Tuesday, January 27, 2015

2 Mungkahi sa mga Beauty Pageants Para Makahatak ng Lalaking Manonood

Meron akong hindi maintindihan sa mga beauty pageants, gaya ng Miss Universe. Sa mga patimpalak na ito e ipinaparada ang itinuturing na pinakamagagandang bubae ng isang bansa o mundo, pero bakit ang mga lalake e walang pakelam? Hindi ba't kaming mga lalaki ang makikipag-unahan sa pagbili ng mga tiket sa palabas na ito o nakikipag-agawan sa remote ng tv? Yun nga laang merong dumaang magandang bubae, napapalingon kami. Kapag ikinumpara nyo yon sa mga Miss U e nasa kartada 5 laang siguro, pero napagtutunan namin ng pansin.

Pero, bakit sa tuwing me palabas na ganito e mga bubae at bakla ang tumatanghod rito? Sino sa mga FB friends nyo ang panay ang pagpopost tungkol sa mga beauty pageants, gaya nitong Miss Universe na ito? 

Kung maraming mga hindi man laang nakapagbitiw ng suntok sa buong buhay nila ang nagmamarunog kapag merong boxing match si Pacquiao, ganoon rin karami ang mga nagiging dalubhasa na parang graduate sila ng Cora Doloroso. Bago ang mismong Miss Universe e umani ng alipusta ang ating bet - ang tanging pagkakataong ginamit ko ang salitang bet sa blog na ito - na si MJ Lastimosa dahil sa kanyang suot. 

Kung ito e pangkasal, magsawa na kayo sa pang-aalipusta.

Pinagpipistahan ngayon ang mala-flavor ng sorbetes na gown, national costume o kung anuman ang tawag sa damit na itong hindi swimsuit. Maski mga nagko-Crocs e feeling Joan Rivers sa pag-alipusta sa damit na ito. Hindi sa pinagtatanggol ko ang Pontio Pilatong gumawa nito o ang bubae o mga kamag-anak ng napapayag na magsuot nito, pero mula sa pananaw ng mga huradong hindi naman Pinoy, ano ba malay nila sa kultura natin? Malay ba nila kung ganito ang tradisyunal nating pananamit? Magtataas ba kayo ng ahit nyong kilay kung ang me suot nyan e isang Miss Syldavia? Hinde, 'di ba, dahil ano alam mo sa damit ng Syldavia? At ano rin ba ang alam mo sa Syldavia?


Clue: Ang Syldavia ay isang fictional na bansa sa...

Napanood ko kagabi ang replay nito at ito ang nakita kong isa sa mga nakapasok sa top 5 na national cotume. Score board at hockey sticks. Dapat merong rule sa ganitong portion: Kapag hindi makakapasok sa isang karaniwang pinto o makakaupo sa isang silya ang contestant sa kanyang suot e disqualified agad dahil technically e hindi ito damit, kundi gumagalaw na istatwa.


Aminin na nating lahat na kabulastugan laang ang national cotume na ito.

At saka sino ba me pakelam sa national costume o gown? Ika nga ni Jerry Seinfeld, ang dapat na panalo e kung sino ang malupet ang katawan sa swimsuit. Yon ang Miss U. 

Alam nyo kung ano pa ang malabo, bukod rito? Question and answer portion. Nasusubok ba ang talino ng isang bubae sa mga tanong na merong 30-second shot clock, kagaya ng "What is your idea of an empowered woman?" Inaabangan pa ng mga tao talaga ito na para bang final round sa isang slam dunk contest. Para bang, uy napatunayan na nyang maganda sya, pero meron bang laman ang kanyang kukote? 

Kung meron mang pinapasikat ang ganitong klase ng tanong e ang ideyang dapat nating hangaan ang pinakamalaking bullshitter sa mundo. Naniniwala ba kayo sa kanilang mga sagot na 'true essence of a woman' at 'world peace'?

Kung gusto nating sukatin ang talino ng mga contestants natin, sana e pinagsagot na laang natin sila ng standardized na IQ test o mga essay at iparada nang ganito... 



"Miss Amberlands stands at a height of 5' 8", weighs 110 lbs, and boasts of an IQ of 95." 

Nagiging tampulan pa ng reklamo ng mga manonood itong Q&A na ito, na kesyo 'yun ang nanalo e ampanget naman ng sagot niya sa Q&A. Hindi ko naman isinusulong ang ideyang ating itayo sa pedestal ang mga magagandang pwedeng paradahan ng kotse ang espasyo sa bungo. Sa totoo laang e madaling kasawaan ang mga taong mahina ang kukote, kundi man nakaka-turn off. Pero, gaya ng sinabi ko, kung gusto nating sukatin ang kanilang talino, pagsagutin na laang natin sila ng mga multiple choice na IQ test. Isa pa, sino ba me pakelam sa kung ano nasasa utak ng mga bubaeng ito? Papakasalan mo ba ito o ide-date at gusto mo pang malaman kung hindi sila bopols?

