![]() |
Yup, karapatan mong magpahayag sa maling grammar at magtunog-tanga. |
Variations at related words: Kelan
ko laang nalamang meron rin palang gumagamit ng “Nangengealam”. Note: Habang sinusulat ko 'to e merong nagtanong sa akin kung anong ginagawa ko. Merong sumabat at ang isinagot e: Bakit ka nangengelam?
“Aaralin”, gaya ng: Anong aaralin natin para sa test bukas? Sagot ko rito e, kalimutan mo na ang bukas at balikan mo ang panlapi mo noong elementary.
“Aaralin”, gaya ng: Anong aaralin natin para sa test bukas? Sagot ko rito e, kalimutan mo na ang bukas at balikan mo ang panlapi mo noong elementary.
2. Walang basagan ng trip –Sa
simula, parang ‘The Golden Rule’ ang dating ng phrase na ito at sa unang tingin e maganda dahil tipong hindi kita pakikialaman, kung hindi mo ako pakikialaman. (Pag inisip mo
aba e parang pamalit sa ‘walang pakialamanan’ pala ‘to, kaso tama ang grammar). Nitong huli, sa dalas
ng paggamit nito, nagiging super tramp card ng mga excuses ito sa mga bagay na
dapat iwasto, pabiro man ang gamit o hinde. Halimbawa:
- Bakit mo pinatabas ang patilya mo, pre?
- Sa tingin ko e hindi akma ‘yang isusuot mong backless na gown na pula sa pulaw ng isang namatay sa aksidente.
- 110 volts yata yang sasalpakan mo ng...
Tapos
ang sagot sa lahat ng ito e “Walang basagan ng trip!” E di itakwil mo na laang
ang ideya ng edukasyon at piliin mo na
laang manatiling mangmang kung ganyan ang ugali mo. Maraming natutunang bago
dahil sa kritisismo at kung ang reaksyon mo sa bawat puna e “Walang basagan ng
trip” wala ka nang iiwang lugar para lumago. Kahit mismong batikang artists
tumanggap ng kritisismo sa kanilang paintings, movies, music, etc. Tapos ikaw,
hindi ka masabihan man laang na hindi bagay sa iyo ang dilaw na damit?
3. Sori (po), tao lang –Isa kang tao,
isang nilalang na merong pinakamahusay na utak sa lahat ng mga nilalang sa mundong ito. Ang uri mo
ang nakapagpadala ng kauri nila sa buwan, nakadiskubre ng mga mikrobyo at nakalikha
ng mga gamot, nakadiskubre at nakapabigay ng paliwanag ng mga penomena at ng
mga buntalang nasa sansinukob natin. Ang uri mo ang lumikha ng mga makabagbag-damdaming mga kanta mula sa pagsasalansan at pag-uulit ng walong nota, lumikha ng mga pinaghalu-halong kulay para gawing painting, magsanib-sanib ng mga sangkap ng pagkain para gawing pizza, atbp. Para sabihin mong ika’y tao lamang at yun ang dahilan ng
pagkakamali mo e isang matunog na sampal sa sangkatuhang nag-usad sa atin mula sa ating
pagiging caveman sa sibilisasyon natin ngayon.
Depende rin ito sa kontektsto: maaaring masambit mong meron kang pagkukulang dahil sa limitasyon mo bilang tao, gaya ng pagkakamali sa pag-compute na kayang gawin ng isang simpleng calculator (na kapwa mo tao rin aang gumawa) o hindi mo nai-shoot ang game-winning free throws dahil gaya ng karamihan e kinabahan ka. Pero ang gamitin ang katagang ito sa bawat pagkakamaling magagawa mo na para bang ang isang tao e isang sub-mammal na limitado ang kakayahan para ipaliwanag ang incompetency o blatant disregard mo sa moralidad mo e isang lousy excuse.
