Monday, June 30, 2014

Soldatenkaffee: Ang Nazi Cafè

Sa totoo laang, sa anim na taon ko sa Bandung, ni minsan e hindi ko narinig sa mga lokal ang tungkol sa Soldatenkaffee, ang cafè na umani ng batikos sa mga Hudyo sa ibang panig ng mundo. Nabasa ko laang ito sa mga kung anu-anong web sites at ako e nanghinayang na hindi man laang ako nakatungtong sa infamous na kainan. Sarado na ito noong aking nabasa. Nung nalaan kong nagbukas na silang muli, natural laang na sinunggaban ko ang pagkakataon. 

Isa sa mga kontrobersyang nakasangkutan ng cafè e ang mga Nazi memorabilia, gaya ng banderang swastikang nakadispley. 


Dalawang ala-ala ang sumasagi sa akin isipian sa swastika.

Ang una e noong late 80s o early 90s, nung panahong nagtatarbaho ang aking ama sa PRPC-ICMC sa Morong, Bataan, sa kampo ng mga Vietnamese refugees na tinuturuan ng Inggles at binibigyan ng programa para makapaghanda sa buhay-Amerika. Ang programang ito e pauso ng mga Kano, pero karamihan ng mga guro at empleyado e Pinoy. Iknwento nya sa akin ito noong nanonood kami ng DVD na Inglourious Basterds.

Ang gamit na sasakyan ng aking ama noon e ang owner-type jeep. Usung-uso noon ang mga nagbebenta ng kurtina para sa mga sasakyang iyon. Sa dinami-dami ng banderang mapipili e ang merong swastika pa ang kanyang binili sa Cavite, dinala sa kampo sa Bataan at doon inihandara sa balana. Gusto kong imadyinin nyo ang eksena: ang tatay kong flamboyant sa pananamit, nakasuot ng Hawaiian polo, shorts na kaki, sombrero, mala-Rey Langit na balbas, bumababa sa kanyang owner na merong bandilang Nazi. 

Para sa mga hindi nakaabot sa panhong ito: owner-type jeep o owner.

Hindi ko alam kung gaanong katagal nyang nagagamit na iyon, bago sya nilapitan ng isang Kano at kinausap nang masinsinan. Hula ko e bago mag-weekend. 

"I'm sorry, Albert, but as a Jew, I have to say that I am offended by your display of that flag." 

Humingi ng paumanhin ang aking ama sa bagay na yaon. Buong katotohanan ito, pero hindi raw nya akalaing offensive iyon. Siyempre, tinanggal niya ang bandilang iyon dahil sa pag-uusap na iyon. 

Ayon sa kanya, matapos raw noon e hindi na bumalik sa dating init ang pagbati o pakikitungo sa kanya ng Kanong Hudyong iyon. Minana ko ang kurtinang iyon noong ako e nasa kolehiyo. Noong panahong iyon, bukod sa grunge at iba pang genre ng rock music, nahilig rin ako sa punk. Isa sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ang dawalang namamayagpag na simbolo noon e ang anarchy at swastika at ang dating kurtina e inilagay ko sa isang tagdan at ginawang bandila. 

At noong World Youth Day, kasama ang ilang high school at mga katekista mula Catholic school kung saan ako nag-aral, dumalo kami sa Luneta para harapin ang Papa, si Pope John Paul II. Hindi naman required na magdala ng bandera, pero naisip kong magandang ideya ang dalhin ang swastikang nagdulot ng hindi pagkakaintindihan sa aking ama. Pinagkunutan ng noo ito ng katoto kong taga-simbahang nagyaya para kami makadalo noon sa WYD na iyon. Dahil ba Polish ang Pope? O bawal ang punks?

Pero, inamin nyang nung naligaw sya sa dagat ng mga tao noon e ang una nyang hinanap e ang banderang iyon at pinapanalangin nyang winawagayway ko iyon na parang isang tarantado para matunton nya kaming muli.

Sa tingin ko, itong mga ganitong klase ng kaignurantehan sa kasamaan ng Nazi ang nagbunsod sa Nazi-memorabilia collector na may-ari ng cafè na itayo ito. Ayon sa isang interbyu e sinabi nyang panahon ng gera iyon at natural laang na merong mga kasamaang nangyari noong panahong iyon. Depensa nya pa e bukod sa mga Nazi, meron ring ibang WWII stuff roon kaya't hindi ito isang cafè na dapat pagintangan na merong Nazi propaganda. Malamang para sa kanya e katumbas laang ito ng isang Star Wars fan na nagbukas ng isang Darth Vader theme restaurant.

Sinamantala ko ang iilang araw na natitira sa aking bakasyon at kahapon, araw ng Linggo, matapos mamili sa flea market e duon kami nananghalian.


Ang unang nakakuha ng aking atensyon e ang dilim ng paligid. sa tingin ko e hindi inaprubahan ni Hitler na magsindi ng bumbilya sa tanghali, lalo na kung pamilya ng tatlo laang ang kostumer. Siguro naman e hindi sila nagkukuripot, gaya ng mga Hudyo. 

