Wednesday, February 20, 2013

Gender Equality: Tatlong pangyayaring kumukumbinsi sa aking parehas laang talaga ang mga lalaki at bubae

Yup, kakapagod magbasa ng libro at makipagtsisimisan sa kapitbahay.


Malamang e nakikita ninyo dati itong nagkalat sa sirkulasyon sa FaceBook na parang pinapakitang mabigat ang trabaho ng isang bubae. Ilang taon ang nakaraan, dati, malamang e tumango ako sa opinyong katulad ng nasa picture na ito at sumang-ayon at sabihing, “Tama, andaming kupal na lalaki sa mundo at kinakawawa ninyo ang mga bubae!”

Sa maniwala kayo’t hinde, buong sinseridad kong pinaniniwalaang ganyan nga ang mundo –ang mga bubae ang bida at ang mga lalaki ang mga mapang-api at kontrabida. Not that I was doing it so that I would roll into pussy heaven (hindi rin naman umepek, kung akong tatanungin nyo), pero sincere akong naniniwalang mga under-appreciated ang mga babae at natatapakan, atbp. Pero, merong ilang pangyayari sa aking buhay nagpapatunay na hindi ito totoo at isang myth laang ang lahat. Pagdating sa kakupalan, parehas laang ang mga bubae at lalaki. 

Ngayon, bago tumaas ang feministang kilay ng mga bubaeng nagtityagang magbasa, basahin nyo muna ito nang buo para maintindihang tungkol sa gender equality ang gusto kong palabasin. Hindi ko ibinababa ang mga bubae, bagkus, iniaangat ko pa nga kayo sa kupal level ng mga lalaki. Gender equality rin 'yun, 'di ba? 

At sa puntong ito e napapaisip na kayong mukang hindi ko alam ang ibig sabihin ng terminong gender equality. Sige, malamang e mali nga ang gamit ko ng term at alam kong mali ito kapag nagkagoogle-an na. Pero, ang punto ko, pare-parehong tayong mga kupal -mapalalaki man o bubae.  

Tatlong myth-busting na pangyayari na nagpapatunay sa aking pagdating sa kakupalan, pantay laang ang mga bubae at lalaki:

1. MRT Segregation Scheme (2007)


MRT mirage ng mga lalaking pasahero

Hihirit-hirit ang mga bubae ng gender equality, tapos e hihingi sila ng espesyal na pagturing sa MRT. Lagi na laang panghirit ng mga feminista (gender equality activist o kung anuman ang tawag na gusto nila) e pantay laang raw ang mga lalaki at bubae, pero 'pag ganyang pabor sa kanila, hindi nila sasabihing, "Mali 'to. Dapat pantay-pantay tayo. Lalaki -babae, walang pinagkaiba. Dapat e patas laang. Tatayo rin kami kung dumating kami na puno na ang tren ng MRT."

Sa MRT Segregation Scheme e merong isang espesyal na section na nakalaan para sa mga bubae (matatanda at may kapansanan, mapalalaki man o bubae). Hindi ba't pang-uuri ito at parang pagsasabing mas mahina ang mga bubae? Bakit hindi sila umalma? Alam ko na ang sagot: Para hindi matsansingan? Pano na yung hindi naman katsansing-tsansing? Feeling nila katsantsing-tsansing rin sila?

Ang pinakamalaking bagay na sumira sa akin ng myth na ito e ang naranasan ko ilang taon matapos ipatupad ang segregation scheme na ‘to. Magiging ama na ako noon at kasama ko ang misis kong buntis ng ilang buwan. Kung ilan eksakto e hindi ko alam. Pero ang alam ko, sa laki ng tyan nya e hindi naman siguro sya mapapagkamalang kagagaling laang sa isang pyesta o handaan kaya't ganung kabundat.

Sabi ko sa sarili ko, aba’t mahaharap ako sa sitwasyong magagamit ko ang ‘pribilehiyo’. Dahil kailangan ako ng aking misis sa kanyang tabi, pinapasok ako sa espasyong nakatakda lamang para sa mga nilalang na kinikilala ng ating batas bilang mahihinang uri. Aba’y mas maluwag nga’t mas maalwan, makakatayo ka ng hindi nalalaman ng ilong mo kung ano ang kinaing tanghalian ng kapwa mo pasahero.

