Tuesday, May 20, 2014

Betamax Blues

Uso pa ba sa magkakabarkadang lalaki ang manood ng bold sa Betamax? Sa henerasyon ng mga kabataang lumaki sa Phonerotica at Bang Bros., isa itong konseptong mahirap intindihin at sakyan.

"Ano, magkakasama kayong manonood ng bold, porn sa bahay? At sa Betamax? Ano iyon? O saan iyon?"

Bago ang panahon ng mga pirated VCDs, DVDs, YouPorn at mga torrent, ang media na aming kinalakihan e Betamax o Beta, bold komiks at mga magasin.

Yung pinakamaliit na tape ang Betamax. Sigurado akong isa sa mga iyan e nirekordan ng Taboo. 
Ninuno ng mga VCD, DVD players at BluRay ang Betamax. Hindi uso noon ang bumili ng movies, bold man o hinde, pirated man o original. Inaarkila laang kasi iyon noon at nangangailangan ng membership card para makarenta. Ibig sabihin noon, 'pag papasok ka sa isang video rental shop, kelangang ipakita mo ang membership card mo, parang sa library. 

At dun nagsisimula ang problema ng mga kabataang gustong manood ng bold. Dahil makikita ng clerk na menor-de-edad kami, hindi kami paaarkilahin ng mga titulong naroroon. Oo, mahigpit na tinutupad noon iyon, hindi gaya ngayong naghambalang ang mga Barely Legal 16 in 1 DVD collection sa palengke, sa mga mata ng mga batang napapadaan. 


Sa tingin mo ba e hindi namin naisip gawin ito?
Ang pinakapwede ko laang gawin noon e dumaan sa XXX section at sauluhin sa gilid ng mga mata ko ang mga pamagat ng mga pelikula roon at pag-uwi e pagparausan ang mga ini-imagine na kwento noon. Halimbawa: Debbie Does Dallas. Ano kaya 'yun, sex tape ni Debbie Gibson at ng cast ng soap operang Dallas? Ang kakulangan sa larawan sa kahon e pinupunan ng imahinasyon.

Kahit picture ng mga pelikula noon kasi e wala sa kahon. Kalimitan e mga kopya laang ng orihinal ang makikita mong mga tapes noon kaya't mga kahong walang larawan ng pelikula laang iyon dahil walang RA Home Vision sa probinsya namin. Hindi pa uso noon ang Video City at ACA. 

Dahil sa kahirapang makaiskor ng tape noon, kelangan mo ng source. Sa bawat barkada ng mga kabataan noong 80s, merong pinagkukunan ng mga tape na ito. Kung saan nanggagaling, ewan ko. Tape ba iyon ng mga magulang nila, nakakatandang kapatid, lokong tiyo o iniiskor nila sa bagsakan ng bold sa ilalim ng isang madilim na tulay? Basta, sila ang pinagkukunan ng tape at me mga bagay na hindi mo na inaalam kung anong pinagmumulan at masaya ka nang nariyan iyan. Ang lagay e itatanong mo pa ba kung saan nanggagaling ang oxygen? 

Bukod sa source, kelangan ng venue. Ang napipiling art house naman e ang bahay kung saan ang mga magulang e laging wala, gaya nung mga nasa abroad o iyong mga nagtatarbaho nang Sabado. At dahil kokonti pa laang ang merong Betamax noon, nagsasama-sama ang mga magkakabarkadang lalaki para makinood sa bahay na ganito. Makikilala mo agad ang bahay na ganito kapag kasingdami ng tsinelas sa labas ng isang moske ang nagkalat na tsinelas sa labas ng pinto nila. 

Meron rin naman kaming Betamax. Sa katotohanan nga, nag-DVD na lahat ng mga kabarkada ko, kami e Betamax pa rin. Di na kami nakaranas ng VHS dahil bumili na ko ng VCD player nun noong nagkatarbaho na ako. Naghintay muna ang mga magulang ko na magtapos ako ng high school, college at magkatarbaho sa halip na makisunod sa teknolohiya ng home video entertainment. 
Minsan e naglinya nang tama ang mga buntala sa langit at nginitian ako ng Kapalaran. Nakahiram ako ng bold. Alam nyo ba kung gaanong kahirap nun? Ibig sabihin sa loob ng ilang oras o araw e mawawaglit sa taguan ng mga may-ari ng bold ang kanilang tape. At kung iyon e pag-aari ng mga magulang nila, ipagdarasal nilang hindi mapansin ng mga magulang nilang nawawala ang isang tape. 


Mauuna pang mapansin ang nawawalang bold na tape 
kesa nawawalang kamay ng santo sa simbahan.

