Sunday, June 15, 2014

Father's Day Celebration Ideas for Fathers from a Father

Isang paumanhin sa mga asosasyon ng mga mommy bloggers na nabasa kong naglabas ng Father's Day ideas, pero ang da best na Father's Day ideas e sa mismong mga fathers nanggagaling at hindi sa mga mommies. Kung ang misis ko ang masusunod e malamang na magsusuot ako ng peach na t-shirt at kakain kami sa isang fine dining nang mas mahal pa ang ambiance at service kesa sa pagkain. Sa December, ang tunay na petsa ng Mother's Day sa Pinas, kokonsultahin ko kayo para sa mga ideya kung paano ipagdiwang ang Mother's Day para sa misis ko.

Hwag ipaalala sa mga misis na Father's Day ngayon. 

Nagtataka kayo malamang kung paano maipagdiriwang ang isang okasyon kung makakalimutan ng magbibigay sa iyo nito kung kelan ito. Hintay laang at aking ipapaliwanag.

Alam nyo kung anong klaseng impyerno ang daranasin nyo kung malilimutan nyo ang birthday nila, Valentine's o anibersaryo nyo? Alam nyo sigurado dahil sa haba ng pagsasama ninyo e malamang nangyari na ito. Ngayon ang pagkakataon para bumawi. 

Mas maganda sana kung ipinaalala nyo ito noong mga nakaraang linggo. Sa ganitong paraan, pwede nyong sabihin sa huling, pinaalalahanan kita. Mas maganda rin sana kung ipapaalala nyo ito sa mga pagkakataong abala sya't merong ginagawa para siguradong malilimutan rin. Tapos, ngayon mismo e hwag kayong papahalatang Father's Day. kakutsabahin nyo ang mga anak nyo sa bagay na ito.

Ang pinakauna nyo laang na problema e kung nagsisimba kayo dahil sigurado akong ipapaalala ng mga paring ngayon e Araw ng mga Ama kahit na hindi naman sila ama (karamihan sa kanila e hinde). Kapag aktong mambabati na ang pari, kalimitan e 'pag simula o patapos na ang misa, doon kayo makipagkwentuhan sa misis nyo tungkol sa isang kaibigang buntis o nanganak. Walang paksang kukuha ng kanilang atensyon gaya ng balita ng pagsulpot ng bagong nilalang sa mundo sa pwerta ng kaibigan nyo. 

At dahil alam kong nahuhumaling siya sa mga Koreanovela, sigurado akong malilimutan niya iyon. At gaya ng inaasahan, nanonood sya habang sinusulat ko ito at naipost ko na sa Facebook ang larawan naming mag-amang nag-eenjoy ng nasi goreng o Indonesian fried rice na niluto ng aming pembantu o helper.
Walang kaalam-alam sa aking masamang balak si misis! 
Kapag nalimutan nya ang pinakaimportanteng petsang ito para sa isang ama, magi-guilty sya at mapipilitang bumawi. Sa katunayan, alam naman nating mga amang hindi naman talaga ito ganoong ka-big deal at mas iportante pa sa atin ang Game 5 bukas at season finale ng Game of Thrones, pero gagatasan natin ang araw na ito para sa ikasisiya natin. 

Kapag nalimutan nya ito, tagumpay kayo ngayong araw na ito dahil kahit anong araw makakapili kayo kung kelan nyo gustong mag-Father's Day. Kayo na ang bahalang gamitin ang Money-in-the-Bank contract na ito sa mga sumusunod na araw para makuha ang gusto nyo. At alam nating lahat na sa tatlong ito laang umiinog ang lahat ng ating gusto:

1. Inuman pass na pwede nyong gamitin kung kelan nyo gusto. 

Beer at barkada. Ano pa ba ang mahihiling natin? Sa oras na merong nagko-conflict kayong lakad, bertdey ng kaibigan nyo at kasal ng isang pinsan nya, pwede nyong gamitin ang MITB contract na ito. 

2. Pagbili ng isang hobby item

Alam nyo ang mga bagay na bibilhin nyo kung kayo sana e binata pa at walang isinasaalang-alang na ibang gastusin, gaya ng electricity bill at tuition fees. Ito 'yung mga bagay na nadaraanan nyo sa iskaparate sa mall at naaalala nyo ang aral na itinanim sa inyo ng inyong kuripot na ina nung sinasabi sa inyong: Anak display laang iyan.

Ito e mga bagay na gaya ng Sin City graphic novel, RC plane, panglimang pares ng running shoes, barbell, PS4 o anumang gaming console dahil hindi video game ang Candy Crush, tatong bungo o anumang matagal nyo nang inaawitang bagay na itinuturing niyang 'aksaya laang ng pera' dahil hindi ito makakain o maidaragdag sa pambili ng beauty products o treatments nya.


Gusto nyo nang bumili nito noong si Ultimate Warrior pa ang Champion.
3. Sexual favor

Pabor ang tawag dito dahil higit pa ito sa karaniwan nyong ginagawa ng misis nyo. Pagbuhusan mo ng panahon ang pag-iisip kung anong bagay sa pagtatalik ang kanyang tinatanggihan at iyon ang inyong hilingin. Sapilitan niyang ipagpapaubaya sa inyo dahil nalimutan nyang batiin man laang kayo ng Happy Father's Day. Iba-iba ito sa mga couples. 


At para sa iba iyon e pagdamitin ang misis nila
na parang yung tag team na Demolition
Happy Father's Day sa ating lahat kapag tayo e nagtagumpay sa araw na ito!



2 comments:

  1. Happy Father's Day bro!Have fun with your family.

    ReplyDelete
  2. Salamat. As of press time, hindi nya pa naaalala. Hehe.

    ReplyDelete