Saturday, August 30, 2014

5 Hamong Dadaig sa Ice Bucket Challenge

Lilinawin ko muna: Ang laman nito e pawang nakabase sa mga nababasa ko laang sa Facebook posts ng mga kaibigan ko. Hindi ako nagbasa ng literatura tungkol sa ALS o mga articles tungkol sa anong pauso itong ALS Ice Bucket Challenge. 

Raising Awareness

Noong una kong nabasa ito e sa isang komento sa isang FB group. Dahil raw sa tagumpay na inaani ng ice bucket challenge, dapat raw makaisip sila ng pautot para mag-angat ng kamalayan sa kanilang grupo. 

Raising awareness - isang bagay na pwede mong gawin sa social media nang wala kang tunay na ginagawa: walang binabayaran, walang ibinibigay na donasyon, walang tunay na tulong na ibinibigay sa anyo ng tunay na pagsipot sa mga pagtitipon, tunay na aktibidades o pagkilos na gagasta ng iyong oras at lakas. Parang pagpindot laang ng like sa Jesus Daily, akala mo e nakatulong ka na kahit na hinde. Ang tanging nagagawa nito e makaramdam sa sarili mong ambait mo rin pala.

Ginagawa rin nila sa mga bar ito, iba nga laang ang tawag.

Sa pagkakaintindi ko sa mga nakikita kong ice bucket challenge na nabasa ko sa mga links na nakapost e mamimili ka sa pagitan ng pagbibigay ng donasyon sa organisasyon ng ALS o gawin ang ice bucket challenge na ibig sabihin e bubuhusan ka ng malamig na tubig sa ulo. Tapos, magnonomina ka raw ng taong gusto mong gumawa ng ice bucket challenge. Parang chain prank, ala-The Ring.

Celebs 

Heto ang ilan sa mga nakita ko. George W. Bush. Hindi ko alam kung sino pang mga high profile celeb ang sumunod. Tapos, nakita kong ang dalawa sa pinakamapapel sa Pinoy showbiz at pulitika ang sumunod: Kris 'Buhay Pa' Aquino at Mar 'Odd Jobs' Roxas. 

Merong isang party game kung saan isusubsob mo ang muka mo at sisirin mo sa isang palanggana ng gawgaw o arina ang premyong kendi at kukunin ito nang gamit ang iyong bibig at nang hindi kinakamay. Palitan nyo ng etsas ang gawgaw/ arina at ganitong klase ng dedikasyon ang handang ipakita ng dalawang ito para laang mapaekstra ang kanilang larawan at mabanggit ang kanilang pangalan sa dyaryo o social media. 

Papayag rin kayang maglinis ng kubeta ko ito para sa publicity?
Siguro dahil dito sa mga celebs na nagpapasikat nang ganito, merong mga grupong nagsasabing, pwede bang magbigay na laang ng donasyon kesa magbuhos ng ice yelo sa ulo? O kaya e bukod sa pagbubuhos sa ulo e magdonasyon rin? Tama rin. Mas kahanga-hanga ang mga taong nagdodonasyon nang hindi pinagsisigawan sa mundo. Pero, paano na ang gimik ng "rasing awareness" sa ALS kung walang pautot na ganito? Me makakaalala ba o makakapansin sa ALS kung hindi pinauso ang ice bucket challenge?


Simple laang naman ang hamong ito. Magbubuhos ka laang naman ng tubig na me yelo sa iyong ulo. Kahit sino e pwedeng gawin ito sa isang ordinaryong araw. Kahit 'yung mga batang nasa FB e ginagawa ito bilang katuwaan, parang truth or dare o trick or treat. Mga matatandang pulitiko laang naman ang tumatanggi rito dahil sa rayuma siguro, gaya ni Jejomar Binay laang naman ang tumanggi

Kung meron man tayong matututunan sa ice bucket challenge na ito, iyon e pwedeng nakawin ang kanilang ideya para sumikat rin o maging viral. Gamit ang kanilang donate-or-dare template, pwede rin tayong mag-angat ng kamalayan para sa ating mga pinaniniwalaang layunin. Heto ang ilang ideyang magagamit ng mga grupong merong ipinaglalaban at gustong maging viral rin. 


1. The Axl Shorts Challenge

Kung ginawa mo na ito nung 90s, para ka laang nagti-TBT nito sa hamong ito.

Isa sa mga ambag ni Axl Rose sa Pinoy pop culture e ang pagpapauso ng cycling shorts bilang damit na panlabas. Kahit na hindi magbibiskileta, maraming nagsusuot nito noon. Di gaya ng bell bottom o malalapad na kwelyo, walang gustong makaalala sa madilim na panahong ito kung saan sumikat ang ganitong pananamit. 

