Thursday, October 25, 2012

Paano Ipapaliwanag Sa Iyong Anak ang Kwento ng Tangkang Pagpatay ni Abraham sa Anak Nyang si Isaac

Para sa isang llibreng field trip e dinala ko ang anak ko kagabi sa tabing-kalsada kung saan me nagbebenta ng mga domba o tupa. Paborito kasi ng anak ko si Shawn the Sheep. Naglibang-libang kami sa katitingin ng mga tupang bilang na ang mga araw.

Bukas e isasakripisyo ang mga tupang ito para sa isang Islamic feast, ang Eid al-Adha. Ang okasyong ito e ginagawa bilang pag-alaala sa pagpayag ni Ibrahim o Abraham na isakripsiyo ang kanyang anak sa isang boses na tanging sya laang ang nakakarinig. 

Syempre, hindi ko sinabi sa anak kung ano ang sasapitin ng mga paborito nyang cute na hayop. At hindi ko rin ipapaliwanag at hindi ko maisip kung pano ipapaliwanag sa isang limang taong gulang na bata ang karumal-dumal na bagay na sana e gagawin ni Abraham.

At ito ang ikukwento ko sa aking anak sakaling magtanong sya:

Noong unang panahon, merong isang lalaking namuhay at nakilala sa pangalang Abraham. Isang araw, meron syang narinig na tinig na tanging sya laang ang nakarinig. Ayon sa kwento sa isang librong kung tawagin e bibliya, ito raw e ang Dios. Sinabi nitong patayin nya raw ang anak nyang si Isaac, sunugin at ialay sa kanya.

Tandaan mong noong mga panahong iyon e madaling mauto ang mga tao noong araw at madaling mapapaniwala. Kung ngayon nga sa panahon natin e kung anu-anong kalokohan ang pinagpapaniwalaan ng mga tao sa mga broadcast na messages sa Blackberry Messenger at Facebook, ‘yun pa kayang mga taong hindi dumaan sa uri ng edukasyon at teknolohiyang tinatamasa natin sa ngayon? Sa ngayon nga meron pang naniniwalang gawa raw ng Dios ang pagpapabaha para hindi matuloy ang RH Bill.

Ah basta! Pinaniwalaan ng mga tao ito kahit na si Abraham laang ang nagsasabing nagpakita raw sa kanya ang Dios kahit wala namang ibang nakakita. Tandaan mo ring, meron akong pinsan, si Tito Oyi mo na nagsabing nakita nya raw ang Dios at mga kung sinu-sino pa sa ulap sa kalangitan. Mabait syang tao, magmano ka pag nakita mo pag umuwi tayo ng Pinas. Architect na ngayon ‘yun, pero ‘di ko alam kung pinaniniwalaan nya pa rin ang sinasabi nyang nakita raw niya noon.

Yung boses na iyon raw e ang Dios mismo, sabi sa librong tinutukoy ko kanina. Pero mas kapani-paniwalang me naririnig laang syang boses sa ulo nya. Kung sa panahon natin nangyari ito, malamang nakulong na sa mental hospital iyon. At malamang ito rin ang gagamitin ng abugadong kukunin nya sa oras na maisakatuparan niya ang pagkatay na binabalak niya sa sarli niyang dugo’t laman. Ito ang tinatawag na insanity defense.
At hayun, iginapos niya ang anak nya, hindi malinaw kung nanlaban ito o hindi, pero sigurado akong kung ikaw ‘yun e aangal ka sa paraang aangal ka sa tuwing pinapapaligo ka namin ng nanay mo sa umaga. Ngayon, nung mismong ibababa na niya ang punyal na kikitil sa napakaigsing buhay ng anak niya, meron raw sumulpot na anghel na pumigil sa kanya. Me narinig uli syang tinig na nagsasabing isang ‘test of faith’ laang ang lahat. Sa tingin ko kunsensya yun o nanumbalik ang katinuan nya.

Bilang kapalit sa iaalay na bata, meron raw ibinigay na isang ram o tupa ang Dios para iyon na laang ang isakripisyo. Pero sa ‘ting dalwa, tsambahan na laang na merong tupa sa lugar na ‘yun. Hindi naman imposibleng magkaroon ng tupa sa lugar na ‘yun. Ngayon, kung balyena ang sumulpot, medyo kataka-taka nga.