Isang halimbawa ng tanong sa Q&A e 'yung tinanong ng isang hurado ke Ms Ukraine: sang-ayon raw ba sya kung sakaling tatanggalin raw ang swimsuit portion. Ang sagot ni hija e parang okay lang kung ganun, pero hindi nya pinaliwanag. Una, anong klaseng sagot iyon? Pangalawa, aba'y ano pa ang panonoorin ng mga mister na sinasamahan ang kanilang mga misis kung ganun? 

Kungsabagay, ala rin namang kwenta ang swimsuit portion. Hindi kasi marunong magfocus ng mga camera sa swimsuit competition. Hindi malaman kung saan tututok. Parang buhok at yung sash ng pangalan ng bansa ang pinagtutunan ng pansin. Di ko alam kung saan nila nakuha ang nagdidirek ng mga beauty pageants na ganito. Habang nanonood, pakiramdam ko e isa akong taga-ibang planetang nanonood ng National Geographic para maintindihan kung paano mamuhay ang mga species na kung tawagin e bubaeng tao. Kulang na laang e boses ni Morgan Freeman na magna-narrate. Walang akong naramdamang igting. Mas nakakautog pang tumingin ng brochure ng Air Asia. 


Noong huli kong sakay sa Air Asia, tutok na tutok ang mga mata ko sa tuwing merong magkakasalubong na flight attendants.

Walang igting. Yun pala ang problema. Nilikha yata talaga ang mga beauty pageants na ito para merong mapanood ang mga bading at bubae kapag off season ng mga televised sports. Pero, hindi naman kelangang ganito dahil malaking prosyento ng manonood e mga lalaki at isang indikasyong gusto nilang maging panlalaki rin ito noong nag-imbita sila ng tatlong lalaking huradong walang kinalaman sa fashion at beauty, kundi sikat sa sports, gaya nung dalawang football players at ni Manny Pacquiao. Kaya't para mahatak kaming mga lalaking manonood ng mga beauty pageants na ganito, dalawang bagay laang ang dapat gawin: 

1. Ipadirek ang mga pageants sa mga gumagawa ng music videos ni Sir Mix-a-Lot at gamitan ng saxophone o electric guitar na merong wah-wah sa pagparada ng mga nakaswimsuit.  

2. Tanggalin ang night gown, national costume, question and answer portion at palitan ng trampoline portion. 


Di na nila kelangang matutong sumayaw,
basta't marunong tumalon, okey na.
You're welcome, organisers ng susunod na beauty pageants.


Sunday, January 25, 2015

1 Paraan Para Makaiwas sa Pila sa Airport

Ang flight ko pabalik sa Bandung, Indonesia e 9 na araw matapos akong operaha't tanggalan ng apdo. Matatandaang nakapagbaba ako ng 7-8 kilo dahil sa gallstones diet.

Ang sandamukal na batong nahugot sa aking apdo, tag ng ospital at buhok sa kilikile.

"Tumakas ka ba sa ospital? Bakit suot mo pa ang hospital tag mo?" tanong sa akin ng isang bumisita sa aming tirahan. Ipinaliwanag ko sa kanya at iba pang mga nagtatanong na motibasyon ko sa sarili ko ang makabalik sa dati kong sigla't lakas. Pag nakakabangon na ako sa kama sa sarili ko at nakakalakad na akong parang hindi uugud-ugod na hukluban, saka ko na laang gugupitin ito, bilang simbolong nakawala na ako sa tanikala ng karamdamang gumagapos sa aking pagkilos. 

"E 'di hwag mo na laang tanggalin hanggang sa mismong flight mo para priority lane ka," mungkahi ni Marvin, ang katotong ngayon e kapitbahay ko na rin. 

Aha! Ang Napoles gimik ang ibig nyang sabihin. 
At dun namuo ang ideyang mag-Napoles ako para makaiwas sa peste ng pagpila kahanay ng mga kapwa kong balanang ang tanging kayang gastahin sa tiket ng eroplano e pang-economy. Inialay ng mga buntala sa aking paanan ang ginintuang pagkakataong makaligtas sa mga linyang ito: check in ng bagahe, immigration, atbp. Hindi ko na kelangang mag-antay ng dalawang dekada't kalahati para makipagkaskasan ng gulong sa mga senior citizen - na aminin na natin e hindi naman ganoong kaluno ang mga katawan. Kung mahina sila, e 'di dapat e mag-Bingo na laang sila sa bahay nang hindi napapagod sa pagbibiyahe sa himpapawid. Pupusta ako sa inyong kalahati ng mga naka-wheelchair na senior citizen e kayang tumapos ng 5K na takbo sa loob ng 45 minutos.