Nakakahiya man, pwedeng buhayin itong muli for a cause: testicular cancer awareness. Ang hamon e magsuot ka ng cycling shorts na bakat ang iyong yagbols para ipalaganap ang kamalayan tungkol sa testicular cancer. Ibuyangyang nang walang patumangga ang santol na namumukol at ipost sa FB o Twitter. Optional ang mag-ahit ng hita't binti, pero kung gusto mong mas patok ka e gawin mo.

Kung bubae naman ang gustong makibahagi sa hamong ito, pipwede namang magsaksak na laang sila ng bilog na prutas sa bahaging iyon kung san dapat naroon ang camel toe.

Papatok kaya ito?

Kung meron man tayong natutunan sa Throwback Thursday, ito e ang ideyang kaya nating pagtawanan ang ating sariling porma noon basta't gagamitan natin ng hash tag.  

Tanong: Handa na ba kayong makitang naka-Axl Rose shorts si Mar Roxas?

2. The Wrecking Ball Challenge




Madali laang gawin ito dahil noong panahong nauso ang Wrecking Ball ni Miley Cyrus e marami nang nagparody nito. Ang pinagkaiba laang nito sa mga parody e hindi ito para sa makasariling dahilan. Ito e para palaganapin ang kamalayan sa isyu ng pagtatayo ng Torre de Manila sa likod ng monumento ni Rizal sa Luneta. 

Gaya ng sa Manila Bay sa Roxas Blvd. na nanganganib na masira dahil sa planong reclamation sa tanyag na lugar kung saan mamamalas natin ang paglubog ng araw, umaani rin ngayon ito ng batikos sa mga taong kumokontra sa pagpapatayo ng gusaling tinaguriang Terror de Manila na nasa likod ng Luneta. Aba'y tingnan nyo nga naman kasi. Mula sa isang magandang tanawin ng bughaw na langit at ulap, e magiging parang setting ng Total Recall ni Colon Farrell. 




Dahil huli na ang magprotesta para hwag bigyan ng permisong magpatayo ng gusali sa likod ng Luneta, tanging pagbubuwag na laang sa gusaling ito ang makapagliligtas sa tanawing kinalulugdan ng mga nagdedeyt, nagpipiknik sa Luneta at ilang mga Pinoy na mahilig sa kasaysayan at kultura. At ano pa nga ba ang pinakalohikal na paraan para iprotesta ito, kundi ang isa-biswal ang wrecking ball na kinakailangan sa pagbubuwag nito? 


Papatok kaya ito? 

Ang kelangan laang e lakas ng loob na maghubad at umupo sa isang mala-wrecking ball na prop. Sa dinami-dami ng mga nagseselfie at nagpapakita ng cleavage sa selfie, maraming mga taong vain ang magkakaroon ng dahilan para idispley ang kanilang katawan, lalo na ang mga mahilig mag-gym na nag-aantay laang ng tamang dahilan at pagkakataon para magbilad ng wangkata. Hindi naman araw-araw nakakapagswimming kasi. Magandang palusot ito.

Kung iniisip nyong kokonti laang naman ang ganoong kaseksi para magpose nang gayun, isipin nyo knug gaanong karami sa mga kaibigan nyo ang mahilig magpost ng selfie na akala e kaaya-aya sila kahit hindi. Sa FB ng misis ko na laang e andami na e. Maning-mani laang ke Kris itong hamong ito.

3. The Poop & Mens Challenge

Pinangunahan na ng isang feministang bubaeng taga-Ehiptong nagngangalang Aliaa Magda Elmahdy ang pagpapakita sa kanyang blog ng kanyang protesta laban sa mga pinapamalas na kasamaan ng mga ISIS na ito. Dahil kapag nagkakapugutan ng ulo, ang isang pinakamainam na magagawa ng isang hindi armadong tao e ang mang-insulto sa internet. 

Hindi sya nanghihimok na gayahin sya ng balana, pero pwedeng gayahin na laang ang kanyang protesta. Umani na rin ito ng atensyon, ang kelangan na laang e merong maglakas ng loob para gumaya nito para bumulusok itong parang bola ng nyebeng gumugulong sa burol - oo, inaamin kong dahil sinusulat ko ito sa huling araw ng Buwan ng Wika, e ayaw ko pang sabihing snowball effect.  

Simple laang ang hamon: Reglahan o taihan nyo laang ang bandila ng ISIS. Ang mga hindi makakagawa ng hamong ito e mapipilitang magbigay ng donasyon para magamit sa paglaban sa mga ito.


Optional ang pagsecensor sa maselang bahagi. 

Papatok kaya ito?

Malamang e hindi, pero interesanteng malaan kung sino sa mga bubaeng celeb o mga kaibigan nyo ang mapapayag sa hamong ito. Bukod kaya ke Kris Aquino, sino kaya ang makikiuso at papatol dito? Malamang manghihingi ng gamit nang pasador si Mar Roxas sa kanyang misis na napabalita noong nanggugulpi ng katulong para laang makiepal dito. 