Marami sa mga orihinal na nakadispley na memorabiliang nakita ko sa mga articles na nabasa ko ang hindi na isinama sa bagong lokasyon ng Soldaten Kaffee, kasama na iyung swastika flag. Ayon sa waitress na nakapulang polo-shirt na uniporme ... (buntung-hininga) sa halip na SS uniform, isang linggo pa laang nung sila e nagbukas muli. Soft opening pa lang nila, kumbaga. Sarado pa rin ang palapag sa itaas. 

Noong una, ang pinili naming mesa e iyung malapit sa portrait ni Hitler, pero noong huli e napagpasyahan naming doon sa mala-dungeon/ evil meeting room kami kumain. Trip ko 'yung liwanag na galing sa salaming bubong na nagbibigay ng sinag sa kabuuan ng karimlang bumabalot sa silid. Para itong liwanag sa kweba kung saan tumayo si Ted Neeley, bilang Hesus, nung kinanta nya ang mga linyang "I'm amazed that men like you can be shallow, thick and slow..." sa kanyang mga disipulo sa Jesus Christ Superstar.

Walang problema sa staff dahil kami laang naman ang kostumer noong araw na iyon. 

Parang Dapitan ni Rizal laang.
At ang una kong tanong sa waitress nung iniabot nya sa amin ang menu e "Ada Jews?" o "Do you have Jews?" sa Inggles. May ngiti sa labing sinabi nyang oo, na walang ideya sa aking pagsubok na magpatawa, gamit ang isang pun sa wikang Inggles na hindi sasalin nang maayos sa Bahasa Indonesia. Yahudi kasi ang tawag nila sa mga Hudyo at hindi gaanong maraming nag-iinggles sa kanila. Gusto ko rin sanang umorder ng German beer, pero wala raw sila ngayong buwan ng Ramadan. 

Napagpasyahan kong umorder ng The Big Schultz Burger kesa mga schnitzel o steak dahil nanaig sa akin ang katakawan ko sa burgers. Ang inorder naman ng litratistang naobliga akong pakainin dahil misis ko e Iga Bakarätten. Actually, iga bakar o grilled ribs na isang traditional Indonesian ang inorder nya dahil wala syang paki sa mga pagkaing Aleman. At nagbratwurst naman ang aming anak. At oo, hindi ako umorder ng juice at nagtanong laang. Walang asukal na ice tea ang aking hiniling.

Matapos umorder, naggala ako sa mini-museum ng cafè. Mukang ang kelangan ko e time machine at hindi taxi dahil mukang nawala ang edge ng unang Soldaten Kaffee. Aminin man nila o hindi, malamang e naapektuhan sila sa negative press na natanggap nila noon. Hindi nakauniporme ang mga staff, parang kumonti na ang Nazi memorabilia, at nakakasira ng ambience ang pagpapatugtog ng Wrecking Ball ng anak ni Billy Ray Cyrus.

All-time best sports quote. Runner-up e 'yung ke Ric Flair tungkol sa always cheat stance niya. 
Hindi ko alam kung hindi sila handang ilabas ang kanilang A game noong araw na iyon at nagpepetik-petik sila dahil hindi sila umaasang merong darating ng tanghali sa unang araw ng Ramadan. Ito, o talagang 'nagpapakabait' na sila. Kumbaga e parang inaabangan mong maging kaklase ang sikat at cool na bully noong high school para makatropa ito, pero nung naging kaklase mo na e  nagsimula nang magpakatino dahil senior year nyo na. Siguro e exaggeration ito dahil meron pa rin namang angas at kagat ang mga natitira sa memorabilia. 


Umaasa akong amoy gas ang paligid, ala-gas chamber, musika ni Wagner ang pinapatugtog, santambak na larawan ng mga kontrabida sa Inglourious Basterds at mga staff na naka-SS na uniporme. Nadismaya akong hindi ganoon. Mabagal pa ang serbisyo, naturingang kaming tatlo laang ang kostumer noong oras na iyon. Meron ring mga 3-5 na minutong pagitan sa pagdating ng aming mga main orders, isa sa mga ayokong nangyayari dahil maoobligang maghintaya't lalamig ang pagkain o kaya e hindi kayo sabay-sabay kakain. 

"Kanino mo natuklasan ito?" tanong ng aking misis. 

Sinabi kong nabasa ko sa internet. 

"Akala ko e merong Indonesiang bubaeng nagrekomenda sa iyo e," dagdag nya. At tama ang Monty Python, nobody expects The Spanish Inquisition! Kung meron laang silang apple strudel e parang eksena iyon nina Col. Hans Landa at Shoshana ng Inglourious Basterds. Iniligtas ako ng waiter na me dalang iga bakar ng aking misis.

Hwag nyong papalitan ng pangalan ng staff 'yung pangalan ni Hitler sa quote at
baka maobliga kang mag-tip nang malaki.