Flashback:

Akala mong BJ ang pinamimigay sa pilang ito.
Nasubukan ko itong bisa ng priority lane noong kami e nag-J.Co, pagkatapos ng follow up check up ko sa PGH. Hindi ako sanay pumila sa J.Co dahil hindi ganito sa Bandung, Indonesia. Mas mahaba pa sa pila sa PureGold ang pila sa tindahang ito ng donut. Makalipas ang mga sampung minutong pagtityaga sa pagpila ng misis ko, naisipan kong dumiretso sa priority lane. Sabi sa paskil: for senior citizens, pregnant at disabled. Dahil wala namang senior citizen na walang diabetes o buntis na gustong tumaba at ma-CS o kaya ni isang disabled, bakante ang lane na ito. Paika-ika kong tinahak ang landas sa simula ng pila at umorder sa clerk. 

"Okay, Sir. Meron po ba kayong ID?" tanong ng clerk.

"Hindi ako senior citizen. Bagong opera ako," sagot ko, sabay turo sa mahiwaga kong bracelet, ang tag sa ospital. Pinagbigyan nya naman ako't binentahan ng isang dosena. Hindi ko na kinailangan pang gamitin ang praktisado ko na sanang linyang: Ako e pagbigyan mo na't ilang buwan akong nagtiis at umiwas sa matatamis na pagkain. Ito ang huling matamis na pwede kong kainin dahil tinaningan na ako ng oncologist ko ng dalawang linggo.

Hindi ang aktwal na larawan ng pilang naligtasan ko.
Dumating ang araw ng byahe. Aaminin kong mas namamayani sa akin ang pananabik na magamit ang gimik na ito kesa sa ideyang mamaalam ako sa mga magulang kong makikita ko na laang ulit sa loob ng kalahating taon. Pagbaba ng van e inilabas ko ang aking pang-Famas na muka para magmukang kaawa-awa. Maghihintay ka rin pala sa wheelchair at maraming palang nang-aabuso ng gimik na ito. Matapos ang  kalahating oras ng paghihintay e nakakuha na ng wheelchair ang aking misis. Pag kumuha ka pala nito, me kasama nang taga-tulak. Di ko alam kung sila e mga nurse o orderly na walang makuhang tarbaho sa karaniwang ospital o sadyang mga generic na tarbahador. 

Ang mga nakawheelchair pala e hindi daraanan sa metal detector. Naturalmente, dahil merong bakal ang wheelchair. Hindi ko alam kung paano isisingit ang isang Magneto at Prof X na joke at tinatamad akong mag-isip. Tapos, diniretso ako ng taga-tulak ko sa check in ng bagahe. Merong pila, pero maigsi. Merong ilan akong namataang mga taga-senior citizens' club. Pinagtaasan ako ng kilay ng isang gurang na bubae. "Bagong opera po ako, salamat," bulong ko sa sarili ko. 

Matapos iproseso ang aming bagahe, pinapunta ako ng nakangiting clerk na bubaeng chubby pero pwede na rin dahil meron namang pwet sa PALMed. 

"Anong ibig sabihin nun? Magpapacheck up ako sa doktor? Di ba sila naniniwala sa akin? Meron akong hospital tag. Kung gusto ng Doubting Thomas na iyon, isaksak niya sa aking tagiliran ang kanyang daliri kung 'di sya naniniwalaang bago akong opera," hinaing ko sa misis ko. Ipinaliwanag nya sa aking kelangang makita ng doktor kung ako e nagkukunwa laang kaya nagwheelchair.


"Arte? Anong klaseng tao ang magpapakababa't magpapanggap na magwheelchair para laang makaligtas sa pagpila? Anong klase ng tao ang gagawing isang malaking kalokohan at gagawing walang kabuluhan ang sistema ng priority lane?"

"Yung mga hindi nagtatanggal ng hospital tag kahit na magmuka silang takas sa ospital," sagot ng misis ko. Nakinabang rin naman sya sa J.Co, pero parang meron akong nalalasahang pagkontra sa misis kong wala nang ginawa noong bakasyon kundi sumunod sa mga utos kong abutin ang ganito, kunin ang ganun. 

Mahaba-haba ang aming nilakbay para makarating sa PALMed. Lumabas kami ng airport, pumasok sa ilang gusali, napadaan kami sa kantina ng mga empleyado, nakita namin sa lapag ang mga naglalakihang eroplano. Kung matataong mapapagpasyahang ako e nag-iinarte laang at hindi ko kelangan ng wheelchair e isang kalbaryo ang maglakad pabalik, bagong opera man o hindi. Kinabahan rin ako dahil ano ang gagawin ko kung ideklara akong 'unfit to travel'? 

