Meron akong ilang hamong itinakda sa aking sarili
para makapag-reduce at ang isa
sa mga iyon e ang bawasan ang pagkakape. Nagkakape rin ako, hindi ko nga laang
pinopost nang madalas o ginagawang sentro ng pag-uusap. Sa hamong ito, nililimatahan
ko ang sarili ko sa isa
o dalawang kape sa isang linggo laang para mabawasan ang asukal na isinasaksak ko sa aking katawan.
Nakakadalawang
linggo na rin akong hindi nagkakape, pero
hindi ko pa nakukuha ang lingguhang
kapeng pabuya ko sa sarili ko. Ayoko namang aksayahin ang premyong kape ko sa isang kape laang na ibubuhos mula sa isang 3 in 1 na sachet.
Kagaya rin ito ng isang deal namin ng misis ko. Binigyan nya ako ng isang one-time-only free
pass na makakana ng isang Indonesian, gaya ng wedding anniversary gift ni Larry
David sa Curb Your Enthusiasm.
Hanggang ngayon e hindi ko pa nagagamit dahil ayokong aksayahin sa kartada sais
o siete laang. Dahil isang beses laang ito’t hindi na mauulit, dapat e sa otso pataas
na.
Nung isang Sabado, matapos kong makaiwas sa kape at magtyaga sa
tsaang naka-teabag at walang asukal, minabuti kong papremyuhan ang sarili ko sa Roemah Kopi o coffee house sa Inggles. Pinili kong doon sa isang kainang merong yabang na magpangalan sa
sarili nila ng Roemah Kopi magkape.
Mabulunan sana kayo sa Starbucks nyo kung sinabi nyo sa sarili nyong “Bakit kaya hindi pa sa Starbucks?” dahil hindi laang Starbucks ang kapehan sa bansang ito. O
sa mundo. Sa ngayon, iisa
laang ang motibasyon ko para mag-Starbucks at iyon e ang umorder ng kape
ala-Larry David sa Curb Your Enthusiasm at sabihing “Any of your
vanilla bullshit things...”
Asukal. Pabrika. Komersyal ang lasa. Walang karakter. Walang surpresa. At para ka na ring
nag-supersize me sa McDo sa mahihita mong asukal at fat riyan, na taliwas sa
hangarin kong makapagreduce. Yan ang kapeng Starbucks. Kaya’t Starbucksin nyo muka nyo kung ang sabi sa inyo ng instincts nyo e Starbucks.
Isa pa, balak ko rin kasing mananghalian
kaya’t dito sa Roemah Kopi
ako pumunta at hindi sa
isang Starbucks. Anong
kakainin ko sa Starbucks, mamon?!
At masarap ang kapeng aking inorder. Isang
simpleng kapeng java at none of the vanilla-moccha-latte-ccino-foamy
bullshit na tipo ng kapeng pinopost sa FB ng mga nagkakape habang nagbabasa ng
horoscope o nagfa-flappy bird sa kanilang phone iPhone.
Kung idinuyan ako sa langit ng kape, inilublob
naman ako ng inorder kong tuna sandwich sa bahagi ng dagat-dagatang apoy na inilalaan
sa mass murderers at sa mga nagsusuot ng Crocs sa labas ng kubeta. Dahil nagrereduce nga ako, ang inorder
ko e tuna sandwich para hindi gaanong nakakataba.
Santisima! Ang napala ko e ilang piraso ng tunang
pinagsakluban ng toasted na puting tasty (na kung tawagin ng iba e sliced
bread) na naliligo sa butter at mayonnaise, side dish ng French fries at
hinulmang kalahating kamatis.
At dito na pumapasok ang food item na dapat
ninyong iwasan kung ang target nyo sa New Year resolution nyo sa gitna ng 2014
e ang makapagreduce. Hindi ko alam ang tawag sa berdeng pirasong ito ng gulay.
Ano ba ito, silantro? Kintsay? Isa ba itong shoot? Bulb? Dahon? Kinakain ba ito
o dekorasyon laang? Anuman ang tawag rito, pag ito ang nakita mo sa gilid ng
plato mo, makakaasa kang ang kakainin mo e hindi masarap o masustansya at sana
e nagdeep fry ka na laang ng asukal at vetsin.
![]() |
Gulaykorasyon |
Ito ang combo ng push up bra, pekeng eyelashes, makapal na make up at mapanlinlang na mapanglaw na tanglaw sa madilim na bar ng mga pagkain. Akala mo e nakajackpot ka sa bubaeng napick up mo nung gabi, pero paggising mo sa maliwanag na sikat ng araw sa umaga e mapagtatanto mong ang naikama mo pala e isang bumangong bangkay.
Pihadong ang mga kainang meroong ganitong
gulaykorasyon e nagpapanggap na masarap ang kanilang pagkain. Isa pang
palatandaan: Kapag ang music nila e mga bossa nova covers ng mga pop songs, ‘yung
mga tipo ng The Girl from Ipanema, nakakasiguro
kayong nanggagantso laang ang restorang napasukan nyo.
Kakambal nitong panlilinlang sa itsura ng
pagkain at tunog sa restoran ang pandaraya sa lasa, pandarayang makakasira sa
plano nyong makapagreduce. Nakakatiyak kayong anumang kainang nandaraya sa itsura
ng kanilang pagkain e mandaraya rin sa lasa nito. At ang isa sa pinakamalulupet
na pang-uuto sa dila ng kostumer e ang paglunod ng putahe sa butter o
margarine. Ang dalawang iyan at ang asukal ang mga muka sa Mount Rushmore ng
mga nakakatabang pagkain. Kwidaw kayo sa mga ganito ng kainan dahil sigurado
akong santabal ang mantikilyang pinapahid nito sa kanilang steak, side dish na carrots,
peas, etc. para ‘sumarap’.