Ang disillusionment na naganap

Nakatayo kami ng buntis kong asawa noon. Uulitin ko, halatang buntis na asawa ha, hindi lang four months. Ni isa sa mga bubaeng naroroon, walang nagpaupo sa asawa kong buntis. Isang buntis! At kapwa nila bubae! Ni isa sa kanila, walang nagpaupo? Naghihintay ba silang merong lalaking magpaupo sa kanya? Ng lalaki sa isang 'for female passengers only' na section? 

Note: 2007 ang pangyayaring ito. Balita ko e sa taong ito, 2014, e pinaparaffle na raw ang mga token sa MRT dahil sa sobrang siksikan at ang mga buntis na merong planong magpaabort, pero tinatanggihan ng mga ospital, e dito sumasakay. 

2. Rafael Rosel vs Rovic (Early 2000s)
Tabing-Ilog, mas maganda pa sa Dawson's Creek
Nung kasagsagan ng kasikatan ni Rafael Rosel dahil sa isang patalastas ng toothpaste, isiningit nila ang aktor na ‘to sa love team nina Eds (Kaye Abad) at Rovic (John Lloyd Cruz) sa Tabing-Ilog. Ito e matapos nang magdaan nina Rovic at Eds sa iba’t ibang pagsubok, pagtatampuhan, pagbabati, at ilang karanasan sa buhay na maituturing mong milestones sa buhay nila. Silang dalawa ang pundasyon ng buong series. 

Ang pagsingit na ‘to ni Oliver (Rafael Rosel) e parang pampaanghang laang dapat kumbaga sa isang love team na nasasadlak sa isang plateau. Kumbaga sa wrestling, ginawa laang triple threat ‘yung love team para maging mas interesting, pero, dahil sa nararamdamang pagsikat ni Rafael Rosel, talagang kumaribal ito sa orig na love team.

Tandaan ninyong ito e nung panahong wala pang alam na season-season o book-book ang mga serye noon. Hindi tapos ang pagshu-shoot ng buong serye bago ito ipalabas. Ibig sabihin nito, maaari nilang baguhin ang tinatakbo ng isang serye dahil sa pagkawala o pagdagdag ng artisita o dahil sa ratings. Kaya’t sa gitna ng isang serye, maaring magbago ng direksyon ang isang soap. At ‘yun ang kanilang ginawa. Inisip nilang kayang dalhin ng agos ng kasikatan ni Rafael Rosel ang buong palabas, isang role na ginagampanan nang matino ni John Lloyd non.

Hindi ko alam kung hindi sila desidido nang ganap o gusto nilang gimikan talaga ang palabas at sumaydlayn sa pamamagitan ng text votes. Ang ginawa nila e nagpaboto sila sa pamamagitan ng text votes kung sino dapat ang makatuluyan ni Eds. Ibinoto at kinampanya ko pa si Rovic sa mga pamilya't kaibigan kong walang alam sa Tabing Ilong dahil siya ang tunay... Teka, ipapaliwanag ko pa ba? 

Fast forward tayo. Nanalo si Rafael Rosel at sila ang ikinasal ni Eds dahil sya ang pinili na karamihan ng mga bubaeng tagapagtangkilik ng pabas. At isinantabi si Rovic. Kelangan pa yata nilang gamitan ng amnesia si Rafael Rosel para mapaltan uli ni Rovic sa huli.

Ang disillusionment na naganap
Ano na ang nangyari sa romantic feelings ng mga bubae? Nasan na ang ilang taong pagsasama nina Rovic at Eds? Hindi mahalaga sa kanila ‘yun? Lahat ng ito winaldas nila dahil sa bago nilang crush na model ng toothpaste?! Ngayon, ‘pag pinaratangan tayong mga lalaking napaka-superficial na ipagpapalit ang kanilang mga GF at asawa sa mga mas bata, mas sexy, mas maganda, tandaan ninyo ang tatlong katagang ito: Rafael Fucking Rosel!
Dahil ang gusto ng mga bubae sa isang lalaki e sensitive. 
3. Appreciation (Kelan laang)

Lagi na laang ito ang hirit ng mga bubae: “Hindi mo ako naaappreciate...” Hindi napansing binago ang hati ng buhok, hindi napansing ipinagluto ng fried chicken (sobrang sarap akala ng lalaki e delivery mula sa Jollibee), hindi napansing bagong ahit ang kilay, hindi napansin ang natural-look na makeup na  ang desired effect e parang walang makeup. 

