Wednesday, August 7, 2013

Himutok ng isang mister na napahugas ng pinggan

Fuck you, dishwashing liquid ads!

Sa susunod na makakita ako ng taong  masayang naghuhugas ng plato sa isang patalastas, tutuntunin ko kung nasan sya at uurakan ng isang kutsilyong merong bula. Hindi ko malaan kung saan hinuhugot ng mga taong ito ang kanilang enthusiasm sa paghuhugas ng pinggan. Akala mong nakapagkawang-gawa sila sa pagtatapos nilang maghugas ng pinggan.

Hindi naman sa madalas akong makapanood ng komersyal ng dishwashing liquid dahil hindi ako nanonood ng mga soap opera. O kaya ng mga palabas sa tv na merong komersyal. Kung meron mang komersyal ang pinapanood kong palabas sa TV, iyon e condom o kaya e pampakintab ng katana.



Bakasyon ang maid namin ngayon. Dalawang linggo rin ito dahil ang panahong ito ng Ramadan e parang kanilang Pasko at umuuwi sila sa kani-kanlang probinsya. Kelan laang e ako ang naghugas ng pinggang kinainan namin. At kung tinatanong nyo ako kung bakit ako ang naghugas ng plato at hindi ang misis ko, hindi kita tatawaging sexist dahil kahit bibliya mismo e pinagsasalok ng tubig sa balon ang mga bubae. Si Hesus nga mismo kung utusan ang nanay niya roon sa kasal Cana e inam. 


*Actually, di nya pala inutusan ang nanay nya, pero pabalang ang sagot niya nung sinabi nitong ubos na ang wine. Pwede rin akong sumagot sa misis ko nang pabalang kung gayun ang punto ng bersong ito.

Naghugas ako ng pinggan dahil merong sinunod na resiping Bumbay na tinapay ang misis ko sa YouTube at nagluto. At masarap.


Hindi racist ang joke kung kakain ka ng pagkain nila. At oo, giniling na Pinoy laang yung nasa ibabaw ng roti prata.
Kung ako ang tatanungin nyo, mas gugustuhin kong ako na laang ang magluto kesa maghugas ng kinainan. Mas merong saya at pakiramdam ng tagumpay ang makapagluto kesa maghugas ng plato. Kaya’t santambak ang cooking shows, samantalang ni isa e wala pa akong narinig na dishwashing show.

Is Sam using a Korean pot washing technique? It looks like...
At bakit hindi na laang ako ang nagluto sa imbes na maghugas ng plato kesa nagmumutarga nang ganito? Kung tutuusin pipwede kong pag-aralan ito, lalo na’t meron akong mga kaibigang marunong at magaling magluto. Nung sumubok akong magluto noong binata pa ako, napansin kong ke tagal na gawain pala nito, pero ang pagkain at pag-ubos nito e sandali laang. Mas gusto kong mas matagal ang appreciation kesa actual preparation. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nag-aral magluto nang seryosohan. At tutal, meron na akong asawa, sino pa ang kelangan kong mapabilib for sex?  

Naaalala ko iyong panahong sinasabi sa akin ng aking nanay na dapat e matuto ako ng mga gawain sa bahay dahil darating ang araw na kelangan kong tumuntong sa sarili kong mga paa at kelangan ko rin itong gawin. Mommy, kung pinalaki mo akong merong maid, sa tingin ko e alam mo nang natutunan ko na ang kasagutan sa kung sino ang maghuhugas ng kakainan ko. Lalo na’t pinag-aral mo ako at pinagtapos ng kolehiyo at binigyan ng pagkakataong makakuha ng trabahong makapagbibigay sa akin ng sapat na salaping kumuha rin ng maid, gaya ng ginawa nyo noong ako e bata pa. 

At heto nga, meron kaming maid. Yun nga laang e off sya ng dalawang linggo. Meron kaming nakuhang sub, kaso hindi pa pwede nung gabing ako e naghugas ng pinggan. At dahil dito, naharap ako sa sitwasyon: Ano ang gagawin sa mga paglutuan at kakainan ngayong gabi? 

Ang mga lalaki e mga logical na tao. Ang tingin namin sa mga sitwasyon e mga problemang kelangang solusyunan. Maraming paraan para solusyunan ito nang hindi nababasa at nabubulaan ang aming kamay. Kung sinasabi mo e mag-asawa, dyan ka nagkakamali. Natatakasan mo ang nanay mo, pero ang misis e hinde.

Sex? Pag-iisipan ko muna. Depende sa hugas mo.
Sa tingin mo ba e maghuhugas ako ng pinggan kung binata pa ako? Mga misis laang naman ang ayaw sa ideyang kumain ng pizza mula sa kahon, bumili ng paper plates, bumili ng siopao sa naglalako sa kalsada, bumili ng liver spread at ipalaman sa tinapay o kaya e makiisa sa mga Muslim sa kanilang pagfafasting sa loob ng dalawang linggo.

At marami silang paraan para mapaghugas ka ng pinggan. Pipili pa sila ng pinakamagandang oras para maghuhugas, gaya ng isang UFC main event at sisirain ang mood mo sa panonood dahil magmumuka kang tamad at walang pakelam kung 'nahihirapan' asawa mo. Bagama't totoong tamad at wala kang pakelam kung 'nahihirapan' asawa mo, ayaw mong maipamuka nila ito sa iyo.

Sa panahong sinusulat ko ito e dumating na ang aming sub na maid na malapit lang sa main ang bahay, pero mag-o-off rin kinabukasan dahil 'Pasko' na nila. Tingnan ko kung mapipilit ko misis ko ang misis kong magfasting.




11 comments:

  1. Nakakatuwa naman ang iyong pagsasalaysay ng iyong hinaing dahil sa paghuhugas ng oinnga :-).. Naalala ko tuloy ang isang kapatid ko na lalaki na masarao magluto. Pag sya ang nagluto ay asahan na maramign hugasin sa kusina sapagkat hindi nya gusto and maghugas ng pinngan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At least marunong syang magluto at meron syang tiket para hindi makapaghugas ng pinggan. Hehe.

      Delete
  2. Paghuhugas lang ng pinggan (sabagay ako di marunong magluto kaya nagiging default taga-hugas ako)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mukang sa hierarchy ng household chores rumaranggo ng mas ang paghuhugas sa pagluluto.

      Delete
  3. Gumamit muna kayo ng paper plates at plastic utensils. Hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Precisely, 'di ba? But no, gotta be a princess and dine with silverware and porcelain.

      Delete
  4. Plastic labo na lang ang gagamitin para dispose na lang hehehe washing dishes is my favorite household chores but limited to plates and utensils. Ayaw ko ng pots and pans,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang fiesta! Hehe. A.. the dreaded pots and pans! Makakita laang ako ng ketchup sa plato, kumukulot na ang balahibo ko, 'yun pa kayang pwet ng kawali?

      Delete
  5. HAHAHA! Sobrang nakakatawa, ako din, ayoko din ng naghuhugas ng pinagkainan, kaya naiintindihan kita. :) Gab - www.taragumala.blogspot.com

    ReplyDelete
  6. Great post. naalala ko tuloy kapatid kong lalake...ayaw nyang maghugas ng pinggan, ako na lang kasi palagi. kapagod naman din kung ako na lang palagi araw araw.

    ReplyDelete
  7. HAHAHAHA. Lots of humor and intelligence on kicking out your point. hahaha Cool article, i must say :)

    ReplyDelete