ng computer sa kani-kanilang cubicle. 

Merong nakatanim na ideya sa kukote ng mga batang lalaki na dapat e mapamunuan niya ang mga hayop. Kahit mismong Biblliya e naiintindiha't sinusuportahan ito noong pinagkaloob ng Dios ke Adan ang pangangalaga sa hayop, mula sa pagbibigay ng pangalan sa mga ito hanggang sa kung alin sa mga ito ang pwedeng kainin at hindi.  

Ikalawang dahilan: Tanya Fucking Roberts. Kung tumulo ang laway nyo sa maiikling eksena niya sa seryeng That's 70's Show, hindi laang ang  bibig nyo ang maglalaway sa ilang taong mas batang version ni Tanya Roberts sa pelikulang ito. 

Gaya ng inaasahan sa mga pelikula ng ganitong genre, tanging utong laang at ang mismong labasan ng anak ang natatakpan ng kanyang damit. Ang galing ng pagkakaganap niya sa kanyang role. At ang role na ito e ang magsilbing taga-paala-ala sa mga lalaking humahanga nang husto sa katawan ni Marc Singer kung sino ang kanilang dapat na iniisip kapag nagpupuslit sila ng lotion sa banyo.  

Bonus: Kita ang boobs ni Tanya Roberts sa eksena niyang naliligo sa ilog! Sa katunayan nga, kapag nag-google ka ng images ng The Beastmaster, ang ilan sa mga unang susulpot e ang nakalawit na hinaharap ni Tanya Roberts. Lahat ng sampung taong gulang na nakapanood nito e humiling sa kanilang mga magulang na magpatule at huwag nang maghintay sa bakasyon ng Grade 6.


Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo 

Baka mapapagkamalan nilang isang Hercules na movie ito, pero sa oras na makita nilang tunay na hayop 'yung mga nasa screen at hindi CGI-rendered na mga animation, baka mawalan na sila ng gana.

2. Jesus Christ Superstar (1973)





Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Ted Neeley, Carl Anderson, Barry Dennen, Yvonne Elliman at sangkaterbang artistang pagkapapayat, merong mahahabang buhok at nakabell bottom na hippies.

Walang CGI. Kahit prosthetics man laang para magpakita ng pagpapako ng mga kamay ni Hesus gaya ng sa The Passion of the Christ ni Mel Gibson e wala.   

Bakit nyo magugustuhan ito 

Bagama't malamang e ikangingilo nyo ang makita ang mga katagang 'opera' o 'musical' sa panonoorin nyong pelikula, sigurado akong mahahatak kayo nito sa isang salitang idinagdag sa harapan ng 'opera': ROCK. Isa itong rock opera. Sinong lalaki ang tatanggi sa rakenrol? 




Naiimadyin nyo ba si Hesus na bumibirit ng matataas na nota sa saliw ng musika ng demonyo? Isa sa mga pambatong kanta rito e ang sagutan nila ni Hudas sa Last Supper. Ano ang panama ng mga slow rock at power ballads ng mga hair metal bands sa 'Gethsemane'? Panoorin rito ang clip na ito para malaan nyo ang katunayan ng aking sinasabi. 

At bakit naman panonoorin nyo ito ng kahit hindi Semana Santa? Dahil nga rakenfakenrol. 

Iyun pa nga ang isang maganda rito. Ang mga Kristyano e nanonood laang ng mga ganyang pelikula kapag Mahal na Araw kaya't mas matataboy ang mga amiga ng misis mo kapag pinanood mo ito sa buwan ng Agosto. O kaya sa mismong Pasko gaya ng nakagawian ko nang tradisyon.  
  
Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo ito

Kung mga fans ng Jesus Daily ang mga amiga ng misis nyo, malilintikan kayo't baka hindi na umalis sa harap ng screen. Ang sama pa nito e siguradong ipapamuka nila sa iyo kung paanong hindi ito tumutugma sa mga berso sa Bibliya na akala mong ang mismong apat na ebanghelyo e hindi magkakaiba ang paglalahad ng kwentong ito at karakterisasyon ni Hesus. 

3. Death Rides a Horse (1967)


Kung meron mang dapat naging Chuck Norris, iyon e si Lee Van Cleef. Yun e kung wala ring Sonny Parsons.
Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Lee Van Cleef, John Philip Law at sangkabalbal na mga lalaking merong bigote't balbas at mga bubaeng lawit ang kalahati ng boobs. 