Sa kabila nitong pagkadismaya, ako naman e nasorpresa sa sarap ng pagkain nila. Malambot ang karne at nagulat akong marami palang side dishes ang bratwurst ng aking spoiled brat. Sa tingin ko e umiikot sa kanyang libingan si Hitler sa laki at bigat ng portion para sa ganoong halaga. Kung buhay laang sya, malamang e pinadala nya ang staff sa Auschwitz.  

At habang kami e kumakain, nagpatugtog sila ng classical music. Hindi man Wagner, at least e parang naiimagine ko ang huling sandali sa buhay ni Hitler sa mundong ibabaw dahil sa igting ng dumadagundong na musika. 

Kung maipupuslit ko laang ang ginamit na platong merong insignia ng resto.

Solb naman at hindi kalakihan ang bill. Alas-7 na ng gabi e busog pa ako. Kasama na ang drinks at appetizers na German potato salad at nachos e P1000 laang sa pera natin ang aming nagastos. Bukod run, e pasado pa ito sa aking misis at gusto nyang bumalik. Maganda raw na lugar para sa isang date. Halatang gaya ko e hindi sya nababagabag ng mga Nazi memorabilia. Pero, maghihintay na muna akong matapos ang Ramadan at gusto kong sa gabi pumunta para mas kumpleto ang karanasan.  

Lumabas kami ng cafè at ako e nagtataka kung ano ang big fuss. Dahil ba sa ilang simbolo ng swastika at kung anu-ano pang Nazi memorabilia e ganoon na agad ang kanilang opinyon sa kainang iyon? 

Siguro nga e iba ang atmosphere noon dati. Maari ring dahil kaming tatlo laang ang naroon. Merong ash tray sa bawat mesa at naiimadyin kong sa gabi e makapal ang usok, madilim, maiingay na nagbabaraha ang mga kostumer na dinadalhan ng mga German beer ng mga naka-SS uniform na staff, ala-eksena sa basement ng pub sa Inglorious Basterds

Solb ang aking dila't sikmura, pero hindi ang aking imahinasyon. Me part two pa ito.


Saturday, June 28, 2014

Rapist ka, hindi mo laang alam

Nasiglayan ko ang larawang ito. Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto para namnamin at pag-isipan ang nilalaman ng larawang ito mula sa  FB group na Stop Masturbation Now.


Hindi ko alam kung ang larawang ito e nagpapakita ng eksena bago o matapos magsariling-sikap. Iyan ba ang reaksyon nya matapos pumulandit ang mga future presidente ng Pinas o iyan ang itsura nya habang nakikipagtalo sya sa sarili kung pagbibigyan nya ang tawag ng laman?

Parang gusto kong magbuklat ng diksyunaryo para malaan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng rape. Parang gusto ko ring kumunsulta sa mga abugado para malaman kung ano talaga ito at kung posible o legally e magahasa mo ang sarili mo. Pero, sa tingin ko e malinaw sa ating lahat na ang panggagahasa e pagpilit sa isang tao na makipagsex sa iyo, na kalimitan e dinadaan sa force. 

Ito laang ang tanging pagkakataong maituturing kong rape ang ginagawa kong pagpaparaos sa sarili:  Merong mga pagkakataong nanahimik si Manoy, hindi naman ako nanonood ng Betamax o merong nakakapag-init na sitwasyon para umawit ng theme song ng Batibot, pero dahil sa kawalan ng magagawa e nangungulit ang aking kamay para makiisa ang aking ari sa gawaing ito. Tipong ayaw namang magstart, pero pilit pa ring pinapadyakan ang pedal. Bukod run e wala na. At 'di gaya nung nasa larawan, merong ngiti sa aking labi pagkakatapos at mahimbing ang aking tulog.

Kung rape ang masturbation, pwede ko bang ihabla ang sarili ko? Sino ang makukulong? Anong parusa? At aling bahagi ng katawan ko ang ikukulong? Ano iyon, ikukulong sa hawla ng ibon ang kamay ko o ang aking John Thomas? Hindi ba't bilang biktima e dapat mananahimik na laang ako dahil ako rin ang salarin? Ewan. Masyadong mala-Monty Python sketch na kung ipagpapatuloy ko pa ang linya ng pag-iisip na ito.

Kungsabagay, hindi naman siguro literal ang ibig sabihin nito. Ewan ko kung sinong pasimuno nito, pero sigurado akong isang grupo ng mga reliyoso ito at isang palatandaan na e ang krus sa cover photo nila. Sila naman ang laging KJ sa mga ganitong bagay e. 

Dahil laki akong Catholic school, umukilkil sa aking isipan ang ideyang kasalanan ang one-man tango. Naaalala ko tuloy 'yung mga panahong sa tuwing meron kaming kumpisal bilang paghahanda sa First Friday Mass nung high school. Kalimitan e ganito ang aking kumpisal:

Ako: Father, nagsinungaling po ako, nagtaas ako ng boses at sumagot sa Mommy ko. Meron rin po akong mga nakaaway. Nang-aalaska rin po ako ng mga kaklase. 

