Sunday, May 4, 2014

Not-So-Obscure Bible Verses #5: Ang Pagkakataong Gumamit ng Hindi Kaaya-ayang Lenggwahe si Hesus

Sinong mag-aakalang si Hesus e nagkaroon ng pagkakataong gumamit ng lenggwaheng hindi gaanong kaaya-aya. Sa kabuuan ng mga kwentong binabanggit siya sa Bibliya, mawawari mong isa syang larawan ng pagiging maginoo, pino't banayad ang pag-uugali't pananalita. 
Blessed are the meek...
Kilala sya sa pagkakaroon ng matinding pasensya, sa puntong kahit na sya e hinahamak at ginugulpi nong araw na sya e ipapako sa krus e ni isang pagmumura e walang umalpas sa kanyang bibig. Naiimagine nyo ba kung gaanong kasakit makoronahan ng tinek? Aba'y nasundot ko laang ang gilagid ko habang nagtu-toothpick e napasigaw agad ako ng 'Kamputa!' Isipin nyo pa 'yung ipinapako ang mga kamay nya sa krus. 

Kung meron ka mang pwedeng masabi sa kanyang pagtitimpi e merong pagkakataong isinumpa niyang mabaog ang isang fig tree dahil sa gutom. At narun rin pala 'yung pagkakataong nagwala siya sa templo.  

Isang bantog na motivational speaker, nagturo sya ng aral sa moralidad at tungkol sa kaharian ng Ama sa pamamagitan ng mga parables gamit ang mga piling-piling salitang makapaglalarawan ng kanyang punto sa pamamagitan ng simbolismo. 

Hindi gaya nitong tele-evangelist na itong nasa komiks, kung ito'y paniniwalaan.
Baka naman gutom laang sya uli sa pagkakataong ito dahil mababakas na ang mga ginamit nyang simbolo e tungkol sa gera, sa imbes na ang mga pambato niyang nawawalawang tupa, barya o mga bubaeng hindi naglagay ng langis sa lampara. 

Sinimulan nya itong pangangaral sa bahagi ng kabanatang ito sa ideyang kung gusto ng isang taong maging disipulo ni Hesus dapat e mas malalim ang pagmamahal niya ke Hesus kesa sa sarili o pamilya nya. Demanding!    

Inihambing rin niya ito sa isang haring makikidigma nang hindi gumagamit ng scout at hindi nagbibilang ng kalaban. Mababakas na merong kakaiba sa kanya sa araw na ito, dahil sa imbes na metaporang merong kinalaman sa pagsasaka, e gera ang kanyang ginamit. 

Winakasan niya iyon sa pagsasabi na ang asin pag wala nang alat e dapat nang itapon sa tumpok ng tae o pile of shit. Ang ginamit na kataga e manure pile o dunghill sa mga English translations, pero alam na natin kung ano iyon sa modernong lenggwahe: pile of crap o pile of shit
Modern English translation: It ain't good enough for land nor a pile of shit!
Shet na malagket! Kungsabagay, 'shit' laang naman iyon at hindi 'fuck you', pero parang out of character laang. Kung ano ang nagbunsod sa kanyang iyon ang gamitin, sa imbes na pile of rubbish, e ewan. Malamang e ganun magsalita ang karpintero niyang amang si Jose at napulot laang niya iyon sa kanya.

Apocryphal version.



12 comments:

  1. Boy Tanga! I'm back again. This time, para yatang 'di ko matiis na di punahin ang mga kalokohan ng post mo.

    Tanong ko lang, bakit ka pa nga ba nagba-blog?

    Kung bakit kita tinanong ay dahil dito:

    Gumagamit ka ng reference na hindi mo naman na-verify kung totoo o hindi ang nilalaman. Example ay 'yang komiks na pinangangalandakan ng mga Iglesia Ni Kulapu sa pamumuno ng mga Manalo de Antikristo.

    Sukat ilagay mo diyan. Para ano? Para siraan? Salamat at naglagay ka pa ng litanya na "...kung ito'y paniniwalaan." Kung talagang intensyon mo na hindi iligaw ang mga mambabasa mo ay binura mo man lang sana ang mga pangalan na pagkakakilanlan ng mga character sa storya.

    Bopols ka na nga (ayon sa mga iba mong post), irresponsible blogger ka pa. Shame on you!

    ReplyDelete
  2. Naintindihan mo naman pala yung nakasulat sa pagkakataong ito. Precisely: Kung paniniwalaan. Tanong ko: Bakit ka nagbabasa ng blog ko?

    ReplyDelete
  3. Bakit ako nagbabasa ng blog mo? Dahil talagang hinahanap ko ang mga bobong katulad mo na walang inatupag kundi magligaw ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga kasinungalingan mo.

    Sabi mo pa sa ibang post mo na hinahayaan mo akong magpost dahil malaya ako. E ano ginawa mo at naka-block ang anonymous account?

    Takot ka kasing malaman ng lahat na sinungaling aka at tanga.

    ReplyDelete
  4. Hindi ka blocked. Nagsasawa laang akong mag-isip kung isang tao laang ang anonymous na nababasa ko. Nakakapagpost ka pa at nababsa mo ito, 'di ba? At least ngayon, kahit pekeng pangalan mo, e meron akong ideya. Truthcaster? Haha.