Ang maganda nito e mahirap gawin ang hamon kaya't malamang e umapaw ang pondo sa mga makakalap na donasyon. 

4. The Pusit Challenge 

Kelangan ng komedyanteng Tiya Pusit ng P1M para sa isang double by-pass surgery. Sa katunayan, wala akong maisip na pautot para makalikha ng ingay at makakalap ng kinakailangan niyang isang milyon piso. Hindi ko imumungkahi ang kwentong barberong inilahad sa akin ng katarbaho ko noon tungkol sa mga nangungulilang mangingisdang ang pinagtutuunan ng init ng katawan e ang mga pusit na kanilang nahuhuli sa laot. 


Sana e hindi ito ang  pangunahing sangkap ng tanghalian nyo ngayon. 
Mukang walang papatol run, kahit na ang attention whore na si Mar Roxas. Pero kahit papano, mabuti na ring nalaan nyo sa Jerboy Must Die! na nangangailangan ng tulong na pinansyal ang komedyanteng minsa'y nagpatawa sa inyo noon (o nanay nyo noon, kung bata pa kayo). 

5. The Leslie Nielsen Squeeze Challenge 

Ginawa na ito ng mga Hapones para sa isang Stop Aids campaign na kung tawagin e Boob Aid. Merong ilang Japanese porn stars ang nagpapisil ng kanilang dibdib sa mga nagbabayad na fans para makalikom ng pondo para sa AIDS. 

Sa kasalukuyan e pagsusuot ng pink ang nakagawiang pauso ng mga breast cancer foundations. Hindi ba't mas bagay ito sa breast awareness kesa sa AIDS na hindi naman lumalaganap sa pagdampi sa boobs? Sa hamong ito, hindi mga porn stars ang kasali, kundi mga karaniwang bubae. Magpapapisil sa mga kaibigan nilang lalaki ang mga bubae. At para hindi masagwa, gagayahin nila ang eksena sa Naked Gun.  


  
Papatok kaya ito?

Kung ibabase natin sa cleavage factor gaya ng tinalakay sa Wrecking ball Challenge, malamang e maraming mahuhumaling rito. Idagdag pa riyan ang hatak ng isang pelikulang Leslie Nielsen, sigurado akong hindi nila ikadidiri ito. 

Meron rin ba kayong hamong gustong ipauso?   


17 comments:

  1. Nakakatawa pero may sense at derecho sa punto. Ayos!

    ReplyDelete
  2. Hmmm... Sa palagay ko papatol ang attention whore sa pusit challenge! Hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kungsabagay, kung merong nakatutok na media, baka patulan ni Mar Roxas.

      Delete
  3. Really interesting to read kasi yung other subjects ay for real, at hindi plastik. May ibang points naman dito na one-sided effect, at yan ay opinion mo lamang. The overall impact of this article ay maganda...ika nga...may make-up challenge sa mga bloggers.

    ReplyDelete
  4. I support the ALS challenge simply because its for a good cause. People should know more about it and care about the story behind it.

    ReplyDelete
  5. I support the ice bucket challenge, but in terms of raising awareness, mukhang di na-achieve ang objective kasi may mga negative comments pa rin ang mga tao about it. Still, I support it and it's for a good cause.

    Tawang tawa ako sa ibang challenges dito, ang galing! :))

    ReplyDelete
  6. Natawa ako sa mga nabasa ko pero ang tama nga naman ang punto mo sir. Madame nanamang nauuso sa panahon ngayon kahet sa mga awareness campaign may kanya kanyang pakulo. I support the ALS challenge kahit yung iba ginawa lang ito para makiuso. People should know every meaning or goal of the raising awareness.

    ReplyDelete
  7. How about the MRT Challenge for public officials, pero during rush hours ha? Hay naku they should experience it.

    ReplyDelete
  8. For me, there's really nothing wrong with raising awareness about a good cause. Sana lang, talagang people join the campaign for that reason at hindi para sumali lang sa kung anong uso, diba?

    ReplyDelete
  9. Awareness like the ALS Ice bucket challenge made a lot of prominent people took the challenge. I really hope that those will be really put into a good result.

    ReplyDelete
  10. Ang problema kasi, pag nasosobrahan sa kasikatan ang isang bagay gaya ng ALS Ice Bucket Challenge, maraming nakikiuso kahit wala sa kanilang kaalaman ang tunay na hangarin ng naturang hamon. Wala sanang masama kung ALAM LANG NILA ang mga yan (gaya ng mga naunang nagkumento rito).

    Sige, challenge ba ang usapan? Patulan nila yung kay Tiya Pusit, yan ay kung talagang concern silas a minsang nagpatawa sa kanila sa pamamagitan ng panunood ng kanyang palabas gaya ng Beh Bote Nga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa fimography ni Tiya Pusit.

      Delete
  11. Nandiri ako sa poop & mens challenge! HAHAHA!

    ReplyDelete