Marami-rami ring nagpahayag ng opinyon nila sa isyu nina Denver at Nelson. Ang pinakanamamayaning ay ang ideya ng walang pakialaman sa gusto o trip ng isang tao. Kung gusto nilang magpost ng mga maliliit na bagay na ganun e walang pakialam ang magbabasa nito.
Sa isyung ito, itinatanghal na panalo si Denver ng tatlong hurado sa skor na 3-0.
Ipinaliwanag ni Fredda (hindi judge) sa comment nya na lumabas talaga ang nahihimlay nating narcissism dahil sa Facebook. Maraming tao ang nag-iisip na mahalaga sa iba ang bawat bagay na nangyayari sa kanila o kaya ginagawa nila 'to para ireassure ang kanilang mga sariling hindi ganung kaboring ang buhay nila.
Nirepresenta naman ni A Les (hindi judge) na meron talaga't maraming nakakabuset na comments na ganito. Ika nga nya, "Who the hell cares kung san ka kumain, anong kinain mo, nasan ka ngayon?" At gaya ng karamihan ng nagbigay ng opinyon, sinabi nyang meron namang hide button. At dagdag pa ng iba, pwede ring mag-unsubscribe at mag-unfriend. Pwede rin namang hindi hwag na lang pansinin.
Sinabi rin Htenaj na para sa kanya ang pagpopost ng maliliit na bagay na gaya nito e paraan para malaman asawa niyang nasa malayong lugar kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pag inisip mo, yun naman talaga rin ang silbi ng Facebook, para kumunekta sa mga kaibigan mong nasa malayo.
Nung ang feature na ito e ginawa, isinaalang-alang nila ang ideyang gusto ng mga taong malaman ang status ng isang Facebook user. Mula sa wikipedia:
Originally, the purpose of the (status update) feature was to allow users to inform their friends of their current "status", including feelings, whereabouts, or actions, where Facebook prompted the status update with "Username is"... and users filled in the rest.
Na eventually e mababago sa 'What are you doing right now?' at sa 'What's on your mind?' sa kasalukuyan.
Sa bagay na 'to, ating pakaisipin ang ilang bagay na 'to:
- Maari kang magpost ng kahit napaka-trivial ng mga bagay. Kahit nga yung uminom ka laang ng tubig, pwede. At ito talaga ang intensyon nung ginawa ang feature na ito.
- Sa kabilang banda naman e pag-isipan mo ring me mga taong naiinis sa mga ganyang klase ng posts. Ika nga, "Who the hell cares?" Gaanong kaimportante ba sa 'yo ng pag-inom mo ng tubig para ipangalandakan mo sa lahat ito?
- At kung ikaw naman e punum-puno na sa ganito meron ka namang pwedeng gawin: hide, unsubscribe, unfriend o hwag mo na lang pansinin.
- Maganda ring gamitin ang Fredda Rule bago ka magclick ng share sa post mo: If it's not something I would relate to a real-life (not FB) friend if we talk on the phone, then no I will not post about it.
No comments:
Post a Comment