Kaiimbento laang ng calculator nung 1967 kaya't wala pa itong CGI. 

Bakit nyo magugustuhan ito 

Kung hindi pa kayo nasolb sa ideya ng mismong pamagat pa laang ng pelikula, iyun e dahil malamang ang paborito mong pelikula e Forrest Gump. Alam nyong tama ang napili nyong pelikula kapag nakita nyong lampas sa kalahati ng cast e merong buhok sa muka't dibdib. 

Sinong lalaki ba ang hindi nanood o nanonood ng mga pelikulang koboy nina Lito Lapid, Jess Lapid, Paquito at Romy Diaz at Max Alvarado? Malamang e nagtataka kayo kung bakit nagkaroon ng mga koboy sa Pilipinas, iyon e dahil sa impluwensya ng spaghetti western sa atin at isa sa mga tampok sa pelikulang ito e Death Rides Horse. Kumbaga e kung nahilig kayo sa Eraserheads, ayos ring mapakiggan ang The Beatles. 

Gaya ng rakenrol, self explanatory na ang koboy. Kung kailangan ko pang ipaliwanag sa inyo ang husay ng koboy, malamang e hindi mas sanay kayong magreverse cowgirl. 

Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo 

Kung nagustuhan nila ang Django Unchained at naisip nilang barilan rin itong palabas na ito e baka manood rin sila. Dito ang hindi kilalang mga artista bilang salik na magtataboy sa amiga ng mga misis nyo.    

4. Faster, Pussycat! Kill! Kill! (1965)


Oscar winners para sa kategoryang inimbento para laang sa kanila.


Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Tura Satana, Haji, Lori Williams at kung sinu-sinong mga kaeksenang hindi mo na matatandaan dahil nasasapawa ng mga boobs ng mga pinakabida.  

Black and white. 

Sinong mangangailangan pa ng CGI kung ang pinakatampok na artista e ang tatlong ito? 

Bakit nyo magugustuhan ito 

Boobs! Boobs! Boobs!  

Ito laang ang pelikulang alam kong merong tatlong tandang padamdam (!) at gumagamit ng salitang 'Kill' nang dalawang beses sa pamagat nito.  

Sa totoo laang e hindi ko na matandaan kung ano ang kwento nito. Nalimutan ko ngang black and white ito at ang tanging naalala ko laang e ang tatlong pares ng naglalakihang hinaharap ng mga bida. Hindi ko alam kung tamang tawagin silang bida dahil sila ang mga masasama sa palabas na ito. Isa silang gang na nanggugulpi sa hindi ko na maalalang dahilan. Sa aking diksyunaryo, sinumang nagpapakita ng katawan e hindi ko matatawag na kontrabida, kahit na kumakain sila ng mg sanggol.  

Isa sa mga pagkabigo ko sa buhay e ang magkaanak ng bubae. Pinangalanan ko ang anak kong lalaki sa wrestler na si Kane at meron na akong nakalaang pangalan sana kung sakaling nagkaanak ako ng bubae. Dahil hindi ako nakabubae, hindi ko na malalaan kung papayagan ng Simbahang Katolika na pangalanan ko ang anak ko ng Tura Satana, ang pangalan ng bubaeng gumanap na pinakapinuno ng grupo.   

Hindi laang si Tura Satana ang dapat nyong tutukan ng pansin rito dahil meron ring sariling alindog ang dalawa pang myembro ng gang. Parang Spice Girls, merong kanya-kanyang karakter ang mga ito. Inosente ang blonde at rebelde naman sa pinuno 'yung Chola. Ano ang panama ng cookie-cutter, generic na K-Pop group na Girls' Generation rito?

Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo

Baka mapapagkamalang sequel/ prequel ng Too Fast, Too Furious ang pelikulang ito. O kaya lesbians/ bi ang mga amiga ng misis nyo. At kung gayon, depende sa kanilang itsura, e pwede na silang makinood.  


5. Even Dwarves Started Small (1970)




Bakit itataboy ng mga amiga ng misis nyo ito

Stars: Santambak na unanong Germans na walang nakakakilala. Kahit 'yung direktor ang tawag niya sa mga artista niya sa kanilang shooting e Midget #1, Midget #2, etc.

Wikang Aleman. 

Black and white. 

Walang CGI.  

