Thursday, January 29, 2015

MJ Lastimosa Umutot! atbp headlines ngayong linggo

Hindi pa ba sapat sa inyo ang mga balita tungkol sa ating bet na si MJ Lastimosa? Naka-ilang araw na rin, naka-move on na ang ibang beki at nagbalik na ang kanilang mood sa pagpaparlor at nakabalik na sa pagpopost ng kanilang relationship quotes sa Facebook ang ibang Pinay, pero marami pa ring balita o bersyon ng iisang balita tungkol rito: gown, national costume, sinong dapat sisihin sa pagkatalo, atbp. Halimbawa ng mga headlines na ito: 

Paiba-ibang balita tungkol sa iisang punto: patalo raw ang kanyang damit.

Para sa mga fans, ang dapat sisihin e ang mga sinuot na damit ng ating liyad na liyad na bet. Bukod sa nakakabilaok na sapin-saping national costume e inililikha ngayon ng mga dismayadong fans ng conspiracy theory ang shuttlecock na gown. Gawa raw kasi ito ng isang Colombiano. Aba't tingnan mo nga naman! Inilaglag tayo ng isang Colombian designer para manalo ang Miss Colombia! Bukod run e sinuplayan rin daw ng mga Colombian drug lords ang mga hurado ng cocaine! Iyon e matapos makipagjuts ng mga ito ke Miss Jamaica. 

Na maganda naman talaga ang cookie-cutter na nanalo e hindi mahalaga. Nanalo ang Colombiana dahil pinapanget ng Colombianong designer ni MJ ang mga suot niya para manalo ang kababayan nya. 

Nalimutan isuot ni MJ ang pulang bilugang headdress para kumpletuhin
ang kanyang shutllecock gown.
Yup, sa mga damit nakatutok ang mga mata ng hurado, hindi sa mga muka dahil fashion show ito, hindi beauty pageant. Be ewan kung ilang porsyento ang damit at audience impact sa criteria, pero sa pagkakaintindi ko e pagandahan pa rin ang labanan. At gaya ng una kong nang sinabi, dapat e hindi na pinagtutuunan ng pansin ang national costume at gown dahil ang swimsuit ang tunay na batayan dapat ng Miss Universe - at iyon e kung susundin ang mga mungkahi ko

Sayang nga nama't hindi nakapasok ang ating bet. Tirik pa naman ang utong niya para sumagot ng mga Q&A portion sa taong ito, lalo na iyong sa tanong galing sa Facebook tungkol sa kung ano pinakamalaking kontribusyon ng iyong bansa sa mundo. Sinagot ito nang simple at klarung-klaro ni Miss Jamaica. 


Jamaica's biggest contribution: Bob Fucking Marley, reggae
at ang pagpapalaganap ng libangang hindi na niya binanggit.

Noong sinagot itong tanong na ito ni Miss Jamaica, meron laang syang 30-second shot clock, samantalang merong buong kaginahawahang maglubid ng bullshit ni MJ sa labas ng pageant, nang walang time pressure, live audience at santambak na bansang nakatutok sa kani-kanilang TV at computer. Ang kanyang sagot: spirit of volunteerism.


Q&A portion - ang portion kung saan hinihimok nating mambullshit at hangaan ang pinakamalaking sinungaling sa mundo.

Hindi nga, meron kang isang buong araw at kalahati para lumikha ng bullshit e spirit of volunteerism ang sagot mo? Kelan pa naging Philippines = spirit of volunteerism? Naaalala nyo ba yung pinaatras natin ang ating mga medical forces sa Iraq dahil merong isang OFWng nakidnap ng mga terorista noon? Merong isang OFW noong pumasok nang iligal sa Saudi - merong pagbabawal sa ating pasaporte para tumuntong sa Iraq noon - at buong-kasakimang nagpadakip sa mga terorista noon. Bumigay tayo sa kagustuhan ng mga terorista at pinaatras natin ang ating mga volunteers kapalit ang isang buhay ng isang lalaking hindi naman dapat naroroon mula sa simula. 

Kampai para sa spirit of volunteerism! -Angelo dela Cruz

Nagpuputok nang butse ko, pero 'di nyo na naaalala ang Angelo dela Cruz na ito? Dahil ba hindi nyo na kasi nakikita ang pagmumuka nito sa TV at hindi na ibinabalita ng paborito nyong channel? 


Taglish pa.

Yup, spirit of volunteerism. Gagamitin sana ni MJ ang nangyari sa Bagyolanda para makaani ng simpatiya sa mundong nalimutan na ang pull out sa Iraq. Gagamitin sana ni Lastimosa ang malungkot na pangyayaring itong kumitil ng maraming buhay ng mga Pinoy para makapagsuot ng korona at umani ng pansariling tagumpay. Ilabas nyo na ang hashtag PinoyPride nyo, mga hijo't hija. 


Speaking of Bagyolanda: Pinakita sa video clip ng pagbisita ng Miss Universe noong isang taon ang kanyang pagbisita sa mga biktima Bagyolanda. Doon e nakita ang itsura ng karaniwang Pinoy at Pinay kaya't huwag na kayong umasang mag-aakala ang ng buong mundo na tayo e isang lupon ng mga gwapo't magaganda. Kung ang dahilan kung bakit kayo kumakampi ke MJ Lastimosa e dahil magkabansa kayo at mapapagkamalan na rin kayong gwapo't maganda sa pamamagitan (sana ng panalo) ni MJ, kalimutan nyo na.  


9 comments:

  1. This was very entertaining! Pero medyo nagflashback nanaman yung bitterness ko sa Miss U! :))

    ReplyDelete
  2. Whenever our bet lose a pageant or a competition we always do some hardcore scrutiny and lambasting of the contestant. Very sad indeed.

    ReplyDelete
  3. It's one opinion against the other, and this is not just for Miss Universe but for issue that puts the Philippines in a bad light or negative situation.

    ReplyDelete
  4. Kahit sa anong contest naman or laban, pag nanalo ang Pinoy, walang problema. Pero pg natalo, ssabihin na luto o kya maninisi ng iba.

    ReplyDelete
  5. Dalawa lang ang resulta ng mga contests *as per Pinoys, isang nanalo at isang dinaya :) Still proud of MJ though, she's still the winner for me.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala palang pinagkaiba sa eleksyon. Hehe.

      Delete
  6. Conspiracy Theory. Ito rin naiisip ko ang naiisip ko habang binabalik-tanaw ko ang nakaraang Miss U. At para sa kin, hindi tao si Stella, kundi isang colonial na talangka. Colonial dahil sa isang Colombian pa niya ito pinagawa at sa paraehong pagkakataon ay tinira niya ang tila pagka-palpak ng mga Pinoy pagdating sa pagpili sa kanyang National Costume.

    ReplyDelete