Gigising ka
ng umaga, mag-aalmusal, magkakape at magbubukas ng iyong mobile device at
iche-check ang iyong Facebook. Titingnan mo ang notifications.
Titingnan mo kung merong nag-like sa mga posts mo. Natuwa ba ang madla sa
selfie mo? O sa litrato ng pagkain mo? Binilang mo ang mga likes mo at nalamang
mas marami pa ang kuto sa isang kalbo kesa sa ‘likes’ mo at nakaramdam ka ng konting kirot
sa puso.
Bakit hindi
nila nagustuhan ang selfie mo? O ang pritong itlog na kinunan mo ng litrato at
ginamitan mo pa ng filter sa Instagram? Uulitin mo itong pagtinging ito nang
ilang beses sa loob ng isang araw para malaan kung nagkaroon ka na ng ‘likes’.
Nagbibigay ka naman ng ‘likes’ sa iba, bakit hindi ka nakakatanggap?
Pwes,
baligtarin mo na ang nakangiwi mong labi at palitan ito ng ngiti dahil
nadiskubre ko na ang mga posts na pihadong magpapabaha sa iyo ng mga likes. At
bakit kako hindi ko na laang solohin ang ganitong impormasyon at bakit ko pa ipapamahagi
sa FB-tizens? Ituring nyo akong
Robinhood na nagnanakaw sa socially rich at nagpapamudmod sa mga socially poor.
Gaya nyo
rin akong nagdarahop sa mga ‘likes’. Sa tatlo o apat na taon ko sa Facebook, ang
pinaka-blockbuster ko nang dami ng ‘likes’ e 26, sa isang picture ko na me
hawak na surfboard sa beach sa Bali. Palaisipan pa rin sa aking kung paano ako
nakatsamba roon.
Makalimang ‘likes’ sa isang araw e Pasko na para sa akin. Iniisip ko na laang na kung si Vincent Van Gogh nga e hindi na-appreciate sa panahon niya, ako pa kaya? Malamang ganun rin ako. Ang kelangan ko laang gawin malamang e kumuha ng labaha at tapyasin ang tenga ko at ibigay ito sa isang pokpok.
Makalimang ‘likes’ sa isang araw e Pasko na para sa akin. Iniisip ko na laang na kung si Vincent Van Gogh nga e hindi na-appreciate sa panahon niya, ako pa kaya? Malamang ganun rin ako. Ang kelangan ko laang gawin malamang e kumuha ng labaha at tapyasin ang tenga ko at ibigay ito sa isang pokpok.
Ibaba mo na
ang labaha mo at ikansel mo na ang plano mong maghanap ng isang bubaeng mababa
ang lipad dahil iaahon kita sa kumunoy ng kawalan ng ‘likes’. Sundin mo laang
ang mga kautusang ito:
1. Maging
bubae.
Merong bubaeng inalayan ng 100 ‘likes’ sa kanyang post na picture sa loob ng isang oras. Hindi
naman siya celeb at wala naman akong nakikitang kakaiba. Nanalo ba sya sa isang pageant? Natanggap sa isang
tarbaho? Pinarangalan ba sya ng isang community o organization? Hindi. Picture
laang nya iyon habang merong kayakap na unan. Hindi pa siya nakasuot ng
revealing na damit nun. Partida pa't walang cleavage na nakalitaw.
Kapag
nagawa mong gawing bubae ang sarili mo, ewan ko, sa pamamagitan ng agham, fairy o genie o 100 000 likes sa Jesus Daily, hindi na magiging mahirap ang umani ng
‘likes’. Kahit ano ang gawin mo, basta’t nagpost ka ng pic, magkakaroon ka ng
santambak ng ‘likes’. Kahit na iyan e nagbibitbit ka laang ng grocery bags,
umiinom sa straw ng frappe mo o nagpakita ka laang ng bagong manicure mong
kuko, dadagsa ang ‘likes’.
At kapag ang ikaw e nagpagupit o binago mo ang hair style mo, para kang sumakay ng Time Space Warp kung saan ang lakas ng hatak mo ng ‘likes’ e dodoble o titriple ng lakas.
Note: Kung bubae ka at kokonti pa rin ang likes mo, hindi ko alam kung ano ang problema sa iyo. Malamang e oras na para ilabas ang itinatagong cleavage. Kapag wa epek pa rin, magtwitter ka na laang para wala ka nang binibilang na likes.
2. Magpost
ng picture ng anak mo.
Mas bata
ang anak mo, mas mabenta. Hindi na aani ng ‘likes’ ang mga pictures o videos ng
anak mo kung 23 years old na sya. Sino ba ang makakapagpigil na mag-like ng
picture ng batang cute? Kung wala kang anak, hindi ito problema. Hindi ko
sinasabing mag-ampon ka para laang dumami ang ‘likes’ mo. Ganun ka na ba
kadesperadong maka-like?
