Sunday, November 23, 2014

Gallstone Diet: Ang Kagila-gilalas na Dyeta

Gusto nyo bang magdyeta? Gaya ko, sawa na ba kayong pumwesto sa likuran sa tuwing magpapakuha ng litrato sa isang handaan? Gaya ko, sa imbes na pounds o kilos ang sinasabi mong timbang e stones para hindi malaan kung gaano ka na kabigat? Gaya ko, sawa na rin ba kayong tumitig sa mga damit na binili nyo noong araw at hindi nyo na maisuot? 

Meron akong natuklasang isang bagong diet na nakapagpababa ng timbang ko ng 10 lbs sa loob ng dalwang linggo! Walang ehersisyo, walang gamot! 


Mula sa muka ng tuwang-tuwa nakakita ng donut shop sa ganitong muka.

Ang tangi mo laang gawin e magkaron ng gallstones sa iyong katawan. Ilang buwan na rin akong nagdurusa sa pananakit ng likod at tyan. Wala akong makitang pattern noon hanggang sa magpatingin na rin ako sa doktor. Natuklasan ko, halos isang buwan ang nakakalipas, na gall stones pala ang salarin. Ngayon alam ko nang nananaksak ng tyan ko at nanghahambalos ng likod ko e mga mamantika o matatabang pagkain. 


Dahil mas madaling ipaliwanag ito sa pamamagitan ng cartoon
kesa sa mismong ultrasound images.
Matapos magdusa sa pananakit na ito at magastusan nang hindi inaasahan, natuto ako. Umiiwas na ako sa mga pagkaing ito na magdudulot ng atake ng gallstones. Madali laang sa akin ito dahil talaga namang iniiwasan ko ito dati. Sa loob ng isang linggo, pinapayagan ko ang sarili kong kumain ng mga ito ng isang beses laang, gaya ng pagkakape ko. Pero, sinong niloloko ko sa sinasabi ko? Ang 'minsan-minsan laang naman' e napapadalas. 


Gallstone Diet

Ngayon, wala akong pagpipilian kundi umiwas sa mga pagkaing matataba o mamantika: ang 90% ng lahat ng masasarap na pagkain sa mundo: hamburger, nasi goreng o Indonesian friend rice (ang salarin ng huling atakeng nagdala sa akin sa ospital), iga bakar o grilled ribs, lechon kawali (natutunang lutuin kelan laang ng aking misis), adobo, martabak manis, atbp. Kung kinakailangan ko pang ipaliwanag kung bakit nakakataba ang mga pagkaing ito e tumigil ka na sa pagbabasa't malamang e naaabala kita sa pagngata mo ng tsitsarong baboy na isinasawsaw mo sa isang garapon ng Nutella chocolate.

Ngayon e meron nang halo ng takot at kaba kung susubok akong kumain ng kahit konti laang ng mga ito. Para akong makikipag-Russian roulette sa paglamon ng mga ito o nakikipaghamunan ng chickie run ke Satanas. 

Bukod sa pag-iwas kong ito, binawasan ko pa ng kalahati ang kain ko. Mula sa dating isang tasa ng kanin, e ginawa ko ng kalahati na laang. Ang epekto: Pagbaba ng timbang ko. Sampung pounds rin ang natanggal ko. 

Wala rin akong ehersisyo ni paglalakad man ng marahan dahil pinag-bawalan ako ng  doktor dahil naapektuhan ang atay ko ng gall stones na ito. Nakakaurat mang walang ginagawa, kahit papano e meron akong palusot sa misis ko sa aking pagmamarathon ng mga pelikula. 

Ang Aking Diet

Ang malimit kong kinakain e gulay na masabaw, walang asin, walang vetsin. Ito at kalahating tasa ng kanin. Ito o isang tapyas ng whole wheat bread at tuna (yung canned in water, hindi oil). At instant oatmeal at muesli. Kelangan mo ng gabanyerang lagayan ng instant oatmeal at muesli dahil kokonti laang ang kinakain mo, kelangan mong kumain nang madalas. Idagdag mo pa riyan ang mga putas para sa meryenda. 


