Tuesday, January 27, 2015

2 Mungkahi sa mga Beauty Pageants Para Makahatak ng Lalaking Manonood

Meron akong hindi maintindihan sa mga beauty pageants, gaya ng Miss Universe. Sa mga patimpalak na ito e ipinaparada ang itinuturing na pinakamagagandang bubae ng isang bansa o mundo, pero bakit ang mga lalake e walang pakelam? Hindi ba't kaming mga lalaki ang makikipag-unahan sa pagbili ng mga tiket sa palabas na ito o nakikipag-agawan sa remote ng tv? Yun nga laang merong dumaang magandang bubae, napapalingon kami. Kapag ikinumpara nyo yon sa mga Miss U e nasa kartada 5 laang siguro, pero napagtutunan namin ng pansin.

Pero, bakit sa tuwing me palabas na ganito e mga bubae at bakla ang tumatanghod rito? Sino sa mga FB friends nyo ang panay ang pagpopost tungkol sa mga beauty pageants, gaya nitong Miss Universe na ito? 

Kung maraming mga hindi man laang nakapagbitiw ng suntok sa buong buhay nila ang nagmamarunog kapag merong boxing match si Pacquiao, ganoon rin karami ang mga nagiging dalubhasa na parang graduate sila ng Cora Doloroso. Bago ang mismong Miss Universe e umani ng alipusta ang ating bet - ang tanging pagkakataong ginamit ko ang salitang bet sa blog na ito - na si MJ Lastimosa dahil sa kanyang suot. 

Kung ito e pangkasal, magsawa na kayo sa pang-aalipusta.

Pinagpipistahan ngayon ang mala-flavor ng sorbetes na gown, national costume o kung anuman ang tawag sa damit na itong hindi swimsuit. Maski mga nagko-Crocs e feeling Joan Rivers sa pag-alipusta sa damit na ito. Hindi sa pinagtatanggol ko ang Pontio Pilatong gumawa nito o ang bubae o mga kamag-anak ng napapayag na magsuot nito, pero mula sa pananaw ng mga huradong hindi naman Pinoy, ano ba malay nila sa kultura natin? Malay ba nila kung ganito ang tradisyunal nating pananamit? Magtataas ba kayo ng ahit nyong kilay kung ang me suot nyan e isang Miss Syldavia? Hinde, 'di ba, dahil ano alam mo sa damit ng Syldavia? At ano rin ba ang alam mo sa Syldavia?


Clue: Ang Syldavia ay isang fictional na bansa sa...

Napanood ko kagabi ang replay nito at ito ang nakita kong isa sa mga nakapasok sa top 5 na national cotume. Score board at hockey sticks. Dapat merong rule sa ganitong portion: Kapag hindi makakapasok sa isang karaniwang pinto o makakaupo sa isang silya ang contestant sa kanyang suot e disqualified agad dahil technically e hindi ito damit, kundi gumagalaw na istatwa.


Aminin na nating lahat na kabulastugan laang ang national cotume na ito.

At saka sino ba me pakelam sa national costume o gown? Ika nga ni Jerry Seinfeld, ang dapat na panalo e kung sino ang malupet ang katawan sa swimsuit. Yon ang Miss U. 

Alam nyo kung ano pa ang malabo, bukod rito? Question and answer portion. Nasusubok ba ang talino ng isang bubae sa mga tanong na merong 30-second shot clock, kagaya ng "What is your idea of an empowered woman?" Inaabangan pa ng mga tao talaga ito na para bang final round sa isang slam dunk contest. Para bang, uy napatunayan na nyang maganda sya, pero meron bang laman ang kanyang kukote? 

Kung meron mang pinapasikat ang ganitong klase ng tanong e ang ideyang dapat nating hangaan ang pinakamalaking bullshitter sa mundo. Naniniwala ba kayo sa kanilang mga sagot na 'true essence of a woman' at 'world peace'?

Kung gusto nating sukatin ang talino ng mga contestants natin, sana e pinagsagot na laang natin sila ng standardized na IQ test o mga essay at iparada nang ganito... 