Pagpasok sa loob ng PALMed, nakita ko ang bubaeng doktor. Hindi ko alam kung doktor talaga dahil wala syang stethoscope at hindi rin sya nakaputing lab coat. Tinanong nya ako kung bakit ako nakawheelchair. Binalanse ko ang aking akting sa malakas at hindi nangangailangan ng wheelchair at ratay sa banig ng karamdaman. Ang resulta e hindi pa malakas nang sapat para tumindig sa sariling paa at maglakad nang mahaba. Lumalabas na hindi na mahalaga kung mala-Boyet de Leon o mala-Rey PJ Abellana ang akting ko dahil sa TV naman nakatutok ang atensyon ng 'doktor'. Meron yata syang nakilalang kaibigang nadaaanan ng kamera sa pagpapalabas ng Papal visit. Tiningnan nya laang ang medical bill ko at pinalakad, este pinagulong na nya akong muli. Bnigyan nya ako ng go signal form kahit hindi nya tinitingnan man laang ang aking temperatura. 

Magmula noon e naging maalwan ang lahat. Pagdaan ko sa linya ng mga karaniwang taong nagche-check in ng kanilang bagahe e tinanong ko ang taga-tulak ko, "Bakit kanina e maigsi laang ang pila naten?" 

"Ser, priority lane po tayo kanina dahil naka-wheelchair po tayo." Sinamahan nya ako hanggang sa makalampas ng huling security check. Binalikan nya rin ako para isakay noong boarding na. Habang nilalakad ko ang daan papunta sa aking upuan sa 8A, iniisip ko kung ano ang ipapaopera ko sa bakasyon ko sa huling linggo ng June.


Sunday, November 23, 2014

Gallstone Diet: Ang Kagila-gilalas na Dyeta

Gusto nyo bang magdyeta? Gaya ko, sawa na ba kayong pumwesto sa likuran sa tuwing magpapakuha ng litrato sa isang handaan? Gaya ko, sa imbes na pounds o kilos ang sinasabi mong timbang e stones para hindi malaan kung gaano ka na kabigat? Gaya ko, sawa na rin ba kayong tumitig sa mga damit na binili nyo noong araw at hindi nyo na maisuot? 

Meron akong natuklasang isang bagong diet na nakapagpababa ng timbang ko ng 10 lbs sa loob ng dalwang linggo! Walang ehersisyo, walang gamot! 


Mula sa muka ng tuwang-tuwa nakakita ng donut shop sa ganitong muka.

Ang tangi mo laang gawin e magkaron ng gallstones sa iyong katawan. Ilang buwan na rin akong nagdurusa sa pananakit ng likod at tyan. Wala akong makitang pattern noon hanggang sa magpatingin na rin ako sa doktor. Natuklasan ko, halos isang buwan ang nakakalipas, na gall stones pala ang salarin. Ngayon alam ko nang nananaksak ng tyan ko at nanghahambalos ng likod ko e mga mamantika o matatabang pagkain. 


Dahil mas madaling ipaliwanag ito sa pamamagitan ng cartoon
kesa sa mismong ultrasound images.
Matapos magdusa sa pananakit na ito at magastusan nang hindi inaasahan, natuto ako. Umiiwas na ako sa mga pagkaing ito na magdudulot ng atake ng gallstones. Madali laang sa akin ito dahil talaga namang iniiwasan ko ito dati. Sa loob ng isang linggo, pinapayagan ko ang sarili kong kumain ng mga ito ng isang beses laang, gaya ng pagkakape ko. Pero, sinong niloloko ko sa sinasabi ko? Ang 'minsan-minsan laang naman' e napapadalas. 


Gallstone Diet

Ngayon, wala akong pagpipilian kundi umiwas sa mga pagkaing matataba o mamantika: ang 90% ng lahat ng masasarap na pagkain sa mundo: hamburger, nasi goreng o Indonesian friend rice (ang salarin ng huling atakeng nagdala sa akin sa ospital), iga bakar o grilled ribs, lechon kawali (natutunang lutuin kelan laang ng aking misis), adobo, martabak manis, atbp. Kung kinakailangan ko pang ipaliwanag kung bakit nakakataba ang mga pagkaing ito e tumigil ka na sa pagbabasa't malamang e naaabala kita sa pagngata mo ng tsitsarong baboy na isinasawsaw mo sa isang garapon ng Nutella chocolate.

Ngayon e meron nang halo ng takot at kaba kung susubok akong kumain ng kahit konti laang ng mga ito. Para akong makikipag-Russian roulette sa paglamon ng mga ito o nakikipaghamunan ng chickie run ke Satanas. 

Bukod sa pag-iwas kong ito, binawasan ko pa ng kalahati ang kain ko. Mula sa dating isang tasa ng kanin, e ginawa ko ng kalahati na laang. Ang epekto: Pagbaba ng timbang ko. Sampung pounds rin ang natanggal ko. 

