Friday, May 23, 2014

Nung Sinubukan Kong Lumikha ng Tula


Nung Sinubukan Kong Lumikha ng Tula

Sinubukan kong lumikha ng tula,
Pinilit ko, pero naman, ay punyeta!
Hindi pala ito ganoong kadali,
Natatabingang suso ng ‘sang malandi!

Kailangan kasi e ang bawat linya,
Meroong sukat at nagpuputang ina
Anong tawag run sa pareho ng tunog?
Hindi ko maisip, oh, mabahong betlog!

Tama kaya itong aking pagbabaybay?
Hayok ako sa kawastuha't naglalaway
San ba dapat ilagay ang mga tuldok?
Utong na nakatirik, tusok na tusok.

Iisipin dapat, paksang isusulat
Walang lumalabas, kahit tite’y unat
Tungkol ba sa puso o sa ‘ting lipunan?
Kulang sa tamod yaong sinapupunan.

Saksakan raw ng ilang metapora,
Parang ‘turat sa kepyas, nag-aapura’
Dapat may talinghaga, hwag raw literal,
Hwag basta hubo’t magtanggal ng salawal.

Lagyan ng palabok upang magkalasa,
Nang ‘di nagagagahasa ang mambabasa.
Dagdagan ko pa raw hanggang ‘to’y mapuno,
Parang pwet na tinamuran ng tarugo.

‘Di pa ba sapat ito o kulang pa ba?
Dapat bang otso ang haba, tres ang taba?
Daragdagan ko pa o ‘to’y sapat na?
Ipalaglag ko bang ala disgrasyada?

Ewan ko, ewan ko, ulo ko’y masakit,
Putragis, namputsa, ‘sang shit na malagkit,
Ihihimlay ko na ang gamit kong bolpen,
At bibitawan ang malambot kong uten.

- - -

Pasasalamat sa isang Ma. Cielito Cando Seidel, may-akda ng sinusubaybayan kong mga tula rito sa Mrs Punk RockDahil dito, naengganyo akong magsingit ng isang tula rito sa Jerboy Must Die!

6 comments:

  1. Ayan tuloy, napaisip ako
    Tutula ba, o ako'y tutulo...

    ReplyDelete
  2. Ika'y mag-eksperimento hindi laang sa laboratoryo,
    Kundi pati na rin sa pagtula at sa pag-ooratoryo.

    ReplyDelete
  3. bwahaha!Salamat aking kaibigan naaliw din ako sa nilalaman ang makakabasa sinuman ngigngiti o magkikibit balikat lamang ngunit kung ating pagkakaisipin lahat ng ito ay dinanas natin
    isang bagay na natural kapusukan man o hindi alab ng damdamin.

    ang paglikha ng tula ay katulad ng paghaharana nakaharap ka sa isang maganda hawak ay gitara ang iyong sasambitin ay pawang nakakahalina napapikit siya at "OO" isa kang Ibong Adarna.

    MABUHAY KA JERBOY!

    ReplyDelete
  4. Salamat, Ma Cielito Cando Seidel!

    ReplyDelete
  5. Magaling, natutuwa ako't nagsusulat ka na rin ng tula
    Wari bang may gusto kang sampalin sa mukha
    Mga nagmamagaling gusto mo silang ipahiya
    Kung maaari'y hubaran sa harap ng madla
    Para ba kasing sila lang ang may karapatang tumula
    Pati sensibilidad mo, gustong diktahan ng mga walanghiya
    Dapat ganito o ganyan, nais saklawin ang iyong diwa
    Ngunit ang tula ay mananatiling tula
    Mapa-literal man o budbudran ng 'sandaang talinghaga
    Mahalaga'y ang tinig na iyong isinasa-talata
    Ah, pangahas ka nga, Jerboy Must Die, 'ika nga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tara na't tayo'y sumali sa fliptop,
      Nang makita nila kanilang hinahanp.
      Hehe.

      Delete