Tuesday, December 11, 2012

Pikon ba tayong mga Pinoy?


Aba’t totoo pala yung balitang tinitira raw ni Justine Beaver si Pacquiao sa kanyang mga tweets. Mga biro lang naman, pero maraming Pinoy ang naaasar. Bago ko sabihin ang pakiramdam ko sa bagay na ito, gusto kong malaman ninyong hindi ako fan o Beleaver o kung anuman ang tawag ninyo sa mga lupon ng 10-14 year old girls na sumasamba sa kanya.

Ito ang mga tweets nya, mga amateurish na photoshop ng pictures ni Manny, na umani ng poot ng isang bansa. Reaction ko, “Meh.” Yun lang? Nagpapakita laang ito na bukod sa nakakairita nyang mga kanta, e wala ring kwenta ang sense of humor niya. Siguro me matatawa run sa leaning na photo nya, pero sa totoo laang ‘di ko makuha yung mensahe nung leyong nanggigising sa kanya. Di na pinapatulan ‘yun. Pero, syempre ‘pag talo, mainit ang ulo mo kaya’t alam ko kung bakit ganito na laang ang pagkaasar ng maraming Pinoy.

Alam ko ring napakanotorious natin bilang isang lahi sa pagiging pikon ‘pag ginagamit tayo sa mga biruan, gaya nung pagkakataong ininsulto raw tayo nung isang Korean singer, sa comment ni Claire Danes sa karumihan sa Pilipinas noong 90s, joke ni Alec Baldwin sa Filipina bridesmaid sa Letterman, yung Filipino doctors sa Desperate Housewives, sa Lucy Liu remark na magmumuka raw syang Pinay, atbp. samantalang napakabulag natin sa sarili nating racism sa mga kung tawagin natin e Bumbay, Intsek o sa mas malala e Tsekwa at negro, egoy o egot. Pati si Buddha na sa tingin ng iba e alkansya laang e ginamit na patawa sa isang ‘sitcom’ (o sa pamantayan noon ng isang sitcom) na Aalug-alog.

Hindi ito isyu ng racism, pero ‘pag nakakakita ako ng ganitong sitwasyon e hindi mawala sa isip ko ang tanong na “Pikon ba tayong mga Pinoy?” Alam kong malakas tayong mang-asar. Pumunta kayo sa isang comedy bar na merong nagpeperform na mga bading na komedyanteng singer rin (I refuse to acknowledge it as stand up comedy) at makikita nyo ang ibig kong sabihin. Tawang-tawa ang karamihan sa mga pumupunta roon at handang-handang gumasta ng pinaghirapang sweldo para makakita ng mga kapwa kostumer na iniinsulto sa kanilang timbang, pananamit, itsura ng muka, probinsya atbp.

Bago ka tumalon at makisawsaw sa pagkapoot ke Beeber, tanungin mo ang sarili mo: “Hindi kaya pikon laang ako?” Ginawa rin ito ke Hatton dati ang boksingerong itinumba ni Pacquiao. Nagalit ka ba nang ganito? Hindi mo ba nakitang ibinigay rin ni Hatton ang lahat gaya ni Manny, pero kinapos at lumagapak? Asan ang respeto mo ke Hatton? Asan ang respeto mo sa isang atleta? Ang respeto mo ba sa isang manlalaro e kumikilala laang sa kalahi’t kabandila? Umalma ka rin ba? E kung gayon, hwag ka nang sumubaybay sa sports at tumayo ka na laang nang tuwid sa flag ceremony. 

Hindi ko sinasabing karma ni Pacquiao ito dahil ganun ang ginawa niya sa kalaban niya. Hindi ko rin sinasabing mali ang magalit sa pang-aasar na ito. E yun na nga ang punto ni Beeber, ang mangantyaw, papaapekto ka? E papatulan pa ba ang isang ganitong klaseng fan na walang class? Kungsabagay, ayos lang magcomment sa tweet nya bilang ganti. 