Bakit nyo magugustuhan ito 

Hindi ko makita kung ano ang ikasisiya nyo sa pelikulang ito kung saan unano lahat ng tauhan. Uulitin ko: Mga unano lahat ang mapapanood nyo. Unano! Kung bakit unano e ewan ko. 

Baka merong appeal sa inyo 'yung tag team match dati ng mga unano ni Max Buwaya laban sa mga unano ni Turko Turero. Kung gayon, hindi ko kayo huhusgahan. 

Kung kayo e mahilig mag-Youtube ng mga tinotoryur na hayop, baka makatuwaan nyo ito dahil meron ritong ipinakong unggoy sa krus at mga kanibal na manok na kumakain ng kapwa manok na patay. 

Ilan sa mga pambatong eksena rito e 'yung merong dalwang unanong gustong magsex, pero dahil sa sobrang liit nung isang unano e hindi nya magawang umakyat ng kama kung saan naghihintay 'yung bubaeng unano. Dapat nyong mapanood ito.
    
Bakit maaaring magustuhan ito ng mga amiga ng misis nyo

Baka mga fans sila nina Mahal at Mura at gusto nila 'yung My Little Bosings. At kung ganito ang mga uri ng amiga meron ang mga kaibigan nyo, hwag na kayong umasang aalis sila sa piling mo dahil kahit blankong screen e manonood ang mga iyan. 


Saturday, June 28, 2014

Rapist ka, hindi mo laang alam

Nasiglayan ko ang larawang ito. Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto para namnamin at pag-isipan ang nilalaman ng larawang ito mula sa  FB group na Stop Masturbation Now.


Hindi ko alam kung ang larawang ito e nagpapakita ng eksena bago o matapos magsariling-sikap. Iyan ba ang reaksyon nya matapos pumulandit ang mga future presidente ng Pinas o iyan ang itsura nya habang nakikipagtalo sya sa sarili kung pagbibigyan nya ang tawag ng laman?

Parang gusto kong magbuklat ng diksyunaryo para malaan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng rape. Parang gusto ko ring kumunsulta sa mga abugado para malaman kung ano talaga ito at kung posible o legally e magahasa mo ang sarili mo. Pero, sa tingin ko e malinaw sa ating lahat na ang panggagahasa e pagpilit sa isang tao na makipagsex sa iyo, na kalimitan e dinadaan sa force. 

Ito laang ang tanging pagkakataong maituturing kong rape ang ginagawa kong pagpaparaos sa sarili:  Merong mga pagkakataong nanahimik si Manoy, hindi naman ako nanonood ng Betamax o merong nakakapag-init na sitwasyon para umawit ng theme song ng Batibot, pero dahil sa kawalan ng magagawa e nangungulit ang aking kamay para makiisa ang aking ari sa gawaing ito. Tipong ayaw namang magstart, pero pilit pa ring pinapadyakan ang pedal. Bukod run e wala na. At 'di gaya nung nasa larawan, merong ngiti sa aking labi pagkakatapos at mahimbing ang aking tulog.

Kung rape ang masturbation, pwede ko bang ihabla ang sarili ko? Sino ang makukulong? Anong parusa? At aling bahagi ng katawan ko ang ikukulong? Ano iyon, ikukulong sa hawla ng ibon ang kamay ko o ang aking John Thomas? Hindi ba't bilang biktima e dapat mananahimik na laang ako dahil ako rin ang salarin? Ewan. Masyadong mala-Monty Python sketch na kung ipagpapatuloy ko pa ang linya ng pag-iisip na ito.

Kungsabagay, hindi naman siguro literal ang ibig sabihin nito. Ewan ko kung sinong pasimuno nito, pero sigurado akong isang grupo ng mga reliyoso ito at isang palatandaan na e ang krus sa cover photo nila. Sila naman ang laging KJ sa mga ganitong bagay e. 

Dahil laki akong Catholic school, umukilkil sa aking isipan ang ideyang kasalanan ang one-man tango. Naaalala ko tuloy 'yung mga panahong sa tuwing meron kaming kumpisal bilang paghahanda sa First Friday Mass nung high school. Kalimitan e ganito ang aking kumpisal:

Ako: Father, nagsinungaling po ako, nagtaas ako ng boses at sumagot sa Mommy ko. Meron rin po akong mga nakaaway. Nang-aalaska rin po ako ng mga kaklase. 