Mas lasang ospital, mas tama ang timpla mo.

Eepek ba ito sa iyo?

Ito malamang ang tanong mo sa sarili mo. Depende na sa iyo iyan. Hindi ito eepek sa mga uri ng taong meron nang TB/ lung cancer e sige pa rin nang sige sa pagyoyosi, inubos na ng cirrhosis ang atay e gin ang pamalit na sawsawan sa pandesal, matapos lumabas ng operating room para sa isang bypass e nagdiwang nang paglamon ng crispy pata sa Max's o ubos na ang daliri sa paa dahil sa diabetes e panay pa rin ang inom ng Coke umaga, tanghali't gabi. 


Sinusulit na ng batang ito ang huling pagkakataong magagamit nya ang kanyang hintuturo
bago ang kanyang amputation sanhi ng kumplikasyon ng diabetes.

Para ito sa mga taong meron pa ring takot sa kalawit ni Kamatayan. Para ito sa mga taong tinatablan pa rin ng sakit. Para ito sa mga hindi ganoon katigas ang ulo. Isipin nyo: Sa tuwing kakain kayo ng mga nakakatabang pagkaing ito, merong mananapok sa tyan at likod nyo. 

"Ingat sa kain. Umiwas sa mamantika't matataba," payo sa akin ng aking inang natuto nang mag-Facebook. Sa kauna-unahang pagkakataon, ito ang payong hindi ko pwedeng bale-walain. Aba'y para akong inuurakan kapag sumasakit ito, paanong hindi ako tatalima sa payong ito? 

Ito ang isang bagay na siguradong magbibigay sa atin ng disiplina sa katawan. Instant parusa. Kung hindi instant ang parusa, hindi natin ito tatandaan. Tingnan nyo ang mga diabetic na kanda-inom pa rin ng isang litrong Coke sa loob ng isang araw. Hindi sila masaway dahil hindi nila nararamdaman agad ang epekto ng kalokohan nila sa katawan. Dapat sa tuwing kakain tayo ng yema, makikita nating nabubulok nang paunti-unti agad ang ating ipen, sa tuwing kakain tayo ng taba ng liempo e nararamdaman nating unti-unting nagsasara ang ugat na daluyan ng ating dugo, sa tuwing nagyoyosi e nararamdaman nating unti-unting numinipis ang hangin at parang wala tayong malanghap. 

Ano ang gagawin mo? 


Madali laang. Uuwi ako sa Disyembre sa Pilipinas. Sagutin mo ang operasyon ko, este, natin para sa gallstone transplant. Ang tatanggaling gallstones sa akin e malugod kong ipapasa ko sa iyo para makapagpayat ka rin. Tenk yu.  

22 comments:

  1. Nakakaloka tong title ng blogpost mo. Akala ko kung anong diet. At least mas mabuti na ang kalagayan mo ngayon.

    ReplyDelete
  2. Salamat! Sana e umabot ako sa Disÿembre sa Pinas dahil ayokong paopera rito.

    ReplyDelete
  3. Wow! healthy living na :-) I have a friend who was operated because of this. Thank God, ok na siya :-)

    ReplyDelete
  4. Nakakrelate ako sayo. Grabe ang eczema ko at stricto rin ng diet ko... GAPS diet kung tawagin. Kahit pamilya ko ay nadidiri at nahihirapan sa akin pero wala akong magagawa =(

    ReplyDelete
  5. Well ang laki nga nag pinagbago sa picture ah. Sana maging okay ka na.

    ReplyDelete
  6. Mabuti ka pa pumayat...ako palaki na ng tiyan, halos lahat na pagkain masarap. Kahit pictures ng food, parang gutom na ako. When I read your "article with a twist" akala macho routine, kaya pala gall stones. Siguri, iihi mo na yan ng todo-todo

    ReplyDelete
  7. Ang laki ng pinayat mo po. And good thing, healthy living na. My mom don't use vetsin and too much salt on our food. Hope you'll be okay.