Tandaan mo ‘to: Kung totoong isang diyos ang gumawa nun bilang test of faith, isa syang kupal, anak. Baket? Anong klase ng diyos ang magsasabing patayin mo ang anak mo para ipakita ang pagmamahal at takot mo sa kanya? Bakit kailangang ipakita natin laging takot tayo sa kanya? Bakit hindi na laang pasakitin ang yagbols ni Abraham? Pag nadadale ako sa yagbols, ‘dun ko nararamdamang mahina ako, ako’y isang tao laang, aking anak, at naaalala ko na ang Dios ang mananalo, sakali mang hamunin ko sya ng one-on-one na suntukan.

Alam mo kung ano kapareho nito? Mga masters sa frat sa initiation. Sasabihin nilang tumalon ka sa tulay o kung anumang istupidong ideya. Pag ‘di mo ginawa, sasabihin sa ‘yo e hindi mahalaga ang frat sa ‘yo kaya’t ‘di ka karapat-dapat sa frat nila. Pag ginawa mo naman, sasabihin nilang gamitin mo ang kukote mo’t mag-isip.

Anyway, yan ang dahilan kung bakit karaming tupa ngayong binebenta sa kalsada.

Pahabol: Sabi nga pala ng religion teacher ko noon ang Isaac raw e ibig sabihin e joy kaya’t ang kaligayahan raw ni Abraham ang isasakripisyo nya, hindi ang literal na anak nya.



Monday, October 22, 2012

Unless You’re Jerry Seinfeld or His Guests, I Don’t Give a Fuck About You Getting Coffee

Kape? San ang phone ko't mainstagram na kagad 'to habang mainit!

Kung hindi ka si Jerry Seinfeld o bisita sa show nya, wala akong pakelam sa ‘yo at sa pagkakape mo. Walang ibang grupo ng tao na mahilig magpopost ng kanilang inumin o pagkain, kundi ‘yung mga mahilig magkape. Hindi ko sinasabing lahat ng mahilig magkape e ganito, pero kalimitan sa mga ganitong post nang post ng pagkain o inumin e ‘yung mahilig magkape.

Ano ba ang meron sa ‘mahilig kuno sa kape’ at sa kape nila’t ‘di sila mapigilang magpost ng mga pictures nila at ng kape nila na parang isang cool na bagay ang magkape? Hindi kasama rito ‘yung nag-get together kayo ng mga kaibigang matagal na hindi nyo nakikita at nag-coffee shop kayo. Kumbaga, hindi ang kape ang punto ng post ninyo, kundi ang sandali ng pagsasama ninyo na nataon lamang na meron kayong kape. Hindi ‘yun ang tinutukoy ko kundi, ‘yung mga taong akala nila e naglelevel up ang cool points nila sa tuwing makikita sila sa isang larawang me kape. 

At hindi laang ito sa Facebook actually, kungdi pati sa araw-araw na pag-uusap. Ito ‘yung mga tipo ng mga taong nakakahanap ng pagkakataong maisingit sa pag-uusap ang pagkahilig nila sa kape, kung paanong hindi sila umiinom ng instant at tanging de-tatak ng coffee shop laang ang iniinom nila, na nagbubunyi pag nalamang mahilig rin kayo sa kape, na tipong gusto nyong maglaman ng tyan e sa coffee shop magyayaya, na kesyo grumpy raw sila sa umaga ‘pag hindi pa nakakainom ng kape kaya’t hwag munang kakausapin, atbp. Para bang sila e mga misyonero ng pagpapalaganap ng kape bilang isang bagong reliyon.

Listen, I get it. Umiinom rin ako ng kape. Sa coffee shop man na me pangalan o wala, sa loob ng bahay o sa labas, brewed man o instant, mainit man o malamig, binili o libre, galing sa lamay ng patay o sa pagsasalu-salo ng mga buhay. Masarap ang kape. Sa katunayan nga, sinasabayan ko ang kanta ng Radioactive Sago Project na “Kape” at nagkakape habang tumitipa ng mga talata tungkol sa kape. Alam nating lahat na masarap ang putang ‘nang kape. Kung pupwede nga laang makipagsex sa kape. Sino ba ang hinde gusto ng kape?