Pari: Wala ka na bang nalilimutan, hijo?

(Katahimikan.)

At sa tuwing tatanungin ako ng pari nang ganito e pinag-iisipan ko kung dapat ko bang ikumpisal sa kanyang kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaubusan ng Jergens sa bahay. At pakiramdam ko e alam nya, sa kaparehong dahilang iniisip ko noong nakikita ako ng Dios sa tuwing naliligaw ang ang aking mga palad sa loob ng aking shorts dahil sabi nila e omnipresent  at omniscient raw ang Dios. 


Subukan mong pumihit sa kanan at kaliwa mo,
nakatingin pa rin iyan.
Buti na laang hindi uso sa bahay namin ang mga malalaking portrait ni Hesus, 'yung mga tipong sinusundan ka ng tingin ng larawan saan ka man magpunta. Hindi sa mapipigilan ang gigil ko noong ganoong larawan, pero medyo nakakaasiwa rin naman - lalo na't lalaking me balbas ang tumitingin sa iyo.

At ang sagot ko sa tanong na iyon ng aming pari e "Wala na po, Father." 


Ang ginagawa ko na laang e isinisingit ko sa tatlong Hail Mary ang "Panginoon ko, patawad po't nagsalsal ako nang ilang ulit sa buwang ito. Isama nyo na rin po 'yun kaninang umaga bago ako pumasok sa school." 

Ang dapat ko palang ginawa para hindi ko na pagdaanan iyon buwan-buwan e isama ito sa dasal ko noon: "Alam naman nating dalawa na mauulit at mauulit ito, pwede po bang automatic nang kasama sa tatlong Hail Mary ito at nang sa gayon e hindi na mauulit ang pangungumpisal ko nang ganito?"

At dumating ang panahong gumradweyt na ako sa high school at hindi na ako nagsimba dahil hindi na ako obligado. Kasama nito ang pagtapon ko ng ideyang kasalanan ang pagsakal ng aking longganisa. Pinaniniwalaan kong kung kasalanan ito, malamang e inilayo ng Lumalang ang posisyon nito sa ating katawan para hindi maabot ng ating mga kamay. Kungsabagay, pinayagan nyang maabot nina Eba't Adan ang Pinagbabawal na Prutas sa Eden. Loophole. Ewan ko. 

Malamang e nasisiraan ng bait ang taong magsasabing hindi isang maligayang gawain ang laruin ang iyong ari paminsan-minsan at isa itong pang-aabuso. Kahit nga me asawa na ako, ginagawa ko pa rin ito, lalo na't kapag nag-iisa. At inaanayayahan ko ang sinumang nakakabasa nito ngayon na umaming enjoy rin kayo sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagla-like sa article na ito. (Cheap pop!)

Ayon sa description ng grupong Stop Masturbation Now (talagang dapat e ngayon na, hindi bukas-makalawa) ang masturbation raw e gateway drug to rape, nakakasira ng family values at kung anu-ano pang problema, gaya ng hindi sinabing klase ng sakit. 


Hindi ko alam kung satirical talaga ito o ano. Sa dami ng mga nakikita kong religious crackpots, mula sa mga tao sa internet na naniniwalang gagaling sa likes ang mga me kanser hanggang sa kaibigan kong pastor na si Roy na naniniwalang merong dinosaurs noong panahon ni Noah, hindi ko na alam kung alin ang totoo at alin ang nagpapatawa laang. 

Dahil kung totoo ito sa kanilang layunin o misyon, nahuli na ng ilang dekada ang mga magulang ko para ibili ako nito. 





Tuesday, May 20, 2014

Betamax Blues

Uso pa ba sa magkakabarkadang lalaki ang manood ng bold sa Betamax? Sa henerasyon ng mga kabataang lumaki sa Phonerotica at Bang Bros., isa itong konseptong mahirap intindihin at sakyan.

"Ano, magkakasama kayong manonood ng bold, porn sa bahay? At sa Betamax? Ano iyon? O saan iyon?"

Bago ang panahon ng mga pirated VCDs, DVDs, YouPorn at mga torrent, ang media na aming kinalakihan e Betamax o Beta, bold komiks at mga magasin.