Ang disillusionment na naganap

Alam nyo kung ano ang hindi napapansin ng mismong asawa ko at hindi pinasasalamatan? Ang yagbols kong lingguhan kong inaahit! Alam nyo ba kung gaanong kabusising mag-ahit ng rambutan? (Basahin nyo na rin iyung link ng nakapending na patent nung sistemang naimbento ko kung paano mag-ahit sa banda iyun.) 

Pupwedeng makatuklas ako ng panibagong malinis na pagkukunan ng enerhiya at ang mapapansin ng misis ko e ang nalimutan kong imising medyas na naiwan sa lababo. Pagdating sa pag-aappreciate, pare-parehas laang tayong hindi naaappreciate.

Nagdedemand sila ng appreciation para sa mga chores sa bahay. E pano na ang mga face-melting presentations ng asawa/ BF nilang nagtatarbaho sa isang events? O kaya e ang crafty schemes na ginawa ng mister/ bf nila para mapanatili niya ang sarili niya sa posisyon sa kompanya?

Para sa ladies: Kelan ninyo huling pinuri ang asawa/ bf nyo para sa nagagawa niyang mahusay sa kanyang trabaho? See? Gender equality. Pare-pareho laaang tayong kupal.


On a serious note: I still feel for all females around the world. Naniniwala pa rin akong maraming hindi tamang ginagawa sa mga bubae sa ibang panig ng mundo: hindi pa rin sila pwedeng mag-aral, bumoto o magdrive ng kotse, ibinebenta sila’t ibinabarter para sa kamelyo, nirereyp, etc. Pero ang buong punto ko e tungkol sa context ng mga Pinay sa isang mundong nagkaroon na tayo ng dalawang presidenteng bubae at ang hari sa bahay e ang misis ko. 


23 comments:

  1. Nakakatuwang basahin ang post na ito. Nakakainis yung eksena sa bus na yung mga babaeng sumasakay eh parang demanding kung makatingin sa mga nakaupong lalaki. Parang sinasabi na, "tumayo ka dyan at paupuin mo ako". Kung nakita nila na tayuan na ang bus, dapat isipin na nila na tatayo talaga sila. :)

    ReplyDelete
  2. Korek. Pinasok nila iyong alam na ganun ang sitwasyon.

    ReplyDelete
  3. Totoo. Sa nangyayari ngayon medyo pantay na ang tingin ng babae at lalaki,Di na uso ang gentleman sa panahon ngayon. Sad but true.

    ReplyDelete
  4. Nasan yung comment ko?

    Anyway, kawawa rin ang mga lalaki sa coasters nila. Wala ngang babae, namomolestya naman ng ilang bakla

    ReplyDelete
  5. i do agree dito! seriousy so sad but true!

    ReplyDelete
  6. Minsan nagprepretend na talaga akong buntis minsan. Pero 1 month na akong nag tatake ng bus from Buendia to North Ave daily sa uwian Di ko na talaga kaya ang matagal na pilihan, Sa bus mas mabilis akong makasakay, 'tho traffic minsan sa bandang Megamall pero parehas lang ng travel time nakakaupo pa ako sa aircon bus.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napakatindi na raw ng pila talaga ngayon, kung mga nababasa ko sa FB ang pagbabasehan. Akala mong pila sa araw ng deadline ng pag-aapply para sa isang licensure exam sa PRC.

      Delete
  7. Nakaktuwa ito parang memory lane sa tabing ilog hehe pero oo nga wala ng gentleman ngayon, meron man mangilan-ngilan lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibalik mo sa akin ang pananampalataya ko sa mga babae at sabihing ibinoto mo si Rovic noon. Hehe.

      Delete
  8. Nahirapan ako basahin yung post :)

    ReplyDelete
  9. Haha nakakarelate ako. Pag sa bus minsan talaga di ako naggi-give way na pauupuin yung babae lalo na't kung pagod ako at kailangan kong matulog sa bus. Pero minsan, nagui-guilty rin ako in some instances.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nawala na sa akin ang guilt nung nangyari yung sa misis kong buntis noong nasa LRT kami.