Mahilig ako sa burgers, pero hindi n’yo ko makikitang nagpopost sa tuwi-tuwina ng mga iba’t ibang hamburgers na kinakain ko. Alam nyo ba kung ano pa hilig ko bukod sa kape? Sex. Pero hindi nyo ko makikitang nagpopost ng mga picture ko habang nakikipagsex ako.

Pero ano ba ang punto ng mga post nang post ng pagkakape nila? Kung wala kayong idaragdag na opinyon o mensahe kundi ang muka nyo sa tabi ng tasa ng kape, di ko makita ang punto. Alam nyo, marami rin akong larawan ng kape. Heto, isaksak nyo sa baga n’yo.

Alam nyo kung ano ang ginagawa nung ibang nagpopost ng larawan ng pagkain? Ginagawa nila iyong parang review. Nagsusulat sila ng essay kung gaanong kaganda o kapanget ng karanasan nila sa pagkain nila sa isang restawran o kahit pagkaing-kalye, lalo na kung ang pagkain e hindi kasing-karaniwan ng menudo. Sa kanilang posts, makakabuo ka ng ideya kung dapat mong pagkagastahan ang pagpunta sa mga ganitong lugar. 

Napapalayo na ko sa kape, malamang dahil sa caffeine sa utak ko kaya’t halina’t bumalik sa punto ko. 

Tatlo ang nakikita kong dahilan ng pagsasalpak ng mga ‘to ng larawan ng kape: (1) na gusto nilang ipakitang kaya nilang gumasta para sa ganoong klase ng kape, (2) na kaya nilang pumili ng masasarap na kape mula sa isang listahang sigurado ka namang masarap halos lahat at (3) ang unang sinabi kong akala nila e tumataas ang ‘cool points’ nila sa tuwing makikitaan silang me kapeng bitbit sa kanilang mga kamay.

At ito ang sagot ko sa bawat isang ‘to:
  1. Anumang kape ‘yan, anuman ang halaga nyan, meron ring kayang tumapat sa halaga nyan at bilhin ‘yan. Starbucks, J.CO, 99ers, etc. Hindi kayo laang ang natatanging kayang bumili nyan. Lumingon kayo sa kaliwa’t kanan nyo’t alam nyong sinasabi ko. Kaya’t kung akala nyo e kayo laang ang ‘nakaka-afford’ at nakakaingget ang pagkakape nyo, mag-isip-isip kayo nang konti.  
  2. Ang akto ng pagipili ng kape mula sa isang menu e hindi nagpapakitang eksperto kayo sa kape. Ang kelangan nyo laang naman e kakayahang umamoy, magbasa, tumingin sa larawan, makaalala mula karanasan kung alin ang masarap na kape at pumili ng order ng kape mula sa isang listahan. Subukan nyong magbasa ng kasaysayan ng kape sa iba’t ibang rehiyon ng mundo, magtanim, mag-ani, gumawa ng sarili nyong kape at umimbento ng sariling timpla ng kape. Sa oras na magawa nyo ‘to kikilalanin ko kayong mahuhusay sa kape at hindi ako magrereklamo sa tuwing magkakape kayo sa Facebook.
  3. Hindi kayo nagmumukang matalino dahil laang sa umiinom kayo ng kape. Ano man ang impresyon ng mga tao mula sa pinaggagawa mo nung nag-aaral kayo, sa panahong nakakusap nila kayo, sa klase ng pagtatarbaho nyo, sa personal hygiene nyo, sa mga sineng pinipilahan nyo, sa mga binibitawan nyong comments sa Facebook, sa Crocs nyo, hindi ito mababago ng kahit ilang tasa ng kape.
Uy, kuhanan mo ko ng picture kasama ang iphone at Starbucks cup ko. 
Alam nyo kung ano ang isa pang gusto kong inumin bukod sa kape? Iniinom ko rin ‘to pagkatapos magkape. Isa pang clue: ingredient rin ‘to ng misteryoso nyong kape. Tubig. Isa o dalwang basong malamig na tubig na galing sa ref at dinagdagan ng tatlo o apat na ice cubes, pinagpapawisan sa labas ng baso sa lamig, nakakangilo sa ngipin sa lamig, nakakaginhawa sa lalamunan at nakakapuno ng tyan, nagtatanggal ng basura sa katawan. Tubig.