Wala rin akong ehersisyo ni paglalakad man ng marahan dahil pinag-bawalan ako ng  doktor dahil naapektuhan ang atay ko ng gall stones na ito. Nakakaurat mang walang ginagawa, kahit papano e meron akong palusot sa misis ko sa aking pagmamarathon ng mga pelikula. 

Ang Aking Diet

Ang malimit kong kinakain e gulay na masabaw, walang asin, walang vetsin. Ito at kalahating tasa ng kanin. Ito o isang tapyas ng whole wheat bread at tuna (yung canned in water, hindi oil). At instant oatmeal at muesli. Kelangan mo ng gabanyerang lagayan ng instant oatmeal at muesli dahil kokonti laang ang kinakain mo, kelangan mong kumain nang madalas. Idagdag mo pa riyan ang mga putas para sa meryenda. 


Mas lasang ospital, mas tama ang timpla mo.

Eepek ba ito sa iyo?

Ito malamang ang tanong mo sa sarili mo. Depende na sa iyo iyan. Hindi ito eepek sa mga uri ng taong meron nang TB/ lung cancer e sige pa rin nang sige sa pagyoyosi, inubos na ng cirrhosis ang atay e gin ang pamalit na sawsawan sa pandesal, matapos lumabas ng operating room para sa isang bypass e nagdiwang nang paglamon ng crispy pata sa Max's o ubos na ang daliri sa paa dahil sa diabetes e panay pa rin ang inom ng Coke umaga, tanghali't gabi. 


Sinusulit na ng batang ito ang huling pagkakataong magagamit nya ang kanyang hintuturo
bago ang kanyang amputation sanhi ng kumplikasyon ng diabetes.

Para ito sa mga taong meron pa ring takot sa kalawit ni Kamatayan. Para ito sa mga taong tinatablan pa rin ng sakit. Para ito sa mga hindi ganoon katigas ang ulo. Isipin nyo: Sa tuwing kakain kayo ng mga nakakatabang pagkaing ito, merong mananapok sa tyan at likod nyo. 

"Ingat sa kain. Umiwas sa mamantika't matataba," payo sa akin ng aking inang natuto nang mag-Facebook. Sa kauna-unahang pagkakataon, ito ang payong hindi ko pwedeng bale-walain. Aba'y para akong inuurakan kapag sumasakit ito, paanong hindi ako tatalima sa payong ito? 

Ito ang isang bagay na siguradong magbibigay sa atin ng disiplina sa katawan. Instant parusa. Kung hindi instant ang parusa, hindi natin ito tatandaan. Tingnan nyo ang mga diabetic na kanda-inom pa rin ng isang litrong Coke sa loob ng isang araw. Hindi sila masaway dahil hindi nila nararamdaman agad ang epekto ng kalokohan nila sa katawan. Dapat sa tuwing kakain tayo ng yema, makikita nating nabubulok nang paunti-unti agad ang ating ipen, sa tuwing kakain tayo ng taba ng liempo e nararamdaman nating unti-unting nagsasara ang ugat na daluyan ng ating dugo, sa tuwing nagyoyosi e nararamdaman nating unti-unting numinipis ang hangin at parang wala tayong malanghap. 

Ano ang gagawin mo? 


Madali laang. Uuwi ako sa Disyembre sa Pilipinas. Sagutin mo ang operasyon ko, este, natin para sa gallstone transplant. Ang tatanggaling gallstones sa akin e malugod kong ipapasa ko sa iyo para makapagpayat ka rin. Tenk yu.  


Tuesday, September 16, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang "No Sex Before Marriage" policy at ang pagkainutil ng Yakult

Naalala nyo pa ba ang patalastas ng Yakult noong 80s? Malamang e natatandaan nyo pa ang mga katagang 'lactubacillus casei Shirota strain' na syang pangalan ng mabuting bacteriang diumano'y nakatutulong sa pagtunaw ng ating kinakain.  

Lumalabas sa mga pagsusuring ginanap sa UK na ang Yakult at iba pang katulad nito e hindi nakakatulong sa digestion sapagkat natotodas ang mga live bacteriang ito sa ating sikmura bago pa man makaabot ang mga ito sa ating small intestines. Wala akong pakelam kung nakakakanser ang Colgate Total, tutal ibang toothpaste ang gamit ko at hindi ko kinalakhan ang Total. Pero, ang malaang ang  e isang malaking dismaya ang dulot sa akin. 



