Gaya ng santambak ng bininyagan sa reliyong katoliko, malamang e
bihira laang kayong magbuklat ng bibliya dahil nakakapagbasa naman kayo ng
bible verses na nakapost sa mga walls ng Facebook friends nyo o kaya e nagsisimba
naman kayo. Aba e ‘di nyo yata alam na keganda ng bibliya! Hitik ito sa mga
busilak na bagay na hindi nyo pa nababasa’t hindi ninyo maririnig sa mga pari
o madre. Hayaan nyong ako ang magbigay-liwanag sa karimlan ng buhay nyo sa
pagbabahagi ng mga itinatago’t pilit kinakalimutang salita ng dyos, mga obscure
bible verses, na kahit siguro si Eli Soriano e tatangging ipaliwanag sa inyo.
Halimbawa, alam nyo ba’ng
pagdating sa dalawang nag-aaway na mga lalaki e merong isang bagay na
kinasusuklaman ang dyos? Hindi steel chair o thumb in the eye. Ang isang ayaw
na ayaw ng dyos e ang mga bubaeng nakikialam sa mga away-lalaki. At kapag ginawa ng bubae ito sa ganitong
paraan, gusto nyang ipaputol ang kamay ng bubae. At walang patawad, walang
kaliwang pisnging iaalok. Kinasosora ng dyos ang mga bubaeng mandadakot ng uten
ng kaaway ng asawa nya. Subukan nyong gawin ‘to’t papasok kayo sa langit na walang kamay.
Isa pang pinag-iisipan ko sa bagay na ‘to e bakit
merong ganitong paalaala ang dyos sa kanyang nasasakupang Israel. Wrestling o MMA fan rin kaya ang dyos at ayaw nyang merong interruption ang matches? Gusto nya ng clean finish?
Katatapang siguro ng mga bubaeng Hudyo noon para gawan pa sila ng ganitong klase ng batas. At talagang pitpitan ng bayag at hilahan ng uten siguro ang labanan noon.
![]() |
No comments:
Post a Comment