Note: Save me your tears. Kung alam nyong mga isa-dalawang beses nyo laang ginawa ‘tong magpost ng kape, hwag na kayong magreact. Alam na ng mga pretentious sonsofbitches kung sino sila. 


Friday, October 12, 2012

Obscure Bible Verses #9: Gen. 19 Lot Offers His Virgin Daughters to Rapists and Proceeds to Lay With Them in One Wild Night of Wine


Malamang e alam na ninyo ang istorya ng Sodom at Gomorrah, ang mga bayang nilipol ng Dios dahil sa kanilang kasamaan. Hanggang sa ngayon e ito pa rin ang tawag sa mga makakasalanang lugar. Sa salitang Sodom nagmula ang salitang sodomy o pang-ooros o pamumwet.
Ang pamangkin ni Abraham na si Lot e taga-Sodom. Nung parurusahan na ng Dios ang bayang yaon e nagpadala sya ng  dalawang lalaking mga anghel para balaan si Lot at ang kanyang pamilya. At maaaring natatandaan ninyo ang kwento ng asawa ni Lot na naging asin dahil sa pagsuway sa utos ng Dios na huwag lilingon sa bayan habang pinupuksa nya ang mga ‘to. 
Aba’y ilang beses ka ba nga namang makakakita ng bayang nililipol sa gayong paraan?
Ang hindi ikinukwento ng mga pastor at pari ninyo sa misa e ang bahagi ng istorya kung saan inialok ni Lot ang dalawa nyang birheng dalaga sa mga balak mangreyp sa dalwang anghel. Tama ang binasa nyo. Kumakatok sa pinto ni Lot ang mga hayok na reypist para kanain ang dalwang anghel. Sa halip na ibigay sa kanila ‘to e inialok nya ang kanyang mga birheng dalaga sa mga manyakis.
Tangkakupal na Lot ‘yun. Kesa mapahiya at masabihang ang mga bumibisita sa kanya e narereyp, inialok nya ang mga birhen nyang dalaga. At hindi run natapos ang kasaysayan nila. Mas malupet malasing si Lot kesa ke Noah. Nung ligtas na’t naninirahan na sa isang kweba si Lot at ang dalwa niyang birheng dalaga, nilasing sya ng mga ito. At nagpakana sa kanilang ama. Isa, pagkatapos nung isa. Yung mas matanda muna. Tapos sa sumunod na gabi e ‘yung pangalawa. Mababasa ang kwento sa link sa itaas, pero kung tinatamad kayong magbukas, hetong ilang sa mga berso sa Genesis 19:30-36.
30 Lot and his two daughters left Zoar and settled in the mountains, for he was afraid to stay in Zoar. He and his two daughters lived in a cave. 31 One day the older daughter said to the younger, “Our father is old, and there is no man around here to give us children—as is the custom all over the earth. 32 Let’s get our father to drink wine and then sleep with him and preserve our family linethrough our father.”
Yung 33--36 ang berso kung saan sila magkakanaang mag-aama. 
At itinuturing pa itong isang taong matuwid. Yup, sa OT, kinamumuhian nila ang mga bading. Pero ang ialok ang sariling anak na bubae sa mga reypist at kanain sila sa kalasingan (nang hindi RAW nalalaan) e ayos laang. Kungsabagay, pamangkin ‘to ni nung lalaking papatayin ang sariling anak dahil merong boses syang narinig saulo nya na nagsasabing gawin nya ‘yun.

Sa susunod na malasing kayo, pwedeng nyong gawing halimbawa sina Noah at Lot. At least kayo e sumuka laang sa sahig. 



Wednesday, October 10, 2012

The Face Book Ref #1: Ang Halu-Halo

Ang halu-halong nagsilbing mitsa para sa isang sagutang umaatikabo sa Facebook. Natanggap ko ang photo na ito sa aking wall dahil tagged ako. Nakita ni Mija Mac Hine at nag-comment sya ng 'mga hipokrito!' na sya namang ikinagalit ni Ianne Ladera Honrada at tinambakan ng sagot. Ang isyu e: May karapatan bang mag-comment ang friends of friend (na hindi mo friend) mo sa isang tagged photo? 

