Dahil santambak na sa mga friends ko ang nakikipagtalo, nakikipag-away o nagpaparinig sa Facebook, inaalay ko sa inyo ang aking modified na ideya ng The Marriage Ref, The Facebook Ref. Kung tinatamad kayong magcheck ng link, e heto ang premise:
Sino mang magka-friends na nagtatalo tungkol sa isang bagay gaya ng:
- "Tama ba ang magreply sa isang comment ng isang friend of friend mo na hindi mo naman friend?"
- "Dapat ka bang i-tag 'pag alam nilang panget ka sa picture o lawit ang bilbil mo?"
- away mag-asawa o magshota
- me nang-aaswang na tropa
- atbp bagay na kelangan nyo ng husga kung sino ang tama at mali
Ang bawat panig e bibigyan ng pagkakataong magsabi ng kanilang pahayag o side nila. Ang silbi ko e magreferee. At ang mga judges na usually e tatlong friends ko na maiistorbo ko (to give a fuck) sa mga isyu ninyo. Usually ang pipiliin ko e 'yung mga hindi kayo friends pareho o hindi kayo gaanong kakilala para maging biased sila.
Ang magwagi ng 2 o 3 boto mula sa tatlong judges ang tatanghaling panalo at ipagagawa ko ng billboard na wall photo na nagsasabing kayo ang tama.
Kung interesado kayo, i-private message nyo ko at sabihin ang nature ng problema at knug sino ang kadebate ninyo.
No comments:
Post a Comment