      Delete
  10. Para rin sa akin, pantay lang ang babae at lalaki. Pero sa kabialng banda ay itinuturing talaga natin silang espesyal para maka-iskor haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Ang motibo ng bawat lalaking nagpapakita ng kabaitan sa babae. Ika nga ni Chris Rock, "Anytime a man is being nice to a woman, all he's doing is offering dick." Pero, me mababait pa rin naman at hindi ganun. Hehe.

      Delete
  11. Tama si William, haha. Pero sa tingin ko hindi maikakaila na ang kalakhang trato at karahasan na nangyayari sa mga kababaiha nuon at (sadly) nangyayari pa rin hangang ngayon ay ang mas tinitingnan na batayan kung bakit kailangan may espesyal na trato sa kababaihan. May punto ka naman kya lang pag tiningnan mo sa mas malawak na point of view, masasabing ang hinain mo na puntos ay hindi papantay sa kalakhang opinyon tungkol dito na nabangit ko na. Sa tingin ko din nasa tao naman yan at kumporme sa sitwasyon, ang kultura natin ay patuloy na nagbabago ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sang-ayon ako. Kapag isinantabi ang pagsisintir ko, ganyan rin ang opinyon ko.

      Delete
  12. Kung diskriminasyon lang din sa kababaihan eh banggitin na natin ang kababaihan sa mga kapatid nating Muslim at mga Hindu. Iba ang paniniwala at kultura nila, eh.

    ReplyDelete
  13. Sa totoo lang, patas naman talaga ang babae at lalake eh. Kung mas may kasalanan dito, yun yung mga taong nagpadikta sa mga lipunan at sibilisasyon na keso "patriarch" by nature ang lugar na ginagawlaan natin, kaya may mga nag-aaklas na babae sa pamamagitan ng mga GM at posts sa social media.

    Tama na ang kagaguhan kung sino ang mas dominante, kung sino ang hindi dapat pumatol, at kung sino ang pmay pinakamahirap na trabaho, dahil sa ayaw man at sa gusto natin, KANYA-KANYA TAYO NG KALBARYO at yan ang hindi basta-basta masusukat para mahusgahan.

    P.S. wag nyo kong hihiritan ng katagang "A woman brought you into this world, so you should learn to respect her." Dahil ang sagot ko d'yan ay, "Oo nga. Babae nagdala sa akin, pati sa'yo at sa atin sa mundong ito. Pero baka nakakalimot ka - na hindi mabubuo ang isang tao na sa pamamagitan ng egg cell LANG!"

    ReplyDelete
    Replies
    1. At hindi naman pwedeng hatiin kung saang tiyan lalaki ang fetus. Kung seahorses siguro, pwedeng ilipat. Hehe.

      Delete
  14. Throwback Tabing-ilog.hehe. Pinapanuod ko to dati.Eds-Rovic loveteam ako.:) Yup, I agree, pantay-pantay lang ang lalake at babae , Wala ng dapat pagtalunan kung sino ang mas magaling o kung sino ang mahina. Let's love one another..Peace! :)

    ReplyDelete
  15. para sa akin hindi dapat pantay ang lalake at babae. Iba ang ibinigay ng Diyos na authority sa lalake at iba sa babae. Ang pagbibigay ng espesyal na treatment sa mrt ay proteksyon lang ng mga babae. At isa pa, minsan lang napasakay ang kapatid ko sa mrt ng panlalake, napansin nyang may gumitgit na lalake, ayun pagbaba nya wala na cellphone nya. And sa asawa mo naman na buntis, minsan may mga babaeng dedma na magpaupo. pero hindi lahat. sayang ndi ako ang natapat sa kanya. hehe :)

    ReplyDelete
  16. Marami kasing manyak sa MRT, pag nahalo ang babae, palibhasa siksilan kaya sinasamantala. Merong idinidikit talaga ang pututoy nila sa likuran ng babae. Puwede namang ituring pa ring espesyal ang kababaihan kahit magkapantay. Depende na lang siguro sa pagkakataon.

    ReplyDelete