Yung pinakamaliit na tape ang Betamax. Sigurado akong isa sa mga iyan e nirekordan ng Taboo. 
Ninuno ng mga VCD, DVD players at BluRay ang Betamax. Hindi uso noon ang bumili ng movies, bold man o hinde, pirated man o original. Inaarkila laang kasi iyon noon at nangangailangan ng membership card para makarenta. Ibig sabihin noon, 'pag papasok ka sa isang video rental shop, kelangang ipakita mo ang membership card mo, parang sa library. 

At dun nagsisimula ang problema ng mga kabataang gustong manood ng bold. Dahil makikita ng clerk na menor-de-edad kami, hindi kami paaarkilahin ng mga titulong naroroon. Oo, mahigpit na tinutupad noon iyon, hindi gaya ngayong naghambalang ang mga Barely Legal 16 in 1 DVD collection sa palengke, sa mga mata ng mga batang napapadaan. 


Sa tingin mo ba e hindi namin naisip gawin ito?
Ang pinakapwede ko laang gawin noon e dumaan sa XXX section at sauluhin sa gilid ng mga mata ko ang mga pamagat ng mga pelikula roon at pag-uwi e pagparausan ang mga ini-imagine na kwento noon. Halimbawa: Debbie Does Dallas. Ano kaya 'yun, sex tape ni Debbie Gibson at ng cast ng soap operang Dallas? Ang kakulangan sa larawan sa kahon e pinupunan ng imahinasyon.

Kahit picture ng mga pelikula noon kasi e wala sa kahon. Kalimitan e mga kopya laang ng orihinal ang makikita mong mga tapes noon kaya't mga kahong walang larawan ng pelikula laang iyon dahil walang RA Home Vision sa probinsya namin. Hindi pa uso noon ang Video City at ACA. 

Dahil sa kahirapang makaiskor ng tape noon, kelangan mo ng source. Sa bawat barkada ng mga kabataan noong 80s, merong pinagkukunan ng mga tape na ito. Kung saan nanggagaling, ewan ko. Tape ba iyon ng mga magulang nila, nakakatandang kapatid, lokong tiyo o iniiskor nila sa bagsakan ng bold sa ilalim ng isang madilim na tulay? Basta, sila ang pinagkukunan ng tape at me mga bagay na hindi mo na inaalam kung anong pinagmumulan at masaya ka nang nariyan iyan. Ang lagay e itatanong mo pa ba kung saan nanggagaling ang oxygen? 

Bukod sa source, kelangan ng venue. Ang napipiling art house naman e ang bahay kung saan ang mga magulang e laging wala, gaya nung mga nasa abroad o iyong mga nagtatarbaho nang Sabado. At dahil kokonti pa laang ang merong Betamax noon, nagsasama-sama ang mga magkakabarkadang lalaki para makinood sa bahay na ganito. Makikilala mo agad ang bahay na ganito kapag kasingdami ng tsinelas sa labas ng isang moske ang nagkalat na tsinelas sa labas ng pinto nila. 

Meron rin naman kaming Betamax. Sa katotohanan nga, nag-DVD na lahat ng mga kabarkada ko, kami e Betamax pa rin. Di na kami nakaranas ng VHS dahil bumili na ko ng VCD player nun noong nagkatarbaho na ako. Naghintay muna ang mga magulang ko na magtapos ako ng high school, college at magkatarbaho sa halip na makisunod sa teknolohiya ng home video entertainment. 
Minsan e naglinya nang tama ang mga buntala sa langit at nginitian ako ng Kapalaran. Nakahiram ako ng bold. Alam nyo ba kung gaanong kahirap nun? Ibig sabihin sa loob ng ilang oras o araw e mawawaglit sa taguan ng mga may-ari ng bold ang kanilang tape. At kung iyon e pag-aari ng mga magulang nila, ipagdarasal nilang hindi mapansin ng mga magulang nilang nawawala ang isang tape. 


Mauuna pang mapansin ang nawawalang bold na tape 
kesa nawawalang kamay ng santo sa simbahan.

