Isang taon na ang nakakaraan nung
meron akong ipinost na ikinaasar at ikina-unfriend ko sa isang high school
crush ko. (Naakatanggap rin ako ng private message sa isang kasamahan sa
tarbaho’t tinanong ako kung ano ang reliyon ko.) Nagsimula ‘to sa isang post ng
isang ‘friend’ ko sa Facebook. Dahil ayokong mag-comment doon, sa sarili kong
wall ko ito isinulat. Ito ‘yung isinulat ko noon:
I'm getting sick and tired of people claiming to know what god thinks:
from horoscope-like daily verses to quotes. Three of 5 posts I'm seeing are
about god this and that. Here's something: why don't you people just live up to
it and let your actions show what your mouths are running (or your fingers are
typing)? Live up to it and you don't have to advertise how religious you are.
Sa totoo laang, ‘di ko makita kung paanong naging ‘offensive’ ‘to sa kanya o sa iba pang katulad nya.
- Hindi ko pinangalanan ang reliyong sinasabi ko. Maaring Islam, Kristyanismo (Katoliko, Protestante o The Door of Faith sa Daang Amaya sa Tanza), Zoroastrianismo o Hinduismo. Para magreact ka rito e para kang nagreact na galit na galit sa tanong na “Sino’ng umutot?” na hindi naman pala ikaw.
- Wala rin naman akong sinabing masama tungkol sa reliyon nila o pagkakaroon ng reliyon in general. Kahit mismong mga tagasunod ng alinmang reliyong ito e sasang-ayon sa aking mas mahalaga kung paano sila mamuhay ayon sa turo ng kanilang reliyon kesa sa mga app-delivered verses at copied-and-pasted na quotes. Sa totoo nga, dapat ikatuwa nila ang mensahe ko dahil hinihimok ko silang mag-step up at maging tunay na halimbawa ng reliyon nila. (Sa listahan ng konting nag-like, isa run ang alam kong reliyoso.)
- Ang dapat maasar run e ang mga ipokrito, sanctimonious, self-righteous, judgmental religious buffs na akala ko e hindi sila magrereact dahil masyado silang ipokrito, sanctimonious, self-righteous, judgmental religious buff para mapansing sila pala ang tinutukoy ko.
Meron ba akong ini-imply bukod sa
aktwal kong sinabi? Sa tingin ko e kasing-linaw ng kristal ang mensahe ko. Kung
gusto nyong malaman kung sino mismo ang tinutukoy ko e ito e mga Kristyano,
lalo na ‘yung mga Protestants na mas mahilig sa verses. Sila ang mas mahilig
mag-quote-quote sa bibliya.
Merong santambak akong quotes na
nabasa na ikinaasar ko sa puntong gusto kong ipamuka sa kanila ang kanilang
pinagsasabi. At hindi ko ginawa sa dalawang rason: (1) Dingding nila ‘yun,
bisita ako, kaya’t kabastusang tirahin ko sila sa sarili nilang bahay. At ‘ika nga
sa ngayon ko laang natuklasang buzzword at revised golden rule “Walang basagan
ng trip”. (2) Inutil ang makipagtalo tungkol sa reliyon sa reliyoso.
Ang resulta ng pangyayaring ‘to e
ang aking sariling version ng Noah’s Ark. Binaha ko ang luma kong account
(actually inactive laang, binibisita ko once every three months, pero mas
dramatic ang ideya ng baha) at nagligtas laang ako ng iilang friends na
inimbitahan ko. Mas madali kasi kesa magbura ng friends sa luma.
Ngayon nga e isang taon na ang
account ko, isang taon na rin akong hindi napepeste ng mga ‘On this day, god
wants you to... shut the hell up already about claiming to know how the fuck I
feel.’ Karamihan rito sa friends ko e (sa tingin ko) mga taong merong matinong
pag-iisip at kontroladong sayad para maintindihan ang punto ko. Kung me naligaw
man sa inyo rito e maari rin kayong tahimik na i-unfriend ako kung ikanapipikon
nyo ‘to.
Comments are welcome. Hindi
mababasag ang trip ko. Siguruhin nyo laang na walang mababasag sa
inyo.
No comments:
Post a Comment