Sa kaso ko, napipilitan laang akong uminom na Yakult noon. Hindi naman sa ayoko ng lasa nito at wala namang problema, masarap rin naman sa totoo laang. Ang problema ko noong ako e bata pa e ang ideyang para meron akong isinasalpak na supot na ari ng batang lalaki sa bunganga ko. Sa ilang dekadang pinilit kong iwaksi sa aking isip ang ideyang ito at umaasang kahit papano e bubuti ang aking kalusugan kapalit nito e malalaan kong wa epek laang pala ang lahat. Sa madaling salita dinildo ko ang bibig ko nang walang dahilan. 


Dapat e lagyan ito ng label na: No Approved Therapeutic Claims. When you wrap your lips around this phallic-shaped bottle, you do it for the taste and not its health benefits.

Kahit mismong anak ko e ibinibili ko nito, lalo na't 'pag nagtuturo ng mga inuming tsokolate, dahil sa isip ko e masustansya ito. 

Maaring sabihin nyong marumi laang ang isip ko. Sigurado akong hindi ako papasa mga tulad ng mga Pinay na celebrities na itong merong pinapauso ngayon. Ineendorso nila ang 'No-Sex Policy Before Marriage'. 

Narinig nyo na ba ang ideyang ito? Hwag raw magsesex bago magpakasal. Noong araw yata, nauso ito noong pinangangalagaan pa ni Rosemary Sonora ang kanyang imahe ng pagiging mas birhen pa ke Maria.  

Ang limang ito ang promotor ng ideya, nakasunud-sunod sa edad mula bata patanda: Janine Tugonon (Miss U contestant), Yeng Costantino (kung sino man iyon), Nikki Gil (ex ni Billy Joe Crawford), Toni Gonzaga (artista) at Miriam Quiambao (Miss U rin). 
  
Sa kaso ni Nikki Gil, hiniwalayan sya ng kanyang shotang Billy Joe Crawford dahil sa mga bagay na hindi... Tayo ba e maglolokohan pa? Aminin na nga nating lahat na ang dahilan dahil 'di makaiskor si Billy Joe Crawford. Billy Joe, wala kang dapat ikahiya. Naiiintindihan ka namin. magkahalong awa't paghanga ang ibinibigay ko sa iyo. Dapat nga e sabitan ka ng medalya sa pagka-Mother Theresa mo sa halos limang taon mong pagtitimpi nang wala man laang napala ni konting BJ.    
Tanong: Ano ang pinagkapareho nyo ni Billy Joe Crawford?
Sagot: Pareho nyong hindi naikama si Nikki Gil.
Ang nakakaaliw para sa akin e ang ideya ng hindi raw nagsesex sina Miriam Quiambao at 'yung shota niya kahit na pareho na silang dating merong asawa at nakasal dati. Inuulit ko: Dati e pareho na silang me asawa kaya't parehong wala na silang iniingatang pagkabirhen. Wala silang pinepreserba puri, 'di gaya ng mga nanumpa sa Santo Papang mananatili silang birhen hanggang sa humarap sila sa dambana ng altar. 

Talaga laang pinauso ng byudong Christian motivational speaker at ng dating beauty queen sa sarili nilang hindi sila magpapandalihan hangga't wala silang permiso mula sa Dios. Itong permisong ito e ginagawa sa pamamagitan ng isang seremonyang pamumunuan ng isang tao. Pagkatapos nito e pwede na nilang pagkabitin ang kanilang mga ari. Sinong lalaki ang nagpopromotor nang ganitong pauso? Kung "Food is the fastest way to a man's heart", lumalabas na "Christianity is the fastest way to a woman's heart." Tanungin nyo ang asawa ni Rica Peralejo kung totoo ang aking sinasabi.


Kahit si George Costanza e hindi kayang gawin ito.
Ang naiimadyin kong linya ni Ardy: I can't do this. (Habang isinasarang muli ang mga butones ng blusa ni Miriam) I love and respect you so much that I can't go through this sacred act without God's blessing. (Na sinundan ng ilang pambatong linya mula 1 Corinthians 13.)

Bagama't sumusulpot ang itinatago kong pait sa swerte boy na ito, aaminin kong hinahangaan ko ang mga lalaking kagay niyang kayang magbitaw ng mga ganung klase ng linya. Pwede akong mag-imbento ng job description sa aking tarbaho, magpanggap na nagbibigay na nagbibigay ng limos, magpanggap na aktibo sa charity work, pero ibang antas ng BS ang itong binebenta ni Ardy at hindi kaya ito ng powers ko.   

My own bitter caption #236: Hanggang kinikita nyo
laang sa SWA ang kaya nyong ipagmalaki sa FB.
Meron namang saysay, kung sisilipin nyo sa kanilang pananaw. Meron silang permisong makipagtalik sa mga dati nilang asawa, pero sa isa't isa e wala. Ngayon e kasal na sila't malaya na silang nagkakanaan nang hindi nakukusensya at wala ka nang magagawa kung bitter ka pa rin matapos ang ilang buwan ng kanilang kasal. Aba'y hanap na ng pinakamalapit na bibliya't sumali sa #BibleVerseChallenge para makapagpabilib sa mga tsiks. Hwag nga laang ang mga Obscure Bible Verses sa JMD.

