Para saan nga ba ang mga posts sa Facebook? Sa tanong na "What's on your mind?" segundo iisa laang ang sagot ng mga lalake riyan tuwing tatanungin nyo sila nito sa bawat minuto -sex.
Nung una ako nagkaaccount sa Facebook, e ganito ang intindi ko sa status posts. "Really, you're asking me this? Aba'y anupi? Sex!" yan ang sabi ko sa sarili ko.
Pero alam nating lahat na ang status posts e hindi ganun laang ang silbi. Kung ganito laang ang silbi nito e malamang puro mga ganito ang nasa posts ng mga lalakeng online sa loob ng isang oras:
- Aling site kaya ang hindi blocked ng aking kompanya?
- Ano kaya ang suot na underwear ni ________?
- Tangna, anlaki pala ng boobs ni ________! Ngayon ko lang napansin.
- Aba'y di ko pa nga pala napapanood 'yung dinawnlowd ko.
At alam ninyo na ang ideya. Pero sa Facebook na ito, sari-saring bagay ang ipino-post ng mga tao, mga berso ng bibliya, ninakaw na quotes, mga tungkol sa sinusundan nilang basketball, tungkol sa mga karelasyon nila, mga nangyayari sa eskwelahan ng anak nila, at iba pang mga bagay na passionate ang mga tao.
Pero ano naman ang pananaw ninyo sa sa isang taong nagpopost ng bawat maliliit na detalye sa buhay nila, mula sa kung ano ang kinakain nila, pinapanood nila hanggang sa estado ng pagiging busog na nila.
Actually, mas marami pang likes 'tong post ng isang kumakain kesa sa blog entries ko. |
Ayon sa isang Nelson, ang mga posts na ganito e walang saysay sa mga taong bumabasa nito. At para sa kanya e hindi na raw sya magpopost ng mga walang kabuluhang posts na gaya nito. At ang iniwan niyang post ay 'Time is gold.'
Sa post na ito e me nagreact na kaibigan nyang si Denver. Sinabi nyang ang mga posts na yun e hindi para sa kaligayahan ng ibang mga mata. Wala raw pakelam ang iba kung me nagpopost ng mga pagkain nila, bagay na binili nila, atbp. Hindi raw saklaw ng nagbabasa nito kung ano ang nasa isip ng nagpopost ng ganito. Tinanong rin ni Denver na baka yung taong pinariringgan niya ang walang kwenta o baka naman naiinggit laang.
Pero kelangan ba nating malaman ang
bawat malilit na bagay na ganito? Hindi ba nakakapeste rin bilang mambabasa na
makakita ng mga ganitong detalye? Ako mismo e nagbukas ng bagong account para makaalpas
sa mga basurang nakikita ko sa luma kong account. Meron ring akong nilulutong post tungkol sa isang bagay na medyo kahawig nito (Ipopost ko within the week or next).
Sa isang banda, wala ka rin namang mahita sa isang friend na hindi nagpopost. Hindi mo alam ang nangyayari sa kanila dahil wala silang ibinabahagi sa inyo, kulungkutan, kasayahan o trivial man.
Heto ang original post ng iringan:
Kaya't ang tanong: Wala nga bang kwenta ang mga status updates na ganito (anong kinakain mo, anong pinapanood mo, at mga kauri nito) para ipaskel pa sa Facebook?
Bukas ang linya para sa inyong opinyon. At gaya ng naunang episode ng Facebook Ref, ang magwawagi sa bagay na 'to e ilalagay sa The Facebook Ref billboard.
Mukang maganda iyan a. SWA ba 'yan?
ReplyDelete