Ang ibig kong sabihin e maging isa kang Tiyo. Pag nataong gumagala kayo ng kapatid mo at ng pamangkin mo, magpakuha ka ng litrato kasama ang pinaka-cute na pamangkin para maging butihing tiyo ka sa Facebook. Hindi man ito kapareho ng kung mismong anak mo ang nasa pic, pero mas mabuti nang meron kesa wala.
Ang ibig kong sabihin e maging isa kang Tiyo. Pag nataong gumagala kayo ng kapatid mo at ng pamangkin mo, magpakuha ka ng litrato kasama ang pinaka-cute na pamangkin para maging butihing tiyo ka sa Facebook. Hindi man ito kapareho ng kung mismong anak mo ang nasa pic, pero mas mabuti nang meron kesa wala.
Pero,
kwidaw ka dahil double-edged sword ito. Dapat mong pag-isipan ang ratio ng mga
kaibigan mong me anak at wala. Kasi, kung ang mga ka-FB mo e mga single,
sigurado akong maiirita laang sila sa iyo. Mga nanay at tatay laang ang merong
biological impulse na ma-kyutan sa mga taong maliliit, merong maiigsing braso’t
binti at malalaking ulo at sa mga batang nangmomolestya ng sikat na kanta sa kasalukuyan.
Ako ngang
me anak na, hindi mabentahan ng misis ko ng video ng isang batang Pinoy na
kumakanta sa palabas ni Ellen, ‘yun pa
kayang mga suplado o supladang ayaw mag-anak.
3. Mag-quote sa bible o mag-share ng posts ng Jesus
Daily.
Sa isang
bansang nadodomina ng mga Kristyano at itinuturing na isang bansang maka-Dios,
natural laang na ang mga ganitong posts e papatok. Hindi mo kelangang maging
sincere. Aba'y sino ba ang nakakaalam kung sino ang sincere?
Madali laang iyong mga bible verses. Umiwas ka laang sa mga uri ng bible verses na nakalagay dito sa Jerboy Must Die! at ang mga nasa New Testament ang kukunin mo at panalo na iyon. Pinakablockbuster ang mga tipong tungkol sa love, faith at hope.
Madali laang iyong mga bible verses. Umiwas ka laang sa mga uri ng bible verses na nakalagay dito sa Jerboy Must Die! at ang mga nasa New Testament ang kukunin mo at panalo na iyon. Pinakablockbuster ang mga tipong tungkol sa love, faith at hope.
4. Magpost ng love and relationship quotes.
Bukod sa bible verses, ang isa pang patok na posts e 'yung mga shineshare na love and relationship quotes na hindi mo kelangang pag-isipan. Sino ba ang hindi pa nalalagay sa isang relasyon o hindi pa naiinlab sa mga kaibigan nyo?
Aba'y sino ba ang kokontra sa mga propagandang kagaya nito?
Meron nga pala - ako.
5. Magpost ng Memes.
Tayong mga Pinoy e mahilig sa katatawanan. Kung ang pagkain ang quickest way to a man's heart, ang patawa ang quickest way to a ton of likes.
Gusto mo bang magpakwela nang walang kahirap-hirap? Magdownload laang ng meme generator app. Ni hindi mo nga kelangang mag-photoshop o mag-angkin ng kung anumang technical wizardry. Simple laang ito. Ito ang Ruby Rodriguez ng pakwela sa panahon ngayon. Anumang kakulangan sa kakayahang magpatawa e matatabunan ng 'nakakatawang' visuals.
Gusto mo bang magpakwela nang walang kahirap-hirap? Magdownload laang ng meme generator app. Ni hindi mo nga kelangang mag-photoshop o mag-angkin ng kung anumang technical wizardry. Simple laang ito. Ito ang Ruby Rodriguez ng pakwela sa panahon ngayon. Anumang kakulangan sa kakayahang magpatawa e matatabunan ng 'nakakatawang' visuals.
Heto ang template:
First Line:
___________ (set up line)
Some photo:
(Yung mga panget na muka)
Last line:
___________ (punch line)
Makisawsaw
sa kung ano ang usong isyu. Vhong Navarro? Napoles? Bong Revilla? Rod Strunk? Sundin ang
template at siguradong magiging hit ka sa mga kaibigan mo. Huwag mong limitahan
ang sarili mo sa wall post laang. Pwede mo ring gamitin itong pang-comment sa
mga kaibigan mo. Ito ang slapstick na papalit sa isang mahirap isiping witty
comment.
Halimbawa:
![]() |
Mandatory ang mali-maling punctuation. |
Papansin na halos lahat ng tao ngayon sa Facebook, konting kibot lang post na ng picture. Mas marami ngang likes ang mga babae kaysa lalaki lalo na't nakalabas ang cleavage o litaw ang kuyukot. Pero syempre dapat may hitsura lang ang dapat gumawa nito. Dahil kung chacka malamang ay masasagwaan ang titingin. lol
ReplyDeletePagdating sa cleavage walang kinikilalang muka ang aknig mga mata. Pag umangat na ang tingin, dun laang napapansin at napapabawi ng 'like'. Hehe.
