Sunday, August 31, 2014

Jerboy's Weekly Round Up: Ang Superstar Defense Team ni Napoles, Hello Kitty at ang CBCP

Matapos mapabalitang nagrorosaryo ng 2000 beses araw-araw si Napoles, heto't merong bagong press release ang grupo ng mga abugado nya. Ang namumuno raw sa depensa ni Napoles e si Holy Spirit

Malamang e busy sa Quiapo si Diyos Ama kaya't ang 
Chris Bosh ng kanilang Big 3 na laang ang kanyang pinadala.

Mapapabilib ka rin sa mga uri ng pautot na maiisip ng mga ganitong tao. Pasado ng bar exam at isang abugadong ang pinakamalaking bahagi ng tarbaho e magpatunay at magpasinungaling sa mga nakahaing ebidensya't testimonya, mapapahanga ka kapag ang isang taong kagaya ni Stephen David e nakakapaglubid nang ganitong antas ng bullshit. Gusto nya tayong kumbinsihing pinamumunuan sila ng 1/3 ng Holy Trinity para ipagtanggol ang isa sa pinakamumuhiang tao sa Pilipinas ngayon - sumunod ke Kris Aquino.

"At galing ke Santa Claus ang suot kong kurbata ngayon."
Ganitong klase ng tao ang gusto mong magsinungaling para sa iyo - isang taong full of shit na handang magsabi ng mga kalokohang ito nang hindi kumukurap. Hindi ko sinasabing puro sinungaling at lahat ng abugado e mga bulaan. Ang sinasabi ko laang e hindi naman siguro lahat ng abugado e mga walang-sala't inosente laang ang tinatanggap na kaso. May dumarating na pagkakataong kelangan nilang hilutin nang konti ang katotohanan at ang mga kagaya ni Stephen David na merong yagbols na mag-imbento nang ganito ang perpektong tao para sa mga kagaya ni Napoles. 

Sa amin sa Tanza, Cavite e merong tawag sa uri ng pagtangging daig pa ang pagtanggi ni San Pedro ke Hesus noong dinakip ang Mesiyas - tangging Malabon. Iyang mukang iyan ang larawan ng tangging Malabon. Iyan ang muka ng mag-iimbento sa iyo ng alibi kung bakit ka absent sa tarbaho o eskwela. Iyan rin ang mukang hahanapin mo sa tuwing nagtatanong sa iyo ang misis mo kung saan ka galing kagabi. 

Interesanteng malaan kung paano nagpapalusot si Stephen David sa kanyang misis na si Lanee Cui-David na isa ring abugado at itinuturong utak ng Napoles Team. Sya ang nagpasimuno ng pagbabago ng imahe ni Naps. 

Ang mga bulaklak na ito? Nahulog ito galing Langit
noong nagrorosaryo si Janet bilang tanda ng kanilang paggabay.
Pakinggan nyo ang BS story nito: Nadurog raw ang kanyang puso sa pagkukwento ng anak ni Napoles, sapat para tanggapin niya ang kaso. Bukod sa mga tauhan sa Bibliya, gusto niyang umapila sa ating mga puso sa paggamit ng isang eksena sa Greek mythology na tumanim sa kaibuturan ng ating puso. Gusto nyang ating isipin ang pagmamakaawa ni Priam ke Achilles para ibalik ang bangkay ng kanyang anak na si Hector. 

Meron pa syang suot na kwintas na merong imahe ni Mama Mary na malamang e malimit nyang hinihimas-himas kapag nakatutok ang camera. Nga pala, kung hindi pa sapat na kakampi nila sa depensa ang Holy Spirit, binibigyan rin sila ng mga payo ni Mama Mary para ipagtanggol si Napoles. Hindi ko alam kung nagsasanggunian ang Holy Spirit at si Mama Mary o umaakto sila nang hiwalay. O baka naman para silang si Jong Uichico at Ron Jacobs noon sa San Miguel Beer noong araw.  

Interesanteng malaan kung paano magtiwala sa isa't isa ang dalawang ito sa tuwing sila e nag-uusap. Malamang e para silang naglalaro ng Spot the Fib.

Pero pagdating sa kalokohan, walang panama sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mag-asawang ito. Kung magsalita at magbigay sila ng opinyon e akala mong laging direktang nakausap nila ang Dios, gaya nung kasagsagan ng labanan sa RH Bill. 
“We have to continue praying. Let’s wait for divine intervention. I know God will do something before Aquino signs the RH (bill) into law.”
Asan na ang Deus Ex Machina? Baka abalang tinutulungan ang mag-asawang David sa ibang kaso noon.