Tandaang para makanood ng Beta, dapat e nakakunekta ito sa TV. Hindi ito gaya ngayong pwede mong bitbitin ang laptop o mobile device mo, kahit hanggang banyo ng opisina. Ang aming Beta noon e nasa sala. Syempre, hindi ako pwedeng manood run nang lantaran dahil mahuhuli ako ng mga magulang ko. Para akong tatakas sa Alcatraz o mag-i-Italian Job kung gusto ko talagang manood nang maluwalhati. Kelangan ng pagpaplano, pagdodrowing ng mga mapa at diagram sa salamin ng bintana para maisakatuparan ang panonood. Dapat e gumawa ako ng record ng kung anong oras at araw walang tao sa bahay. Dapat e kalkulahin ko ang mga anggulo ng kwarto at TV, mga picture frames na magtatalbog ng repleksyon ng palabas, gaanong kalakas ang volume ng TV, atbp. Basta, merong agham at matematikang pang-Wile Coyote na nasasangkot sa pagsasagawa nito. 

At ayon sa aking kalkulasyon, ang pinakamagandang pagkakataon e alas-onse nang gabi kung kelan nakakatulog na nang isang oras ang lahat. Sa gayon e nakasisiguro akong hindi na sila babangon para lumabas ng kwarto at mag-CR. 

Nanginginig ang mga kamay na isinalpak ko ang tape sa Betamax player. Hindi na ako umupo sa sofa dahil walang remote. Sa gayung paraan, 'pag narinig kong lumalangitngit ang pinto ng kwarto ng mga magulang ko, alam na ng aking kamay na dapat alisin ko sa Channel 3 at ilipat ko sa Channel 4 ang dial ng TV. Praktisado ko na at nakalagak na sa aking muscle memory ang gagawin sa sitwasyong ito.

Naririnig ko ang paghinga ng bawat tao sa loob ng bahay. Tahimik at sigurado akong nahihimbing na silang lahat. At syempre, natesting ko na kung gaanong kahina dapat ang volume ng TV para marinig ko nang sapat ang mga ungol, este, maintindihan ang dialogue, pero hindi sapat para marinig nila. 

Hinipan ko ang dulo ng mga daliri ko, pampahiyang. Pinindot ko ang play. Nasa gitna na ang palabas na puro brown ang kulay. Kamputa, nalimutan ko palang i-rewind muna! Lahat ng pagpaplanong ito, naantala nang bahagya dahil nalimutan kong i-rewind. Pero, saglit laang ito. Konting rewind-rewind laang, tapos play ulit nang limang segundo, tapos ulitin ito hanggang marating ang simula. Narinig ko ang pamilyar na tunog ng isang Betamax na nagrerewind. Kapag pala ganitong meron kang inililihim e malakas ang tunog nito.

"Aba't teka, parang hindi nagpe-play?" 

At ang kinatatakutan ng lahat ng mga taong nagpupuslit ng bold sa kanilang Betamax e naganap sa akin. Kinain ng player ang tape. At wala kaming screw driver. Santambak na hindi na ginagamit at inaagiw na text books, marami. Pero, ni isang screw driver, martilyo o thumb tacks e wala. Kapag hindi ako nakahiram ng screw driver sa lalong madaling panahon e matutuklasan ng mga magulang ko ang aking krimen.     


Operation Open and Retrieve

Sa loob ng mga sumunod na araw e ang panghihiram laang ng screw driver ang nasa isip ko. Naka-auto pilot akong pumasok sa eskwelahan noon. Bawat pagpapalit ng klase e hudyat sa paglapit ng oras para magwakas ang araw ko sa paaralan. Binibilang ko kung ilang oras pa ang natitira para makauwi at makahiram ng screw driver.

Nung mismong hapong na nakahiram ako ng screw driver e naabutan kong nanonood ng Gabi na Kumander ang aking mga magulang. Mabilis kong tinago sa likuran ang kamay kong merong hawak na screw driver, pero alam kong nasilayan nila iyon. Hanggang ngayon, higit na 20 taon na ang nakakaraan, e hindi pa rin namin pinag-uusapan ang pangyayaring ito.      

At sa kasalukuyan e mga 100 gigs ng porn ang laman ng aking external hard drive. Abot-kamay laang ang lahat. Hanggang ngayon pag walang tao sa bahay, 'pag naisipang lumabas ng misis ko at isinasama nya ang aming anak at helper, ganun pa rin ang instinct ko - Uy, pagkakataon!


