Ang halu-halong nagsilbing mitsa para sa isang sagutang umaatikabo sa Facebook. Natanggap ko ang photo na ito sa aking wall dahil tagged ako. Nakita ni Mija Mac Hine at nag-comment sya ng 'mga hipokrito!' na sya namang ikinagalit ni Ianne Ladera Honrada at tinambakan ng sagot. Ang isyu e: May karapatan bang mag-comment ang friends of friend (na hindi mo friend) mo sa isang tagged photo?
Ayon ke Ianne, walang karapatan si Mija dahil hindi sya friend.
At ayon naman ke Mija e hindi dapat magreact si Ianne kung hindi sya apektado s comment. At isa pa raw e 'yung halu-halo ang tinutukoy nya.
Ito ang mga pahayag ng judges:
Judge #1: Pagkaiinit
ng mga ulo nila. Panget ang binitiwang salita ni Mija Mac Hine at talagang
nakakapikon ‘yun. Bagama’t, malupet magsalita ‘yung babae, sa kanya ako kampi.
Judge #2: Parehong kabulastugan ang ginawa
nila, pero pagdating sa isyu ng kung me karapatan bang mag-comment si Mija Mac
Hine sa isang tagged photo ng kaibigan nya, masasabi kong pwede niya ‘yung
gawin na walang nilalabag na batas (na sa tingin ko e sosyal). Ang lagay e ‘pag
maganda ang comment o kaya ni-like e pwede, pero ‘pag pintas e hinde? Kung nag-like e 'di ba welcome laang ang comment ng friends of friend?
Judge #3: Nakakaaliw ang gaguhan nilang
dalawa. Magmula nung ako e umedad (sabi ng Ref e naging pamilyado) ako e
nawalan na ko ng opinyon o pakelam. Pero, nakakaaliw kaya’t wala akong boto.
Wala na kong mahatak pang judge
who would give a toss sa isyung ‘to. Masama man sa kalooban kong ang unang isyu
ng The Facebook Ref e tabla, ‘yun ang hatol. Tabla. Walang napatunayan kung
sino ang mas tama at mas mali.
At dahil tabla ang boto 1-1-0, nakaka-disappoint man e wala akong maihahatol na panalo. Disappointing kasi 'yun na nga ang layunin nito, ang i-settle ang isang diskusyon at merong hiranginng panalo. Kaso, wala akong mahatak na judges sa unang episode.
Ito ang aking opinyon: Pag pinuntahan
ka mismo sa wall mo at dun ka pinepeste, talagang foul ‘yun, kahit sino e sasang-ayon dito. Ibang usapan naman ‘pag lumabas ka na ng pader mo. Sa oras na ang isang tao e lumabas ng wall nila
at nagbigay sila ng comment o nag-tag ng photo sa kanilang mga friends, dapat e
alam nilang lumalabas na sila sa kanilang privacy at safety at bago na rin ang rules.
Ang isa sa mga risks na dapat na
tinatandaan ng lahat sa tuwing magtatag o magko-comment ay hindi mo kilala ang
friends of friends mo (pwera na laang ‘yung mutual friends). Hindi mo alam kung
anong klaseng tao ang nakalista sa friends of friends mo. Kung ako e
magpapahayag ng opinyon sa isang post ng kaibigan ko, hindi ko mapipigil silang
kumontra sa ‘kin kung iba ang opinyon nila. Kung nataong meron akong comment
tungkol sa kung gaanong kabullshit ng pananawa nila sa isang isyu gaya ng RH Bill at nataong santambak
pala ang mga kaibigang madre ng kaibigan ko at merong mag-comment kontra sa
‘kin e wala akong magagawa.
Gayun din sa isang photo. Pag
nag-tag ka, at me nagtanong ng, “Sino ‘yung mukang longganisa ang ilong sa
picture?” at nataong ikaw ‘yun, e wala kang magagawa. Bagama’t iyo ang larawan,
ikaw ang kumuha ng litrato, iyo ang kamerang ginamit, iyo ang file, binubuksan mo na ang pinto sa mga
friends of friends mo at sa publiko (kung hindi mo babaguhin ang default
setting) sa oras na i-upload mo ‘yun at ilabas sa wall mo. Sa ganitong larangan e parang hindi na rin ‘to sa ‘yo at pag-aari na
rin ng mga taong ti-nag mo. Bukas na ngayon ‘to sa papuri o kritisismo ng iba.
Maaring magustuhan mo, maaaring hindi.
Sa kabilang banda naman, kahit na
merong lisensya ang isang taong magpahayag ng opinyon sa mga tagged photos (at by extension e comments),
kailangan e iparating natin ang ating mensahe sa isang paraang mas maiiintidihan
tayo at hanggang maari e hindi nakakapikon. Hindi tayo maaaring magbitaw ng mga katagang ‘mga hipokrito!’ at hindi
umasa ng reaksyon. At gaya ng pinosteng pahayag, aasahan nating magiging
kasing-igting nito kung hindi man mas maanghang ang katapat nito. At isang cop out para sa akin rin ang sabihing ang mga halu-halo ang tinutukoy na hipokrito, bagama't nakakatawang 'pag inisip mo e wala namang tao sa picture nga.
Pareho kayong me katwiran at
pareho ninyong pinaniniwalaang tama kayo. Malungkot man e sasabihin kong walang
matinong husga ang tatlong hurado na magsasabi ng kung sino ang tumpak. Ang sa
akin laang e palampasin na natin ito at sana e meron tayong sapat na nakalagak
sa banko ng pagkakaibigan para malimutan ‘to. Nawa’y isang sinok laang ito sa
isang mahabang pagkakaibigang hitik sa pinagsamahan.
Shit, give me The Nobel Peace Prize!
No comments:
Post a Comment