Wednesday, February 25, 2015

Lamay - FB style!

Dios ko, nawa'y dinggin ng Inyong Malambot na Puso ang aking panalangin. Nawa po'y itulot ng Inyong Mahabaging Kalooban na ako'y mabiyayaan ng mahabang buhay. Nawa'y umabot ako sa edad ni Matusalem at maunang lahat ng aking mga kakilala sa pagharap sa Iyo, Panginoon. Upang sa ganoon po e walang mga putang inang pupwesto sa harap ng aking kabaong para merong maipost na picture sa Facebook! 

Ano ba ang ethical, selfie o magpalitrato sa namatayan? 
  Namatay ka na nga, gagawin pang harapan ng Starbucks ang kabaong mo't doon magkokodakan. Ang iba e seryoso ang muka, ang iba e nakalawit pa ang dila. Di na ako magtataka kung merong magagandahan sa kanilang sariling muka't ika-crop ang picture para gawing profile pic. Babale-walain na kung ang background e kabaong. Tutal 'pag nilakihan nga naman ang picture e magiging isang brown na laang ang background at hindi na halatang ito e isang furniture na galing kina Cenizal. 

Lahat na laang ba ng pupuntahan ng mga tao ngayon e dapat kunan ng litrato? Lahat ba dapat idokumento? Bawat aktibidades? Wala na bang ituturing na taboo (hindi 'yung classic na bold na pelikula) o untouchable? Sige, pagbigyan na ang bertdey, binyag, kumpel, kasal, pagkaen, 'unboxing' (rolls eyes, merong araw rin sa akin itong isa pang ito), atbp. Pero, pagkamatay? Hindi ba pwedeng igalang ang isang ito? Ibalato na sa mga kamag-anak man laang. 

Kaso minsan, mismong kamag-anak pa e. Nakakita na nga ako ng nagpost ng larawan ng huling sandali ng kamag-anak nila sa ospital e. Ewan ko kung curious laang sila kung lilitaw sa litrato ang kaluluwa ng tao. Baka naghahanap ng patunay na meron tayong kaluluwa? 

Dahil wala akong permisong ilagay ang mismong larawan ng nakita kong nalagutan ng hininga sa FB, magtiis kayo sa isang reenactment sa isang pelikula. 
Meron namang ibang paraan para magpost na yumao na ang kanilang kamag-anak sa paraang merong taste, 'yung hindi mahalay. Siguro, larawan ng yumao noong sila e buhay pa? Kung me kakayahang magsulat nang matino, sumulat ka ng anekdotang pupukaw sa damdamin ng mambabasa. Kahit na ang resulta nito e makalakap ng likesHeto pa pala ang isa: sinabi mo na ngang namatayan ka na, nila-like pa. Like nilang namatay ang isang mahalagang tao sa buhay mo? 

Na-riding in tandem ba ang lolo mo?
Ewan ko kung ako laang ang apektado sa pausong ito ng ibang nagfe-Facebook. Iyon bang mga ganoong uri ng tao e merong permiso sa namatay na pwede nilang gawin iyong magpo-pose sa harap ng kanilang kabaong at magpalitrato? At ii-Instagram pa o FB? Humihingi man laang ba sila ng permiso sa mga kamag-anak ng namatayan, gaya ng asawa o anak nito? Kahanga-hanga ang kapal ng apog ng makakagawa nito. 

Ang iba e mismong muka pa ng namatay ang ibino-broadcast sa FB nila.
"Ekskyus mi po, pwede po ba akong magpakodak saglit sa harapan ng inyong asawang kamamatay laang sa isang aksidente? Sori? Hindi ko po maintindihan ang sinasabi nyo sa gitna ng mga hikbi't palahaw nyo dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ng inyong asawa. Pwede hong tumahan muna kayo nang saglit nang tayo e magkaintindihan. Papalitrato po. Pwede po? Tenk yu po."

