Napapansin kong umaani ng puna at batikos ang mga nagpepenitensya, naghahagupit ng likod at nagpapapako sa krus. Maraming kumokondena sa sinaunang pamamaraang ito ng pagtitika at paggunita sa pagdurusa ni Hesus, mula sa mga bible-based Christians, kapwa Katoliko hanggang sa mga ateista.
sampol: Basahin nyo ang mga comments sa isang article na ito ng News Vice. (Note: Hindi Easter ito, kundi Good Friday at alam nyo nang mga Pinoy iyon.)
Mga Batikos
Una, hindi ito ineendorso ng Simbahang Katoliko kaya't kahit mismong mga Katoliko e kinukunutan ito ng noo. Kung mismong Simbahang Katolikong kinabibilangan ng mga debotong ito e hindi sumasang-ayon, ano na laang ang sasabihin ng mga bible-based Christians sa isang gawaing sa kanilang pananaw e ginawa't tinapos na ni Hesus?

Pangalawa, sa makabago't sibilisadong panahong ito, nagmumukang isang gawaing barbaro ang sundin pa ito dahil ito e bayolente. Siguradong kokontra rito ang mga nanay na me kagagawan kung bakit naging Rated PG ang WWE at sasabihing hindi dapat ginagawa ito sa isang pampublikong lugar kung saan pwedeng makita ng mga bata.
Pangatlo, ikinahihiya ng mga Pinoy na makita ng mundo, gaya ng sa YouTube ang mga kalahi nating nagbi-BDSM na me temang Kristyano. Hindi ang mga walang kwentang costumes, acting, props o production nito ang inaangalan ng mga ito, kundi ang ideyang nagmumuka tayong mga hunghang sa mga mata ng ibang bansa. Kumbaga sa isang salu-salo sa bahay, ang mga debotong ito ang mga tambay na tiyong lasenggong kinahihiya nila sa mga bisita. Nagmumuka raw kasi tayong savages, 'ika nga.

Idagdag pa riyan ang problema ng posibilidad ng pagkahawahan ng mga sakit nahahawa sa pamamagitan ng dugo, gaya ng hepa.
Greatest Show on Earth
San ka makakakita ng isang palabas na merong aktwal na pumipilansik at tumatagas na dugo? Gaanong kadlas kang nakakakita ng mga nagrarambulan gangs hanggang sa magkaduguan nang hindi ka nalalagay sa isang witness protection program o kaya sa isang police station? Malamang ang pagkakataong nakakita ka ng dugo e sa gamit na sanitary napkin.
Ang penitensya ang sumasagot sa uhaw ko sa dugo sa paraang hindi ko na kailangang magtayo ng isang hostel para sa mga Puti. Kung hindi nga laang traffic at hassle, dadayo ako sa Pampanga para makakita ng mga nagpapapako sa krus. At para na rin bumili ng tocino. Teka, mukang hindi magandang ideya ang bumili ng tocino sa araw na nagtatalop ang mga balat ng mga deboto. Basta, balang araw baka pumunta ako run para makasaksi ng mga palad na binabaunan ng pako.
Para sa kin, dapat ipagpatuloy ito. Tourism. Sa dami ng mga kumukutyang taga-ibang bansa, meron sa mga iyon ang naku-curious at gustong mapanood ang freak show na ito nang personal. Papasukin sila't salubungin ng mga yakap at ating pagkaperahan ang mga gustong makakita ng pamperyang palabas. Mula sa mga tutulugan nila sa gabi hanggang sa bote ng mineral water, gagasta ang mga turistang ito at makikinabang ang bayan ng Pampanga.
Pwedeng i-donate sa mga blood bank ang dami ng dugong nawala sa lalaking ito. |
Bayolente ba 'kamo ang pagpepenitensya? Kung pinapayagan nating magbasagan ng muka ang mga boksingero para sa kanilang personal na tagumpay (o Pinoy Pride), bakit hindi hayaan nating ipagpatuloy ng mga barbaro ang kanilang debosyon? Sarili naman nila ang hinahagupit o ipinapako nila sa krus. Kapag ikinumpara sa mga attractions gaya ng mga hayop sa zoo, mas naaalagaan pa nga ang mga nagpapako sa krus. Merong mga medical team na nakatambay sa tabi para magbigay-lunas pag merong nangyaring mali at sinisiguro nilang hindi matetetano ang mga ito.
At nakita nyo na ba kung gaano kaliit ang mga pako? Hindi iyon katulad ng sa pelikula ni Mel Gibson. Maliliit laang iyon. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako pumupunta run. Malamang madidisappoint laang ako. Maliliit na sugat laang iyon na ine-exaggerate laang ng theatrics. Kumbaga sa wrestling speak e sine-sell laang nila nang todo 'yung moves ng kalaban nila, ala-Ric Flair, na akala ko noon e talagang nabalian ng buto nung nahulog sa hagdan sa kauna-unahang Money in the Bank sa WrestleMania.

Atungal = theatrics. |
"How inconvenient nga naman ang kumain ng steamed tilapia, sinigang na hipon, adobong puset, ginataang alimasag at buttered tahong. I'm sure Jesus who suffered huger, thirst, beatings, 39 lashes, mockery, receiving a crown of thorns and getting nailed to a cross would be impressed to see you sacrificing your gastronomic urges for meat in favor of some dishes that are listed in Deuteronomy as something you should not eat." -malamang na linya ng isang deboto.
Ang naririnig na boses sa ulo ng mga debotong penitente. |
Para sa akin, walang karapatang husgahan ng mga umiiwas sa karne ang mga debotong ito at sabihing mga tanga sila dahil hindi na nila kailangang gayahin ang pagdurusang ginawa ni Hesus. At least ang mga penitente e nagko-commit sa ideya ng sakripisyo at hindi laang nagsasakripisyong-kike para masabing sila e nagsasakripisyo't nakikiisa sa pagdurusa ni Hesus.
Wala akong pakialam sa opinyon ng mga bible-based Christians at wala nang magagawa sa mga iyon sa mga usaping hindi nakasulat sa Bibliya. At wala ka ring mapapala sa mga ateista kahit meron kang pagbabasehang berso sa Bibliya. Ang mahalaga rito e ang opinyon ng mga Katoliko dahil mga pang-Katoliko naman talaga itong
Kanya-kanya laang ng paniniwala iyan at karamihan sa Pinoy e ang kinagisnan ang sinusunod. Merong umiiwas ng pagkain ng karne, merong nagbibisita Iglesia, nagpuprusisyon at sa kaso ko nanonood ng rock operang Jesus Christ Superstar. Muka laang karumal-dumal ang penitensya dahil sa dugong lumiligwak, pero iyon ang kanilang gustong gawin at hindi nila inoobliga ang ibang gumaya. Hangga't hindi sila namimili ng mga kriminal sa oblo at pinapako nila sa krus, ayos laang ito at atin nang pagbigyan.
Pero kung ito o paborito mong nangungurakot, baka ayos ring i-televise. |
Di ako sang-ayon sa ginagawa ng mga taong sinasaktan ang sarili. Pero kung 'yun nga ang paniniwala nila, aba'y hayaan na lang natin sila. Tutal sila naman ang masasaktan, hindi tayo hehe. Good idea, gawing sentro ng turismo para may pakinabang din ang gobyerno sa kanila. Kasi balita ko yung mga nagpapapako pagkatapos nyan balik na naman sila sa bisyo.
ReplyDelete