Kung ang pagdarasal para sa 'kin e isang bagay na maihahambing ko sa wishing well, ang ideya naman ng iba sa reliyon e maihahambing ko sa isang malaking negosyo ng pamahiin. Pamahiin, gaya ng mamalasin ka 'pag nakasalubong ka ng itim na pusa, mamalasin ka 'pag nabasag ang salamin mo, mabubulag ka 'pag natulog ka nang basa ang buhok, atbp. Teka, hindi yata pamahiin 'yung 'pag natulog ka nang basa ang buhok. Old wives' tale pala 'yun. Para hindi magkalituhan sa terminolohiya, paghaluin na laang natin ang pamahiin at old wives' tale, tutal pareho laang namang walang pinagbasehang ebidensya ang mga iyon.
Gusto nyo ng ilang halimbawa?
Nung natalo si Pacquiao ke Marquez, ang isa sa mga sinisi ng nanay niya e ang hindi nya pagsusuot ng rosaryo at pakikisalamuha sa mga pastor. Hindi ang kanyang kakulangan at kalamangan ng kalaban niya sa fokus, pagpupursigi at husay ang dahilan, kundi ang pagtalikod nya dati niyang nakagawiang pagsusuot ng isang kwintas ng mga Katoliko.
Pag merong mga sakuna, sinasamantala ng mga pinuno ng reliyon ang pagkakataon para sabihing dapat na tayong magbalik-loob sa Dios (na ang ibig sabihin laang naman e magsimba o sumamba at magdonasyon pa tayo nang konti). Nung pinag-uusapan ang RH Bill, pinadalhan raw tayo ng Dios ng bagyo bilang tanda ng kanyang hindi pagsang-ayon.
Aba'y ayaw mo palang magrosaryo ha? Hetong sa 'yo! |
Ang tinutukoy ko e 'yung mga spiritual blackmailers o scammers na nagsasabi sa iyong 'share or like this or something bad will happen'. Kumbaga e parang "The Ring" na imbes na si Sadako ang susulpot e aksidente. Kung hindi man blackmail, sinusuhulan ka ng papremyo, gaya ng great things will happen, gaya nitong nasa larawan sa ibaba.
Dahil alam ng Dios na mas naniniwala ka sa FaceBook kesa sa best-selling na librong sinulat niya. |
Ang mga anghel
Meron raw 20 anghel sa mundo natin. Kung paano nalaman ng sumulat nitong post e ewan. Kungsabagay, kahit si Santa Claus, hindi rin nadedetect ng radar kapag lumilipad sa himpapawid tuwing Pasko e kaya't malamang totoo nga ang mga anghel na ito. At alam niya rin kung ilan sa kanila ang natutulog sa mga sandaling iyon –sampu. So mukang shifting sila. Kalahati ang natutulog at kalahati ang gising nang tigdodoseng oras malamang. Hindi ba mabigat 'yun, 12-hour shifts? Bakit hindi 21 ang ipinadala para pwede silang 7 angels na merong tigagatlong shifts na tigwawalong oras?
Sa mga gising, 9 na anghel ang naglalaro at isa ang naapatrulya sa FaceBook para magbasa kung sinu-sino ang mga nagshe-share at nagla-like ng mga posts na merong kinalaman sa Dios. In short, merong tagalista ng mga sipsep, parang sa eskwelahan. Ibig sabihin nito e sa bawat pots na shine-share at nila-like mo, tinatandaan nitong mga anghel na ito para mabigyan ka ng pogi o ganda points. Ilang pogi-ganda points kaya ang kailangan para makarating sa Langit?
At bakit sa FaceBook sila pinagbabantay?Siguro dahil wala nang pinapagunaw na bayan sa kanila o pinapalayas sa Paraiso kaya't pinagbantay na laang sila noong nauso ang FaceBook.
Malamang e itong anghel na ito ang nagbabantay sa internet dahil siya e nakahubo. |
So tinitingnan ng espiya ng Dios, este ng 1/20 na sinugong anghel ang aktibidades mo sa FaceBook. Ang gusto kong malaman ngayon e kung sa FaceBook laang. Paano na sa Twitter, meron rin kaya? E kalahati pa naman ng sinusundan ko sa Twitter e mga porn stars. Pati kaya ang ibang sites, tinitingnan nya rin? May bawas points kaya kapag binabasa nyo itong blog ng erehe?
Sabi rito e "God is going fix 2 big things tonight". At bakit hindi 1 o 3? Hindi ba't dapat e isa laang, yung pinakaimportante para sa iyo. O kaya naman e tatlo, parang 3 wishes sa genie.
Sabi rito e "God is going fix 2 big things tonight". At bakit hindi 1 o 3? Hindi ba't dapat e isa laang, yung pinakaimportante para sa iyo. O kaya naman e tatlo, parang 3 wishes sa genie.
The speaker in the post
Ang hindi pinag-iisipan ng mga nagshe-share o nagla-like nito e kung sino ang nag-uutos nitong post. Suriin ang pagkakasulat: Sabi rito e ‘in your world...’ kaya’t hindi natin kauri –hindi tao ang nagpapahiwatig nito. Hindi rin naman angels dahil hindi niya pinapatungkulan ang sarili niya o kapwa niya anghel. Hindi rin naman Dios dahil nirerefer siya sa third person: God this and God that.
Hindi kaya si Satanas ang me pakana nito? At ang 666th liker o sharer e madidiretso sa kumukulong asupre? Aba'y kung gayon, burahin na't baka sa DDA (dagat-dagatang apoy) pa kayo mapunta.
No comments:
Post a Comment