Kung kelangan nyo ang larawan ko para makadiskwento sa tiket sa eroplano, papayag ako dahil nakakaintindi ako ng kuripot.
Nililinaw ko na ngayon habang ako e buhay pa: BAWAL PO ANG MAGKODAK SA AKING LAMAY. Oobligahin ko ang sarili kong maging multo't bumalik sa lupa ng mga buhay para bweltahan ang lahat ng magpapalitrato.

Kung hindi man mapagbigyan ang dasal kong ito, gusto kong ipahayag sa lahat na makababasa nitong mas mabuti pang walang pumunta sa lamay ko, kesa magpalamay ako. Ibalot nyo ako sa banig at itapon na laang sa ilog. 


18 comments:

  1. Haha. Nakakatuwa yung mga napupuna nyo sa facebook world sir :)

    ReplyDelete
  2. Tumpak Jerboy, iba na talaga ang trip ng mga tao ngayon. Nawa'y multuhin sila ng patay (kung totoo man ang multo) dahil sa pinaggagawa nila. Meron pa akong nakita sa FB na baklita na nagpapikyur na nakadila eh ang background niya yung mukha ng patay na kamag-anak nya yata. Tsk tsk

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakapanlumong isipin, 'di ba? Wala na bang daraang ibang pagkakataon para magpalitrato't pati lamay? Tsk.

      Delete
  3. Maganda ang iyong mga opinyon ukol sa pag respeto sa mga namatayan at sa namatay. Pero, may mga tao na iba din ang pananaw dito sa isyung ito. Ang mahalaga ay ang pagrespeto sa isa't-isang kagustuhan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat.

      Iyon ang palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon. Ano kaya ang pananaw ng mga gumagawa nito't ginagawa nila ito?

      Delete
  4. hahahaha! ganyan talaga ang buhay jerboy lahat naiiba..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan ang kamatayan, naiiba rin ang iba. Haha!

      Delete
  5. Well, siguro gusto nila dokumentado pati kabaong para tuwing makikita nila sa larawan eh ayun yung kabaong bago ilibing sa ilalim ng lupa.. haha. pero ang makakita ng selfies na kasama ang kabaong at sobrang nakangiti pa ang mga nasa larawaran kay parang nakakakilabot tignan :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka makingiti 'yung nasa likod at magnig goupfie. Hehe.

      Delete
  6. Wow, ngayon ko lang po nalaman na may nagseselfie sa may kabaong. I'd rather think that they don't mean any disrespect for taking those photos. Hope somebody who has actually taken a selfie or photo sa lamay would come across your post Sir, and share their side and answer the question of why. It's very intriguing to me.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dalawa laang rin ang aking nakikitang dahilan: pagkaignorante sa sitwasyon o talagang masyado laang adik sa larawan nila. Hehe.

      Delete
  7. Dapat ksi d naglalike and mga tao sa shout out kng namatayan. Instead comment na lng ng condolence.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang punto. Ga-sino naman 'yung magtipa ng ilang letra?

      Delete
  8. Hahahaha! Nakkataw pero totoo. Ito ang probema sa lipunang moderno at sa mga tao nito -- nagiging "narcissisti" ang iilan, na hgalos bawat kaganapan na lang sa kanilang buhay -- o ultimo oras, minuto o segundo -- ay kailangang ilarawan. Wala sanang masmaa dun. Kaso, pucha, sana naman hindi nawawala ang salitang "respeto," lalo na sa usapan ng lamay at kamatayan. Baka mamaya niyan magulat silang nakangiti pala sa litrato ang kanilang pinipiktyurang patay. awooo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nawa e mangyari 'yun - ngumiti ang patay. Hahaha!

      Delete
  9. May punto ka, dapat may respeto sa namatay at namatayan. Pang personal na bagay na ang mga ganito

    ReplyDelete
  10. Nakakawalang respeto nga ang mga ganyan. Di na lng mgalay ng dasal at icomfort ang mga kamag-anak ng namatay. Talagang naisip pang mgselfie? Di kaya sila kinikilabutan sa pnag ggawa nila?

    ReplyDelete