Sunday, August 17, 2014

Jerboy's Weekly Round Up #1: Ang Guinness Record ni Napoles, love life ng celebs, atbp.

Meron ba sa inyong Colgate Total ang ginagamit na pangsipilyo? Napabalita kelan laang na meron raw itong kemikal na maaring makapagdulot ng kanser. Ano kaya pakiramdam ng mga hindi nagyoyosi, pero nagko-Colgate Total? Ilan kaya sa kanila ang nagsabing, "Fuck it, makapagyosi na nga lang rin, tutal nadali na rin naman ako ng Total." Huli na kayang lumipat sa Maxam kung ilang dekada nyo na itong ginagamit? Yun e kung hindi nagbibigay ng ibang klase ng kanser ang produktong itong galing China.

Colgate Total pa!


Magkakanser man kayo, mabango naman ang hininga nyo at walang butas ang mga ipin nyo kahit papano. Buti na laang at nagagamot ang kanser sa mga likes sa Jesus Daily.

Pwede rin namang magparosaryo kayo ke Napoles. Baka pwede makibakas na laang kayo sa 2000 na rosaryong dinarasal nito araw-araw, ayon sa kanyang abugado. 2000 rosaryo? Hindi ko sinasabing sinungaling ang abugado, baka mahina laang sa Math. Sa loob ng 24 oras, ilan ang pwedeng dasalin ng isang tao? Aba'y dapat e ipasa sa Guinness Book of Records ito para Pinoy Pride.

Baka naman kasi mga FB likes laang 'yung ibig nyang sabihin. 1 like = 1 rosary. Yun e kung meron syang 2000 na taong nasa Napolist nya para ipagdasal syang huwag mandawit. 


Dahil hindi pa uso ang wheelchair noon.
Ang alam ko e kumita na ke Mayor Sanchez ng Calauan, Laguna ito noong panahon ng massacre movies noong 90s. Pero, mas mabalasik itong ke Napoles dahil galing sa kinatawan ng Dios, ang Papang si Pope John II na magiging santo na, ang kanyang rosaryo. Mantakin nyo iyon, balang araw e masasabi nating merong Pinoy na napasama sa Guinness Book of Records at minsang binigyan ng isang santo ng rosaryo. 

Ang hindi ko maintindihan e reliyohoso naman raw si Napoles. Ewan ko, pero para sa akin e kapatid noon ang isang malakas na pananampalataya, pero bakit nakabullet-proof vest sya? Hindi ba pwedeng patigilin ng Dios ang mga punglong ito, ala-Matrix?

Anong nakasulat sa vest ni Janette, PiNaPulis? 
Ang iniisip ko laang e kung ilan ang nagregalo ng Colgate Total ke Napoles ngayong mahirap yatang ipatira sya sa mga riding in tandem dahil gustong ipagbawal ito ng 1/3 ng TVJ. Layunin raw nitong mabawasan ang patayang inuugnay nila sa pag-angkas sa likod ng motor o riding in tandem. Ang tanging papayagan na laang e ang mga magkamag-anak. 


"Halata namang magkapatid kayo.
Sige lang, ingat kayo sa byahe." -SPO Cruz.

Umamin na raw sa kanilang relasyon sina Nanay Dionisiang 65 anyos at ang karelasyon nyang 38 anyos. Aba't tingnan mo nga naman. Age doesn't matter talaga. Sinong mag-aakalang sa edad nyang iyon, sa edad kong ito, e pupwede pang makabingwit pa ng ganung kayaman? Sa edad na 38 nakaratsa pa! Akala ko e mga 20 anyos ang target ng mayayaman. Nawa e magsilbing inspirasyon sa inyo itong mga lalaking hindi na kabataan. Kung hindi nyo kayang iangat ang sarili sa pamamagitan ng boksing, ang mga nanay ng boksingero ang i-KO nyo ng kakisigan nyo. 

Habang nagkakabombahan sa ibang panig ng mundo,
ito ang gustong malaan ng Channel 7.
Nagpropose raw si Dingdong Dantes sa shota nyang si Marian Dela Riva, ang artistang Hinarden ng Channel 7 noong lumpiat si Angel Locsin sa Channel 2. Base sa mga tiling narinig ko sa pinapanood na video ng misis ko, santambak na mga bubae ang nalaglag ang panty sa ginawa niyang ito. Santambak rin ang lalaking nagpapanggap na hindi pa nila ito napapanood para hindi sila masilo ng mga GF na mag-alok ng kasal. 

Ano bang meron sa proposals at sikat na sikat ito? Tang kahirap sigurong pakasal ngayon. Bukod sa gastos sa damit, handa, atbp, e kelangan mo pang magpakabida sa isang rom-com na pelikula at magpropose  sa shota mo. Fuck you kung basta ka laang nagpropose sa ilalim ng puno ng mangga habang nagpapatunaw kayo ng kinain nyong instant pancit canton na mineryenda nyo. 

Dapat tumigil sa pag-ikot ang mundo para maging sentro kayo ng atensyon sa mall habang lumuluhod ka suot ang isang magarang damit (dahil hindi pwedeng naka-t-shirt at shorts laang) habang pinapanood kayo ng mga madla. O ng mga bubae sa madla, habang nagyayayang lumayo ang mga lalaking ayaw mapilitang mapagaya. 
Tingnan mo nga nama't optional pala ang magarang damit
kung merong makapal ang balat sa hiya.
Matapos ang mga ganitong pausong proposal, meron pang bagong pauso bago ikasal. Gagasta pa ngayon sa potograpo para magmukang maghotang Koreanovela ngayon sa pre-nup shots na ipopost sa FB. 

