You know what
we need? Ballsy protesters like Carlos Celdran. Kabaong bilang simbulo ng
opresyon? Pagsunog ng effigies ng mga nirereklamong personalities, gaya ni GMA?
Hunger strike? Ho-hum! Boooo-ring! Magdamit na ala-Jose Rizal na may bitbit na
karatulang ‘DAMASO’ at magsisigaw ng “Stay out of our politics!” sa isang
ecumenical service na ang attendees e gaya ng mayor na si Alfredo Lim at mga
importanteng obispo? Now, that’s a goddamn protest!
Rehearsal 'to sa pagsundo niya sa NAIA sa isang foreginer na ang pangalan e Damaso |
Ngayon, dalawa’t kalahating taon
matapos ang stunt na maililinya ko sa isang WWF Attitude Era o MTV Jackass
stunt, e nasentensyahan syang makulong mula dalawang buwan hanggang higit isang
taon. What’s wrong with that?
Maraming nagsasabing pagsikil raw
ito sa freedom of expression. Freedom of expression? Don’t get me wrong. I’m all
for freedom of expression. Pero, meron itong limitasyon at hangganan; may
tamang oras, may tamang lugar -gaya ng internet dahil suspended ang CLL. Hiling ko laang sana e sa isang misa sya umeksena
sa mismong consecration, kung kelan nagkakatawang-kristo raw ang tinapay, para
mas kwela. Yun sana ang da best.
Gawin nyo ito sa pag-alaala sa... DAMASO! DAMASO! |
Ang ginawa niya e binulabog niya
ang isang ‘religious gathering’ sa isang
lugar ng pagsamba. I love it, pero kahit na sa katulad kong infidel, alam kong
sablay yun. Ngayon, kung hindi ka sang-ayon sa sinasabi ko, subukan mong
maghost ng isang pork chop at barbecue isang moske sa Quiapo. Pag nagawa mo ‘to, sige, panalo ka na. Kasi, pwede naman sanang ipahayag niya ang damdamin nya tungkol sa RH Bill sa ibang lugar, sa ibang pagkakataon, gaya
ng isang intelehenteng pagdedebate sa TV –hindi nga laang kasing-astig.
Kung habang ako e nanonood ng The Dark Knight Returns sa isang sinehan at merong isang
kupal na aktibisitang umeksena’t nagtatatalak ng “Ibagsak ang mapang-aping
kontrol ng Hollywood!” habang umaakyat papalabas ng balon si Bruce Wayne, hindi
rin ako matutuwa. Yup, dahil si Batman ang aknig diyos.
At sa panig naman ng mga obispong katatapos
laang maolats sa kanilang anti-RH Bill stand, pipwede sana nilang kunin yung
pagkakataon para iaalay ang kanilang kaliwang pisngi, sa halip na magsampa ng
kaso at ipakitang hindi sila mga Damaso, gaya ng paratang sa kanila. Bakit nga naman palalampasin e pagkakataon nang turuan siya ng leksyon at leksyon e "This is what happens when you fuck the bishops in the ass!" Kung meron
mang napatunayan ‘tong pagsasampa ng kasong ito, iyon e ang hindi nila kayang
palampasin ang isang stunt na nakaka-offend sa kanilang religious feelings. At "Don't ever fuck bishops in the ass".
Oops, I’m sorry, did I offend
your religious feelings?
Yup, batas pala ito. Hindi ka dapat
maka-offend ng religious feelings ayon sa Article 133 of the Revised Penal
Code. Ito e ipinapataw sa sinumang mang-ooffend ng
mga faithful sa kanilang lugar ng pagsamba o sa kanilang pagdiriwang isang
seremonya. Ito ay may karampatang parusa ng pagkakabilanggo mula 2 buwan
at 21 araw hanggang 1 taon 1 buwan at 11 araw.
Hindi ito sa pang-ooffend sa religious feelings in general. Hindi kasama rito 'yung aalukin mo ng dinuguan ang isang myembro ng Iglesia ni Cristo sa isang inuman. O pilitin ang isang Sabadista na dumalo sa isang party sa Sabado na ang handa e sinigang na hipon. O alukin ng 50% off discount sa pigurin ni Mama Mary ang isang Protestanteng bisita mo sa bahay.
Hindi ito sa pang-ooffend sa religious feelings in general. Hindi kasama rito 'yung aalukin mo ng dinuguan ang isang myembro ng Iglesia ni Cristo sa isang inuman. O pilitin ang isang Sabadista na dumalo sa isang party sa Sabado na ang handa e sinigang na hipon. O alukin ng 50% off discount sa pigurin ni Mama Mary ang isang Protestanteng bisita mo sa bahay.
Maaring lumang batas ito at medyo nakakatawang pakinggan, pinoprotektahan nito ang mga 'faithful' sa mga bagay na kagaya nito:
- Pamumugot ng ulo sa mga pigurin sa simbahang Katoliko
- Pagkakatay ng biik sa isang moske
- Pagko-cosplay na merong theme na santo sa lugar ng pagsamba ng mga Protestante
- Pagbitbit sa isang Manalo sa isang mass indoctrination ni Eli Soriano
Saglit lang yan, Carlos
At sa uri niyang isang merong celebrity status, hindi yan aabutin ng 1 taon. Si Robin Padilla nga, nakulong sa ilegal possession of firearms, balik showbiz na ngayon at namamayagpag muli ang career ngayon. Saglit laang ‘yung halos 3 months. Para ka laang estudyanteng sa halip na nagbakasyon e nag-summer classes. Tanggapin na niya. Tutal nagawa naman niya ang gusto nya, umani rin naman ng publicity yun, nakapagpasaya ng mga fans, at nanalo rin ang RH Bill nung lumaon, hindi na masama. Aba’y tatlong buwang kapalit para sa isang sandali ng tagumpay na matatandaan sa mahabang panahon? Pandagdag pa sa kanyang street cred 'to. Aba’y ayos na.
Hmmm... Ilang buwan kaya ang gugulin ko kung ako e mag... Teka, isang buwan laang pala ang school break ko. Hwag na lang.
If there's a law against "disrupting a ceremony deliberately", so I guess Beltran should go to jail.
ReplyDeleteIf "offending a religious feeling", it's his right to offend anyone and he should go scot free.
I agree with you. If it's offending someone's religious feeling in general, ayos lang. I used the term and defined it as such. Thanks, for visiting.
ReplyDeleteAlthough we have different views on religion, I agree with your article on why atheists should be thankful to Christians. Everyone should read this: http://www.gwapito.com/why-atheists-should-be-thankful-to-the-christians/ I think it's a topic I missed the opportunity to write about.