Ayon ke Ianne, walang karapatan si Mija dahil hindi sya friend. 

At ayon naman ke Mija e hindi dapat magreact si Ianne kung hindi sya apektado s comment. At isa pa raw e 'yung halu-halo ang tinutukoy nya. 

Ito ang mga pahayag ng judges: 

Judge #1: Pagkaiinit ng mga ulo nila. Panget ang binitiwang salita ni Mija Mac Hine at talagang nakakapikon ‘yun. Bagama’t, malupet magsalita ‘yung babae, sa kanya ako kampi. 

Judge #2: Parehong kabulastugan ang ginawa nila, pero pagdating sa isyu ng kung me karapatan bang mag-comment si Mija Mac Hine sa isang tagged photo ng kaibigan nya, masasabi kong pwede niya ‘yung gawin na walang nilalabag na batas (na sa tingin ko e sosyal). Ang lagay e ‘pag maganda ang comment o kaya ni-like e pwede, pero ‘pag pintas e hinde? Kung nag-like e 'di ba welcome laang ang comment ng friends of friend?

Judge #3: Nakakaaliw ang gaguhan nilang dalawa. Magmula nung ako e umedad (sabi ng Ref e naging pamilyado) ako e nawalan na ko ng opinyon o pakelam. Pero, nakakaaliw kaya’t wala akong boto.
Wala na kong mahatak pang judge who would give a toss sa isyung ‘to. Masama man sa kalooban kong ang unang isyu ng The Facebook Ref e tabla, ‘yun ang hatol. Tabla. Walang napatunayan kung sino ang mas tama at mas mali.

At dahil tabla ang boto 1-1-0, nakaka-disappoint man e wala akong maihahatol na panalo. Disappointing kasi 'yun na nga ang layunin nito, ang i-settle ang isang diskusyon at merong hiranginng panalo. Kaso, wala akong mahatak na judges sa unang episode. 

Ito ang aking opinyon: Pag pinuntahan ka mismo sa wall mo at dun ka pinepeste, talagang foul ‘yun, kahit sino e sasang-ayon dito. Ibang usapan naman ‘pag lumabas ka na ng pader mo. Sa oras na ang isang tao e lumabas ng wall nila at nagbigay sila ng comment o nag-tag ng photo sa kanilang mga friends, dapat e alam nilang lumalabas na sila sa kanilang privacy at safety at bago na rin ang rules.

Ang isa sa mga risks na dapat na tinatandaan ng lahat sa tuwing magtatag o magko-comment ay hindi mo kilala ang friends of friends mo (pwera na laang ‘yung mutual friends). Hindi mo alam kung anong klaseng tao ang nakalista sa friends of friends mo. Kung ako e magpapahayag ng opinyon sa isang post ng kaibigan ko, hindi ko mapipigil silang kumontra sa ‘kin kung iba ang opinyon nila. Kung nataong meron akong comment tungkol sa kung gaanong kabullshit ng pananawa nila sa isang isyu gaya ng RH Bill at nataong santambak pala ang mga kaibigang madre ng kaibigan ko at merong mag-comment kontra sa ‘kin e wala akong magagawa.

Gayun din sa isang photo. Pag nag-tag ka, at me nagtanong ng, “Sino ‘yung mukang longganisa ang ilong sa picture?” at nataong ikaw ‘yun, e wala kang magagawa. Bagama’t iyo ang larawan, ikaw ang kumuha ng litrato, iyo ang kamerang ginamit, iyo ang file, binubuksan mo na ang pinto sa mga friends of friends mo at sa publiko (kung hindi mo babaguhin ang default setting) sa oras na i-upload mo ‘yun at ilabas sa wall mo. Sa ganitong larangan e parang hindi na rin ‘to sa ‘yo at pag-aari na rin ng mga taong ti-nag mo. Bukas na ngayon ‘to sa papuri o kritisismo ng iba. Maaring magustuhan mo, maaaring hindi.  