DeleteHindi ako bubae at wala din akong balak na gawin ang ikalawa hanggang ikaapat. Pero guilty ako na nangangarap din na maraming mag-like sa kung ano man ni nilalagay ko sa facebook. Hehehe!
ReplyDeleteHaha! Ang consolation na laang e gumawa ng mathematical formula. No. of likes/ number of friends para at least kung percent e malaki-laki. Kaso ganun rin sa akin e. Mas bababa pa pala kasi kapag dinivide sa 229, mas bababa pa sa 4 kapag pinercent.
DeleteTrue! At mag-post din ng mga pictures ng KathNiel! hahaha Nice blog, dre! Ang dami kong tawa XD
ReplyDeleteLove team iyan nina Daniel Padilla at nung bubaeng Kath... Hindi na kasi ako nakakapanood ng mga palabas sa Pinas. Hehe.
DeleteThanks!
Amen., Idagdag mo 'to. Kung lalake ka, magpost ka ng litrato na may kasama kang chix na celebrity (o actually, kahi celebrity mismo), at gawin itong profile picture.
ReplyDeleteOo nga, kahit hindi kilalang magagandang models, gaya ng mga car shows, atbp pwede na.
Deletenakaka 100 likes ako sa mga pics ko in 24 hours :-) lalo na pag kuha ng professional photographer. Ilan ba ang FB friends mo na?
ReplyDelete229 laang. Hehe.
DeleteDi ko gets bakit big deal sa iba ang madaming likes sa FB. Hehe
ReplyDeleteSa kinabibilangan kong FB parent support page na marami e Kano, nagtatampo pa talaga sila kapag hindi binabati ng happy birthday ang kanilang anak kapag nagpopost sila kahit na mga estanghero naman ang kamyembro niya. Parang naningil pa sila. Meron lang yata talagang ganun.
DeleteAko kahit babae hindi makakuha ng 100 likes hahaha
ReplyDeleteHindi nga? Parang imposible sa iyo 'yun. Hehe.
DeleteDami kong tawa! Pero tama ka mas malaki ang chance na malilike ang phot or post mo kung nakakatawa or mga cute na babies
ReplyDeleteSalamat!
DeleteLikey!You made me smile.
ReplyDeleteSalamat. Hehe.
DeleteThis is funny! :) Well totoo naman! Kasi ngayon parang kapag photo and pinost mas nagkakalike kesa statements lang or what have you.
ReplyDeleteVery Punny!!! Tapos mananakot pa na kapag hindi mo ni like at shinare bad luck ka.
ReplyDeleteThis image sums it up...
ReplyDeletehttp://www.boredpanda.com/satiric-illustrations-retro-john-holcroft/?image_id=satiric-illustrations-john-holcroft-1.jpg
Nakakatuwa nga naman kung mayroon nagla-like ng mga post mo sa fb, at nakakalungkot din kung wala naman ngla-like nito, gayunpaman, hindi dapat ito maging batayan ng kasiyahan ng ating buhay.
ReplyDeleteThanks for writing such a good article, I stumbled onto your blog and read a few post. I like your style of writing...
ReplyDeleteBuy Facebook Likes Cheap
I must say, I thought this was a pretty interesting read when it comes to this topic. Liked the material. . . . .
ReplyDeleteBuy Facebook fans
Gusto ko yang last meme o. Andaming nangangampanya pa na i-like ang mga posts and pics nila. Grabe. Hindi naman bababa ang pagkatao mo kng walang maglike db? Tsk. Generation today.
ReplyDeletehahahaha
DeleteHahaha
ReplyDeleteWhen I post a simple status i earned 600 + likes po. ayk. 16k kasi followers ko e
ReplyDeleteWhen I post a simple status sa fb I earned 600 + likes po. ayk. 16k kasi followers ko e.. FOLLOW nyo po ako https://www.facebook.com/themarksantos
ReplyDeleteAt Moon Bitcoin you may get faucet bitcoins. 29 satoshi every 5 minutes.
ReplyDeleteHndi ko kau magets
ReplyDeleteTrue
ReplyDeleteomg
ReplyDeletepa help namn po
ReplyDeleteJerboy Must Die!: 5 Bagay Na Magpaparami Ng Facebook Likes Mo >>>>> Download Now
ReplyDelete>>>>> Download Full
Jerboy Must Die!: 5 Bagay Na Magpaparami Ng Facebook Likes Mo >>>>> Download LINK
>>>>> Download Now
Jerboy Must Die!: 5 Bagay Na Magpaparami Ng Facebook Likes Mo >>>>> Download Full
>>>>> Download LINK