"Miss Amberlands stands at a height of 5' 8", weighs 110 lbs, and boasts of an IQ of 95." 

Nagiging tampulan pa ng reklamo ng mga manonood itong Q&A na ito, na kesyo 'yun ang nanalo e ampanget naman ng sagot niya sa Q&A. Hindi ko naman isinusulong ang ideyang ating itayo sa pedestal ang mga magagandang pwedeng paradahan ng kotse ang espasyo sa bungo. Sa totoo laang e madaling kasawaan ang mga taong mahina ang kukote, kundi man nakaka-turn off. Pero, gaya ng sinabi ko, kung gusto nating sukatin ang kanilang talino, pagsagutin na laang natin sila ng mga multiple choice na IQ test. Isa pa, sino ba me pakelam sa kung ano nasasa utak ng mga bubaeng ito? Papakasalan mo ba ito o ide-date at gusto mo pang malaman kung hindi sila bopols?

Isang halimbawa ng tanong sa Q&A e 'yung tinanong ng isang hurado ke Ms Ukraine: sang-ayon raw ba sya kung sakaling tatanggalin raw ang swimsuit portion. Ang sagot ni hija e parang okay lang kung ganun, pero hindi nya pinaliwanag. Una, anong klaseng sagot iyon? Pangalawa, aba'y ano pa ang panonoorin ng mga mister na sinasamahan ang kanilang mga misis kung ganun? 

Kungsabagay, ala rin namang kwenta ang swimsuit portion. Hindi kasi marunong magfocus ng mga camera sa swimsuit competition. Hindi malaman kung saan tututok. Parang buhok at yung sash ng pangalan ng bansa ang pinagtutunan ng pansin. Di ko alam kung saan nila nakuha ang nagdidirek ng mga beauty pageants na ganito. Habang nanonood, pakiramdam ko e isa akong taga-ibang planetang nanonood ng National Geographic para maintindihan kung paano mamuhay ang mga species na kung tawagin e bubaeng tao. Kulang na laang e boses ni Morgan Freeman na magna-narrate. Walang akong naramdamang igting. Mas nakakautog pang tumingin ng brochure ng Air Asia. 


Noong huli kong sakay sa Air Asia, tutok na tutok ang mga mata ko sa tuwing merong magkakasalubong na flight attendants.

Walang igting. Yun pala ang problema. Nilikha yata talaga ang mga beauty pageants na ito para merong mapanood ang mga bading at bubae kapag off season ng mga televised sports. Pero, hindi naman kelangang ganito dahil malaking prosyento ng manonood e mga lalaki at isang indikasyong gusto nilang maging panlalaki rin ito noong nag-imbita sila ng tatlong lalaking huradong walang kinalaman sa fashion at beauty, kundi sikat sa sports, gaya nung dalawang football players at ni Manny Pacquiao. Kaya't para mahatak kaming mga lalaking manonood ng mga beauty pageants na ganito, dalawang bagay laang ang dapat gawin: 

1. Ipadirek ang mga pageants sa mga gumagawa ng music videos ni Sir Mix-a-Lot at gamitan ng saxophone o electric guitar na merong wah-wah sa pagparada ng mga nakaswimsuit.  

2. Tanggalin ang night gown, national costume, question and answer portion at palitan ng trampoline portion. 


Di na nila kelangang matutong sumayaw,
basta't marunong tumalon, okey na.
You're welcome, organisers ng susunod na beauty pageants.


7 comments:

  1. Oo nga naman. May punto ka sir. hehe

    ReplyDelete
  2. Hahaha nakakatawa. I miss writing this kind of article. Benta sakin to:

    palitan ng trampoline portion.

    Hahaha. Nice one!

    ReplyDelete
  3. After reading this very enlightening post about beauty pageants, I couldn’t help but laugh for 5 minutes. You have a good point there.

    ReplyDelete
  4. Good point and well- expressed sir. Medyo parang Joke na nangyayari sa mga beuty contest ngayon lalo na sa nakaraang Miss U

    ReplyDelete
  5. Wow! Ayos! Girls on trampolines habang naka-swimsuits? pwede..hehe. :D

    ReplyDelete