Alam nyo na ang senaryo: nagpapalipas kayo ng oras sa FB at meron kayong makikitang ilang posts na hindi nyo gusto, pero dahil mga kaibigan nyo sila (o kahit papano sa FB e magkaibigan kayo), hindi nyo makontra. Gusto nyong magcomment, pero mas nananaig sa inyo ang ideya ng pagtitimpi at tamang pakikisalamuha sa tao.
Pero, minsan e napupurga ako sa mga ganitong posts sa puntong nararamdaman kong gusto kong pumatol. Matatagpuan sa kaliwa ang orihinal na mga larawan at sa kanan e ang aking mga pagpatol sa kalokohang ito.
1. God will give you a job.
Hindi ba't kapag nakakaengkwentro tayo ng mga bobopols-bopols o kupal na empleyado, lalo na sa gobyerno, e susot na susot tayo? Hindi ba't galit tayo sa nepotismo, padrino system, palakasan system at kung anu-ano pang kabulastugang nagaganap sa pagtanggap sa tarbaho? Ang tanong ko e: Kung ang Dios ang gagawa nito e ayos laang?
Bakit natin papangaraping biyayaan tayo ng Dios ng mga taong hahawak ng posisyong hindi naman nila pinag-aralan o kulang ang kanilang pag-aaral? Kungsabagay, hindi naman mahalaga sa mga Jesus Daily-ists at mga kauri nito kung nursing school dropout laang ang mag-oopera sa kanilang tumor dahil kaya namang pagalingin ng likes ang kanser at Jesus is their doctor.
Isa pa, nangyayari na rin nga pala ito. Pinagkakatiwala natin ang ating kinabukasan sa mga magpapasya sa atin ngayon at sa hinaharap. Ibinibigay natin sa kanilang mga kamay, nakapag-aral man o hinde, ang pagpapasya para sa ikabubuti ng ating mga bayan at ng bansa sa kabuuan. Yun nga laang, sa tuwing ginagawa natin iyon, hindi 'pabor ng Dios' ang tawag run, kundi 'eleksyon'.
2. God will bless someone.

Isa itong drive-by style ng pagdarasal, kung saan bahala na ang ma-bless o swertehin, base sa kung sino ang online sa panahong ito e ipinaskel. Dahil ba nasumpungan natin ang mensaheng ito habang tayo e online e dapat tayong tumalon sa konklusyong niloob ng Dios na mabasa natin iyon kaya natin nabasa iyon? At ito e walang kinalaman sa oras ng pagpopost, kung ito e tumutugma sa sandaling hindi ka abala sa tarbaho o pag-aalaga ng bata o kung anumang pinagkakaabalahan ng mga tao sa imbes na Facebook.
3. Pssst... Dito ang tingin.
![]() |
Siguro kung meron pang sapat na lakas, makakatingala nang bahagya ang batang ito. |
4. Lahat naman e ayon sa Divine Plan, kahit magahasa ka.
At this very moment, hinahayaan ng Dios na ilantad ko sa publiko ang mga out-of-context na larawan na ipinapaskel ko.
5. Mas magaling ang Dios ko kesa sa Dios mo.
![]() |
Sabihin mo iyan sa mga namatayan ng kamag-anak sa lunod. |
6. Mga relationship advice
Kung ang mga relationships e ganoong kadaling intindihin o bigyan ng solusyon, wala na dapat tarbaho ang mga marriage counselors, mga psychiatrists at mga selh-help hacks. Ang problema ko sa mga ganitong payo sa mga relasyon e pinagmumuka nilang kayang solusyunan ng mala-Hallmark greeting card na mensahe ang isang relasyon: pang-magkaibigan, magshota o mag-asawa.
Kaya nyo bang pagmuni-munian kung paano sasagutin ang tanong na "Tumataba na ba ako?" ng inyong mga misis gamit ang payong ito?
![]() |
Nudge, nudge, wink, wink. |
At ito ang sagot ko sa kanila: Kung walang basagan ng trip, hindi nyo babasagin ang trip kong mambasag ng trip.
Hahaha. Isama mo pa yung mga posts na may nakalagay na 1 like = 1 prayer.
ReplyDeleteNakow, yun lalo!
Delete