    ReplyDelete
  5. Guess who's blocked? Kinlick ko ang profile mo at wala akong makitang Trutchcaster101 (na blog kuno sa wordpress). Hinanap ko sa wordpress at ang nakasulat e yung grupo/ mismong Eli Soriano. Kaya pala nagpuputok ang butse mo sa pagkaka-ekstra ni Eli Soriano. Nagpapakita rin kung bakit ganun kabilis sumingaw sa bunganga mo ang mga salitang 'tanga' at 'gago' kahit malinaw pa sa araw ang kawalan mo ng alam sa pinagsasabi mo -dahil marka ng grupo ni Soriano iyang me mga hindi magagandang tabas ng dila.

    ReplyDelete
  6. Ahahahahahhaa! Aahahahahhha!

    Akalain mo na magkakainteres ka sa pagkatao ko? Didiskarte ka lang, mali pa?

    FYI iho, kaya ko pinili ang truthcaster ay para ipakita ko sa mga pilipino na mali ka. Ikawala, ang 101, ang ibig sabihin ay studying. Kaya tuturuan kita na maging maayos sa pagba-blog ha?

    Ahahahahahha! Bobo talaga. Sukat i-associate pa 'ko kay Eli Soriano. Ahahahahhaha! :D

    ReplyDelete
  7. Siyempre, gusto kong malaman kung ano ang identity ng isang suki. Madali namang tumalon sa asosyong iyon dahil matabil rin ang bunganga mo. Tapos, butthurt ka pa sa isang komik na merong si Eli Soriano at galit na galit ka sa INC na tinawag mong Iglesia ni...blah... blah... Antikristo. Magtuturo ka pala kung paano mag-blog. Palagay ng link ng blog mo kung meron ka at baka makabingwit ka ng bibisita mula sa blog ko.

    ReplyDelete
  8. Suki? Sige, pagbigyan. Ipalagay natin na suki mo ako. Hindi ka ba magpapasalamat? Kasi sa aking palagay, ako lang ang taong nagtitiyagang mag-comment sa blog mo. Kung hindi lang din marahil sa mga maling pamumuna mo sa kapuwa pilipino ay hindi ako mag-rereact.

    Ikalawa, biased ka. Sukat siraan mo si Eli Soriano ng wala ka namang sapat na ebidensiya? Ano ka? Miyembro ng Iglesia ni Manalo? Kung ako'y pinagbibintangan mo na kaanib sa grupo ni Eli e mas madali para sa akin na sabihing ika'y miyembro ng Iglesia de Kulapu ni Manalo. Ahahahahhahaha! :D

    Tanga!

    ReplyDelete
  9. "Suki? Sige, pagbigyan. Ipalagay natin na suki mo ako. Hindi ka ba magpapasalamat?"

    Nagpasalamat nga ako sa iyo sa isa kong comment. Salamat uli.

    Hindi ko sinisiraan si Eli Soriano. Nung inilagay ko iyung larawang iyon e dahil nakakatawa ang bintang at nagmumura si Eli sa panel na iyon. Kaya nga merong nakasulat na 'kung paniniwalaan'. Akala ko malinaw na sa iyo ito? Sa isang banda, naiintindihan ko na kung bakit nagpuputok ang butse mo.

    Hinanap ko ang kabuuan ng komiks dahil napaisip ako knug bakit ganoon na laang ang galit mo sa komiks na iyon (at malamang sa akin sa paglalagay noon). At natuklasan kong bahagi pala ng isang propagandang komiks iyon (obviously e isang propaganda iyong komiks na meorng ganung page at alam ko iyon) kung saan merong mga paratang sa kanyang namemera sya (inaasahan ko na sa mga propagandang ganito, pero hindi pa nababasa) at sa kanyang kabaklaan (na hindi ko alam). Ang alam ko e merong isinampang kaso sa kanya na rape. Lalaki. Merong paratang na sya e bading na nang-rape. Pero, hindi ko alam na merong ganung mga eksena sa komiks na iyon. Dapat bang paniwalaan iyon? Wala akong pakelam kung totoo iyon o hinde. Pero, naiintindihan ko ko ang pinagmumulan mo. Sobrang pagpapasama ng pangalan niya ang ginawa sa kanya run. Biruin mong page 2 pa laang sa Ang Dating Daan Komiks e nahuli na si Bro Eling merong ginegetsing sa kotse.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Okay Jerboy, sa obserbasyon ko ay mukhang genuine nga ang kabig mo na wala kang intensyon na siraan si Eli. Dahil diyan ay ida-drop ko na ang isyu ko sa topic na 'to.

      Delete
  10. Salamat. Sa totoo lang, gusto ko si Bro Eli Soriano. Halata ito sa aking obscure bible verses series dito sa blog kung saang impluwensya nanggaling ito. Hindi ako nagke-claim na merong akong encyclopedic knowledge ng bibliya gaya ng pinapamalas niya nang live sa TV at mga bible expo nya, sinasabi ko lang na impluwensya nya yun. Kahit mga hindi naniniwala sa kanyang samahan at merong sense of humor e matatawa sa mga banat nya, sa totoo lang.

    ReplyDelete
  11. Correction: Kahit... 'pero' merong sense of humor...

    ReplyDelete