Sa kabilang banda naman, kahit na merong lisensya ang isang taong magpahayag ng opinyon sa mga tagged photos (at by extension e comments), kailangan e iparating natin ang ating mensahe sa isang paraang mas maiiintidihan tayo at hanggang maari e hindi nakakapikon. Hindi tayo maaaring magbitaw ng mga katagang ‘mga hipokrito!’ at hindi umasa ng reaksyon. At gaya ng pinosteng pahayag, aasahan nating magiging kasing-igting nito kung hindi man mas maanghang ang katapat nito. At isang cop out para sa akin rin ang sabihing ang mga halu-halo ang tinutukoy na hipokrito, bagama't nakakatawang 'pag inisip mo e wala namang tao sa picture nga. 

Pareho kayong me katwiran at pareho ninyong pinaniniwalaang tama kayo. Malungkot man e sasabihin kong walang matinong husga ang tatlong hurado na magsasabi ng kung sino ang tumpak. Ang sa akin laang e palampasin na natin ito at sana e meron tayong sapat na nakalagak sa banko ng pagkakaibigan para malimutan ‘to. Nawa’y isang sinok laang ito sa isang mahabang pagkakaibigang hitik sa pinagsamahan.
Shit, give me The Nobel Peace Prize! 





Facebook Ref #2: Status Updates Winner


Marami-rami ring nagpahayag ng opinyon nila sa isyu nina Denver at Nelson. Ang pinakanamamayaning ay ang ideya ng walang pakialaman sa gusto o trip ng isang tao. Kung gusto nilang magpost ng mga maliliit na bagay na ganun e walang pakialam ang magbabasa nito. 

Sa isyung ito, itinatanghal na panalo si Denver ng tatlong hurado sa skor na 3-0. 

Ipinaliwanag ni Fredda (hindi judge) sa comment nya na lumabas talaga ang nahihimlay nating narcissism dahil sa Facebook. Maraming tao ang nag-iisip na mahalaga sa iba ang bawat bagay na nangyayari sa kanila o kaya ginagawa nila 'to para ireassure ang kanilang mga sariling hindi ganung kaboring ang buhay nila.

Nirepresenta naman ni A Les (hindi judge) na meron talaga't maraming nakakabuset na comments na ganito. Ika nga nya, "Who the hell cares kung san ka kumain, anong kinain mo, nasan ka ngayon?" At gaya ng karamihan ng nagbigay ng opinyon, sinabi nyang meron namang hide button. At dagdag pa ng iba, pwede ring mag-unsubscribe at mag-unfriend. Pwede rin namang hindi hwag na lang pansinin. 

Sinabi rin Htenaj na para sa kanya ang pagpopost ng maliliit na bagay na gaya nito e paraan para malaman asawa niyang nasa malayong lugar kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pag inisip mo, yun naman talaga rin ang silbi ng Facebook, para kumunekta sa mga kaibigan mong nasa malayo. 

Nung ang feature na ito e ginawa, isinaalang-alang nila ang ideyang gusto ng mga taong malaman ang status ng isang Facebook user. Mula sa wikipedia:

Originally, the purpose of the (status update) feature was to allow users to inform their friends of their current "status", including feelings, whereabouts, or actions, where Facebook prompted the status update with "Username is"... and users filled in the rest. 

Na eventually e mababago sa 'What are you doing right now?' at sa 'What's on your mind?' sa kasalukuyan. 
  
Sa bagay na 'to, ating pakaisipin ang ilang bagay na 'to: 
  • Maari kang magpost ng kahit napaka-trivial ng mga bagay. Kahit nga yung uminom ka laang ng tubig, pwede. At ito talaga ang intensyon nung ginawa ang feature na ito. 
  • Sa kabilang banda naman e pag-isipan mo ring me mga taong naiinis sa mga ganyang klase ng posts. Ika nga, "Who the hell cares?" Gaanong kaimportante ba sa 'yo ng pag-inom mo ng tubig para ipangalandakan mo sa lahat ito?
  • At kung ikaw naman e punum-puno na sa ganito meron ka namang pwedeng gawin: hide, unsubscribe, unfriend o hwag mo na lang pansinin. 
  • Maganda ring gamitin ang Fredda Rule bago ka magclick ng share sa post mo: If it's not something I would relate to a real-life (not FB) friend if we talk on the phone, then no I will not post about it.
Hanggang sa muling kaso. Sinumang merong isyu na gustong iresolba, dalhin laang ninyo sa The Facebook Ref.