Matatandaang sa isang dati kong post e nagpamalas ng kakayahang mag-summon ng oso si Elisha pangontra sa mga batang makukulet. Gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang prequel, Elisha: Rise of a Prophet.
Bago ang pagpatok ni Elisha bilang madyikerong propeta, nagpaka-Robin muna siya sa pagka-Batman ni Elijah. Malamang e pamilyar sa inyo ang ang kanyang kwento kung saan sya e nakipag-1 vs. 450 sa mga propeta ni Baal. Kung kaninong propeta ang makakapagpaliyab ng toro ang syang tatanghaling tunay na Dios. At dahil sa bibliya natin mababasa ito, nagwagi si Elijah.
Bukod sa mga himala, kilala rin si Elijah sa kanyang trash talk. |
Kung interesado kayong malaan kung ano ang nangyare sa 450 propetang sumunod sa kinalakhan nilang reliyon, pinapatay laang naman sila ni Elijah. Ito e dahil hindi pa sumusulpot si Hesus para ipauso ang pag-aalok ng kaliwang pisnge.
Nang panahon na para maghirang sya ng papalit sa kanyang posisyon bilang medyikerong propeta ng Dios, napag-alaman niyang ang gusto raw ipalit sa kanya ng Dios e isang lalaknig katunog ng pangalan niya. Nilisan niya ang kinaroroonan niyang yungib at tinunton ang lalaking ito. Nasumpungan niya si Elisha habang ito e nag-aararo sa bukid.
Maganda pa tubo ng buhok ni Elisha noon. |
Walang sabi-sabi e hinubad ni Elijah ang kanyang baro at inilagak ito sa mga balikat ni Elisha, na nanganghulugan ng pagpapasa ng misyon rito. Nagkaintindihan na sila sa bagay na ito. Nagpaalam si Elisha na gusto niyang magpaalam sa kanyang mag-anak at magmula noon e sinundan nya ang mga pakikipagsapalaran ni Elijah.
Doon nagsimmula ang pag-o-OJT ni Elisha ke Elijah. Manaka-naka laang na nababanggit ang kanyang pangalan sa mga istoryang si Elijah ang bida at sya ang sidekick noong mga panahong iyon. Nagkaroon laang sya ng pagkakataong tumaginting sa sariling kislap ng kanyang bituin noong si Elijah e tinangay papuntang langit. Dun nagkaroon ng main event status ang kanyang karakter.
Hiniling niyang doble ng pagkapropeta ni Elijah ang ipagkaloob sa kanya. Kung minsan e naisip nyong mambluff sa mga boss nyo na magreresign kayo kung hindi nila dodoblehin ang sweldo nyo, naunahan na kayo ni Elisha. Ang pinagkaiba laang e umepek itong ke Elisha.
Maganda ang resume ng pamomropeta ni Elisha at nagpamalas sya ng iba't ibang himala, bukod sa pagtawag ng mga higanten mammals. Bumuhay rin sya ng bangkay, nagmistulang water purifier na ginawang malinis hanggang sa pwede nang mainom ang tubig-ilat at nagpagaling rin sya ng mga ketongin. Hindi na masama para sa isang dating Dennis Padilla ke Randy Santiago.
At dumating ang panahong namatay si Elisha. Nalampasan nya ang career high ni Elijah sa dami ng milagro, pero kulang sya ng isang himala para mapantayan nang doble ang ke Elijah. Ibig bang sabihin ba nun e hindi nagkatotoo ang itinakda para sa isang propeta? Aba'y magpapatalo ba ang panot na si Elisha? Aba'y ang ipalapa nga ang mga makukulet na bata hindi pinalampas nito para laang makarami ng himala, konting kamtayan pa kaya?
Merong mga taong maglilibing noon sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga labi ni Elisha. Meron silang bitbit na bangkay at naglalakad sila noong nasabat sila ng mga tulisan. Sa kanilang takot, nagpulasan sila sa iba't ibang diireksyon, ala-Three Stooges at nabitawan ang karga nilang bangkay. Sumagi ang walang buhay na katawan ng lalaking ito sa libingan ng propeta. Oo, sa dinami-dami ng babagsakan, doon pa sa malupet-sa-himalang Elisha. Parang isang eksena sa isang pelikula ni Chiquito, bumangon ang nasabing bangkay nang dumampi ito sa mga buto ni Elisha at nakitakbo sa mga kasamahang nagsisitakbo. Imagine-in nyo ngayon ang eksenang ito sa saliw ng walang-kamatayang musika ng Benny Hill Show.
Isang malaking katanungan sa akin knug ano ang nangyari matapos ang eksenang iyon. Wala na kasing binanggit pa sa mga sumunod na berso kung ano ang sumunod na nangyari, kagaya nang walang binabanggit matapos lapain ng mga oso ang 42 na bata. Natakot ba ang mga tulisan sa nakitang pag-a-ala Jestoni ng bangkay? Kinaya ba ng puso nilang silakbot nito at idiniretso ang pagtugis sa mga lalaki? Sinubukan kaya nilang pataying muli ang bangkay?
At bakit hindi rin bumangon si Elisha? Hindi ba magkakadikit ang mga buto nya? Aba'y ewan.
Ang pinakamalaking tanong para sa akin e ano ang ginawa ng mga tao noong panahong iyon sa impormasyong ito? Meron raw bumangong bangkay noong sumagi sa kalansay ni Elisha. Hindi gaya ng ibang himala, hindi nangangailangan ng pananampalataya para umepek ito. Aba'y mahusay! Kung isa kang sundalo, ituturing mong mas magaling ito kesa anumang uri ng baluti o armor.
Isipin nyo: Sinumang mag-aangkin ng kalansay ng propetang ito e mabubuhay muli sa 'pag sumagi rito. Kapag nasaksak ka sa isang labanan, mabubuhay kang muli. Aba'y para ka na ring si Wolverine kapag ginawa mong kwintas ang mga ngipin ni Elisha.
Hinukay kaya ng mga tulisan ang libingan ni Elisha at ibinenta ang mga buto por kilo para pampabuhay ng bangkay? Mas tatabo pa sila rito kesa sa baryang madudugas nila sa mga hinoholdap nila. Binili kaya ng isang heneral o hari ang mga butong iyon? Meron kayang kultong nag-iingat nito sa kasalukuyang panahon?
Kung meron mang balak gumawa si Spielberg, handa akong igawa sya ng screenplay ng Indiana Jones and Ellisha's Bones.
YoBit lets you to claim FREE COINS from over 100 unique crypto-currencies, you complete a captcha one time and claim as many as coins you want from the available offers.
ReplyDeleteAfter you make about 20-30 claims, you complete the captcha and resume claiming.
You can press CLAIM as many times as 50 times per one captcha.
The coins will stored in your account, and you can exchange them to Bitcoins or Dollars.