    ReplyDelete
  8. Naalala ko yung kaibigan ko, napilitan din mag healthy living dahil sa kondisyong pangkalusugan niya. Sana tuluy-tuloy na yan. :)

    ReplyDelete
  9. Congratulations on your healthy living! Kelangan ko din mag lose weight. Hirap lang kasi ang sarap kumain. Hahaha! Hopefully magawa ko din tulad mo.

    ReplyDelete
  10. If these things are harmful then why approved them to be eaten by humans? Di ba kung masama sa katawan at nakamamatay dapat di na kinakain pa. I hope you get well and stay well as well.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko rin maintindihan kung bakit masarap ang mga prito, lalo na ang deep fried. Pag iniisip ko dapat nadidiri akong kumain ng mga ito dahil sa mantika, pero masarap e. Hehe.

      Delete
  11. Pre, himala yata't nakakapainabgo ka ah. Healthy living! Sabagay, malaki ang pinayat o kung ikukumpara sa panahong una kitang napansin sa blog na 'to ah. Pero badass pa rin. wahahah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas malaki nang nabawas sa timbang ko mula nang sinulat ko ito.Nakakaengganyong mag-ala-Christian Bale transformation sana mula The Machinist to Batman Begins pag (o kung) papayagan na akong mag-exercise uli, pero alam kong hirap sa akin ang makapag-bulk ng ganoong muscles. Hanggang taba lang ang kaya kong gawin yata. Hehe.

      Delete
  12. Pinabasa ko ito sa partner ko para ma alarma din siya sa diet na meron sya at para gayahin ang diet mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat at sana e mahikayat rin sya. Hehe.

      Delete
  13. Dear Sir/Madam,

    Our exclusive product, Dr Getox is made of natural fruits and ingredients, namely Roselle juice, extra virgin olive oil and minerals.

    We believe there is a better way of treating the gallstones than removing the precious gallbladder of human. With that in mind, Dr Getox could effectively remove the gallstones without any operation within 12 hours.

    Also please check out our testimonies ;)

    Want to know more about Dr Getox, drop us an email or contact us at the contact details below:

    Agro pluZ Biotech Sdn Bhd
    Email: info@drgetox.com
    Website: www.drgetox.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dear Dr Getox,

      Thank you for your time, effort and concern. I would like to know more about your product. Please do discuss your product more, its features, how it works and why it is a more viable, practical and healthy alternative to surgery. Feel free to use the space in my blog as venue for this discussion.

      Thank you very much.

      Sincerely,

      Jerboy Lupisan

      Delete
  14. Salam Sejahtera,

    Kami merupakan pakar menyingkir batu karang pundi hempedu di Malaysia.
    Dengan pengalaman kami di industri makanan dan bioteknologi yang lama, kami telah mencipta produk buah-buahan semula jadi kami yang tersendiri untuk membubarkan batu dalam masa 12 jam. DR JETOX khas digunakan untuk membubarkan batu hempedu dan membuang sisa-sisa makanan bertoksin di dalam badan. Kelebihan DR JETOX juga termasuk pengurangan berat badan setelah membuang sisa-sisa makanan bertoksin di dalam badan. Dalam masa 12 jam sahaja, batu karang pundi hempedu akan muncul di dalam mangkuk tandas selepas proses penyingkiran bahan-bahan buangan. Pesakit tidak perlu risau lagi pundi hempedu akan dibuang jika mereka terpaksa menjalani pembedahan di hospital.Produk kami telah lulus dan berjaya mendapat pengiktirafan antarabangsa. Antaranya termasuk sijil Halal, HACCP dan sijil-sijil bertaraf antarabangsa.
    Kelebihan produk kami:-

    Dalam 12 Jam Sahaja
    Kaedah-kaedah yang lain di pasaran mengambil masa yang panjang (24jam atau 7 hari) untuk membubarkan batu hempedu. Produk kami yang merangkumi resipi yang berantioksida tinggi dapat menunjukkan keberkesannya dalam 12 jam sahaja. Dalam masa 12 jam sahaja, batu hempedu akan muncul di dalam mangkuk tandas selepas proses penyingkiran bahan-buahan buangan.