Pari: Wala ka na bang nalilimutan, hijo?

(Katahimikan.)

At sa tuwing tatanungin ako ng pari nang ganito e pinag-iisipan ko kung dapat ko bang ikumpisal sa kanyang kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaubusan ng Jergens sa bahay. At pakiramdam ko e alam nya, sa kaparehong dahilang iniisip ko noong nakikita ako ng Dios sa tuwing naliligaw ang ang aking mga palad sa loob ng aking shorts dahil sabi nila e omnipresent  at omniscient raw ang Dios. 


Subukan mong pumihit sa kanan at kaliwa mo,
nakatingin pa rin iyan.
Buti na laang hindi uso sa bahay namin ang mga malalaking portrait ni Hesus, 'yung mga tipong sinusundan ka ng tingin ng larawan saan ka man magpunta. Hindi sa mapipigilan ang gigil ko noong ganoong larawan, pero medyo nakakaasiwa rin naman - lalo na't lalaking me balbas ang tumitingin sa iyo.

At ang sagot ko sa tanong na iyon ng aming pari e "Wala na po, Father." 


Ang ginagawa ko na laang e isinisingit ko sa tatlong Hail Mary ang "Panginoon ko, patawad po't nagsalsal ako nang ilang ulit sa buwang ito. Isama nyo na rin po 'yun kaninang umaga bago ako pumasok sa school." 

Ang dapat ko palang ginawa para hindi ko na pagdaanan iyon buwan-buwan e isama ito sa dasal ko noon: "Alam naman nating dalawa na mauulit at mauulit ito, pwede po bang automatic nang kasama sa tatlong Hail Mary ito at nang sa gayon e hindi na mauulit ang pangungumpisal ko nang ganito?"

At dumating ang panahong gumradweyt na ako sa high school at hindi na ako nagsimba dahil hindi na ako obligado. Kasama nito ang pagtapon ko ng ideyang kasalanan ang pagsakal ng aking longganisa. Pinaniniwalaan kong kung kasalanan ito, malamang e inilayo ng Lumalang ang posisyon nito sa ating katawan para hindi maabot ng ating mga kamay. Kungsabagay, pinayagan nyang maabot nina Eba't Adan ang Pinagbabawal na Prutas sa Eden. Loophole. Ewan ko. 

Malamang e nasisiraan ng bait ang taong magsasabing hindi isang maligayang gawain ang laruin ang iyong ari paminsan-minsan at isa itong pang-aabuso. Kahit nga me asawa na ako, ginagawa ko pa rin ito, lalo na't kapag nag-iisa. At inaanayayahan ko ang sinumang nakakabasa nito ngayon na umaming enjoy rin kayo sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagla-like sa article na ito. (Cheap pop!)

Ayon sa description ng grupong Stop Masturbation Now (talagang dapat e ngayon na, hindi bukas-makalawa) ang masturbation raw e gateway drug to rape, nakakasira ng family values at kung anu-ano pang problema, gaya ng hindi sinabing klase ng sakit. 


Hindi ko alam kung satirical talaga ito o ano. Sa dami ng mga nakikita kong religious crackpots, mula sa mga tao sa internet na naniniwalang gagaling sa likes ang mga me kanser hanggang sa kaibigan kong pastor na si Roy na naniniwalang merong dinosaurs noong panahon ni Noah, hindi ko na alam kung alin ang totoo at alin ang nagpapatawa laang. 

Dahil kung totoo ito sa kanilang layunin o misyon, nahuli na ng ilang dekada ang mga magulang ko para ibili ako nito. 





Thursday, June 26, 2014

5 Dasal na Maituturing na Walang Saysay


Nung isang araw e nakipag-hiking kami ng anak ko sa mag-anak ng Irish na pastor na si Pastor Roy. Papunta pa laang sa lugar na napagkasunduan e nagsimula nang me pumatak-patak na konting ulan. Nung kami e nasundo na ng pastor, e hindi na maipagkakailang merong napipintong pag-ulan.

At umulan nga habang nasa van nya kami. “Lord God, please stop the rain. We’d like to have some fun,” dasal nya. At nung dumating kami sa lugar kung san kami magha-hiking, e talagang umulan na. Hindi naman buhos, pero hindi rin ambon kaya’t dapat kaming maghintay na tumila ang ulan. Sabi ng asawa ni Roy sa inip na inip nyang anak na 5 taong gulang, “We’ve prayed. We just have to wait for the Lord to answer our prayer.”  

Me problema ako sa dasal na iyon. Oo, papabor sa amin iyon kapag kami e pagbibigyan, pero sa isang banda ano ang ibig sabihin nito? 

