Kung hindi ka pa pamilyar sa Jesus Daily, iyon e dahil malamang e Friendster pa rin ang gamit mo, sa halip na Facebook. May pinagmamalaking 25 million likes, ang FB page na ito e nagsisilbing taga-paalaala sa mga taong namumuhay sa paspasang buhay sa mundo at era ng mobile devices sa ngayon, pero ayaw makalimot ke Hesus. Kumbaga e para itong app version ng lola mong nagsasabing, "O, tama na muna ang FB at alalahanin mo naman si Hesus."
Kapag pakiramdam mo e inaatake ka ng deja vu sa tuwing nakakakita ka ng isang Jesus Daily post, ito e sa dahilang lilima laang ang nilalaman ng mga posts nitong pinapaulit-ulit laang at binibihisan nang bago sa pamamagitan ng pagpapalit ng pictures. Kumbaga sa mga pelikulang gera noon, e para silang mga ekstrang gumaganap na sundalong Hapong matapos mamatay sa isang eksena e bumabangon muli para lumabas sa iba. Ito ang limang bumabangong posts na iyon:
Naaalala nyo pa ba yung tanong ni Bishop Tagle nung Palm Sunday?
Alin raw ang pipiliin nung mga sumimbang tinanong nya, 30 million pesos o ang sumimba? Nuknukan ng ipokrito o tanga ng taong pipili ng misa. Sa halagang iyon e pwede ka nang magpatayo ng kapilya at makapagsimba at makapagpamisa para sa mga kabarangay mo nang ilang ulit. Yun e kung literal o pilosopo kang tao.
Hindi syempre literal iyong tanong at simbolo laang iyon -galing na ito sa isang taong kina-career ang pagpapaliteral sa interpretasyon ng Bibliya para meron laang mai-blog. May dahilan kung bakit 30 iyon. Sheesh... 30 pieces of silver na tinanggap ni Hudas. Does it ring a bell?
Alin raw ang pipiliin nung mga sumimbang tinanong nya, 30 million pesos o ang sumimba? Nuknukan ng ipokrito o tanga ng taong pipili ng misa. Sa halagang iyon e pwede ka nang magpatayo ng kapilya at makapagsimba at makapagpamisa para sa mga kabarangay mo nang ilang ulit. Yun e kung literal o pilosopo kang tao.
Hindi syempre literal iyong tanong at simbolo laang iyon -galing na ito sa isang taong kina-career ang pagpapaliteral sa interpretasyon ng Bibliya para meron laang mai-blog. May dahilan kung bakit 30 iyon. Sheesh... 30 pieces of silver na tinanggap ni Hudas. Does it ring a bell?
Tinatanggal ng Jesus Daily ang pilosopohang sagot sa tanong na ito sa pamamagitan ng literal na tanong kung alin ang pipiliin nyo. Meron pang kalakip na litrato ni Hesus at ng kung sino/ ano man ang kalaban niya sa araw na iyon: karangyaan, katanyagan, pera, at iba pang makamundong bagay. O minsan e kung sinumang superherong nasa sinehan at pinagseselosan nya sa mga sandaling iyon. Dati e si Superman nung lumabas ang Man of Steel. Ngayon naman e si Spidey.
Pinili ko ang ignore para me pambili ng video cam, pero walang bumahang pera sa bahay ko. |
Bakit kelangang ganito ang tanong? Kelangang mamili ke Hesus at sa mundo? Hindi pipwedeng pareho? Maraming mga sikat rin namang celeb na gaya ni Gary Valencianong dinadakila ang Panginoon sa kanyang mga gawa. Bukod sa isa sya sa mga pinakatanyag, e respetado pa syang singer na Pinoy at bilang isang indibidwal. Hindi nga siguro sya mala-Bill Gates sa yaman, pero hindi ko ma-imagine na nagpapa-load laang sya sa isang tindahan ng P50.
Ilang kanta na rin ang inilaan ni Gary V. para purihin ang Dios, 'di ba? Ilang taon na akong naghihintay ng mga kantang gaya ng "'Di Bale na Lang", pero walang lumalabas dahil inialay nya nang lahat ke Hesus. Hindi pa ba sapat iyon? Hindi pa ba sakripisyo yung nawalan sya ng ilang fans na ang hanap sa kanyang mga kanta e "Di Bale na Lang" at hindi praise songs? Hindi ba't demanding masyado ang peg ng Hesus sa Jesus Daily?
2. Type 'Amen', like or share = prayer
Sa ngayon, pwede ka nang magdasal para sa iba sa pamamagitan ng pagki-click ng 'like' button. Pwede mong ipagdasal ang isang batang me kanser, isang biktima ng sakuna o matandang me sakit. Hindi mo na kailangang magtirik ng kandila sa simbahan, magrosaryo, magpamisa, magnobena, maglakad nang nakaluhod o magdasal sa isang sulok ng bahay mo. Ang kailangan mo laang e isang pindot ng like sa mobile device mo at meron ka nang naipagdasal na taong nangangailangan. Hwag mag-alala, kung masyadong abala ito, baka may nagtatarbaho nang gumawa ng shortcut keys sa keyboard ng computer nyo para sa amen, like at share: Ctrl + ____ (insert unused letter for shortcut key).