    Menyingkir Sisa-sisa Makanan Bertoksin
    Disebabkan campuran Rosecalam Juice dan Bio-Active Mineral, produk kami mampu membubarkan sisa-sisa makanan yang lama antaranya termasuk sisa-sisa bertoksin yang terkandung dalam badan. Bio-Active Mineral berfungsi memperbanyakan air dalam usus malah mempercepatkan penyingkiran sisa-sisa makanan bertoksin.

    Mengurangkan Berat Badan
    Seperti yang dinyatakan di atas, produk kami dapat menyingkirkan sisa-sisa makan bertoksin dan najis terlonggok. Selepas sisa-sisa baki disingkirkan, berat badan pelanggan kami dibuktikan turun serta-merta.
    ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

    Untuk memastikan pelanggan sah diserang batu hempedu, dibawah merupakan tanda-tanda kebentukan batu hempedu.
    *Rasa senak yang kronik
    *Rasa mual, angin kembung perut dan sakit abdomen
    *Loya dan muntah
    *Kesakitan di bahagian tengah dan kanan atas abdomen
    *Sakit perut pada bahagian sebelah kanan atas yang seperti gastrik
    *Sakit perut yang memulas hingga melarat ke tulang belikat
    Kesimpulan
    Untuk pengetahuan anda, kami bertujuan untuk menyelamat pesakit batu hempedu dengan produk kami yang bersumber buah-buahan alam semula jadi. Kami tegaskan bahawa tidak perlunya untuk membuang pundi hempedu yang merupakan organ manusia yang penting maka merupakan kurniaan Tuhan kepada kami.
    Dr Jetox telah lama dikenali ramai maka testimony-testimoni boleh didapatkan di laman Facebook.

    Facebook Fanpage : DR JETOX

    Sekiranya anda mempunyai apa-apa pertanyaan, sila hubungi kami bila-bila masa sahaja.

    Sekian, terima kasih.

    Ramon (Pengurus)

    The Club, Bukit Utama,
    1 Club Drive, Bukit Utama,
    Bandar Utama, 47800,
    Petaling Jaya, Selangor.
    GPS Coordinates: 3.151714,101.602716

    No. Talian:
    0109829005 (Ramon)
    Penghantar ke luar negeri? Sila rujuk kepada pengedar kami di berikut.
    Kelantan – Abang Nis (WhatsApp 012 680 5989 or WhatsApp 017 682 6005)
    Kedah – Abang Nis (WhatsApp 012 680 5989 or WhatsApp 017 682 6005)
    Terengganu - Abang Nis (WhatsApp 012 680 5989 or WhatsApp 017 682 6005)
    Pahang - Abang Nis (WhatsApp 012 680 5989 or WhatsApp 017 682 6005)
    Perlis - Abang Nis (WhatsApp 012 680 5989 or WhatsApp 017 682 6005)
    Kuala Lumpur – Ramon (WhatsApp 010 982 9005)
    Wilayah Persekutuan - Ramon (WhatsApp 010 982 9005)
    Selangor – Ramon (WhatsApp 010 982 9005)
    Melaka – Ramon (WhatsApp 010 982 9005)
    Negeri Sembilan – Ramon (WhatsApp 010 982 9005)
    Pulau Pinang – Ramon (WhatsApp 010 982 9005)
    Johor Bahru – Ramon (WhatsApp 010 982 9005)
    Perak - Ramon (WhatsApp 010 982 9005)
    Sabah & Sarawak – Ramon (WhatsApp 010 982 9005)

    ReplyDelete