Sa araw na ‘yun e pinagpasyahan ng Dios na dapat e umulan sa dahilang hindi natin malalaan. Sabihin na nating kelangan ng mga magsasaka ng ulan para sa kanilang mga tanem. Tapos, heto ang isang pamilya ng pastor (at mag-amang bisita nyang hindi nakidasal) at bigla na laang papalitan ng Dios ang plano niyang paulanan ang tanem ng mga magsasaka? Hindi ba kaarugantehan at pang-aabuso ang isiping dahil sa anak ka ng Dios e ikaw ang dapat na unahin sa mga pagpapalain ng kaaya-ayang panahon? Ano 'yun, mas marunong ka pa sa gustong mangyari ng Dios? 

We implore God to send us rain. Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle made this plea last month, urging the Catholic faithful to storm the heavens with a special prayer for rain to stop El Niño’s scorching heat that had dried up dams and farmlands. -Actual caption
Kabaligtaran naman ito ng gustong mangyari ni Tagle sa Pinas. Matatandaang, nagpromotor pala ng isang Oratio Imperata si Tagle para paulanin at nang sa gayon e maibsan ang epekto ng El Nino. Kelan laang e pinatigil na nya ang pagdarasal nito dahil nasagot na raw ng Dios. Sabi nya: 
"There are signs that the crisis of water has been averted and nature has given us relief. Our prayers and supplications have been answered."
Ang lagay e parang gripo ang Dios na kapag hindi mo isinara e hindi titigil sa pagpapaulan? Anong kalabuan ang binebenta nitong Tagleng ito? 

Alam kong nagbibigay ng lakas sa mga taong merong pinagdaraanan ang pagdarasal. Sa ganitong aspeto e nakakatulong ito sa nagdarasal at nirerespeto ko ito. Sa isang banda naman, merong mga dasal na pag-aaksaya laang ng panahon dahil sa kung anu-anong dahilan. 

Kinumpol ko rito ang dapat e hindi na pinag-aaksayahan ng panahong dasalin. Ito ang mga dasal na sadyang makasarili, walang saysay o pang-aabuso laang sa Dios.

1. Dasal sa pagpapalit ng panahon. 


Ganun naman pala e. Wala ba kayong tiwala sa Leviticus?
Nangunguna na listahan ang panahon o weather. Gusto mong uminit, gusto mong umulan, gusto mong bumagyo, etc. Ang ibig sabihin ng pagdarasal mo nito e mas mahalaga ang sarili mong plano kesa sa plano ng Dios at sa kapakanan ng iba. Gusto mong bumagyo para mawalan ng pasok sa eskwela, pero merong masasalantaa’t masisiraan ng bahay o mawawalan ng bahay –lahat para sa katamaran mong pumasok ng isang araw. Gusto mong uminit para makapagbasketbol kayo ng mga kaibigan mo, pero mawawalan ng ulan ang mga magsasakang nag-aantay ng patak.

Alam nyo ang isang magandang maging himala sa ating panahon? Iinit sa basketball court, pero uulan sa bukid, babagyo’t babahain ang mga eskwelahan, pero walang masasalanta ang bagyo, etc. –lahat sa iisang bayan. In short, pagbibigyan ng Dios ang lahat ng taong nagdarasal.

2. Manalo sa Sports


Naalala nyo pa bang sinabi ni Marquez ito kelan laang?

Sa bawat laro, merong nananalo, merong natatalo. Pwede ring draw depende sa sports, gaya ng soccer. Pero, hindi pwedeng parehong panalo ang mga magdarasal. Kung nagdasal ang fans ng San Antonio Spurs noon, meron ring nagdasal sa Miami Heat nuon. Kung ikaw ang Dios, me gagawin ka bang hakbang sa ganto? Kungsabagay, dahil nanalo ang Spurs sa taong ito, malamang e meron ngang ginawa ang Dios. Pero, bakit hinayaan nyang manalo ng dalawang sunod ang Heat noon? Ano 'yun, natulog sya ng dalawang taon para maghari ang kasamaan?

Ika nga ng isang komedyante (sayang hindi ko matandaan kung sino), “Why don’t we group the Olympics by religion, not by nation? This way, we see which religion is real.”

Oo nga, uy nanalo ang Zoroastrianismo! Di ba mas interesting? Wala nang pangangailangan sa jihad, crusade at pagbaabarilan sa Jollibee gaya ng ginawa ng mga INC at ADD.

3. Pumasa sa exams. 


Paano na kung essay? Bubulungan ka ng anghel para makasagot?

Yup. Magically, bigla kang tatalino at huhusay sa isang subject na mahina ka. Kung gayun, pwedeng ipagdasal ko na laang na mag-top ako sa medical board exam kahit ‘di ko alam ang pinagkaiba ng ibupofren at analgesic. Ibig sabihin e dahil sa dasal bigla kong maiiintindihan ang isang kumplikadong math formula? Kung ganun pala naman at pwede mong maintindihan ang mga bagay sa pamamagitan ng dasal, e ‘di humanap ka na laang ng course outline, ipaseroks at ipagdasal mo na laang na maintindihan ang lahat ng ito. Hindi mo na kailangang mag-enrol, magbyahe at pumasok sa klase.

