Sa panahon ngayon, nilulunod na
sa kumunoy ng kabirhinan ang mga lalaking hindi man laang nasasayaran ng
gunting o pang-ahit ang jolbu. Malamang nag-aahit kayo o naggugupit; hindi na masama 'yun. Pero, hindi kumpleto ang tarbaho mo kung hanggang front lawn lang ng tore mo ng ginu-groom mo, pero napabayaan mo naman ang mga rambutan sa tabi nito.
Malamang iniisip mong hindi naman nakikita 'yun ng gf o misis mo. Pero sa aktong meron syang ginagawa run, ang pinakahuling bagay na dapat mong inaalala e kung sumasagi sa isip ng gf o asawa mo kung uso na ang rambutan at dapat na ba siyang bumili na sa palengke.
Sa pogi tip na ibibigay ko sa iyo e pihadong makadaragdag sa pogi points mo. Tuturuan ko kayo kung pano mag-ahit ng jolbu sa rambutan nyo.
Malamang iniisip mong hindi naman nakikita 'yun ng gf o misis mo. Pero sa aktong meron syang ginagawa run, ang pinakahuling bagay na dapat mong inaalala e kung sumasagi sa isip ng gf o asawa mo kung uso na ang rambutan at dapat na ba siyang bumili na sa palengke.
Sa pogi tip na ibibigay ko sa iyo e pihadong makadaragdag sa pogi points mo. Tuturuan ko kayo kung pano mag-ahit ng jolbu sa rambutan nyo.
Kung eksperto ka na’t hindi mo na
kelangan ‘tong tip na ito, aba e sori, hindi lahat ng mambabasa ng blog na ito
e nang-oorgy linggu-linggong kagaya mo. Sa mga mga hindi makapaglakas ng loob
na mag-ahit ng parteng iyon, isinulat ko ito para iyo.
Ang short cut sa bagay na
iyan e gupitin ng gunting. Pero, ang mahirap diyan e ‘yung pagtantya ng
distansya ng gunting sa balat. Tapos, mahirap pa ang anggulo mo kaya’t mahirap
sipatin ang pinupuntirya mo; kaya’t kahit na magupit mo ang bawat hibla, me
natitira pa rin diyang ilang millimeters ng buhok, ‘di gaya ng kumpletong linis
ng pag-aahit.
Pag natutunan mo ‘tong pag-aahit, maiisip mong mas madaling paraan itong maituturing. Ang mga kailangan mo e ang mga sumusunod:
- malamig na tubig galing sa shower o balde ng tubig
- Schick Lady’s No-nip Razor at shaving foam
- OST ng The Last Samurai ni Hans Zimmer
Dahil
unang pagkakataon mong gagawin ito, kailangan mo ng OST ng The Last
Samurai. Pag nagiging bihasa ka na, pwede mo nang hindi ito gamitin. Dalhin
mo sa banyo ang mp3 player mo at i-on ang music mo. Imagine-in mo ang eksenang nasa larawan sa itaas at isipin ang sinabi ni Nobutada, isang samurai, ke Algren:
“Too many mind. No mind!” na ibig sabihin e tanggalin mo ang lahat ng
distractions sa paligid mo, lalung-lalo na ang takot mo, ang takot mong
ma-mutilate mo ang sarili mo. I-set mo ang utak mo sa ideyang alam mo ang
ginagawa mo’t hindi ka masusugatan sa gagawin mo.
![]() |
Alam nyo na ang ideya |
Kapag nakuha mo na ang sapat na
lakas ng loob, magshower ka ng malamig o magbuhos ng tubig na merong yelo. Ang
punto ko, dapat e malamig ang tubig mo. Malalaman mong tama na ang temperatura
ng tubig mo pag umurong na ang yagbols mo’t nawala na ang kulubot. Kung gusto
mong makasiguro - sino ba’ng hinde? –idikit mo sa yagbols mo ang yelo ng ilang
minuto. Pag okey na, pumunta sa susunod na hakbang. (Sa puntong ito malamang e
masisira ang epekto ng OST ng The Last Samurai kaya’t ilagay mo sa level 11
ang volume ng mp3 player mo.)
Maglagay ng shaving cream sa
lugar ng misyon. Walang sikreto sa bagay na ito’t para ka laang nag-aahit ng
balbas. Ang mahalaga e binili mo ang sinasabi kong pang-ahit, ng Schick no-nip
razor. Ito e pambabaeng razor. Ginagamit nila ito para sa mga braso’t binti
nila, baka sa kili-kili rin. Hindi ako
binayaran ng Schick, pero ito ang alam kong razor na nakagagawa ng trabahong
ito. Kung ibang tatak e ayos laang. Ang mahalaga e iyong ngipin ng razor e
merong bakod na patayo o pa-vertical. Ito ‘yung pang-iwas hiwa. Ito yung no-nip
technology ng razor na ito.
Tapos, mag-ahit ka na habang
hindi mo iniisip na hindi sa ‘yong yagbols ang inaahit mo. Teka, panget
pakinggan ‘yun. Ibig kong sabihin e para ka laang nag-aahit, pero sa imbes na
yagbols, ibang bahagi ng katawan mo ang inaahit mo. Kunwari e tenga. Kung me
problema ka sa paniniwala sa ideyang ito dahil para sa iyo e magkaiba ‘yung dalawang
‘yun ng hugis, isipin mo na laang na magkaiba rin ang palad mo at ang bubaeng
pinapantasya mo sa tuwing napapatagal ka sa banyo.
Pag pumalpak ka sa bagay na ito, kelangan mo munang
magtraining. Bakit hindi ito muna ang isinulat ko bago kita ipadala sa misyong
iyon? Kasi hindi ko na pinagdaanan ito’t umaasa akong kaya mong dumiretso na rin sa landas na ito. Ganto gawin mo: Bumili ka ng isang buong manok sa palengke,
hindi ‘yung buhay, kundi ‘yung pangturbo. Gamit ang no-nip razor, pagpraktisan
mo ang manok, sa bawat singit-singit nito at sa lahat ng surfaces hanggang
magkaron ka ng kumpyansang kaya mo nang gawin ang pogi tip na ito. At sundan mo
ang unang step na itinuro ko kanina. Sa pangyayaring tinamaan ka ng kaba,
imagine-in mong manok ang inaahitan mo’t hindi yagbols mo.
![]() |
Mas magandang magkaibang pang-ahit ang gagamitin mo sa tunay at sa ensayo |
Har har nice tips. Pero wala yata sa kultura ng mga kelot ang mag-ahit ng rambotan. Ang mahilig mag-ahit ay ang kababaihan, bow.
ReplyDeletePero, panahon na. Lalo na nung napapadalas akong makakita ng jobu sa urinal sa banyo sa opisina. Kelangang ikalat ang style na ito. Hehe.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteTama panahon na nga siguro hehe
ReplyDeleteJolbu pala yung ibig kong sabihin sa isang comment. Actually, maganda ang ahit, kung hindi man sa rambutan. Pag doon, perpekto ang mga tatlong araw na tubo. Meron nang kulay at hindi grade 1.
Delete