Friday, September 28, 2012

Obscure Bible Verses #7: Santambak na Xerex Verses Part 1

Sa susunod na meron kayong makitang madreng cute, bulungan ninyo ng ‘Song of Solomon’ o kaya e ‘Song of Songs’. Sigurado akong mababakas ang pagkislap ng mga mata nito na sasabayan ng isang lihim na ngiti. Gaya ng sabi ko nung una, ang Song of Solomon ang Xerex ng kumbento. Isang buong librong ang tanging nilalaman e mga deskripsyon ng mga bubae ni Haring Solomon, sex at ang pagkamacho ni Haring Solomon. 

Siguruhing wala kayong katabing katarbaho habang binabasa nyo ito. Ito ang ilan sa piling mga bersong magpapakita sa inyo ng pag-iinig ng dalwang  lovers:  Solomon at ang asawa niya. Ito ang (piling) deskripsyon nila sa isa't isa.

Malamang kilala nyo si Solomon sa istoryang ito kung saan merong nagtatalong mag-ina: 

Para naman sa hindi pa inaabutan ng Salita ng Dios: Merong dalawang nanay na merong tig-isang sanggol. Namatay ang isa sa dalawang sanggol at ang dalawang ina e parehong umaangkin sa buhay na bata at nagsasabing sa kanila yung buhay na sanggol sa isa yung patay na. Sa puntong ito, mapapaisip ka kung ano ang problema nung namatayang ina. E hindi nya anak yun at yung tunay na anak niya ang talagang namatay. Magkamuka ba yung dalawang bata at pwede silang mapagpalit? O para itong Mara Clara? O tinatamad laang maghukay ng lupa at maglibing ng isang bangkay na wala pang sampung kilo ang bigat? Ewan. Basta, ayaw tanggapin ng namatayang ina ang kamatayan ng kanyang anak sa puntong mang-aangkin sya ng isa pang sanggol na hindi naman niya anak. Dahil hindi pa uso ang DNA testing, pagsilip sa muka ng bata kung sino ang kamuka, pagkilatis sa ilang palatandaan, gaya ng nunal, timbang, laki, buhok at iba pang paraang maiisipan ng kahit sino sa ngayon, sinagot ito ni Haring Solomon sa paraang sinasang-ayunan ng Matematika: 1 divided by 2 = 1/2. Ang ending e hindi pumayag ang tunay na ina, samantalang ang nanay na nagpapanggap e inilabas ang kanyang pagkakontrabida at sinabing, "Sige na nga, hatiin na laang natin." Dun e nalaan ni Solomon kung sino ang tunay na nanay at ibinigay ang buhay na sanggol sa kanya.

Naging kilala sa kanyang katalinuhan sa bibliya. 


Ang maaring hindi nyo alam e malupet sya sa chicks at pantasya sya ng mga birhen. Ang kanyang talento sa kama e mas maigting pa sa alak. 
Haring Solomon, Kilabot ng mga Birhen
Malamang rin e hindi rin ninyo narinig sa misang mahilig sya sa mga matatangkad na bubaeng me malalaking boobs. 


At hetong deskripsyon ng kanyang talento sa kama. Alam nating lahat kung saan ang south, ano ang ibig sabihin ng hardin, at pagkain ng prutas. Ii-spell out ko pa ba sa inyo?
Sa susunod na marinig ninyo ang kwentong ito ni Haring Solomon, isipin ninyo kung bakit sya nagmamadaling sagutin ang problema ng dalawang nanay na nag-aaway kung kanino yung anak. 

Lahat ng narinig ninyo ke Haring Solomon e ang mga panahong hindi nakabaon ang kanyang bumbilya.   


Wednesday, September 26, 2012

Obscure Bible Verses #6: Song of Solomon 8:8 Ang problema ng maliit na boobs noong panahon ni Solomon

(Updated: 19 March 2014)

Ang Song of Solomon, kung saan hinango ang bersong ito, e hindi isang Max Surban album. Ito e isang libro sa bibliya na ang tanging laman e puro sex. Kung meron mang instruction manuals na susundan ang pari para magturo tungkol sa sex, e ito ang kanilang gagamitin. Ang librong ito e sikat sa kumbento at pinag-uusapan ng mga madre ‘pag wala ang madre superyora nila. Pag sinilip mo ang bibliya ng mga madre, mapupuna mong ang mga pahina ng librong ito ng bibliya ang pinakagamit na gamit, base sa dami ng tupi at ibang kulay nito sa kabuuan ng bibliya. Kumbaga, ito ang Xerex nila sa kumbento.  

At rosaryo pa ang ginagamit nilang bookmark
Sa bersong ito e malalaan nating noong araw pa pala e namomroblema na ang mga tao pag maliit ang boobs ng mga bubae, lalo na kung kapatid nila. Noong araw pa pala e mabenta na ang malalaking boobs at kung maliit ka e baka mahirapan kang makapag-asawa.