Ang sinasabi ko e dapat irespeto ang isang manlalaro o atleta, lalo na sa panahon ng pagkagapi. Sinasabi ko rin laang na merong mga plastik na sinasabing irespeto si Manny, samantalang sila mismo e nakiloko sa pagtimbuwal ni Hatton noon. 
"Sino ba yung kupal na halimaw na matabang mayabang na iyon?" tanong ni Mrs Hatton. 
E itong sinabi ni Justine tungkol sa hindi na raw deserving na labanan ni Mayweather si Pacquiao?

Ano sa tingin mo? Kung ikaw si Mayweather at ganoon ang konteksto ng dahilan ng hindi ninyo paghaharap dati, walang gustong pumayag sa termino ng isa’t isa, pagdating sa pera’t drug testing, pagbibigyan mo pa ba ang isang boksingerong dalawang beses nang natalo sa mga huling laban niya? Isa sa isang hindi gaanong kilalang Bradley at isa sa mga pinataob mo dating Marquez. Ano ang mahihita mo sa labang iyon?

Masakit lang tanggapin at lalong mas masakit tanggapin mula sa isang mukang patong teenager na kumanta ng “Beybi-beybi ow” at mukang lalamya-lamya, pero meron syang punto. Kahit anong bagay, kailangan mong timbangin ang ‘risk’ sa ‘gain’ e. Malaki ang nakataya ke Mayweather at maliit laang ang kanyang aanihin. Ano nga naman ang patutunayan nya sa pagtalo sa isang Pacquiao na naolats sa isang ‘di-kilalang Bradley at bumuwal isang 39 year-old na Mexicano? Hindi na ito ang Pacquiao na katumbas (o higit pa, kaya nga gusto nating magsagupa sila’t nang magkaalaman) ni Mayweather. Sa puntong ito ba, bukod sa mga Pinoy, meron pa bang pagdududa? 

Masakit ang katotohanan, pero ganun talaga. Hindi na mangyayari ang Pacquiao-Mayweather. Hindi na yun kakagatin ni Mayweather (na merong mga paratang na namimili ng madadaling kalaban). Mula sa isang kababayan ninyo, na isa ring fan, alam kong hindi na ‘to mangyayari. Lumagpak na sa listahan ng priorities ni Mayweather si Pacquiao at kailangan niyang akyatin iyon muli kung gusto niyang makasagupa si Mayweather, parang Punch Out lang.
At least sa isang King Hippo agad siya, hindi na sya babalik pa ke Glass Joe.
At kung seryoso syang seryosohin uli ng mundo bilang boksingero, tanggalin na nya ang kanyang paghohost at pagsulput-sulpot sa TV at shobis, pag-aaksaya ng panahon sa pag-aaral ng bibliya (na ayon ke Dionisia e pinagkakapuyatan niya), at tanggalin niya ang mga alipores nya at bawiin ang kanyang 'Eye of the Tiger'. Pwede bang me magpahiram ng Betamax ng Rocky III ke Pacquiao? Kahit hwag na ang pangongonggreso at wala namang gaanong ginagawa ang isang konggresman.     
You became civilized!
Kung maiinis ka man ke Justine Beeber, e maraming bagay na kaiinisan, mula sa buhok niya, musika niyang nakakairita at sa ideyang sumisikat ang gantong klase singers samantalang ang mga bandang gaya ng Intermidya e hindi mo man laang mahanapan ng album. Kung pwede nga laang bigyan ni Manny ng isa ang putang nang batang ‘yun e. 
Hwag nyong sabihing 'di nyo gustong sapukin ang mukang 'yan

2 comments:

  1. Sa totoo lang, kahit sa ibang aspeto ng mga balita na tila may patama sa Pinoy, likas na pikunin talaga ang mga Pinoy. And of course, (though I hate to generalize) walang may bayag na aamin sa ganung ugali.

    Kung tatanungin sa isyu ni Beiber, nah, pagbigyan nyo na ang desperadong bata.

    And totoo lang, agree ako na posibleng hindi na mangyayari ang inaasam ng tao na Mayweather-Pacquiao fight. And we should not give any piece of shit about it either.

    ReplyDelete
  2. Mukang malabo na. Lalo na't hindi impressive ang hulling laban ni Pacquiao. Jobroni na nga laang yung huli, hindi pa na-KO.

    Kahit Pacquiao - Beiber na laang, solb na ko.

    ReplyDelete