Ang mga lalaki malamang e nasusuot sa propaganda ito dahil nakakasira ito sa diskarte nilang makaiskor dahil sa impluwensya ng mga celebs na ito ang utak ng kanilang mga shota. Sa mga bubae naman, malamang e pinagtaasan ito ng kanilang mga ahit na kilay at iniisip ang linyang ito: Ano tingin nyo sa aming mga nakikipagsex na hindi kasal, pokpok? 

Yun nga laang, 'yung mga mahiyaing bubae e hindi makapagkomento sa bagay na ito dahil ayaw nilang ipaalam na tumikim na rin sila ng luto ng Dios nang 'alang paalam. Sinasarili na laang nila tuloy at hindi makapagpatama sa FB o Twitter.  

Maraming nagsasabing nagpapakaipokrita laang sila. Para sa akin e katawan nila iyon at nasa kanila ang desisyon kung ano ang gusto nilang gawin dito. Labas na tayo riyan. 

Isa pa, kung lalake ka, kahit anong pagkasusot at pagkamangha mo rito, wala rin namang mababago sa buhay mo. Meron man silang Yes-to-Sex o Open-Door policy e hindi mo rin naman maiiyut 'yung mga 'yun at hindi sila abot ng powers mo, lalo na kung ang tanging naririnig mo laang na nagsasabing pogi ka e mismong nanay mo - at kapag inuutusan ka laang. 

Pag narinig nyo ang 'No-Sex Before Marriage Policy' e iisipin nyong awtomatikong mangangahulugan iyon ng 'Yes-to-Sex Marriage Policy'. Neknek nyo. Sa mga binata pang nagbabasa nito, gusto kong tandaan nyong hindi Unli-Sex ang ibig sabihin ng kasal. Ang ibig sabihin laang nito e makakatipid kayo sa motel dahil magkasama na kayo sa bahay. 


Ang katotohanan ng sex within marriage.
Anuman ang matitipid nyo sa motel e pagkakagastahan nyo sa ibang anyo ng currency. Sa halip na pera, pagkakagastahan nyo e ang isang uri ng monetary unit na tinatawag kong Mood Points o MP. Anong ibig kong sabihin nito? Kung napagdesisyunan nyong mag-asawa, kasama sa pinagbubulalas nyong 'I do' sa pari ang obligasyong gawin ang mga sumusunod para ilagay sila sa mood:
  • tumulong sa gawaing-bahay, me katulong man kayong pinapasweldo o wala
  • tumigil o magbawas sa paglalaro ng video games at anumang anyo ng laro, panonood ng mga panlalakeng palabas at iba pang gawaing panlalake
  • makinig sa kung anumang reklamo nila tungkol sa tarbaho at katarbaho nila
  • anumang random na bagay na maisipan gawin ng misis nyo at hindi kaya ng utak kong ikategorya sa isang bagong bullet point
Anumang hindi pagsunod sa kontratang ito e mangangahulugan ng kanyang pagtatanggal ng Yes-to-Sex Policy. Kung mababa ang MP nyo, hindi kayo makakakita ng aksyon. Tandaan nyo, kahit gaanong kamacho tingin nyo sa sarili nyo, nasa misis nyo ang pinto ng Langit kaya't wala kayong magagawa kung ayaw nilang magpapasok. Mahirap mang intindihin ng ating utak taong-kweba, merong batas na merong patungkol sa marital rape. 

Bawasan mo pang tsansa mo sa mga masasayang engkwentro kapag me anak pa kayo. Kung mathematician laang ako e iginawa ko na kayo ng equation. 

Kaya't ako mismo e bumabalik-balik sa aking best friend na si Jergens paminsan-minsan. Kapag nag-asawa kayo, simulan nyo nang idagdag sa bokubolaryo ninyo ang mga sumusunod: udlot, purnada, at unsyami bilang pamalit sa 'rurok ng kaligayahan'.

Sa huli, ikaw e mapapa... (insert pun)
   


Tuesday, September 9, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang pagtatanggal ng 'Kanor' sa listahan ng mga bagyo

Noong ako e bata pa ang mga pangalan ng bagyo e mga pambubae. Magkakakilanlan tayo ng edad kapag naaalala nyo ang Unsang. Sa tradisyon yata kasi e talgang pangalang bubae ang ginagamit at kung hindi ako nagkakamali ito e kalimitang ipinapangalan noon sa mga biyenan, kung hindi man mismong misis nila. Ito e bilang pangungutya o malambing na biro sa mga tigre sa buhay ng mga lalaking nagpapangalan nito. 