Meron namang iba na ang style e ipagdasal ang mga topics na pinag-aralan o natatandaan nila nang husto ang lumabas sa exam. Kumbaga, sana e lumabas ang numerong tinayaan nila sa lotto. Pano na ‘yung iba? May papaboran ang dios, depende sa kung sinong mas taimtim na magdarasal? At pano kung sa panahong sila e nagdarasal e tapos nang gawin ang test at naprint na? Magically magbabago ba ang mga letra para pumabor sa nagdasal?

4. Traffic. 


Ipinapaliwanag nito kung bakit
wala kang nakikitang kotseng pinalilipad ng Dios.

Late ka na sa lakad mo’t stuck ka sa traffic. Tapos, magdarasal kang sana e umalwan ang traffic? Ano ‘yun, mag-eevaporate ang ibang sasakyan? Mapapaandar ang lane mo sa kapakanan ng ibang importante rin ang lakad? May paliwanag dyan sa librong Why do Buses Come in Threes? nina Rob Eastaway at Jeremy Wyndham. Me kinalaman ‘to sa queueing theory, pero hindi ko na ipapaliwanag. Magbasa kayo sa sarili nyo o kaya ipagdasal ninyong maintindihan ang nilalaman ng isang libro kahit hindi binubuklat ang cover nito.   



5. Simpleng sakit. 


Just pop a pill!

Hindi ko kokontrahin yung mga taong me malalang sakit o nagdarasal sa kanilang mga mahal sa buhay na me sakit. Naiiintindihan ko ang nagagawang kabutihan non sa taong nagdarasal –nakakagaan ng kalooban ‘yun. Ang sinasabi ko e ‘yung mga masakit laang ang ngipin, me sipon, masakit ang batok, etc. Me sagot sa mga sakit na ‘to –gamot, masahe, pahinga, patingin sa doktor, atbp. Iistorbohin mo pa ang Dios para sa simpleng sakit na ‘to? Ang lagay e uunahin pa ang konting ubo mo para sa kanser ng iba? Aba’t masyado ka namang aksayado sa summon niyan. 

Ang pagdarasal e isang personal na komunikasyon sa sinasamba o pinapaniwalaan mong Dios. Iba't iba tayo ng pananaw pagdating sa bagay na ito. Pero, dapat nating pag-isipan kung masyado nating iniaasa sa Dios ang mga mumunting bagay na dapat e pinagtityagaan na laang natin o dapat nating matutunang tanggapin. Sa susunod na mapapa-antanda ka, pakaisipin mo: Kaya ko ba sa sarili ko ito o ng ibang mortal o dapat ko pang mang-abala sa Dios?

Hindi ko na bibisitahin pa ang mga uri ng status posts sa Facebook na dasal sa Dios at ibang bagay pa iyon. 


Monday, June 23, 2014

7 Kapatul-patol na FB Posts

Alam nyo na ang senaryo: nagpapalipas kayo ng oras sa FB at meron kayong makikitang ilang posts na hindi nyo gusto, pero dahil mga kaibigan nyo sila (o kahit papano sa FB e magkaibigan kayo), hindi nyo makontra. Gusto nyong magcomment, pero mas nananaig sa inyo ang ideya ng pagtitimpi at tamang pakikisalamuha sa tao. 

Pero, minsan e napupurga ako sa mga ganitong posts sa puntong nararamdaman kong gusto kong pumatol. Matatagpuan sa kaliwa ang orihinal na mga larawan at sa kanan e ang aking mga pagpatol sa kalokohang ito.

1. God will give you a job.


Hindi ba't kapag nakakaengkwentro tayo ng mga bobopols-bopols o kupal na empleyado, lalo na sa gobyerno, e susot na susot tayo? Hindi ba't galit tayo sa nepotismo, padrino system, palakasan system at kung anu-ano pang kabulastugang nagaganap sa pagtanggap sa tarbaho? Ang tanong ko e: Kung ang Dios ang gagawa nito e ayos laang?

Bakit natin papangaraping biyayaan tayo ng Dios ng mga taong hahawak ng posisyong hindi naman nila pinag-aralan o kulang ang kanilang pag-aaral? Kungsabagay, hindi naman mahalaga sa mga Jesus Daily-ists at mga kauri nito kung nursing school dropout laang ang mag-oopera sa kanilang tumor dahil kaya namang pagalingin ng likes ang kanser at Jesus is their doctor.

Isa pa, nangyayari na rin nga pala ito. Pinagkakatiwala natin ang ating kinabukasan sa mga magpapasya sa atin ngayon at sa hinaharap. Ibinibigay natin sa kanilang mga kamay, nakapag-aral man o hinde, ang pagpapasya para sa ikabubuti ng ating mga bayan at ng bansa sa kabuuan. Yun nga laang, sa tuwing ginagawa natin iyon, hindi 'pabor ng Dios' ang tawag run, kundi 'eleksyon'. 