Sino ang hindi makatulog sa tuwa ngayong lumabas na ang mga pre-nup photos nina Chitong Parokya at Neri? May kinikilig pa ba rito? Mas gusto ko pa rin ang screen cap noong O face ni Chito.  

Kilig.
Aba, balita ko meron pa raw part 2 'yung ke Paolo Bediones? Part 2 o take 2? Mas muka na bang nag-eenjoy sa hinahada, este, sinesex nya si Paolo 'Bad 'Yon' Bediones? 


21 comments:

  1. Tol di mo pa napapanuod ang part 2 ng kay Paolo? Lol. Walastik si Napoles, kung relihiyosa nga siya di sana siya nagnakaw at nakipagsabwatan sa mga mambabatas para mangurakot sa kaban ng yaman. walang magagawa yan kahit sabihin pa niyang isang milyon ang rosaryo nya at meron pang galing sa Pope. kung may dapat man syang gawin para mabawasan ang kasalan nya sa bayan e sabihin nya na lahat ng nalalaman nya. regarding naman sa mga proposal, pautot lang ng mga negosyante yan para kumita, hehe. pero sa mga babae,romantic talaga yan lalo na't gawin sa harap ng madla lol

    ReplyDelete
  2. Wala bang good news na kasali sa round-up. Yung proposal di naman sya bad news, kaya lang di rin nakakatuwa. Overrated. Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tingnana natin kung merong maisasali sa susunod. Kalimitan talaga e puro masasama e.

      Delete
  3. O nabigyan mo naman ako ng blessings sa araw na ito. Marami namang balita akong nakuha..o napulot. Nice round up at ipagpatuloy mo yan ha? O sige mag Colgate Total ka muna, ah hindi mag-yosi ka muna.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun ang malupet: Kung naninigarilyo ka't nakaugalian mong magsipilyo ng Colgate Total para mabura ang amoy ng yosi.

      Delete
  4. grabe 2000 rosary ? seryoso? and grabe mga balita ngayon nakakakawindang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka namimiss ng daliri nya ang sensation ng paglalaro ng Flappy Birds.

      Delete
  5. oo nga nakakaloka ang balitang yan ng colgate total at 2000 rosary ni napoles.

    ReplyDelete
  6. Whoa! Di ko alam na meron pala ganon news about colgate..good thing systema gamit ko..pero di kaya hoax lang naninira..anyways thanks for sharing! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lehitimong balita 'yung sa Colgate. Buti na laang at wala akong sinusuking toothpaste. Kalimitan nga laang nitong huli e Close Up. Aba't teka, sana e walang lupus na nakukuha run.

      Delete
  7. Anong content ng Colgate Total yung nagdudulot ng kanser? Grabe si Napoles ah. 2000 rosary talaga ah?hehe...diba sya nagaapoy habang nagrorosaryo?! haha..Oo nga, tama si @rainbowjournal ,wala ka bang list of weekly good news round up?hehe..Just asking ;)

    ReplyDelete
  8. Of all the news I read, ang colgate lang ang mukhang interesting. Well, compared to:
    Napoles' incessant prayers; PH senate at work on a new bill?; Dionisia's lover truly loves her; Dingdong's proposal is not to boost Marian's career; reminder of Chito-Neri video; proof that Paolo is not gay.

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Sabagay, ilang minuto lang naman ang isang mystery kung idadasal sa rosaryo. Pero, baka naman sumobra sa langit ang kabaitan na iyan ni Janet. O baka naman inaakyat pa rin ang purgatoryo matapos ang sandamukal na kalokohang ginawa niya para sa bayan at pati na rin sa mata ng Diyos?

    ***

    Alam ko. Walang masama sa pagmamahal sa hindi mo kaedad. Pero.... tangina, seryoso, 24 Oras? Ang daming balitang nangangailangan ng attensyon, BAKIT ITO PA?!

    Bigla yatang kumulo ang kumunoy sa utak ko ah.

    ***
    Wow, pare. may nagpropose. Parang ang sarap lang din sabihan ng ilan ng "eh ano ngayon?!" Juskonaman.

    ***

    Buti pa ang Colgate eh. Interesanteng balita eh. Bagamat hindi ang variant na yan (TOTAL) ang gamit ko.

    ReplyDelete
  11. Grabe updated. di ko akalaing 38 anyos pala yung shota ni Aling Dionisia. Akala ko yung mga bente anyos na uso para maging cougar. pero siya, kung san siya masaya eh suportahan natin. At agree ako sa iyo. panong mangyayari na 2000 beses nagrorosaryo sa isang araw, ano yun, di na siya kumakain? umiihi, naliligo? Talagang sa Diyos na siya kumakapit.

    ReplyDelete
  12. sumoshowbiz ka din pala. :-)

    Re: proposal, click na click sa aming mga nasa events industry yan, and I'm sure marami pa ding mga kababaihang kikiligan.

    Di nyo lang maintindihan kasi mga lalaki kayo, pero kaming makababaihan, pinag uusapan at talk of the town ang mga ganitong esksena whether artista lang or kapitbahay or kakilala kahit nga di kakilala eh. :_)

    ReplyDelete