Friday, May 2, 2014

4 na Pagkaaastig na Pahina ng Komiks na Pinoy

Nung nahalungkat ko sa internet ang mga lumang komiks na ito, pumatak ang aking mga luha’t naiyak sa estado ng mga kabataan ngayon. Nang sinabi ni Hesus sa mga bubae ng Herusalem na iyakan nyo ang inyong sarili, sigurado akong nakita nya ang hinaharap, ang 2000s at ang mga kabataang Pinoy ngayon ang kanyang pinatutungkulan. Tunay na sawing-palad ang mga batang hindi lumaki sa mga komiks na Pinoy noong panahon ko. At ang patunay ko e ang ilang pabalat/ pahina ng mga komiks na nahalungkat ko.

1. Pirata (Horror-Thriller Pocketkomiks)
Sino ang mag-aakalang balang araw e marereyp ka sa lubid?

Bago mauso ang Pirates of the Caribbean, meron na tayong Pirata. At sa halip na Jack Sparrow na ibinase sa gitarista ng Rolling Stones at sa mga stoner surfer dudes, ang mga pirata sa Pirata e ibinase kina Dick Israel at Pen Medina. Unang pahina pa laang ng kwento e alam mo nang seryoso sila sa pagpapaitim ng budhi. Sa imbes na magtirintas ng buhok, sa pang-uulangya nila ginugugol ang kanilang oras. 

Masdan ang dedikasyon nila sa kanilang pagpapalaganap ng kasamaan, ang walang-hiyang pangongopya sa itsura ni Max Alvarado at Vic Diaz at pananamit ng Hagibis, ang kanilang walang habas na paghalakhak at pag-inom ng gin habang walang-awang pinagsasamantalahan ng kanilang mga kapirata ang dalwang bubae. 

Hindi ko kinokondena ang panggagahasa at hindi dapat ito ginagamit sa katatawanan, bagkus e tinutuligsa ko ito, pero mapapabilib ka sa kakaibang uri ng kasamaan ng mga taong merong nakikitang nakakatawa sa mga bubaeng inilulugso ang puri, gaya ng dalawang pirata sa background. Hindi laang sila handang makipagkita ke Satanas sa oras na tigukin sila ng bidang magbibigay-hustisya sa dalawang bubaeng ito, kundi bukas ang mga kamay nilang tinatanggap ang pagkikitang ito at malamang e buong-yabang nilang ipagmamalaki ang kanilang resume ng kasamaan para makapag-apply bilang goon sa Impyerno.

Hindi ka pa naglilipat ng pahina e pinapanalangin mo nang si Vic Vargas ang bida sa kwentong ito para turuan ng leksyon ang mga kawatan. Sa pagitan nun at sa pagsapit sa pangalawang pahina, alam mong kakampi ka sa kahit na sino ang bida, kahit hindi mala-Vic Vargas, dahil gusto mong mamatay sa mapait na pamamaraan ang mga tarantadong pirata sa unang pahina.

2. Hiwaga Komiks

Bagama’t hindi ko na inabutan ang isyung ito nung 1951, meron pa ring Hiwaga Komiks noong panahon ko. Sinong bata o mambabasa ang magpapalampas ng isyung ito kung saan ang mala-Vic Vargas na bidang nakasuot ng masikip na maong at gula-gulanit na damit e dinudumog ng mga impakto ng iba’t ibang uri, laki at kulay? Kakayanin nya kayang talunin ang lahat ng iyon? Lamang kaya ang mga impakto sa labang ito dahil bukod sa kanilang dami e meron ring bentahe ang kanilang mas komportableng pananamit? Ano ang dapat nyang gawin para tapatan ang kanilang dami?

Masdan ang naka-freeze na horror sa mga muka ng mga impaktong binuntal ng bida at ng matandang me mahabang balbas sa kaliwa, ang pagtilapon ng bubaeng impaktong nasapok, ang impaktong nakaukyabit sa binti at ng isang nakabayubay sa likod ng bida at ng alon ng mga impaktong dumadagsa papunta sa bida. Ang bawat detalye ng pabalat ay isang pangako ng kung anong uri ng aksyon ang maasahan ng mga mambabasang bibili ng isyung ito. Hindi ito isang cover laang, kundi isa sagradong itong kontrata sa pagitan ng tagagawa ng komiks at ng mambabasa nito, isang usapang lalaking mapanghahawakan, na punum-puno ng umaatikabong aksyon ang isyung ito at itinataya nila ang kanilang yagbols kung papalya sila sa mga susunod na pahina.

