Friday, October 12, 2012

Obscure Bible Verses #9: Gen. 19 Lot Offers His Virgin Daughters to Rapists and Proceeds to Lay With Them in One Wild Night of Wine


Malamang e alam na ninyo ang istorya ng Sodom at Gomorrah, ang mga bayang nilipol ng Dios dahil sa kanilang kasamaan. Hanggang sa ngayon e ito pa rin ang tawag sa mga makakasalanang lugar. Sa salitang Sodom nagmula ang salitang sodomy o pang-ooros o pamumwet.
Ang pamangkin ni Abraham na si Lot e taga-Sodom. Nung parurusahan na ng Dios ang bayang yaon e nagpadala sya ng  dalawang lalaking mga anghel para balaan si Lot at ang kanyang pamilya. At maaaring natatandaan ninyo ang kwento ng asawa ni Lot na naging asin dahil sa pagsuway sa utos ng Dios na huwag lilingon sa bayan habang pinupuksa nya ang mga ‘to. 
Aba’y ilang beses ka ba nga namang makakakita ng bayang nililipol sa gayong paraan?
Ang hindi ikinukwento ng mga pastor at pari ninyo sa misa e ang bahagi ng istorya kung saan inialok ni Lot ang dalawa nyang birheng dalaga sa mga balak mangreyp sa dalwang anghel. Tama ang binasa nyo. Kumakatok sa pinto ni Lot ang mga hayok na reypist para kanain ang dalwang anghel. Sa halip na ibigay sa kanila ‘to e inialok nya ang kanyang mga birheng dalaga sa mga manyakis.
Tangkakupal na Lot ‘yun. Kesa mapahiya at masabihang ang mga bumibisita sa kanya e narereyp, inialok nya ang mga birhen nyang dalaga. At hindi run natapos ang kasaysayan nila. Mas malupet malasing si Lot kesa ke Noah. Nung ligtas na’t naninirahan na sa isang kweba si Lot at ang dalwa niyang birheng dalaga, nilasing sya ng mga ito. At nagpakana sa kanilang ama. Isa, pagkatapos nung isa. Yung mas matanda muna. Tapos sa sumunod na gabi e ‘yung pangalawa. Mababasa ang kwento sa link sa itaas, pero kung tinatamad kayong magbukas, hetong ilang sa mga berso sa Genesis 19:30-36.
30 Lot and his two daughters left Zoar and settled in the mountains, for he was afraid to stay in Zoar. He and his two daughters lived in a cave. 31 One day the older daughter said to the younger, “Our father is old, and there is no man around here to give us children—as is the custom all over the earth. 32 Let’s get our father to drink wine and then sleep with him and preserve our family linethrough our father.”
Yung 33--36 ang berso kung saan sila magkakanaang mag-aama. 
At itinuturing pa itong isang taong matuwid. Yup, sa OT, kinamumuhian nila ang mga bading. Pero ang ialok ang sariling anak na bubae sa mga reypist at kanain sila sa kalasingan (nang hindi RAW nalalaan) e ayos laang. Kungsabagay, pamangkin ‘to ni nung lalaking papatayin ang sariling anak dahil merong boses syang narinig saulo nya na nagsasabing gawin nya ‘yun.

Sa susunod na malasing kayo, pwedeng nyong gawing halimbawa sina Noah at Lot. At least kayo e sumuka laang sa sahig. 



No comments:

Post a Comment