Ang maganda rito e kung meron kang kamag-anak na me sakit at kelangan mo ng dasal. Pwede kang magpost ng pics sa Jesus Daily para manghingi ng likes, na para na ring dasal, sa mga taong nakakabasa nito. Hindi ko na ilalagay ang pictures nung mga tunay na merong sakit na naroon dahil meron akong sarili kong halimbawa.
Sinubukan kong magpost ng pic sa Jesus Daily. Ni-like naman ng Jesus Daily mismo, pero ni isa yatang follower e hindi. Ewan ko kung bakit, basta ang alam ko e pinagdarasal naman nila iyung ibang naka-wheelchair, pero hindi itong nasa ibaba:
3. Like if you see Jesus. (Or "See the Jesus as depicted in mass media")
Para sa akin e giraffe pa rin iyung nasa picture sa gitna. |
Hindi ko alam kung ano ang layunin nitong mga di-umano'y imahe ni Hesus sa mga kung anu-anong bagay. Dapat ba itong ituring na himala? O isang palatandaan ng kanyang kapangyarihan? At bakit sa mga random na bagay na gaya ng toast sumusulpot? O kaya sa isang ultrasound na me kasamang butiki, gaya ng halimbawa sa itaas? Teka, hindi kaya't dapat e sambahin ko 'yung butiki o giraffe na nasa mga larawan sa itaas?
Nung isang beses na nagswimming ako sa isang hot spring nang ilang oras at nangulubot ang mga daliri ko e lumitaw ang imahe ng matandang Leonardo da Vinci sa dulo ng hintuturo ko. Oo, sigurado akong si Leonardo da Vinci iyun. Hindi ko laang makita 'yung file ng pic. Ano kaya ang mensahe nito sa akin? Pinapaalalahanan ba ako ni Leonardo na magpinta? O mag-imbento ng eroplano? O alamin ang nakatagong musika sa kanyang painting na Last Supper?
Isa pa, lahat ng imaheng ito ni Hesus kuno e mga pagsasalarawang ginawa ng mga painters laang, gaya ni da Vinci. Iniisip ng modernong taong ganun ang itsura ni Hesus, samantalang 'pag inisip mo ang rehiyong pinagmulan niya dapat e hindi dapat sya tisoy.
4. Will you let Jesus in/ accept him?
Meron akong knock-knock joke na nabasa kelan laang. Di ko matandaan, pero parang ganito:
Apocryphal version: Let me in, Goddammit! |
Variation: FaceTime o chat, gaya ng nasa ikatlong larawan. |
5. Jesus died for your sins you so you should remember to thank him every time you log in on Facebook.
Alam mo iyung uri ng kalaro mo noong bata, 'yung batang pinahihiram ka ng laruan o binibigyan ka ng pagkain, tapos e lagi na laang sasabihin sa iyong 'Uy, penge ng kinakain mo. Binigyan kita dati ng Chippy, 'di ba?" Parang ganito ang uri ng Hesus na lumalabas sa Jesus Daily.
Kung alam ko laang na isusumbat sa akin ito nang ganitong kadalas, tutuklasin ko ang time travel nang mapigilan ko sya sa pagpapapako sa krus at nang mailigtas ko sa mga ganitong panunumbat ang mga tao sa Facebook.
May kanya-kanyang paniniwala ang bawat isa pagdating sa kahalagahan (o kawalan nito) ng sakripisyo o ng pagpapapako sa krus ni Hesus. Malamang meron laang talagang gusto e alalahanin ito ng oras-oras. Samantalang ang iba e nagkakasya sa pagsusuot ng kwintas na merong krus o nagpapatato ng krus o verses para maalala ito sa tuwina, meron namang mas gusto ang nababasa ito nang oras-oras sa kanilang mobile devices.
Ewan ko, para siguro maalala nila ang sakripisyo ni Hesus nang sila e hindi na magkasalang muli? Kunwari, isang lalaking mandadale ng kalaguyo nya at papasuot na ng condom, tapos makikita nya itong post. Baka nga naman magdalawang-isip sya sa oras na maalala nya yung sakripisyo ni Hesus at makonsensya.
"Oops... Too late, daanin ko na laang sa kumpisal sa Myerkules." |
Honorable mentions:
Dalawa pang posts na nirerecycle, pero hindi ko na isinama dahil hindi gaanong tungkol ke Hesus.
1. Mga hayop na before and after pics. Before: Merong sakit, injured, miserable. After: Malusog at maayos. Caption: Jesus did something o kung anuman talaga.
2. Mga taong merong disability na nagpupursige/ masaya kahit ganun ang kalagayan.
WWJD. What Would Jerboy Do?
Maganda itong gagawing drinking game. Sa tuwing merong lalabas na post na ganito sa mobile nyo, kung anuman ang corresponding number sa listahan ko, iyon ang dami ng shots na iinumin nyo. "Uy, Jesus vs X = 1 shot."
No comments:
Post a Comment