Depende rin ito sa kontektsto: maaaring masambit mong meron kang pagkukulang dahil sa limitasyon mo bilang tao, gaya ng pagkakamali sa pag-compute na kayang gawin ng isang simpleng calculator (na kapwa mo tao rin aang gumawa) o hindi mo nai-shoot ang game-winning free throws dahil gaya ng karamihan e kinabahan ka. Pero ang gamitin ang katagang ito sa bawat pagkakamaling magagawa mo na para bang ang isang tao e isang sub-mammal na limitado ang kakayahan para ipaliwanag ang incompetency o blatant disregard mo sa moralidad mo e isang lousy excuse.
- Napa-reserve mo ba ‘yung conference room para sa meeting natin bukas?
- Pare, natabas mo yata ang patilya ko.
- “You’re” ‘yun, hindi “your'...
- Bakit mo naman sinalisihan yung kumpare nating nasa abroad?
Hindi ko sinasabing hindi ka
dapat nagkakamali, dahil natural yun kahit sa pinakamatatalino't pinakamagagaling na tao. Pero, iyon e nangyayari hindi dahil tao ka lamang,
kundi sadyang ipinanganak ka lang na ulaga o minsan natatanga ka laang (o kaya ayaw mong magpabasag ng trip). Hwag mong isisi sa iyong species. Aminin
mong mali ka. Ngayon, kung pinalilipad ka ng boss mo mula 25th floor, dyan mo
gamitin ang mga katagang ‘yan.
4. Po at opo –Ito e mga salitang ginagamit
sa paggalang, pero bakit ko isinasama sa listahang ito? Kontra ba ako sa
paggalang? Mas gusto ko ba ng minumura ako? Oo, mag gusto ko pa ngayong mamura kesa makatanggap nito mula sa isang age group. Kasi nito PONG huli e nauuso ang
paggamit ng PO kahit na mag-sing-edad o magka-edad laang ang nag-uusap o sa mga posts o comments sa
Facebook. Di PO nyo PO ba PO napansin ‘to PO?
Meron akong palagay na me
kinalaman ‘to sa mga artistang nagge-guest sa mga talk shows. At ganito PO sila
magsalita: Sana PO e tangkilikin nyo ang pelilulang Pilipino. Panoorin PO ninyo
at sigurado akong hindi kayo magsisisi... Hind PO totoong magshota kami ni _____. Special friends lang PO kami... blah... blah... blah.... Kung meron ring
kinalaman riyan si Kim Atienza (na tinatawag na Kuya ng kahit sinong Ponsyo
Pilatong kumakagat sa gimik nito) e hindi na ako magtataka.
Ang pinagmumutarga ko sa maling
paggamit nito e ang ideyang nawawalan na ng saysay ang tunay na paggamit nito. Namamatay
na ang silbi nito sa walang-habas na maling paggamit. Inilalaan kasi dapat ito
sa mga taong mas nakatatanda sa ‘yo o mga awtoridad. Sa nakatatanda, ang ibig
kong sabihin e magkaiba tayo ng
inabutang artistang gumanap sa role na Flavio sa Panday at hindi ‘yung
magkapareho kayo ng Chinese calendar year. Kaya’t sa susunod, kung hindi kita
inuutusang bumili ng suka sa kanto o hindi kita pinasusweldo, hwag mo na akong
popoin.
Superficial na paggalang kasi ‘to,
walang sinseridad. Kung gusto ninyong magpakita ng paggalang, simulan ninyo sa
word choices, intonation, non-verbal cues (kung harapang pag-uusap), atbp,
hindi ‘yung kinakabitan mo laang ng ‘po’ at ‘opo’ ang bawat pangungusap mo na
akala mo e isang mathematical equation ang paggalang na tipong “add a word” e
magalang ka nang ‘tang ina mo ka.
Variations at related words: Nyo at kayo, na pamalit sa mo at
ka dahil sa kaparehong dahilan.
Marami pang iba, pero itong mga ito ang pinakamalimit kong marinig at makita. At ilan pang katagang
pinandidirian ko na hindi ko na ipapaliwanag: epic, fail, epic fail, opinyon mo lang yan, at misuse at overuse ng in fairness.
Want tidbits on my twitter account? Here: JerboyLupisan.
Want tidbits on my twitter account? Here: JerboyLupisan.
No comments:
Post a Comment