Saturday, June 21, 2014

Ang Martabak Manis, Halimaw na Meryenda

Sa huling gabi ng aming bakasyon sa Jakarta, napagpasyahan namin ng misis at anak kong bumili ng martabak. Ilang buwan na, kundi man isang taon, nung huli kaming kumana nito. Ang martabak o lovely death sa wikang Inggles - ito ang pinakamalapit na translation na maiimbento ko para sa pagkaing ito - e isang mala-hotcake o bibingkang Indonesian na kalimitan e sa gabi minemeryenda. 


Ito e binubuo ng 50% batter, 10% na asukal, 20% keso, (pwede ring palagyan ng chocolate sprinkles, Nuttela, mani o saging) at 30% Blue Band margarine. At oo, alam kong 110% ang total ng ingredients na inilagay ko dahil ito ang 110% effort na ikinalalagot ng litid ng mga coaches sa motivational speech nila sa half time ng championship at tambak ang team nila sa mga sport movies. Sa huli kong post e matatandaang hinirang kong isa sa muka ng Mt Rushmore ng kasamaan ng fat ang margarine, pero putang ina, ibang usapan kasi ang martabak. Kapag kumain ka kasi nito e para kang nagtawag ng dalawang anghel sa langit at pinaglesbian sex mo sila sa dila mo. 


Sa panahon ngayon, tanging mga sawa na sa buhay ang walang pakelam sa uri ng basurang isinasaksak nila sa kanilang katawan. Pag napatunayan mo sa isang hukumang kumakain ka ng martabak nung panahong naganap ang isang krimeng ibinibintang sa iyo, pwede mong i-establish na meron kang temporary insanity para mapawalang-sala ka dahil walang taong nasa tamang katinuan ang kakain ng ganitong dami ng margarine at asukal. Ang tanging naiisip ko laang na taong kakain nito e si Christian Bale kung maghahanda sya sa isang movie role bilang Philip Seymour Hoffman sa isang biopic nito. Sa mga sibilisadong bansa, ituturing na extreme sport ang kumain nito. 


Dapat sa kahon nito e merong address ng pinakamalapit na ospital dahil sa kalagitnaan ng martabak mo e makakaramdam ka ng pagsasara ng ugat sa puso mo. Sa tuwing kakain akong mag-isa nito noon e sinisimulan ko ang lahat sa pagsulat ng "Dear Annie at Kane" dahil para na rin akong namamaalam pag nagpapasya akong kumaing mag-isa nito. Tanging suicide laang ang motibong makikita ng mga imbestigador kapag natagpuan ang walang-buhay kong katawang nakahandusay sa sahig, katabi ng kahon ng martabak. 

Sa pila sa loob at labas ng tindahan at sa dami ng tupi sa tagiliran ng mga pumipila rito, mahahalata mo kung gaanong kabalasubas sa sarap ang binebenta nilang martabak. Mababakas rin sa mga muka ng mga kostumer nito ang isang antas ng pagkahiyang pamilyar sa mga muka ng mga lalaking pumipila sa mga bubaeng paupahan sa mga spakol. 

Walang kostumer na umiiskor ng martabak ang ipinagmamalaki ang kanilang pagkahumaling sa martabak dahil isang mensahe ang pinapakita mo sa mundo sa tuwing kakain ka nito: Oo, alam kong walang nutritional benefits ito, alam ko rin ang health hazards nito at kung saan sasaksak sa katawan ko ang lahat ng trans fat nito, pero punyeta, magkaharangan man ng sibat e lalamon ako nitong putang nang 'to. 

Noong una e kinodakan ko ang mga kostumer na nakapila para ipakita ang mala-amusement park na haba nito, pero dahil sa dami ng mukang ibe-blur ko, e hindi na laang. Protektado ng batas ang mga Indonesian na i-blur ang kanilang mga muka sa camera kapag bumibili ng martabak, sa kaparehong dahilang bine-blur ng media ang muka ng mga menor-de-edad na suspek at naglulugay ng buhok ang mga nareraid na hostess para magtakip ng muka sa TV. 

Dito sa pilang ito laang ako hindi nagrereklamo kapag merong nagyoyosi. Kung sa angkot o jeep, siguradong aalma ako ipapapatay ko ang sindi ng yosi ng sinumang sasakay. Pero sa isang pila ng martabak, siguradong isang kaipokrituhan ang magreklamo tungkol sa kalusugan ng baga mo. Sigurado akong pagtataasan laang ako ng kilay ng mga mamang nagyoyosi at sasabihan ng: P're, sasaksakan mo ang katawan mo ng ganitong lebel ng trans fat na maaari mong ikamatay sa gabing ito at magrereklamo ka sa anim na minutong mababawas sa buhay mo dahil sa usok na bumubuga sa sigarilyo ko?

At sigurado rin akong wala akong maibabatong pangontra. 

Hindi ako makapanghusga ng mga durugista sa tuwing kakain ako ng martabak. Naiintindihan ko ang antas ng kanilang desperasyon at ligaya. Alam kong sa isang kamay e isang lason ang tumira nito, pero sa kabila naman e isang ikapitong langit na walang katumbas. Gagamitin ko sa martabak ang linyang ginamit ni Mark Renton sa paglalarawan ng droga sa Trainspotting: Take your best orgasm, multiply it by a thousand and you're still nowhere near it.

