Sa
susunod na meron kayong makitang madreng cute, bulungan ninyo ng ‘Song of
Solomon’ o kaya e ‘Song of Songs’. Sigurado akong mababakas ang pagkislap ng mga mata nito na sasabayan ng isang lihim na ngiti. Gaya ng sabi ko nung una, ang Song of Solomon ang Xerex ng kumbento. Isang buong librong ang tanging nilalaman e mga deskripsyon ng mga bubae ni Haring Solomon, sex at ang pagkamacho ni Haring Solomon.
Siguruhing wala kayong katabing katarbaho habang binabasa nyo ito. Ito ang ilan sa piling mga bersong magpapakita sa inyo ng pag-iinig ng dalwang lovers: Solomon at ang asawa niya. Ito ang (piling) deskripsyon nila sa isa't isa.
Malamang kilala nyo si Solomon sa istoryang ito kung saan merong nagtatalong mag-ina:
Para naman sa hindi pa inaabutan ng Salita ng Dios: Merong dalawang nanay na merong tig-isang sanggol. Namatay ang isa sa dalawang sanggol at ang dalawang ina e parehong umaangkin sa buhay na bata at nagsasabing sa kanila yung buhay na sanggol sa isa yung patay na. Sa puntong ito, mapapaisip ka kung ano ang problema nung namatayang ina. E hindi nya anak yun at yung tunay na anak niya ang talagang namatay. Magkamuka ba yung dalawang bata at pwede silang mapagpalit? O para itong Mara Clara? O tinatamad laang maghukay ng lupa at maglibing ng isang bangkay na wala pang sampung kilo ang bigat? Ewan. Basta, ayaw tanggapin ng namatayang ina ang kamatayan ng kanyang anak sa puntong mang-aangkin sya ng isa pang sanggol na hindi naman niya anak. Dahil hindi pa uso ang DNA testing, pagsilip sa muka ng bata kung sino ang kamuka, pagkilatis sa ilang palatandaan, gaya ng nunal, timbang, laki, buhok at iba pang paraang maiisipan ng kahit sino sa ngayon, sinagot ito ni Haring Solomon sa paraang sinasang-ayunan ng Matematika: 1 divided by 2 = 1/2. Ang ending e hindi pumayag ang tunay na ina, samantalang ang nanay na nagpapanggap e inilabas ang kanyang pagkakontrabida at sinabing, "Sige na nga, hatiin na laang natin." Dun e nalaan ni Solomon kung sino ang tunay na nanay at ibinigay ang buhay na sanggol sa kanya.
Naging kilala sa kanyang katalinuhan sa bibliya.
Ang maaring hindi nyo alam e malupet sya sa chicks at pantasya sya ng mga birhen. Ang kanyang talento sa kama e mas maigting pa sa alak.
Haring Solomon, Kilabot ng mga Birhen |
Malamang rin e hindi rin ninyo narinig sa misang mahilig sya sa mga matatangkad na bubaeng me malalaking boobs.
At hetong deskripsyon ng kanyang talento sa kama. Alam nating lahat kung saan ang south, ano ang ibig sabihin ng hardin, at pagkain ng prutas. Ii-spell out ko pa ba sa inyo?
Sa susunod na marinig ninyo ang kwentong ito ni Haring Solomon, isipin ninyo kung bakit sya nagmamadaling sagutin ang problema ng dalawang nanay na nag-aaway kung kanino yung anak. |
Lahat ng narinig ninyo ke Haring Solomon e ang mga panahong hindi nakabaon ang kanyang bumbilya.
No comments:
Post a Comment