2. God will bless someone.



Isa itong drive-by style ng pagdarasal, kung saan bahala na ang ma-bless o swertehin, base sa kung sino ang online sa panahong ito e ipinaskel. Dahil ba nasumpungan natin ang mensaheng ito habang tayo e online e dapat tayong tumalon sa konklusyong niloob ng Dios na  mabasa natin iyon kaya natin nabasa iyon? At ito e walang kinalaman sa oras ng pagpopost, kung ito e tumutugma sa sandaling hindi ka abala sa tarbaho o pag-aalaga ng bata o kung anumang pinagkakaabalahan ng mga tao sa imbes na Facebook. 

3. Pssst... Dito ang tingin.
   
Siguro kung meron pang sapat na lakas, makakatingala nang bahagya ang batang ito.
Isa pa, ito ang pinakamalaking problema ko sa ilang mga taong nagpopost na sila e 'blessed' kapag merong nangyayaring maganda, merong nakakamal na pinansyal o gamit. Sa tuwing pinagsisigawan nilang blessed sila ng Dios, para na rin nilang sinabing ang mga nagdurusa e hindi. Lumalabas na pinili sila ng Dios bigyan ng biyaya, samantalang isinantabi nya na laang ang iba't hinayaang ma-We Are the World na laang.

4. Lahat naman e ayon sa Divine Plan, kahit magahasa ka. 



At this very moment, hinahayaan ng Dios na ilantad ko sa publiko ang mga out-of-context na larawan na ipinapaskel ko.

5. Mas magaling ang Dios ko kesa sa Dios mo.


Sabihin mo iyan sa mga namatayan ng kamag-anak sa lunod.
Dahil ba gasgas na ang "Jesus is my Doctor" kaya lumabas ang isang ito? Basta ako, ang lifeguard ko e naka-orange, blonde, merong cleavage na pwedeng pag-ipunan ng barya at kasama ni David Hasselhoff sa Baywatch. Ang tinutukoy ko e si Erika Eleniak dahil iyon ang kinalakihan ko, pero kung si Pamela Anderson ang unang pumasok sa utak mo, e okay na rin sa akin. Sa pagkakaalam ko e hindi sila namimili ng sasagipin kapag nalulunod.

6. Mga relationship advice



Kung ang mga relationships e ganoong kadaling intindihin o bigyan ng solusyon, wala na dapat tarbaho ang mga marriage counselors, mga psychiatrists at mga selh-help hacks. Ang problema ko sa mga ganitong payo sa mga relasyon e pinagmumuka nilang kayang solusyunan ng mala-Hallmark greeting card na mensahe ang isang relasyon: pang-magkaibigan, magshota o mag-asawa. 

Kaya nyo bang pagmuni-munian kung paano sasagutin ang tanong na "Tumataba na ba ako?" ng inyong mga misis gamit ang payong ito? 

7. Pagtawag sa pagdarasal. 


Nudge, nudge, wink, wink.
Alam ko na ang sasabihin sa akin ng mga kokontra rito sa aking pangongontra: Walang basagan ng trip, ang isa sa mga gusto kong maburang mga kataga sa pagsisimula ng 2013

At ito ang sagot ko sa kanila: Kung walang basagan ng trip, hindi nyo babasagin ang trip kong mambasag ng trip. 




Saturday, June 21, 2014

Ang Martabak Manis, Halimaw na Meryenda

Sa huling gabi ng aming bakasyon sa Jakarta, napagpasyahan namin ng misis at anak kong bumili ng martabak. Ilang buwan na, kundi man isang taon, nung huli kaming kumana nito. Ang martabak o lovely death sa wikang Inggles - ito ang pinakamalapit na translation na maiimbento ko para sa pagkaing ito - e isang mala-hotcake o bibingkang Indonesian na kalimitan e sa gabi minemeryenda. 


Ito e binubuo ng 50% batter, 10% na asukal, 20% keso, (pwede ring palagyan ng chocolate sprinkles, Nuttela, mani o saging) at 30% Blue Band margarine. At oo, alam kong 110% ang total ng ingredients na inilagay ko dahil ito ang 110% effort na ikinalalagot ng litid ng mga coaches sa motivational speech nila sa half time ng championship at tambak ang team nila sa mga sport movies. Sa huli kong post e matatandaang hinirang kong isa sa muka ng Mt Rushmore ng kasamaan ng fat ang margarine, pero putang ina, ibang usapan kasi ang martabak. Kapag kumain ka kasi nito e para kang nagtawag ng dalawang anghel sa langit at pinaglesbian sex mo sila sa dila mo. 