Nakaka-miss tuloy si Pepe Pimentel at ang kanyang biyenan jokes.
Hindi ko alam kung kelan nauso sa Pinas 'yung lalaking pangalan ang ginagamit sa mga bagyo. Ewan ko kung merong kinalaman ang mga feminista sa bagay na ito, pero hindi ko na ikagugulat kung sila nga ang me pakana nito. 

Ngayon e tinanggal sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa PAGASA ang pangalang Kanor dahil 'yung matandang lalaking iyon agad ang pumasok sa isipan nyo - aminin. Sumagi ba sa isip nyo si Nicanor Abelardo? Nakow, iki-click pa ang link para malaan kung sino siya?

Pupusta akong walang problema ang PAGASA
sa bagyong Lito ang pangalan.

Mang Kanor. Yan, sa ganyan kayo magaling. At dahil sa dito kaya't binura ang pangalang ito. Ang 'di ko malaan e kung bakit tinanggal. 

Dahil ba kinukondena nila ang kanyang sex scandal? Kapag pelikula ni Eddie Garcia, hindi kadiri, pero kapag si Mang Kanor e oo. Hindi sa idinidepensa ko ang kalibu... este kaigtingan ng pagnanasa ni Mang Kanor, pero hindi ba't karapatan ng bawat tao ang maipangalan sa kanya ang isang bagyo? 


Aba'y gusto kong merong bagyong maipangalan sa akin. Pero dahil sa pangyayaring ito, naiba na ang misyon ko sa buhay. Gusto kong makapag-iwan ng marka kapag nilisan ang mundong ito at iyon e ang ipagbawal ang pangalan ko sa listahan ng mga pangalan ng bagyo sa Pilipinas, parang si Mang Kanor.

Hindi kaya iba ang dahilan? Walang kinalaman sa kanilang moralidad ito malamang. Hindi kaya iyon e dahil hindi magagawang magbalita ng mga weathermen at news crew nang hindi napapabungisngis sa tuwing babanggitin ang pangalang... Bagyong Kanor! 

Narito na po sa Bicol ang bagyong... Mang Ka... este, Kanohohor!
Sa mga ganitong pagkakataong nakakamiss ang isa pang namaalam na alamat na si Ernie Baron na kilala rin bilang Walking Encyclopedia (dahil hindi pa uso ang Google at Wikipedia noong kasikatan nya). Siguradong kayang-kaya niyang dalhin iyon sa kanyang sense of humor. Naiimadyin nyo ba si Mang Ernie na binabanggit ang pangalang Kanor? 

Imadyinin nyo ito sa boses ni Ka Ernie: "Pinag-iingat po ang Bicol dahil parating na si Kanor. Siguruhin po ninyong ligtas ang inyong mga anak. Ilikas po sila kung saan hindi sila mahahagip ni Kanor."

Ewan ko kung kaya iyon ng lalaking gumigimik pag-we-weatherman sa pamamagitan ng pagsusuot ng sombrero na kung tawagin ng nakararami e bilang Kuya Kim. Hindi makabenta sa akin ito. Aba teka, ito pala e muntik nang mamatay ng dalwang beses? Tingnan mo nga naman, dalwang muntik na balita iyon. Aabangan ko na laang bago ko ibalita.

Hindi naman sa gusto ko na syang mamatay. Kilala natin ang mga Pinoy kapag meron namamaalam, lalo na't bata pa. Ang malimit nating nasasambit e, "Sa dinami-dami ng kukunin na ni Lord, bakit si __________ pa?" Bakit nga ba si Mark Gil pa? 

Sa araw na namaalam si Mark Gil, e noon rin sumambulat ang mga hubad na litrato sa internet nina Jennifer Lawrence ng Hunger Games (para sa mga Kanong hindi nakapanood ng Battle Royale) at ng isang Elizabeth Winstead na ginoogle ko pa para malaang 'yung cheerleader na maganda sa Death Proof. 

Hindi man ako nakapagpost ng tribute post sa Facebook para ke Mark Gil e gusto kong malaan ng mga kamag-anak nyang sa imbes na magdownload ako ng mga litrato ni Death Proof e mas inatupag kong manood ng Batch '81 bilang pagpupugay. 

Aba'y dapat pala e binabalikan ko ang Soldatenkaffee.
Alam kong cirrhosis of the liver ang ikinamatay ni Mark Gil at sana e hindi insensitibo para sa kanya ang ginawa kong pagpupugay, pero gusto kong ihandog sa kanya ang isang baso ng beer na paulit-ulit kong ipinasok sa bibig at iniluwa hanggang matapos ang pelikula. 

Sa mga nakakaalam, si Mark Gil ang tunay na Sid Lucero
at ang binanggit kong baso ng beer.