Tandaang para makanood ng Beta, dapat e nakakunekta ito sa TV. Hindi ito gaya ngayong pwede mong bitbitin ang laptop o mobile device mo, kahit hanggang banyo ng opisina. Ang aming Beta noon e nasa sala. Syempre, hindi ako pwedeng manood run nang lantaran dahil mahuhuli ako ng mga magulang ko. Para akong tatakas sa Alcatraz o mag-i-Italian Job kung gusto ko talagang manood nang maluwalhati. Kelangan ng pagpaplano, pagdodrowing ng mga mapa at diagram sa salamin ng bintana para maisakatuparan ang panonood. Dapat e gumawa ako ng record ng kung anong oras at araw walang tao sa bahay. Dapat e kalkulahin ko ang mga anggulo ng kwarto at TV, mga picture frames na magtatalbog ng repleksyon ng palabas, gaanong kalakas ang volume ng TV, atbp. Basta, merong agham at matematikang pang-Wile Coyote na nasasangkot sa pagsasagawa nito. 

At ayon sa aking kalkulasyon, ang pinakamagandang pagkakataon e alas-onse nang gabi kung kelan nakakatulog na nang isang oras ang lahat. Sa gayon e nakasisiguro akong hindi na sila babangon para lumabas ng kwarto at mag-CR. 

Nanginginig ang mga kamay na isinalpak ko ang tape sa Betamax player. Hindi na ako umupo sa sofa dahil walang remote. Sa gayung paraan, 'pag narinig kong lumalangitngit ang pinto ng kwarto ng mga magulang ko, alam na ng aking kamay na dapat alisin ko sa Channel 3 at ilipat ko sa Channel 4 ang dial ng TV. Praktisado ko na at nakalagak na sa aking muscle memory ang gagawin sa sitwasyong ito.

Naririnig ko ang paghinga ng bawat tao sa loob ng bahay. Tahimik at sigurado akong nahihimbing na silang lahat. At syempre, natesting ko na kung gaanong kahina dapat ang volume ng TV para marinig ko nang sapat ang mga ungol, este, maintindihan ang dialogue, pero hindi sapat para marinig nila. 

Hinipan ko ang dulo ng mga daliri ko, pampahiyang. Pinindot ko ang play. Nasa gitna na ang palabas na puro brown ang kulay. Kamputa, nalimutan ko palang i-rewind muna! Lahat ng pagpaplanong ito, naantala nang bahagya dahil nalimutan kong i-rewind. Pero, saglit laang ito. Konting rewind-rewind laang, tapos play ulit nang limang segundo, tapos ulitin ito hanggang marating ang simula. Narinig ko ang pamilyar na tunog ng isang Betamax na nagrerewind. Kapag pala ganitong meron kang inililihim e malakas ang tunog nito.

"Aba't teka, parang hindi nagpe-play?" 

At ang kinatatakutan ng lahat ng mga taong nagpupuslit ng bold sa kanilang Betamax e naganap sa akin. Kinain ng player ang tape. At wala kaming screw driver. Santambak na hindi na ginagamit at inaagiw na text books, marami. Pero, ni isang screw driver, martilyo o thumb tacks e wala. Kapag hindi ako nakahiram ng screw driver sa lalong madaling panahon e matutuklasan ng mga magulang ko ang aking krimen.     


Operation Open and Retrieve

Sa loob ng mga sumunod na araw e ang panghihiram laang ng screw driver ang nasa isip ko. Naka-auto pilot akong pumasok sa eskwelahan noon. Bawat pagpapalit ng klase e hudyat sa paglapit ng oras para magwakas ang araw ko sa paaralan. Binibilang ko kung ilang oras pa ang natitira para makauwi at makahiram ng screw driver.

Nung mismong hapong na nakahiram ako ng screw driver e naabutan kong nanonood ng Gabi na Kumander ang aking mga magulang. Mabilis kong tinago sa likuran ang kamay kong merong hawak na screw driver, pero alam kong nasilayan nila iyon. Hanggang ngayon, higit na 20 taon na ang nakakaraan, e hindi pa rin namin pinag-uusapan ang pangyayaring ito.      

At sa kasalukuyan e mga 100 gigs ng porn ang laman ng aking external hard drive. Abot-kamay laang ang lahat. Hanggang ngayon pag walang tao sa bahay, 'pag naisipang lumabas ng misis ko at isinasama nya ang aming anak at helper, ganun pa rin ang instinct ko - Uy, pagkakataon!


29 comments:

  1. Naalala ko tuloy bigla 'yung nanuod kami ng bold ng mga kaeskuwela ko sa haiskul. Kaso VHS na ang gamit namin nun, wala ng betamax. Pero na-convert na rin 'yung movies ni George Estregan sa ibang form, haha. Kaso 'pag gawang Pinoy ay parang maruming panoorin. Ewan ko, ha. Siguro dahil na rin sa kulay natin, hehe. Todo effort pa talaga ang panunood nun. Kailangang tumiyempo na walang tao sa bahay. Hindi gaya ngayon na napakadali na lang manood. Kahit sa cp puwede na. Boyws will be boys, 'ika nga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Andali na ng buhay ng kabataan ngayon. Kelangan pang dumiskarte noon para makanood. George Estregan! Synonymous na sa bold ang pangalan noon kahit hindi naman bold ang buong listahan ng pelikula nya. Hehe.