Sa panahon ngayon, tanging mga sawa na sa buhay ang walang pakelam sa uri ng basurang isinasaksak nila sa kanilang katawan. Pag napatunayan mo sa isang hukumang kumakain ka ng martabak nung panahong naganap ang isang krimeng ibinibintang sa iyo, pwede mong i-establish na meron kang temporary insanity para mapawalang-sala ka dahil walang taong nasa tamang katinuan ang kakain ng ganitong dami ng margarine at asukal. Ang tanging naiisip ko laang na taong kakain nito e si Christian Bale kung maghahanda sya sa isang movie role bilang Philip Seymour Hoffman sa isang biopic nito. Sa mga sibilisadong bansa, ituturing na extreme sport ang kumain nito. 


Dapat sa kahon nito e merong address ng pinakamalapit na ospital dahil sa kalagitnaan ng martabak mo e makakaramdam ka ng pagsasara ng ugat sa puso mo. Sa tuwing kakain akong mag-isa nito noon e sinisimulan ko ang lahat sa pagsulat ng "Dear Annie at Kane" dahil para na rin akong namamaalam pag nagpapasya akong kumaing mag-isa nito. Tanging suicide laang ang motibong makikita ng mga imbestigador kapag natagpuan ang walang-buhay kong katawang nakahandusay sa sahig, katabi ng kahon ng martabak. 

Sa pila sa loob at labas ng tindahan at sa dami ng tupi sa tagiliran ng mga pumipila rito, mahahalata mo kung gaanong kabalasubas sa sarap ang binebenta nilang martabak. Mababakas rin sa mga muka ng mga kostumer nito ang isang antas ng pagkahiyang pamilyar sa mga muka ng mga lalaking pumipila sa mga bubaeng paupahan sa mga spakol. 

Walang kostumer na umiiskor ng martabak ang ipinagmamalaki ang kanilang pagkahumaling sa martabak dahil isang mensahe ang pinapakita mo sa mundo sa tuwing kakain ka nito: Oo, alam kong walang nutritional benefits ito, alam ko rin ang health hazards nito at kung saan sasaksak sa katawan ko ang lahat ng trans fat nito, pero punyeta, magkaharangan man ng sibat e lalamon ako nitong putang nang 'to. 

Noong una e kinodakan ko ang mga kostumer na nakapila para ipakita ang mala-amusement park na haba nito, pero dahil sa dami ng mukang ibe-blur ko, e hindi na laang. Protektado ng batas ang mga Indonesian na i-blur ang kanilang mga muka sa camera kapag bumibili ng martabak, sa kaparehong dahilang bine-blur ng media ang muka ng mga menor-de-edad na suspek at naglulugay ng buhok ang mga nareraid na hostess para magtakip ng muka sa TV. 

Dito sa pilang ito laang ako hindi nagrereklamo kapag merong nagyoyosi. Kung sa angkot o jeep, siguradong aalma ako ipapapatay ko ang sindi ng yosi ng sinumang sasakay. Pero sa isang pila ng martabak, siguradong isang kaipokrituhan ang magreklamo tungkol sa kalusugan ng baga mo. Sigurado akong pagtataasan laang ako ng kilay ng mga mamang nagyoyosi at sasabihan ng: P're, sasaksakan mo ang katawan mo ng ganitong lebel ng trans fat na maaari mong ikamatay sa gabing ito at magrereklamo ka sa anim na minutong mababawas sa buhay mo dahil sa usok na bumubuga sa sigarilyo ko?

At sigurado rin akong wala akong maibabatong pangontra. 

Hindi ako makapanghusga ng mga durugista sa tuwing kakain ako ng martabak. Naiintindihan ko ang antas ng kanilang desperasyon at ligaya. Alam kong sa isang kamay e isang lason ang tumira nito, pero sa kabila naman e isang ikapitong langit na walang katumbas. Gagamitin ko sa martabak ang linyang ginamit ni Mark Renton sa paglalarawan ng droga sa Trainspotting: Take your best orgasm, multiply it by a thousand and you're still nowhere near it.

Pag bumibili kami nito ng misis ko, para na rin kaming pumipirma ng isang kontratang nagsasaad na ayos laang at walang samaan ng loob kung hindi kami magtatalik ng gabing iyon dahil sa sandaling kumain ka ng martabak, ididiretso mo ito sa tulog kung lalaki ka at yayakapin mo ang kahon kung isa kang bubae. Walang kaligayahang maitutumbas ang karnal na pagnanasa sa kasalanang iniimbita mo sa bilbil at puso mo sa tuwing kakain nito. 

Dalawa laang ang uri ng maisusulat mo tungkol sa martabak, awit ng papuri o isang suicide note. At dahil nagawa ko na ang suicide note kanina, hayaan nyo akong paulaanan ng papuri ang martabak sa pamamagitan ng pinagpipitaganang uri ng tula sa bansang Hapon, ang haiku:


Kapag merong nag-abalang magcomment sa blog na ito at hindi ako nakasagot iyon e dahil na-comatose o sumakabilang ibayo na ako. At kung nagkagayon nga, mas pipiliin ko ang martabak kesa ang 72 na birheng ipinapangako nila sa langit kung magsu-suicide bomber ako.