Kape? San ang phone ko't mainstagram na kagad 'to habang mainit! |
Kung hindi ka si Jerry Seinfeld o bisita sa show nya, wala akong pakelam sa ‘yo at sa pagkakape mo. Walang ibang grupo ng tao na mahilig magpopost ng kanilang inumin o pagkain, kundi ‘yung mga mahilig magkape. Hindi ko sinasabing lahat ng mahilig magkape e ganito, pero kalimitan sa mga ganitong post nang post ng pagkain o inumin e ‘yung mahilig magkape.
Ano ba ang meron sa ‘mahilig kuno sa kape’ at sa kape nila’t ‘di sila mapigilang magpost ng mga pictures nila at ng kape nila na parang isang cool na bagay ang magkape? Hindi kasama rito ‘yung nag-get together kayo ng mga kaibigang matagal na hindi nyo nakikita at nag-coffee shop kayo. Kumbaga, hindi ang kape ang punto ng post ninyo, kundi ang sandali ng pagsasama ninyo na nataon lamang na meron kayong kape. Hindi ‘yun ang tinutukoy ko kundi, ‘yung mga taong akala nila e naglelevel up ang cool points nila sa tuwing makikita sila sa isang larawang me kape.
Ano ba ang meron sa ‘mahilig kuno sa kape’ at sa kape nila’t ‘di sila mapigilang magpost ng mga pictures nila at ng kape nila na parang isang cool na bagay ang magkape? Hindi kasama rito ‘yung nag-get together kayo ng mga kaibigang matagal na hindi nyo nakikita at nag-coffee shop kayo. Kumbaga, hindi ang kape ang punto ng post ninyo, kundi ang sandali ng pagsasama ninyo na nataon lamang na meron kayong kape. Hindi ‘yun ang tinutukoy ko kundi, ‘yung mga taong akala nila e naglelevel up ang cool points nila sa tuwing makikita sila sa isang larawang me kape.
At hindi laang ito sa Facebook
actually, kungdi pati sa araw-araw na pag-uusap. Ito ‘yung mga tipo ng mga
taong nakakahanap ng pagkakataong maisingit sa pag-uusap ang pagkahilig nila sa
kape, kung paanong hindi sila umiinom ng instant at tanging de-tatak ng coffee
shop laang ang iniinom nila, na nagbubunyi pag nalamang mahilig rin kayo sa
kape, na tipong gusto nyong maglaman ng tyan e sa coffee shop magyayaya, na
kesyo grumpy raw sila sa umaga ‘pag hindi pa nakakainom ng kape kaya’t hwag
munang kakausapin, atbp. Para bang sila e mga misyonero ng pagpapalaganap ng
kape bilang isang bagong reliyon.
Listen, I get it. Umiinom rin ako
ng kape. Sa coffee shop man na me pangalan o wala, sa loob ng bahay o sa labas,
brewed man o instant, mainit man o malamig, binili o libre, galing sa lamay ng
patay o sa pagsasalu-salo ng mga buhay. Masarap ang kape. Sa katunayan nga,
sinasabayan ko ang kanta ng Radioactive Sago Project na “Kape” at nagkakape habang
tumitipa ng mga talata tungkol sa kape. Alam nating lahat na masarap ang putang
‘nang kape. Kung pupwede nga laang makipagsex sa kape. Sino ba ang hinde gusto ng kape?
Mahilig ako sa burgers, pero
hindi n’yo ko makikitang nagpopost sa tuwi-tuwina ng mga iba’t ibang hamburgers
na kinakain ko. Alam nyo ba kung ano pa hilig ko
bukod sa kape? Sex. Pero hindi nyo ko makikitang nagpopost ng mga picture ko
habang nakikipagsex ako.
Pero ano ba ang punto ng mga post
nang post ng pagkakape nila? Kung wala kayong idaragdag na opinyon o mensahe
kundi ang muka nyo sa tabi ng tasa ng kape, di ko makita ang punto. Alam nyo,
marami rin akong larawan ng kape. Heto, isaksak nyo sa baga n’yo.
Alam nyo kung ano ang ginagawa
nung ibang nagpopost ng larawan ng pagkain? Ginagawa nila iyong parang review.
Nagsusulat sila ng essay kung gaanong kaganda o kapanget ng karanasan nila
sa pagkain nila sa isang restawran o kahit pagkaing-kalye, lalo
na kung ang pagkain e hindi kasing-karaniwan ng menudo. Sa kanilang posts, makakabuo ka ng ideya kung dapat mong pagkagastahan ang pagpunta sa mga ganitong lugar.
Napapalayo na ko sa kape,
malamang dahil sa caffeine sa utak ko kaya’t halina’t bumalik sa punto ko.
Tatlo ang nakikita kong dahilan
ng pagsasalpak ng mga ‘to ng larawan ng kape: (1) na gusto nilang ipakitang kaya
nilang gumasta para sa ganoong klase ng kape, (2) na kaya nilang pumili ng masasarap
na kape mula sa isang listahang sigurado ka namang masarap halos lahat at (3) ang
unang sinabi kong akala nila e tumataas ang ‘cool points’ nila sa tuwing
makikitaan silang me kapeng bitbit sa kanilang mga kamay.
At ito ang sagot ko sa bawat isang
‘to:
- Anumang kape ‘yan, anuman ang halaga nyan, meron ring kayang tumapat sa halaga nyan at bilhin ‘yan. Starbucks, J.CO, 99ers, etc. Hindi kayo laang ang natatanging kayang bumili nyan. Lumingon kayo sa kaliwa’t kanan nyo’t alam nyong sinasabi ko. Kaya’t kung akala nyo e kayo laang ang ‘nakaka-afford’ at nakakaingget ang pagkakape nyo, mag-isip-isip kayo nang konti.
- Ang akto ng pagipili ng kape mula sa isang menu e hindi nagpapakitang eksperto kayo sa kape. Ang kelangan nyo laang naman e kakayahang umamoy, magbasa, tumingin sa larawan, makaalala mula karanasan kung alin ang masarap na kape at pumili ng order ng kape mula sa isang listahan. Subukan nyong magbasa ng kasaysayan ng kape sa iba’t ibang rehiyon ng mundo, magtanim, mag-ani, gumawa ng sarili nyong kape at umimbento ng sariling timpla ng kape. Sa oras na magawa nyo ‘to kikilalanin ko kayong mahuhusay sa kape at hindi ako magrereklamo sa tuwing magkakape kayo sa Facebook.
- Hindi kayo nagmumukang matalino dahil laang sa umiinom kayo ng kape. Ano man ang impresyon ng mga tao mula sa pinaggagawa mo nung nag-aaral kayo, sa panahong nakakusap nila kayo, sa klase ng pagtatarbaho nyo, sa personal hygiene nyo, sa mga sineng pinipilahan nyo, sa mga binibitawan nyong comments sa Facebook, sa Crocs nyo, hindi ito mababago ng kahit ilang tasa ng kape.
Uy, kuhanan mo ko ng picture kasama ang iphone at Starbucks cup ko. |
Note: Save me your tears. Kung
alam nyong mga isa-dalawang beses nyo laang ginawa ‘tong magpost ng kape, hwag
na kayong magreact. Alam na ng mga pretentious sonsofbitches kung sino sila.
No comments:
Post a Comment