Pag bumibili kami nito ng misis ko, para na rin kaming pumipirma ng isang kontratang nagsasaad na ayos laang at walang samaan ng loob kung hindi kami magtatalik ng gabing iyon dahil sa sandaling kumain ka ng martabak, ididiretso mo ito sa tulog kung lalaki ka at yayakapin mo ang kahon kung isa kang bubae. Walang kaligayahang maitutumbas ang karnal na pagnanasa sa kasalanang iniimbita mo sa bilbil at puso mo sa tuwing kakain nito. 

Dalawa laang ang uri ng maisusulat mo tungkol sa martabak, awit ng papuri o isang suicide note. At dahil nagawa ko na ang suicide note kanina, hayaan nyo akong paulaanan ng papuri ang martabak sa pamamagitan ng pinagpipitaganang uri ng tula sa bansang Hapon, ang haiku:


Kapag merong nag-abalang magcomment sa blog na ito at hindi ako nakasagot iyon e dahil na-comatose o sumakabilang ibayo na ako. At kung nagkagayon nga, mas pipiliin ko ang martabak kesa ang 72 na birheng ipinapangako nila sa langit kung magsu-suicide bomber ako. 


29 comments:

  1. hmmm interesting meryenda,hindi sana napapanis...how I wish I can taste that martabak manis too!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi na aabutin ng pagkapanis, dahil lalantakan na ito sa sandaling mabuksan ang kahon. Hehe.

      Delete
  2. nakamamatay na pagkain, pero mukha pa ring masarap!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagrock bottom na ako sa martabak manis na ito kaya't welcome na welcome na ideya yung canned tuna and Baguio beans mo. Hehe.

      Delete
  3. nakatry nako neto nung nagdala officemate ko na Indonesian nung ngbakasyon siya sa Jakarta, at grabe nalunod ako sa sobrang tamis, hindi ko siya kinakaya, sadyang nakakamatay siya huhuhu! T_T

    ReplyDelete
    Replies
    1. At ang mantikilya! Pero, mas masarap sana yng bagong luto. Hehe.

      Delete
  4. Sa unahan pa lang ng iyong panulat at ng isa-isahin mo ang mga sangkap ay aking napagtanto na hindi nga ito mabuti sa katawan. Napakasarap nga nito siguro dahil kahit alam ng mga mamimili na hindi ito mabuti sa kalusugan ay marami p[a ring pumipila para bumili.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako e nangingilo nung nakita ko kung gaano karaming nilalagay na mantikilya. Sapat na para sa quota ng isang taon ng trans fat na pwedeng pagbigyan ang ating katawan nang hindi maoospital.

      Delete
  5. never heard and tried this food. Pero mukha naman syang kapanapanabik at katakam takam.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapag napadpad ka sa Indonesia, dapat mongsubukan ito. Aong parang kapareho nito sa Korea?

      Delete
  6. sobrang tamis ba? parang yema na? or parang yema cake lang? or yema pancake? pero parang masarap nga

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas dapat ikangilo ang margarine kesa sa tamis. Parang ikakasara ng ugat ng puso ng kumakain yung sankabalbal na nilalagay. Hehe.

      Delete
  7. Sounds like sweetness overload. Hmm, may ganito ba sa Kamaynilaan ngayon? Sakto nagugutom ako eh hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala yata sa atin nyan, pero yungisang kaibigan kong nabasa ito, naengganyong gumawa ng sarili nya. Nagyoutube sya at nagbasa ng recipe sa isang blog para magawa. Pag nagretiro na ako, dadalhin ko sa Pinas ito. Hehe.

      Delete
  8. hahaha. i love ur post. laughtrip. :D
    grabe super tamis siguro nian.
    it looks so tasty tho!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat! Bukod run, lumalangoy pa sa mantikilya.

      Delete
  9. wow, nakaka takam naman ito, bagay sa soda! para mas lovely death talaga. haha

    ReplyDelete
  10. "Kapag kumain ka kasi nito e para kang nagtawag ng dalawang anghel sa langit at pinaglesbian sex mo sila sa dila mo."

    Natawa naman ako dyan sa analogy na yan. Hahaha! Kaya pala marami ang nahuhumaling sa pagkain na yan... Hehe! Sayang di namin nasubukan nung nagbakasyon kami dyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Irerekomenda ko sana sa iyo, kaso nalaman kong nakauwi ka na pala noong unang labas ng mga articles ng travel mo rito. Sayang. Hehe.

      Delete
  11. Mukang masarap nga! Sana meron din nyan dito para masubukan ko. Haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag nagretiro kami ng misis ko, balak naming inegosyo. Hehe.

      Delete
  12. Oh! I'd like to try that one too! Mukhang masarap! @_@

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapag napadpad ka sa Indonesia sa isa sa mga travels mo, tandaan mo ang martabak manis.

      Delete
  13. Muhkang masarap. Meron na kaya dito yan sa Manila?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malamang wala pa. Pag-aaralan namin kung kaya naming inegosyo kapag nagretiro na kami.

      Delete
  14. Mahilig ako kumain ng meryenda sa gabi at mukhang masarap to pang meryenda ko sa gabi. Sana matikman ko to :)

    ReplyDelete