At sino kaya itong partikular na bubaeng merong maliit na boobs na ito? Kumakatawan ba sya sa karamihan mga babaeng Hudyo noon o isang partikular na bubae laang ito? At ano ang ibig sabihin ng 'What shall we do for her on the day she is spoken for?' Dahil ba ito sa nakatago ang hugis ng katawan nila sa kanilang uri na pananamit? Sa mga nakikita kong larawan e malalaman mo pa rin at mahuhulaan ng mo ng plus/ minus 1 cup size ang mga bubae sa ilalim ng kanilang damit noon. Ibig sabihin ba nito e naglalagay sila ng mga melon sa kanilang dibdib (dahil wala pang push-up o Wonder bra noon) para itago ang kaliitan nito at nangangamba silang isauli sa kanila ito sa oras na matuklasan ang kanilang false advertising? 




Ang bersong ito ba e isang panawagan sa Dios para kanyang ayusin, gaya ng paghiling sa ulan? O nga naman, kung nagawa ng Dios para sa mga Israelita ang magpadala ng peste, mapaghati ang isang dagat para palayain sila sa mga taga-Ehipto (na kilala sa pag-aari ng malalaking nota), baka naman kaya niyang pausliin nang konti ang boobs ng kanilang mga kapatid na bubae. Kahit na isa o kalahating cup laang ng breast size. Ang mga Hudyo tuloy e nagtatanong kung ano ang gagawin. 

Sagot: Agham. 
Ang muka ng Agham ng Pilipinas
Note: Bago nyo akusahan akong breastist, fan ako ng small breasts ‘pag slim ang babae at proportional sa bulto ng katawan nila, gaya ng bubae sa ibaba. 




Monday, September 24, 2012

The Facebook Ref


Dahil santambak na sa mga friends ko ang nakikipagtalo, nakikipag-away o nagpaparinig sa Facebook, inaalay ko sa inyo ang aking modified na ideya ng The Marriage Ref, The Facebook Ref. Kung tinatamad kayong magcheck ng link, e heto ang premise:

Sino mang magka-friends na nagtatalo tungkol sa isang bagay gaya ng:

  • "Tama ba ang magreply sa isang comment ng isang friend of friend mo na hindi mo naman friend?"
  • "Dapat ka bang i-tag 'pag alam nilang panget ka sa picture o lawit ang bilbil mo?"
  • away mag-asawa o magshota
  • me nang-aaswang na tropa
  • atbp bagay na kelangan nyo ng husga kung sino ang tama at mali 

Ang bawat panig e bibigyan ng pagkakataong magsabi ng kanilang pahayag o side nila. Ang silbi ko e magreferee. At ang mga judges na usually e tatlong friends ko na maiistorbo ko (to give a fuck) sa mga isyu ninyo. Usually ang pipiliin ko e 'yung mga hindi kayo friends pareho o hindi kayo gaanong kakilala para maging biased sila.

Ang magwagi ng 2 o 3 boto mula sa tatlong judges ang tatanghaling panalo at ipagagawa ko ng billboard na wall photo na nagsasabing kayo ang tama.

Kung interesado kayo, i-private message nyo ko at sabihin ang nature ng problema at knug sino ang kadebate ninyo.  

Wednesday, September 19, 2012

Obscure Bible Verses #5: Genesis 9:20-22: Ang Hangover ni Noah

(Updated 25 March 2014)


Alam nating lahat ang kwento ni Noah. Pinili sya ng Dios dahil meron syang magandang kalooban. Nung naisipan ng Dios na i-reset ang mundo at pagpapatayin ang sanlibutan nung ‘di na nya nagugustuhan ang nangyayari, pinili nya si Noah para ipagpatuloy muli ang buhay ng kanyang mga nilikha: tao at hayop. Ang malamang na hindi alam ng karamihan e ang matinding pagkalasing ni Noah.

Pagkatapos ng Baha at pagsasalba ng mga hayop sa sanlibutan naging abala si  Noah sa pag-uubas. (Bukod pa sa pagpaparami ng populasyon.) Kasama nito e ang pag-inom ng wine. Kayo man e ganun ang gagawin nyo, 'di ba? E kung kayo nga, inaabangan nyo ang weekend para mag-inom bilang pabuya sa konting stress at over time na binuno nyo sa tarbaho. 