3. Noche de Amor (Lagim Komiks Magasin)

Sa unang tingin e hindi natin mawawari kung anong lagim ang sasapitin ng ating mga bida dito sa pabalat ng Lagim Komiks. Mapayapang nagkakantahan at naggigitara ang bidang magkatipan ng mga kundiman habang tinatanglawan naman ng nakangiting buwan sa isang gabing tahimik ang tamis ng kanilang pag-iibigan. Mababakas sa kanilang muka ang isang inosenteng uri ng pag-ibig, pag-ibig na hindi nababahiran ni katiting na pagseselos, pag-iimbot, suklam o pagdududa. Isa itong pagtitipang siguradong sa altar mauuwi – kung walang kontrabidang tumututol sa kanilang pagmamahalan!

Sa bandang ibaba e makikita ang bayolente’t mahigpit na pagtutol ng isang lalaking merong mabalasik na ekspresyon sa kanyang mukang nakatingin sa malayo’t nagbabalak ng masama upang wakasan ang pagmamahalang ito. Makikita sa kanyang likuran ang mga mata ng bubaeng nangingilid ang luha. Anong klaseng lagim ang kanilang sasapitin? Anumang ideya ang pumasok sa isip mo e sigurado akong hindi pipwedeng walang dadanak na litre-litreng dugo, puntod, pala't asarol, pakikipagsabwatan ke Satanas at paghihiganti ng mga multo ng sawing pag-ibig.

4. Kontrabida (Horoscope Komiks)
Requirement noon yung kung ano ang suot na damit sa picture e iyon rin sa unang panel.

Sino ang ayaw na maisapelikula ang buhay? O kaya e kahit magamit man laang ito sa Maala-ala Mo Kaya? Kung gagamitin nating batayan ang mga kaibigan natin sa Facebook na inilalahad ang bawat nangyayari sa kanilang love life, ang kanilang mga LQs, ang pagpaparinig sa mga kontrabida sa kanilang buhay na mga mang-aagaw ng asawa/ shota, alam nating maraming gustong malagay sa limelight ang kanilang love life. Ang problema ngayon sa panahon ng mga reality tv at soap opera, hindi pag-aaksayahan ng panahon ng mga tao ang love life ng kung mga sinu-sinong hindi nila kilala.

Pero, hindi noong panahon ng komiks, kung saan ang bawat Juan at Gabriela e merong pagkakataong malagay ang kanilang love life sa mga pahina ng komiks. Tinatampok noon ang kanilang picture, horoscope at love story.

Ang mga nagnanais na maging bahagi ng mga pahina ng komiks noon e nagpapadala sa pamamagitan ng liham ng isang picture at ang pinagtagni-tagning salitang bumubuo ng istoryang  sinulat ng letter sender. Oo, wala pang email noon kasi.  Sa nag-iisang picture na ito ibabase ng mga ilustrador ng komiks kung paano sila idodrowing sa iba’t ibang anggulo, front view, side view, etc. Yun namang semi-literate na paglalahad e inaayos ng mga writer para maging isang matinong kwento at hindi isang lasing na pagtatalaktak ng isang nakainom na pasyente sa mental. 

Sa pahinang ito ng kwentong pinamagatang Kontrabida, makikita natin ang kwento ng isang Joime Victolevo. Sa unang pahina e makikita natin ang isinakomiks niyang itsura, ang problema nilang mag-asawang laging nagtatalo dahil ma-pride si mister, ang ina/ biyenan niyang nagpapakita ng concern sa kanilang dalawa ang alagang pusang mahilig humiga sa sofa at ang horoscope nyang magdidikta ng patutunguhan ng kwento.

Noong unang panahong iyon, hindi mga parinig sa newsfeed ng Facebook ang inaabangan ng mga mister sa kanilang mga opisina, kundi ang mga komiks na kagaya ng Horoscope Komiks. Tinitingnan nila roon kung nakalathala na ang pambububae nila. 

Sa ngayon ay meron pa ring ilang mga Pinoy na gustong buhayin ang industriya ng Komiks at isang malaking saludo ang ibinibigay ko sa kanila. Nawa e mabigay nila sa henerasyong ito ang uri ng kaligayahang natamo ng isang batang Jerboy na nakaupo sa bangko at ineenjoy ang mga inarkilang komiks.

Pasasalamat sa mga sumusunod: Jim Sabarillo, Brix Bartolo, Nestor Redondo, Lauro M. Nunag, Nestor Leonidez, Armando Francisco at Al Cabral.