Bukod run, ito rin ang kanilang gimik para
makapaningil nang mas mahal sa karaniwan. Ano ang pinagkaiba ng ulam sa
karinderya at sa restoran? Ito, itong pirasong ito ng gulaykorasyong ito. Kapag
meron nitong gulaykorasyong ito sa gilid ng plato, pipwede nang maningil nang kahit
magkano ang isang ‘restoran’.
Sa susunod na magluto kayo sa bahay nyo, lagyan
nyo nitong berdeng ito sa gilid ng plato at magmumuka nang pangrestoran.
Testingin nyo sa instant pancit canton at makikita nyo ang ibig kong sabihin.
I-post nyo sa Facebook ang pics nyo at bilangin kung ilan ang magla-like.
Kaya’t kung ang target nyo e makapagreduce, iwasan nyo ang mga kainang ganito dahil puro food cosmetics ang inuuna nito kesa nutrisyon at lasa.
The best talaga ang lutong bahay, Kahit walang guaykorasyon, mas healthy naman. :)
ReplyDeletePwera na lang kung ang pembantu o helper nyo e Indonesiang galit na galit sa mantika. Nung isang araw na nagpaprito ako ng itlog e nakita kong deep fried. Da best pa rin kapag si Misis nagluluto, lalo't 'pag ganitong bakasyon na namin.
Deletecongrats at nakaya mong mag 1 or 2 cups a week ng kape. i'm trying to limit myself now with 2 cups daily, sometimes pag stress and puyatan and busy sa office, sa pagbla-blog and sa bizness naka 4 cups ako in one day. ayun nagpapalpitate ako after...
ReplyDeleteNakaranas ako ng palpitation rin dati. Nakakakaba.
Deletethank you for sharing this post. you inspire me to quit coffee... or lessen my caffeine in take. I just can't stop. hihihi
ReplyDeleteGinamit kong alternatibo e tsaang walang asukal. Tapos, inaalala ko ang pabuya ko sa sarili ko sa weekend. Mas masarap kapag nadedeprive. Hehe.
DeleteMinsan lang ako mag starbucks kasi ang mahal!! Nakaka palpitate ang presho.. 1-2 cups lang ako sa isang araw..:)
ReplyDeleteYun pa isa: sa imbes na bewang ang maredyus ko riyan e pitaka.
DeleteWalang kape sa isang araw???? Hindi ko kaya un! Hahaha ikaw na lang.... ung ibang pagkain kaya ko magsabi ng "No" pero sa kape... "Oh no!" :)
ReplyDeleteNakaranas ako dati ng kung tawagin nila sa mga adik e withdrawal symptoms, pero tsaa laang ng tsaa. S tuwing nagtsatsaa ako parang pinaparusahan ko ang dila ko sa pagkecrave. "Kape pala ha? Hagupit ng latigo, gusto mo?"
DeleteNgayon tinigilan koo na din po ang pagkakape simula nung naranasan kong magka Coffee Overdose. Nung araw na yun uminon akoo ng kape nung umaga tapos nung hapon nagkayayaan kaming magkakatrop at nagorder ng malaking latte sa CBTL. Kinagabihan intake na koo ng overdose. Kaya ngayon halos di na koo nagcocoffee XD
ReplyDeleteNung unang nangyari sa akin yan e noong ipinaggawa ako ng misis ko (GF ko pa laang nun) ng homemade na ice blend na kape. Nagmamarathon kami ng Godfather Trilogy nun kaya't 'di ko napansing nakarami na pala ako. Nakakaba.
DeleteDi ako fan ng kape. Una, mapait. Pangalawa, ayoko magkape ng mahal. hahaha. Pero gusto ko ang aroma nito. nakakarelax. HAHA. As always, napaka-witty ng blog mo, nakakaaliw basahin. :) Gab- www.taragumala.blogspot.com
ReplyDeleteThanks!
DeleteAyos to ah. Pero mas gusto ko pang magkape sa bahay kesa sa mga mamahaling... alam mo na yun. Sa hirap ng buhay, mas may lasa pa nga ang vendo kesa sa mga mamahalaing shops eh. Pero anyway, pasalamat pa ako dahil sa payat kong ito, wala pa akong belly fat. (at wag naman sana kung sakaling magpapakadesperado akong lumamon para umangat ang timbang ng katiting at kahit papaano)
ReplyDeleteNakakamiss yung panahong kahit anong la,on gawin ko e di ako tumataba. Hehe.
DeleteNatawa ako sa "gulaykorasyon". Hahaha! Hindi ko kaya ang ginagawa mong wag mag kape. Masyado akong adik sa kape, pero hindi sa Starbucks. :)
ReplyDeleteHIrap akong umiwas sa matamis. Iniisip ko na laang 'yung kape sa finish line sa weekend.
DeleteI am a coffee lover, nde naman masama to drink coffee...with moderation lang dapat.
ReplyDeleteSang-ayon ako. Nagbabawas lang kasi ako sa asukal. Hehe.
DeleteHindi ako mahilig sa kape, pero bakit ganun? :(
ReplyDeleteLutong bahay is looooooooove! :)
ReplyDeleteMay tama ka!...Minsan hindi naman napapakinabangan yang gulaykorasyon na yan. - KarenT
ReplyDelete