Wednesday, August 14, 2013

The Gospel According to the Infidel Jerome #5: Mga ginintuang aral mula sa mga pastor at pari


No. Your pastors and priests can spin doctor shit into gold, not God. Ang mga pastor at pari ninyo ang magaling umisip ng mga konsolasyong masasabi sa panahon ng problema at sakuna. Sila ang me maiisip na magandang masabi sa mga nasasalanta ng bagyo, atake ng terorista, pamamaril sa sinehan at kung anu-ano pang hindi kaaya-aya. Mga pambatong linya:
  • God is testing your faith.
  • God is making you stronger by making you go through this moment of hardship.
  • God has better plans for you.
  • God is teaching you a lesson on humility.
  • God wants you to be closer to Him.   
Subukan ninyong sabihin iyan sa mga naanakan ng sarili nilang ama. Kung sabagay, ayos naman sa bibliya nung sinipingan ng Righteous na si Lot ang mga anak niya sa kanyang pagkalasing sa kweba.

Pagdating sa saloobin at mensahe ng Dios, ang takbuhan nyo e ang mga pastor at pari. Mga pastor at paring pagkahuhusay mag-imbento ng sasabihin sa sermon at aral.
 
On a smaller scale, hayaan ninyong bigyan ko kayo ng anekdota. Iintroduce ko sa inyo ang aking kaibigang guro na isang Irish Pastor na kilala ng iba sa aking Facebook bilang ang kalaro ko sa basketball na nagpauso ng isang uri ng foul na kung tawagin e un-Christianlike foul. Tawagin na laang natin syang Roy.

Noong isang  field trip, pumunta kami at ang aming mga estudyante sa isang farm na nagbebenta ng kuneho. Ang raket e pwedeng hulihin ng mga bata ang mga kunehong nasa isang saradong lugar na kasing-laki ng isang classroom sa public school. Ang mahuhuling kuneho ng mga bata e pwede nilang bilhin at iuwi.  

Sa karamihan ng nahuli, nabili't inuwing mga kuneho, ilan ang  nagpakita ng panghihina sa loob ng bus at merong isang kuneho ang namatay bago pa sumapit ng eskwelahan. Natural na ikinalungkot at ikinahambal ng isang batang edad na walo ang pagkakita sa pagkamatay ng kuneho niya. Sa awa ng misis ko e ibingay niya ang kunehong sana e ipapasalubong namin sa aming anak. Maluwag naman rin sa kalooban ko iyon kahit na nanghihinayang akong ang anak ko ang mawawalan sa pagkakataong yaon. 

Fast forward ng ilang minuto, merong isang batang ibinigay sa amin ang kuneho niya dahil hindi sya pinayagan ng mga magulang niyang magkupkop ng mabalahibong alaga sa bahay.

“See how God works?” sabi sa 'min ni Roy. “You gave up one and now you are given one in return. God blessed you with another because of your kindness.” 

Makalipas ang dalawang araw, patay ang kuneho. Nasan roon ang “See how God works?” Ano ang naging silbi ng pangyayaring yaon? 
Siguro, kung hindi parang namimili ng manokl sa palengke ang pisil ng anak ko e baka buhay pa ang kuneho naming is Meep Meep.
At ano ang paliwanag ni Roy sa pangyayaring iyon na kung saan kami e biniyayaan ng kuneho bilang kapalit ng ipinakita naming kabutihan? Dahil hindi naman trahedya ang lahat at isang hindi mahalagang maliit na hayop laang namang ang pinag-uusapan, wala siyang nabanggit na bersong makapagbigay ng konsolasyon sa aking anak. Ang tanging nasabi niya laang e, "The thing is... They're selling them too young. The chances of them surviving is very slim. That's why I told my daughter to pick a big one and not the tiny cute ones."

Kumambyo ang pastor sa agham. Agham ang dahilan kung bakit namatay ang kuneho. Agham rin ang basehan niya sa pagpili ng kuneho. Asan na ang kahit anong piliin ng anak niya at bahala na si God sa pagpapalaki nito? Aba'y akala ko ba e biyaya ng Dios 'yung kunehong iyon? Bakit hindi nabuhay iyon hanggang sa panahong magkainteres sa ibang paglilibangan ang anak ko, gaya ng porno? Dalawang araw? Salamat po, Dios. Sana dinala ko na laang sa zoo anak ko para walang naging attachment.

At dahil hindi ako pastor, ginamit ko ang pagkakataong ito para magkasilbi, sa isang makatotohanang aral. Nilagyan ko ng silbi ang pagkamatay ng kuneho. Ginamit ko ito para magkaroon ng konsepto ng kamatayan ang aking anak.

“Namatay na si Meep Meep. Nabagsak mo kasi nang ilang ulit. Talagang ganun, anak.  Ang katawan e merong hangganan, nasasaktan, nagkakasakit at namamatay. Namamatay ang lahat,” paliwanag ko habang inillibing ko ang namatay naming kuneho. Saka ko na laang rin ipapaliwanag sa kanyang ganyan rin ang kahihinatnan namin pagdating na panahon - sa ilalim ng lupa, hindi sa DDA, ang probation room o mga ulap. Wakas.



At isa pang note sa pagsusulat: Dapat e hindi iyon VICTIM into a VICTORY, 'Victim into a victor’ para parehong patungkol sa tao.  


No comments:

Post a Comment