Nitong huli e nakidawdaw rin ang CBCP sa ALS Ice Bucket Challenge at hinihimok ang mga Katolikong huwag makisali sa pautot na iyon. Dahilan nila e ginagamit raw ang mga pondo run para sa stem cell research na kanilang kinokontra dahil labag ito sa kalooban ng Dios. Alam nyo kung ano pa ang labag sa loob ng Dios? Ito.

Aba'y tingnan na sa tag kung ano ang komposisyon ng
telang suot mo ngayon bago ka mapunta sa DDA
.

CBCP, sino ba ang nanghihingi ng opinyon nyo sa paglutas ng mga sakit at karamdaman? Kapag kelangan ko ng magkukwento sa akin tungkol sa mga nagsasalitang ahas at asno, mga higanteng isdang lumulunok ng propeta at bangkay na bumubuhay ng bangkay, arkong naglalalaman ng tigagalawa ng bawat uri ng hayop, kayo ang tatanungin ko. Pagdating sa usapin ng agham at medisina, tumatabi-tabi muna kayo't ipalinis nyo muna sa isang carwash ang mga SUV nyo.

Alam nyo kung saan ako muntik nang mamangha? Hindi sa kasinungalingan, kundi sa 'katotohanan', katotohanang hindi pala pusa si Hello Kitty. Bukod sa kung anong hayop si Hello Kitty, ang una kong gustong malaan e kung bahagi ng pangalan niya ang Hello. Apelyido nya ba 'yung Kitty o dalawa ang pangalan nya at wala syang apelyido parang sina Cher at Madonna? 

Alam kong kung hindi nya pangalan ang 'Hello' e dapat na "Hello, Kitty" 'yun at merong kuwit sa gitna. Pero, dahil galing Japan ito, malamang e meron laang typo. 
Gaya ng Plutong hindi pala planeta laang ang peg.
So, ang isang karakter na merong pangalang Kitty at anyong pusa e hindi pala pusa, kundi isang British schoolgirl. Hm... base sa nabasa kong ito, ang tunay nya palang pangalan e Kitty White at lumalabas na hindi nya pangalan 'yung Hello. Be ewan. I call bullshit on this. 

Mas big deal pa ito sa mga comic book characters na lumalabas sa kanilang aparador, gaya nina Rictor ng X-Factor (paborito ko pa naman).

Ang lagay e hindi rin palaka si Kermit at tinawag laang syang Kermit the Frog dahil muka syang palaka? 

Baboy talaga si Kermit. Ito ang dahilan kung 
bakit hinahabul-habol sya ni Miss Piggy.
Ang dating hinahabul-habol ng mga kalalakaihan noong panahong hindi pa uso ang internet na si Aya Medel e iba na raw ang inihahain ngayon. Hindi na ang kanyang katawan, kundi pagkain sa hapag-kainan. Matapos makapag-asawa ng isang Japanese businessman, nagpaka-chef raw ito't nagbukas ng sariling resto. 

Naaalala ko tuloy ang pambatong linya sa isang pelikula noon, "Para kang karinderya, bukas kahit kanino." Hindi man sa pelikula nya lumabas iyon, hindi na sya masasabihan ng gayun dahil restoran ang negosyo nya. Ang kinatutuwa ko sa bagay na ito e hindi sa isang pastor nauwi ang dating bomba star, hindi gaya ng iba. Ikakatulog ko nang mahimbing na hindi isang con artist ang nakabingwit sa isang dating maganda't seksing artista. 

Insert your own bitter caption.



4 comments:

  1. Ang lakas ng tawa ko sa last 2 photos. Hahahaha!

    ReplyDelete
  2. Ipapaliwanag ko po sa inyo ang side ng Simbahan patungkol sa ALS ice bucket na iyan at kung bakit kontra ang mga obispo dito.

    Ang research po sa ALS ay gumagamit ng embryonic stem cell. At ang kapaalit po ng paggamit ng embryo ay posibleng pagkamatay ng embryo na iyon. Hindi ba ang embryo ay isang buhay na nilalang na din? Isang fetus sa sinapupunan ng ina?

    Ang tinututulan ng Simbahan ay ang ay mga research na nagsasakripisyo ng buhay ng tao. We must make sure that no unborn child is harmed sa mga research ng ALS.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa pagbibigay po ng dagdag na impormasyon po sa pananaw ng Simbahang katoliko po, ang simbahan pong nagtakda noong araw na ang capybara, isang rodent, e isang uri po ng isdang pwedeng kainin sa Mahal na Araw. Magrorosaryo rin po ako ng 2000 ulit po, kagaya po ni Napoles po.

      Delete
  3. Searching for the Ultimate Dating Website? Join to find your perfect date.

    ReplyDelete