      Delete
  2. Buti 'di ginaya ni George Estregan Jr., hehe. Eh, si King Gorge sino naman kaya 'yun? Lagi kong naririnig sa kasamahan ko sa trabaho dati. Di ko lang nausisa kung sino 'yun. Pati pala si Dick Israel lumalabas sa mga porn nun. Kunsabagay, pangalan pa lang niya haha.

    ReplyDelete
  3. Hindi ko ata inabutan iyon a. Napanood ko si Dick Israel isang beses. Tama, pangalan pa lang e. Hehe.

    ReplyDelete
  4. Alam ko yung Betamax pero di ako nakapanood pano ine-exclude ako ng mga pinsan kong lalaking binata pa noon tuwing sila ang magkukumpulan para manood (mga punyeta). Pero siguro tama ring di ak nakapanood nun at baka me tween na ko ngayon kung napaaga panonood ko ng ganyan

    ReplyDelete
  5. Weird na siguro ngayon ang magyaya ng kabarkadang manood ng ganito. Hehe.

    ReplyDelete
  6. Kung baga, "Gone were the days...it's a whole new generation" :) Kahit ako wala ng makitang betamax tapes ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Narinig mo na yung tungkol pagbabalik ng cassette tapes na ilang tens of gigs na files ang kayang i-store? Hindi ko alam ang detalye, pero nagbabalik yata. Malay natin baka magkaganun run ang Beta. Hehe.

      Delete
  7. Di koo alam kung naabutan kp pa ang betamax. Pero sa generation ata ngayon wala na makikitang ganun and mas madami na pong option mga kabataan ngayon kung san sila manunuod. And open din po masyado yung internet kaya kahit bata kayang manuod ng kahit anong movies na mahahagilap nila sa mga sites.

    ReplyDelete
  8. Di koo alam kung naabutan kp pa ang betamax. Pero sa generation ata ngayon wala na makikitang ganun and mas madami na pong option mga kabataan ngayon kung san sila manunuod. And open din po masyado yung internet kaya kahit bata kayang manuod ng kahit anong movies na mahahagilap nila sa mga sites.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At bukod roon, lantarang nagbebenta sa overpass sa Quiapo ng mga sex toys. Noon ko pa nakita iyon, nung rehimen pa yata ni GMA. Iba na ata ke Noypi, hindi na yata pwede.

      Delete
  9. Hahaha! Natawa naman ako sa Throwback Thursday entry nyo sir. Naabutan ko rin ang Betamax at 1996 ata yun. Elementary pa ko. Katulad mo, dito ko rin napanood yung unang "porn" dahil sa pinsan ko. Ang tagal na. Nagkaroon din kami VHS, VCD at DVD nga. How time flies talaga. Nakakatuwa naman. Ang tanda na natin. Haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Nagpapakilala pala ng edad ang entring ito. Naalala ko tuloy ang mga kuya kong pinsan sa sinabi mo. Impluwensya! Hehe.

      Delete
  10. ang mga betamax tape namin noon, ngayon inaamag na. pero naka display pa din sya sa kabinet. koleksyon ba...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun pa nga pala ang isa sa mga problema nun - bukod sa kinakain - amag.

      Delete
  11. vhs na yung naabutan ko... ehehe.. nagrerent pa sa video city... ngayon walang kahirap hirap basta me internet pwede na makapanood kahit ano... :)

    ReplyDelete
  12. Yes, I still remember betamax.. Pero VHS na yung talagang gamit namin noon.

    ReplyDelete
  13. Mas masarap ngang manuod ng betamax!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas masarap ba 'yung pinaghihrapan, kesa easily accessible?

      Delete
  14. inabutan ko pa ang betamax pero hindi kami nagkaroon nuon sa aming tahanan. Nakikinuod lang kami ng betamax sa kapitbahay namin kung papalarin kaming maimbita.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ngayon, lahat makakanood na ng movies nang madali. Swerte ng kabataan ngayon. Hehe.

      Delete
    2. Isa pa nga pala, naalala ko nung panahong iyon, inaabangan ko ang line up ng mga pelikulang ipapalabas ng mga local channels sa darating na taon noon. Big deal dati yung weekend night movies sa local channels.

      Delete
  15. As usual, nakakatawa ang mga sinusulat mo... Lahat eh sumasalamin sa realidad ng buhay.. Kaka let go ko lang ng betamax tapes and tv ko na nakaka play ng tapes (pero di bold hehehe).. nanghinayang tuloy ako nung nabasa ko ito hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat. Ang hindi ko pala nabanggit e ang laser disc player na natanggap ng ama ko bilang isang non-gift sa birthday niya. Nung panahong iyon e VCD at DVD na ang uso at sa museum ka na laang makakakita ng discs. Doon ko laang naintindihan ang ibig sabihin ng laser disc copy sa mga Betamax at VHS noon.

      Delete
  16. Nakapreserve pa dito sa amin ung betamax at mga tapes namin. Good ol' days.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maganda rin palang kuleksyon iyon, lalo na't marami. Magandang display iyon sa isang eskaparate.

      Delete
  17. si kuya ude ang kasama namin nuon na manuod ng bold sa betamax.. after yun ng simbang gabi hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Balita ko e merong mas classic pa rung kwento ke Ude. Haha!

      Delete