Tandaang 500+ years old si Noah nito. Alam nyo ba kung gaano kahirap gumalaw para sa isang 40 years old? Ikumpara ang tarbaho ninyo sa ginawa ni Noah: 

  • Gumawa ng higanteng arko, gamit e mga makalumang carpentry tools. Kinompyut ang espasyo ng arko para masigurong kasya ang ang lahat ng ito sa loob. Pinlano kung paaano isasalansan ang mga hayop base sa kung anu-anong hayop ang hindi dapat magkatabi. 
  • Nagtiis ng pangungutya ng mga kapitbahay. 
  • Dinala sa arko ang bawat species ng hayop nang tigagalawa o pito, pinagkasya ang lahat ng ito sa iisang arko, sinigurong nasunod ang plano, nag-adjust sa plano para masigurong hindi magkatabi ang mga hayop na hindi dapat magkatabi, gumawa ng inventory para siguruhing hindi nagkukulang ang mga hayop na pwedeng gawing karne, mala-beterinaryong tsinek ang kalusugan ng bawat isa at ang pinakamahirap sa lahat e sinigurong magbubulugan ang mga hayop na ito nang walang tulong ng mga kanta ni Barry White. Subukan nyong magpabulog ng isang barakong baboy at isang bubaeng baboy nang hindi gumagamit ng tantaritas, ewan kung hindi ka masora.  

In short, dumanas ng hirap sa pagmamanage ni Noah at hindi natin sya masisisi kung matapos ang lahat e mawiwili siya sa pag-inum-inom. At sa isa nyang pag-iinom e nalasing sya nang todo at nawalan ng malay nang hubu’t hubad at nangyari ang nasa berso sa itaas. 

At ‘di doon sa paghuhubad natapos ang kwento. Nakita sya ni Ham, isa sa tatlo nyang anak,  sa ganitong estado ng kawalan ng saplot sa katawan. Sinabi ni Ham sa dalawa nyang kapatid ang kanyang nakita. Ang ginawa ng magkapatid na Shem at Japeth e naglakad sila nang paatras at kinumutan nila ang lasenggong ama nang hindi tumitingin sa kahubdan ng tatay nila. Hindi ko alam kung tradisyong Hudyo ito o meron laang nakaisip sa dalang magkapatid, pero ganun ang kanilang ginawa. Kahit ba kayo e hindi nyo gugustuhing makitang hubad ang ama ninyo. Tandaang mga 600 years old na si Noah nung panahong iyon. 

Paggising ni Noah e sya pa ang me ganang masuklam at isumpa si Ham dahil tumingin ‘to sa hubad nyang katawan. Kasalanan ni Ham? Si Ham ba ang nagpainom at naghubad sa kanya? Di pa sapat na sumpa o parusa ‘yung nakita ni Ham ang mala-pasas nyang hubad na katawan? Kasama bang nalunod sa Baha ang sense of humor ni Noah at hindi pupwedeng pagtawanan na laang ang lahat? At pano nalaman ni Noah ang pagsilip sa kanya ng anak niyang si Ham? Isinumbong ba sya ng dalawa niyang kapatid? At ano nangyari sa dalawa nyang kapatid na sipsep? Pinabuyaan laang naman ni Noah. Tandaang si Ham pa ang nagbigay ng ideyang kumutan ang ama. Samantalang ang kawawang Ham naman e pinalayas at naging alipin ang kanyang lipi. Lintek na hangover ‘yan.

Kaya’t kung ikaw e malalagay sa isang ganitong antas ng pagkalasing, tandaan mo ito: Si Noah ngang hinirang ng Dios, nasenglot nang hubu’t hubad, ikaw pa kayang isang karaniwang tao lamang at hindi bible character? 




Friday, September 14, 2012

Obscure Bible Verses# 4: Hosea 1:2. Inatasan ng Dios na mag-asawa ng Pokpok si Hosea

Pinaiingatan sa 'yo ng Dyos ang uten at yagbols mo dahil baka plano nyang pag-asawahin ka ng isang puta, gaya ni Hosea. 
At inutusan ng Dios si Hoseang mag-asawa ng isang puta't magkaanak dito. Lahat para laang gamitin ang kanyang married life bilang metapora sa relasyon ng Dios sa mga Hudyo. Si Hosea ang Dios at ang puta e ang Israel. Isang metapora para ipakita kung paanong ang Israel e isang puta para pumatol sa mga dyus-dyosan (partikular na si Baal) at ang Dios e ang mapagmahal (at nagpupuyus sa galit) na si Hosea. 
Bukod sa pag-aasawa ng puta, inutusan rin syang pangalanan ang mga anak nya: Jezreel (o in a little while dahil in a little while e gaganti na ang Dios), Lo-Ruhamah (o no mercy dahil hindi na sya magpapakita ng awa) at Lo-Ammi (not my people dahil itinakwil na nya ang Herusalem), mga pangalang 'di mo maiisip para sa alaga mong aso. Pag pinagsama-sama mo ang mga pangalan nila e mabubuo ang mensahe nyang: 

Sa ilang saglit laang e paghihigantihan kita, aking itinakwil na Hudyo. 

Lahat dahil hindi pa uso ang mga propaganda movies o greeting cards noon para ipaliwanag ng Dios ang nararamdaman nya sa Israel. 

Sa tuwing me makakasalubong syang Hudyo, naisisingit nya ang mensahe ng Dios 'pag pinapakilala nya ang kanyang asawa't mga anak. 
Yup, malinaw nga ang mensahe mo.